ANG ALAMAT NG PREMATURE CAMPAIGNING

2 02 2013

ISANG ARAW SA ISANG napakalapit na siyudad, nagsama-sama ang labindalawang pulitiko upang bumuo ng isang koalisyong maglilingkod sa taumbayan.

Matapos aprubahan ang kanilang kandidatura, nagpasya ang koalisyon na simulan ang pagpaparamdam sa mga botante. Daig nga naman ng maagap ang masipag kaya’t isa-isa silang naglabas ng patalastas.

u
“Gusto ko may pagkain kayo sa mesa,” sabi ng isa.

“Nais kong makapag-aral ang inyong mga anak,” sabi ng pangalawa.

“Sasagipin ko ang mga bata sa lansangan.”

“Ipaglalaban ko ang karapatan ng mga kababaihan.”

“Aalagaan ko ang kalikasan.”

“Bibigyan ko kayo ng trabaho.”

“Ipagpapatayo ko kayo ng tulay.”

“Pagkakalooban ko kayo ng pabahay.”

“Pauunlarin ko ang ekonomiya.”

Et cetera.

eree
May pumuna.
May nag-alma.
May nag-akusa ng maagang pangangampanya – isang malinaw na paglabag sa itinatadhana ng batas.

“Pebrero a-dose pa ang simula ng official campaign period,” giit nila.

Ngunit hindi natinag ang koalisyon.

“Anong pangangampanya ang sinasabi n’yo?”

“Sinabi ba naming iboto n’yo kami? Hindi!”

“Sinabi ba naming suportahan n’yo kami? Hindi!”

Ang patalastas daw ay isa lamang pagpapakilala.
Ang pag-iikot sa mga lalawigan ay hindi campaign sortie kundi pagbisita.

“Wala kaming nilalabag na batas,” paglilinaw nila.

Umayon ang Comelec. “Tama nga naman sila.”

Ginagawa ng Pangulo.
Ginagawa ng taga-Senado.
Ginagawa ng taga-Kongreso.
Ginagawa ng lahat ng pulitiko.
Ginagawa ng nasa kanan.
Ginagawa ng nasa gitna.
Ginagawa ng nasa kaliwa.

“Kami ang nasa kapangyarihan.
Kami ang tama.”

At ‘yan ang alamat ng premature campaigning.

(Bumawi na lang kayo sa eleksyon.)
——————————————————-
“It shall be unlawful for any person, whether or not a voter or candidate, or for any party, or association of persons, to engage in an election campaign or partisan political activity except during the campaign period.”
~ Article X, Sec. 80: Omnibus Election Code

Note: Section 15 of RA 8436, as amended by Section 13 of RA 9369, provides that “[a]ny person who files his certificate of candidacy within [the period for filing] shall only be considered as a candidate at the start of the campaign period for which he filed his certificate of candidacy.

We know better.

vc2Immoral?
A Pasay City priest said this ad campaign of motel chain Victoria Court invites people to “commit something bad or immoral.” Bad or immoral?!?!? Speak for yourself Father!

Epalitician of the Day
Sabik sa atensyon, anumang okasyon!

Feb 2 - QC EpalPhoto: Courtesy of Epal Watch

Sound Bites
“Sa totoo lang, there was a time, sinasabi bakla raw ako. Hindi totoo ‘yun, of course.”
~Former Senate President Ernesto Maceda (via GMA News)

Elsewhere
-Philippine Daily Inquirer: Editorial: Dynastic Hubris
-Rappler.Com: Can Jack Enrile bury the past?

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.





THE EPAL QUIZ III

10 09 2012

IT’S FULFILLING to hear that politicians are responding ‘positively’ to the anti-epal campaign of groups like Epal Watch, Tao Po, and of course, the vigilant public.

Last week, President Aquino ordered the removal of streamers, banners, posters and billboards bearing his and his allies’ huge faces. Manila Mayor Alfredo Lim followed suit. TESDA Secretary-General Joel Villanueva has also appealed to his supporters to take down billboards with his image. Even Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian and Quezon City Mayor Herbert Bautista have acted on the complaints.


“Kung gusto, may paraan; kung ayaw, maraming dahilan.’ Indeed.

With that, I present to you the third installment of our series of ‘epal’ tests: Epal Quiz III. Good luck and have fun!


1: Nakakalimutan ang magandang intensyon kung may mukhang ginagamit na tila dekorasyon. Titigan ang billboard. Ano raw ang paalala?
A: Mag-ingat daw tayo sa dalawang lalaki sa larawan. Sila ang mga lider ng ‘Basag-Kotse’ Gang!
B: Para ‘di mo solo ang batikos ng publiko, mag-2-in-1 billboard na lang tayo!
C: Kahit gaano ka kabata ngayon, makakalbo ka rin pagdating ng panahon!


2: Ano ang masasabi mo sa mataas at makintab na pangalan ni Mayor sa sementadong ‘Welcome’ sign?
A: Bongga!
B: Waley!
C: Kaloka!


3: Ayon sa larawan, gaano raw kalaki ang itatayong gusali?
A: Kasinlaki ng larawan ng kongresista!
B: I’m not sure pero parang mas malaki at mas mahaba pa rin ang pangalan ni Congressman Boyet Gonzales
C: Gaano kalaki?? Ayun o, nasa tarp: 4-storey, 8-classroom, 1 reelectionist


4: Kung ikaw ang residente ng barangay na ito sa District I, Quezon City, ano ang magiging reaksyon mo kapag nabasa mo sa streamer: “Welcome to the Covered Court of Brgy. Masambong?”
A: “Anong palagay n’yo sa ‘kin, bulag? Sa tingin n’yo, ‘di ko alam na covered court ‘yan? Kailangan talagang sabihin?!?”
B: “Ok sana ang covered court. Pero mas ok kung covered ang faces nila.”
C: “So nag-donate kayong dalawa ng pondo para itayo ang covered court?? Kayo talaga ang gumastos at hindi ang taumbayan? Hiyang-hiya naman kami sa inyo.”


5: Ano kaya ang sinasabi ng butihing alkalde ng Caloocan City?
A: “Baka sabihin n’yo, namumulitika ako. Bakit? Nakakaboto ba ang aso?”
B: “Masyadong maliit ang pangalan ko, right? Hindi n’yo mabasa nang maayos, tama? Sige, gagawan natin ng paraan!”
C: (Note: A la-Nora Aunor) “Mga hayuuup! Pumayag akong magpa-picture dahil sabi n’yo for press release, hindi pang-epal quiz! Aw-aw-awww!”


6: Anong konklusyon ang mabubuo mo batay sa nakasulat sa tarpaulin na ‘to?
A: Hindi aasenso ang Distrito Uno kung supot ang mga lalaki rito.
B: Kung “Free Tule” ang kanyang mission, ano kaya ang kanyang vision? (Ang susunod na palabas ay Rated SPG)
C: Sa buhok pa lang at ngiti ni Konsehala, kahit tuli ka na, magpapatuli ka pa!


7: Wala na akong masabi sa councilor na ito ng QC. Kung makakasalubong mo siya, ano ang una mong itatanong?
A: “Ano ho ba ang kasalanan sa ‘yo ng gate? Bakit mo idinadamay?”
B: “Saan po kayo mas talented: sa pagiging epal o sa pagiging literal? Candy talaga ang logo?”
C: “Kung buhay pa ang taong nasa likod ng brilliant ideyang ito… bakit?”


8: Matapos pagmasdan ang malaking karatula, ano ang nais mong iparating sa gobernador ng Quezon?
A: “Sir, mawalang-galang na po. Alin ho ba ang ventilation system d’yan: ‘yong green o ‘yong gray?”
B: “Alam n’yo Gov, may something in common ang karatulang ito at ang project ninyo: mahangin.”
C: “Sige nga po, patunayan n’yo ngang umaandar ‘yan. Pumasok nga kayo sa loob…”


9: Mula sa Lungsod ng Pasay… What the hell is this?
A: Tayong Dalawa: Ang pelikulang nangahas sumabay sa showing ng ‘The Mistress’ nina John Lloyd at Bea!
B: ‘Buti na lang libre ang konsultasyon, at may libreng gamot na ipamimigay. Nasusuka kasi ako sa tarp n’yo eh!
C: Si lalaki: “Naglilingkod ng tapat” Si babae: “Nais maglingkod sa inyo… ” – Buhay na buhay pa, nagpaparamdam na!


10. Basahing mabuti ang bawat salitang nakasulat sa pader. Ano ang masasabi mo?
A: ‘Yan ba ang bagong definition ng beautification? Nakabalandra ang higanteng pangalan nina Governor at Mayor!?
B: Bago kayo umepal, alamin n’yo muna ang tamang spelling ng boulevard! Kung maka-boulibard naman kayo! Wrong spelling wrong!
C: Alin kaya ang mas mahaba, ‘yong boulibard o ‘yong pangalan ni Gov?

LET’S DO IT! Kung meron din kayong ‘candy o ‘boulibard’ epal photos, you may email me at epaliticians@yahoo.com. If someone else took the photos, please indicate the source. Thank you! (All together now… “Never knew that it would go so far / When you left me on that boulibard”

Quote of the Day
“I would rather be called epal than [be told that I’m] not doing my job.”
~TESDA Director General Joel Villanueva

Puno’s Out
Reports say embattled DILG Undersecretary Rico E. Puno is on the way out. That’s one small step for Mar, one giant leap for Balay.

Asked about the allegation that his good friend and shooting buddy Rico E. Puno could have been involved in an anomalous arms deal, President Aquino said, “There’s always the presumption of innocence until proven otherwise.” To which Renato Corona said, “Presumption of innocence your face!”

Premature
Sen. Miriam Defensor-Santiago is filing a bill against premature campaigning. And LP senatoriables were like, “O, bakit ang sama ng tingin n’yo sa amin?”

——————
“What kills the skunk is the publicity it gives itself.”
~Abraham Lincoln

Have a safe and productive week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

For the images used here, thank you so much:
Epal Watch, NoMoreEpal (FB), @bloggermom, @vtlazatin, @ninaterol, @marie_flor, @paulopadi, @Simply_Clinton, Boy Pinoy, Oliver Ocampo, Donna Azaña, and Arnel Aransanzo.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 117,080 other followers

%d bloggers like this: