ANONYMOUS

18 05 2012

Half-Filipina Jessica Sanchez is through to the finalé of American Idol Season 11. Two weeks back, Manny Pacquiao declared that she would win the title “in Jesus’ name.” I hope Pacman was not misquoted. Good luck Jessica!

“Ako ay natutuwa at nagpupugay sa tagumpay ng kababayan nating si Jessica Sanchez. Ang kanyang talento ay tunay na ikinararangal nating lahat. Nawa’y makamit niya ang titulo sa susunod na linggo. Karangalan siya ng ating bansa. Mabuhay ka Jessica!”
~ (Insert politician’s name here)

ANONYMOUS, an impeachment trial regular granted this blog a quick interview via Facebook chat. But ‘Anonymous’ remains evasive despite his/her newfound fame. Here are excerpts from the exclusive conversation.

Kumusta ka na?

Heto, malihim pa rin.

Sino ka ba talaga?

Secreeeet.

Sige, kung ayaw mong ‘pakilala, ano na lang ang gender mo?

Depende. Minsan, nag-aanyong small lady ako. Minsan naman, presidente ng bangko. Depende talaga sa sitwasyon eh. At depende sa kukuha ng serbisyo ko.

Saan ka ba nakatira?

Depende rin. Pero lately, napapadalas ako sa mga gate.

Gate nino?

Depende pa rin. Pwedeng gate ng kongresista o kaya gate ng civil society leader. Walang permanente eh.

Last Wednesday, galit na galit sa ‘yo si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Nabulyawan tuloy si Harvey Keh. Anong reaksyon mo?

Naloka nga ako kay senadora. Talak nang talak. For a brief moment, akala ko a-appear si Mon Tulfo to take photos. ‘Buti na lang, wala siya sa Senado. Otherwise, baka may naganap na namang bugbugan. Kaloka.

“Naloka” ka? A-ha! Babae ka ‘no?

Secreeet!

Ipapadampot ka raw ni Senator Santiago sa PNP at AFP.

Ha-ha-ha Bakit? May ideya ba sila sa hitsura ko? Eh ‘yun ngang Palparan at Joel Reyes na nasa diyaryo halos araw-araw ang mukha, ‘di nila mahuli-huli, ako pa kaya? Isang malaking good luck!

Marami ka raw alam tungkol sa bank accounts ni Chief Justice Corona? Saan mo ba kinuha ‘yong mga impormasyon na ‘yon?

Depends. Iba’t iba ang source ko eh.

Are these verified sources?

Depends.

Anong depends? Either your sources are credible or not!

I will not rely on dubious sources! Your assertion is totally baseless.

You are now arguing with the blogger/interviewer!

I’m sorry. Mea culpa.

Apology accepted!

Noted.

Noted your face! Sumasagot-sagot ka pa! Gusto mo talaga ikaw ang may last word. Now, let me reform my question. Kilala mo ba si Congressman Umali, si Harvey Keh o si Bolet Banal?

No.

Kung ‘di ka nila kilala, bakit tumanggap sila ng envelope mula sa ‘yo?

I am not competent to answer that question.

Sinungaling!

Kung ‘di ka pala naniniwala sa akin, eh ‘di tapusin na natin ang interview na ‘to!

Again, you’re arguing with the interviewer/blogger!

I’m sorry. Mea culpa again.

Apology accepted again at ‘wag kang maka-noted-noted dahil hindi ka si Kiko Pangilinan!

‘K.

Any final message sa mga nagbabasa ng panayam na ito…

Mga kababayan, unawain po ninyo kung bakit hindi ako makalantad. Kailangan ko ng seguridad. Ayokong ma-Alfred Mendiola alias Bading. Sa tamang panahon, malalaman n’yo rin ang tunay kong katauhan.

Siguro bading ka rin ‘no?

Leviticus 18:22 “Thou shalt not lie with mankind, as with womankind: it is abomination.”

Homophobic! Humanda ka sa LGBT!

Oh, I’m sorry. Mea culpa.

Apology accepted.

Nota! I mean, noted!

-End of Interview-

From the Tabloids!

PNoy at Grace Lee, friends na lang
> Katulad ng inaasahan

PNoy kay CJ: Walang personalan
> Silang dalawa, ‘di ba pwedeng magkaibigan?

Pacman hinamon ng suntukan ng mga beki
> Ah ito talaga, ‘di pwedeng friends

Pagbatikos ni Manny sa mga bakla, oks sa CBCP
> The enemy of my enemy is my friend.

Pacquiao: Hindi ako galit sa mga bading
> CBCP nawalan ng kakampi

Mga bakla at tomboy sa gobyerno pinalalantad
> Ayaw nila; takot sila kay Pacquiao

Mga bakla at tomboy sa gobyerno pinalalantad
> DepEd secretary pumalag

$12M ni Corona ‘di kasinungalingan – Ombudsman
> Baka “gawa ng demonyo?”

Kulang sa sukat, puwedeng mag-pulis
> Sukat ng t’yan?

Dahil sa titig, sekyu patay
> If looks could kill, it will

Turistang Intsik sa PH, pinauuwi na ng China
> ‘Yong mga drug traffickers na Intsik, isama n’yo na!

Claudine, handang bigyan ng ‘psychological treatment’ ng Gabriela
> Psychologically ill s’ya?

Ex-PGMA magpapasuri sa puso
> Nagli-leak ulit? Ooops, puso pala. Akala ko s*so. Mea culpa

Batas vs premature campaigning ikakasa
>Bong, Chiz, Cynthia Villar at Joel Villanueva ng Tesda, naalarma

Good News: Ate Shawie, ‘di na napipikong tawaging balyena
> Bad News: Mga balyena, napikon nang tawaging Shawie!

Helen Gamboa, takot sampalin si Susan (Roces)
> Si Sharon na lang daw, pwede?

Bong, pinayuhan si Alma sa pagpasok sa Senado
> Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili

Lani Mercado, ‘di tatakbong senador
> Thank you!

Alma Moreno tatakbong senador
> No, thanks.

(Thanks to Remate, Abante Tonite, Abante, Hataw, Pilipino Star Ngayon, Pinoy Parazzi)
———————————————-
“The problem with losing your anonymity is that you can never go back.”
~ Marla Maples

Quotes Quiz: Who said…
“Final three na! Go Jessica Sanchez! Make our country proud! Meanwhile, if CJ Corona testifies truthfully, final episode na rin… :)”
A: Cong. Sonny Angara
B: Cong. Miro Quimbo
C: Cong. Erin Tañada
D: Atty. Edwin Lacierda

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Quotes Quiz Answer:
C: Cong. Erin Tañada via Twitter





TABLOIDAL!

11 02 2012


A RUNDOWN of the week’s tabloid headlines:

Tabloid Headline: ‘Small lady’ wala sa CCTV ng Senado
> Sa sobrang liit hindi nahagip

Tabloid Headline: Sino nga ba ang mas mataas: Impeachment Court o Supreme Court?
> Definitely hindi ‘yong ‘small lady’

Tabloid Headline: Fariñas nag-sorry kay Bong
> Alternative Headline: Rudy at Bong, best friends na ulit

Tabloid Headline: Impeachment complaint, masama ang pagkakagawa – Fariñas
> ‘Tapos masama pa ang performance ni Tupas! Wagas!

Tabloid Headline: Prosekusyon to Corona: Buksan ang dollar accounts
> Corona to prosecution: You first.

Tabloid Headline: Sabi ni PNoy: Congressman-prosecution kulang sa practice
> At sa evidence.

Tabloid Headline: Belmonte, hanga sa tatag ng prosecution
> Love your own.

Tabloid Headline: Customs clerk na naghari-harian sa kalsada, binira ni PNoy
> Nainggit sa Porsche?

Tabloid Headline: PNoy at Grace, 3 to 5 oras kung mag-usap sa phone
> Mabuti pa ‘yong phone, busy. Eh ‘yong Pangulo?

Tabloid Headline: Kritiko (sa Lower House) ‘kinikilig’ sa bagong love ni PNoy
> Baka naman umiihi lang

Tabloid Headline: Suporta ng INC kay Corona walang epekto sa Palasyo
> Next year pa ang eleksyon.

Tabloid Headline: Jinggoy “umepal” kay Kris
> Eh mas epal pala sa kanya, walang nangyari

Tabloid Headline: Grace Ibuna, nasa last will ni Rep. Iggy Arroyo
> Aleli Arroyo nasa ill will

Tabloid Headline: Sen. Kiko Pangilinan, hinaharang ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?!
> Noted.

Tabloid Headline: ‘Eat Bulaga’ pinataob ang ‘It’s Showtime’
> Motto ng Bulaga: ‘Eat Showtime!’

Tabloid Headline: ‘Female’ status sa lalaking nagpa-sex change, bawal – Senado
> Sige, she-male na lang

Tabloid Headline: Hayden Kho, nakipag-date sa ibang babae
> Sa sobrang galit, mukha ni Vicki Belo gumalaw

Tabloid Headline: PNoy kukuning lead dancer ng DOH
> Not a good idea.

Tabloid Headline: PDEA: Babaeng pusher tumataas
> Pampatangkad na ang drugs? Baka naman ‘dumarami!’

Tabloid Headline: Suspek sa laundry shop robbery, nasakote
> Matapos masakote, sinabon
——————————————————–
“Newspapers cannot be defined by the second word—paper. They’ve got to be defined by the first word—news.”
~ Arthur Sulzberg, Jr.

Quotes of the Day
“The old Manny Pacquiao is gone. The new Manny Pacquiao has come.”
~Cong. Manny Pacquiao on being a reformed “Catholic Christian”

“He’s one of the many aspects of my life that makes me happy now.”
~TV/Radio personality Grace Lee on President Aquino

Have a great weekend!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.





FROM THE TABLOIDS II

15 10 2011

Here are some of the week’s most compelling, moving, provocative, and life-changing tabloid headlines:

Headline: Ayaw makulong nagbigti
> Mas gusto ang death penalty

Headline: Speaker Belmonte: Congressman Jules Ledesma, nagbago na
> Babae na?!? Nooooo!

Headline: Binay bumaba ang satisfaction ratings
> Baka nagkulang sa text blast?

Headline: Llamas, babalatan ni Miriam sa AK-47
> Kailan pa naging prutas si Llamas? I wasn’t informed.

Headline: PNoy, labing-anim ang baril noong senador pa
> Ang pagkakaiba lang, hindi tanga ang bodyguards niya para bumangga sa isang dump truck

Headline: Congressman Roman Romulo ni Shalani, itinanggi ang bading issue
> Eh ‘di bongga!

Headline: Promotor sa paggawa ng pekeng pera sa Recto natimbog
> Pero promotor sa paggawa ng pekeng diploma tuloy ang ligaya

Headline: Osang bilib na bilib sa pagkalalaki ni Ted Failon
> Ang tanong: bilib na bilib kaya siya sa pagkababae mo?

Headline: Disisyete anyos na lalaki tinodas habang naglalaro ng video game
> Seguridad ni Pangulong Aquino, hinigpitan

Headline: Banawe Rice Terraces mabubura sa mapa
> Para namang wala pa akong nakitang mapa na kita ang Banawe Rice Terraces. So paanong mabubura ‘yon?

Headline: Mister na makulit sa kalabit, nakatikim ng tadyak-kabayo kay misis
> Moral of the story, aanhin pa ang damo, kung naninipa naman ang kabayo.

Headline: Kelot na lasing, hindi na nagising
> News item talaga ‘to? Wala nang maibalita?

Headline: Compound ng mayor grinanada
> ‘Granada’ vinerb

Headline: KC Naguguluhan na sa relasyon kay Piolo Pascual
> Kami rin.
—————————————————————————————
“The tabloids are like animals, with their own behavioural patterns. There’s no point in complaining about them, any more than complaining that lions might eat you.”
~David Mellor

Share this on Facebook or Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,041 other followers

%d bloggers like this: