ANG ALAMAT NG PREMATURE CAMPAIGNING

2 02 2013

ISANG ARAW SA ISANG napakalapit na siyudad, nagsama-sama ang labindalawang pulitiko upang bumuo ng isang koalisyong maglilingkod sa taumbayan.

Matapos aprubahan ang kanilang kandidatura, nagpasya ang koalisyon na simulan ang pagpaparamdam sa mga botante. Daig nga naman ng maagap ang masipag kaya’t isa-isa silang naglabas ng patalastas.

u
“Gusto ko may pagkain kayo sa mesa,” sabi ng isa.

“Nais kong makapag-aral ang inyong mga anak,” sabi ng pangalawa.

“Sasagipin ko ang mga bata sa lansangan.”

“Ipaglalaban ko ang karapatan ng mga kababaihan.”

“Aalagaan ko ang kalikasan.”

“Bibigyan ko kayo ng trabaho.”

“Ipagpapatayo ko kayo ng tulay.”

“Pagkakalooban ko kayo ng pabahay.”

“Pauunlarin ko ang ekonomiya.”

Et cetera.

eree
May pumuna.
May nag-alma.
May nag-akusa ng maagang pangangampanya – isang malinaw na paglabag sa itinatadhana ng batas.

“Pebrero a-dose pa ang simula ng official campaign period,” giit nila.

Ngunit hindi natinag ang koalisyon.

“Anong pangangampanya ang sinasabi n’yo?”

“Sinabi ba naming iboto n’yo kami? Hindi!”

“Sinabi ba naming suportahan n’yo kami? Hindi!”

Ang patalastas daw ay isa lamang pagpapakilala.
Ang pag-iikot sa mga lalawigan ay hindi campaign sortie kundi pagbisita.

“Wala kaming nilalabag na batas,” paglilinaw nila.

Umayon ang Comelec. “Tama nga naman sila.”

Ginagawa ng Pangulo.
Ginagawa ng taga-Senado.
Ginagawa ng taga-Kongreso.
Ginagawa ng lahat ng pulitiko.
Ginagawa ng nasa kanan.
Ginagawa ng nasa gitna.
Ginagawa ng nasa kaliwa.

“Kami ang nasa kapangyarihan.
Kami ang tama.”

At ‘yan ang alamat ng premature campaigning.

(Bumawi na lang kayo sa eleksyon.)
——————————————————-
“It shall be unlawful for any person, whether or not a voter or candidate, or for any party, or association of persons, to engage in an election campaign or partisan political activity except during the campaign period.”
~ Article X, Sec. 80: Omnibus Election Code

Note: Section 15 of RA 8436, as amended by Section 13 of RA 9369, provides that “[a]ny person who files his certificate of candidacy within [the period for filing] shall only be considered as a candidate at the start of the campaign period for which he filed his certificate of candidacy.

We know better.

vc2Immoral?
A Pasay City priest said this ad campaign of motel chain Victoria Court invites people to “commit something bad or immoral.” Bad or immoral?!?!? Speak for yourself Father!

Epalitician of the Day
Sabik sa atensyon, anumang okasyon!

Feb 2 - QC EpalPhoto: Courtesy of Epal Watch

Sound Bites
“Sa totoo lang, there was a time, sinasabi bakla raw ako. Hindi totoo ‘yun, of course.”
~Former Senate President Ernesto Maceda (via GMA News)

Elsewhere
-Philippine Daily Inquirer: Editorial: Dynastic Hubris
-Rappler.Com: Can Jack Enrile bury the past?

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 109,514 other followers

%d bloggers like this: