EXCLUSIVE: KRISSY RETURNS!

10 11 2012

10:30 AM Friday
November 9, 2012
Somewhere in Tomas Morato Ave., Quezon City


OH, HELLO THERE! You look at me when I say hello there! There! Na-miss n’yo ‘ko ‘no? Aminin! Well, I’m baaaack. I’m here for an interview. I don’t know nga kung bakit wala pa si Heckler. Grabe, siya na ang nakiusap, siya pa ang late. Kaloka! Anyway, while waiting for him, let’s chat muna. This December, my film fest entry will… oh, he’s here. Gosh, you’re sooo late!

Sorry po, traffic.

It’s Friday! What do you expect? Hay naku! Darla, retouch muna nga. Be thankful kay Darla at sa KrisTV staff, naghintay sila. As in, they’re here for like 35 minutes na, promise.

Guys, thank you. Again, sorry Ms Kris. Shall we start?

So minamadali mo naman ako? Iba ka!

Nooo! No… take your time. Sorry po. How’s Bimby?

Close tayo? Helloooo.

Ok.

Aha-ha-ha. Namumula ka! I was just kidding. Baka itsismis mo inaapi kita. Gosh, I’m not like that. Alam ‘yan ng staff and crew ng show ko. ‘Di ba Darla?

(‘Di narinig ni Darla; No reaction)

Hoooooy sumagot ka! Aha-ha-ha! Support me naman! Anyway, let’s start na nga. Bilisan mo dahil may shooting pa ako. Go!

How’s your sex life?

NAKAKALOKA KA! ‘Yon talaga ang unang tanong? Helllooo. FYI, baka lang ‘di mo pa alam, baka lang naman, I am single right now! Sex is the least of my concerns. Unless…

Unless what…

Ayokong sabihin. Aha-ha-ha Magagalit na naman sina Ate Ballsy at Ate Pinky. My gad. I’m sure ‘pag nabasa nila ‘to tatawagan nila ako, “Kris, you and your big mouth again!” So quiet na lang ako. Basta, I am single and happy. Let’s leave it at that.

Nami-miss mo ba si James… ‘pag gabi?

From sex to James?!? Gano’n talaga ang segue? Hindi kita kinakaya. Aha-ha-ha We’re friends. Not friends na super friends but we’re ok. Pwede bang change topic na? Nag-move on na ako. Move on na rin kayo.

Two months mong co-host si Chiz sa KrisTV. Hindi ka ba niya niligawan?

Ano ka ba?!? May girlfriend na ‘yong tao! Nakakahiya kay Mrs. Ongpauco at sa chain of Barrio Fiesta restaurants!

Rephrase na lang, hindi ka ba nanghihinayang na napunta siya kay Heart?

Hellooooo! Look at me. LOOK AT ME! Ito ba? Ito ba ang mukhang nanghihinayang?

Bakit parang nandidiri ka?

Noooo! You’re making me pahamak! Gosh. Nakakahiya. If you’re reading this Chiz, that’s not what I meant. And thank you again for guesting. I learned a lot.

So hindi mo lang talaga siya type?

Let’s put it this way. Alvin Patrimono, Philip Salvador, Joey Marquez, James Yap. Venti! Venti! Venti! Venti! And then biglang Chiz… hmmm, tall. Masisira ang pattern aha-ha-ha.

Are you saying na maliit ang…

I’m saying na you shut up. You’re putting words into my mouth! Grabehhh!

Ok, sorry. Punta naman tayo sa brother mo. Wala ka bang balita sa lovelife niya?

Hay naku! Pagdating sa lovelife, ayoko nang makialam. Lovelife ko nga, ‘di ko maasikaso! I did my part na. Nag-recommend ako ng stylist para tulungan siyang imake over. May wardrobe consultant pa. Kung wala pa ring epek, ipagpapasa-Diyos ko na lang.

Hopeless case na ba?!

You’re so bad. Wala akong sinabing ‘hopeless.’ Noy, you know I love you. But you’re 52. Keri mo na ‘yan. Hanap lang nang hanap! Hellllo! Hugh Hefner got married again at 85.

Si Hugh Hefner talaga ang peg?

Gosh, stop using that term please! I hear that everyday sa studio. Irritating! Darla, sino ba ‘yong guest natin na nagsabing peg niya raw ako? Nakakairita! After talaga ng taping, sinabihan ko ang writers. Bawal gamitin ang “peg” kapag kaharap ako kung ayaw n’yong masira ang mood ko! Ayun, natahimik ang mga beki. Natakot ‘ata sa akin. Aha-ha-ha

Nasabit ang name mo sa away ng mga party-list groups. Kasi raw, ‘yong Akbayan na kinukuwestyon ang pagiging kinatawan ng marginalized sector, tumanggap pala ng 10 million pesos mula sa ‘yo noong 2010 elections. Anong masasabi mo?

You know what, that issue was blown out of proportion. Please lang, ‘wag n’yo kong idamay sa away-pulitika n’yo. Nananahimik ako. Kung may naiinggit sa Akbayan, hindi ko na fault ‘yon. Besides, that’s just 10 million pesos! What’s 10 million?! Helllllooo!


Speaking of Akbayan, may lumabas na item sa ABS-CBNNews.Com tungkol sa pagkaka-link ng brother mo kay Akbayan senatorial candidate Risa Hontiveros. May alam ka ba ‘don?

Heto na naman tayo. Hay naku. Risa is just Noy’s friend. Nang mabasa ko nga ang item, it felt weird. Parang, helllooo, they’re parang magkapatid lang. ‘Yong mga unverified reports, ‘di dapat nilalabas ‘yan eh. Alam mo naman ang News. Ayoko na lang magsalita. We’ve had an issue before at ayoko nang maungkat pa. Basta. Sana lang, kung news… news talaga. Ayoko na lang magsalita. Dapat kasi may malinaw at credible sources hindi ‘yong basta-basta naglalabas ng balita. Ayoko na lang magsalita. Kung hindi confirmed ang report, ‘wag munang iupload, ‘di ba? Ayoko na lang talagang magsalita. Ayusin naman sana ang trabaho kasi presidente ang involved rito. Basta! Ayoko na lang magsalita.

Puwede ako naman ang magsalita?

NAKAKALOKA! And’yan ka pa pala. Gosh, sorry! Akala ko umalis ka na. Feel na feel ko pa naman ang monologue ko! Ano ka ba naman Darla, hindi mo sinabi!

Moving on… last 2010 very vocal ang pamilya ni Ms Annabelle Rama na hindi nila iboboto si Noynoy. Remember Ruffa’s walkout sa “The Buzz?”

Ruffa who?!

Gano’n?

Of course I’m kidding! Hellloooo! Hi Ruffi! Miss you na! Wala ka raw trabaho d’yan sa kabila? Aha-ha-ha Ano nga ulit ang question?

Next year kasi tatakbo for a Congressional seat si Ms Annabelle Rama. Hypothetical lang, iboboto mo ba siya kung nakatira ka sa distrito niya?

I’m glad I’m not. Aha-ha-ha

So that’s a ‘no?’

Darla, what time ulit ang call time ko? We’re running late right? Ay, sorry Heckler, may tanong ka pa?

Mainit na isyu ngayon ang political dynasty. Ipinagbabawal daw ito ng Constitution pero bakit tuloy pa rin ang pagtakbo ng magkakapamilya. What’s your take on political dynasties?

Alam mo, I will be biased kasi our family has been ruling Tarlac for like seven or eight decades or maybe, longer. Pero one thing I can assure you, my mom was not corrupt, my brother is not corrupt, and my cousin Bam Aquino is not corrupt.

How about your uncle Peping Cojuangco?

Darla, are we late na for the shoot? Do we need to leave na?

Sandali lang po, two questions na lang. Very active ka sa Twitter and I’m sure nababasa mo rin ang controversial tweets ni Ms Sharon Cuneta.

I don’t follow her.

Oh, you don’t?

Ayokong ma-stress aha-ha-ha But I follow KC.


As a social media personality, ano ang maipapayo mo kay Ms Shawie na laging napapaaway on Twitter?

Ignore and move on.

Move on?

Yes! Kasi naman 2012 na! Magwa-one year na ang break up ng anak niya at ni PJ. Nag-move on na ang lahat ng Pilipino, siya na lang ang hindi pa. Wait, pwede bang off the record ‘to? Ayokong magalit si Sharon eh. Ang haba pa naman niyang mag-tweet. Nobela talaga ang peg. Eeew why did I use that term. Kainis! Aha-ha-ha

Are you endorsing anyone this coming elections?

I’m not sure. Baka! BAKA lang.

Mamimigay ka ulit ng ₱10 million?

Nakuuu! Hindi na ‘noh! Ayaw ng Bayan Muna at Anakbayan ng ganyan. Aha-ha-ha

If elections were held today, sinu-sino ang iboboto mo for senator. Top 3 lang muna.

If elections were held today, I’m sure ‘di pa ready ang Comelec. Kaloka ka! Aha-ha-ha

November 11 is the birthday of Vice President Binay. Alam kong close ang Aquino family sa pamilya niya. Any message for him?

Hi Tito Jojo! Grabe! I still remember those days na pumupunta ka sa bahay to meet with my mom and dad. I was was just 5 or 6 then at naloloka ka kapag sinasabihan kita ng, “Negro! Negro!’ Aha-ha-ha Who would have thought na mararating mo ang kinatatayuan mo ngayon? We’re happy and proud of you. Ignore mo na lang si Ate Koring. Isa pa ‘yon, ‘di pa nakaka-move on. Anyway, happy happy birthday and may the good Lord continue to shower you with blessings. Happy birthday!

Kumusta na nga pala kayo ni Mayor Junjun Binay?

We’re okay! I think he’s also very busy, and last I heard may girlfriend na raw yata. I’m not sure.

Hindi ka nagseselos?

Hellllooooo! LOOK AT ME again. Ito ba ang nagseselos?! Ito ba?!? ‘Tsaka why would I?!

Hindi mo siya type ‘no?

Ano ka ba?!! Walang gano’ng isyu between us. Imposibleng maging kami! Unless…

Unless VENTI s’ya?

Nakakaloka ka! Darla tara na! Aha-ha-ha!
———————————————————-
“I don’t like to be labeled as lonely just because I am alone.”
~Delta Burke

Quote of the Day
“Sa mga nanunulsol, tigilan n’yo na kung may malasakit talaga kayo sa aming pamilya. Hindi nakakatulong ang mga nanggagatong.”
-Cong. JV Ejercito on his reported rift with half-brother Sen. Jinggoy Estrada (Via Radio dzRH)

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.





INTERVIEW WITH THE DEVIL IV

11 10 2012

IT’S BEEN THREE months since the devil last spoke on issues and events here in the Philippines. Fresh from its two-month vacation in Venezuela where it influenced the recently concluded presidential elections, the devil agreed to be interviewed – again. Here’s the unedited transcript of the exclusive conversation.

Uy, ‘musta ka na? Ang tagal mong nawala ah!

Ganun? Concerned? Close tayo?

Hindi ka pa rin nagbabago. Demonyo ka pa rin!

OMD! Thank you!

OMD?

Oh my Devil! Tanga!

Wow, kung maka-tanga ka ah. Since ngayon ka lang nagparamdam ulit, gusto sana muna kitang tanungin tungkol sa ‘di pa rin mamatay-matay na isyung kinasasangkutan ni Senador Tito Sotto.

Alin do’n? Ang dami no’n huh! I’m impressed.


Ahm, unahin na natin ang plagiarism.

O, anong isyu do’n? Pinalaki n’yo lang ‘yun eh. Kung tutuusin, simpleng bagay lang naman talaga ‘yon. Nag-research ang staff niya, kinopya, ‘tapos walang attribution, binasa. Anong problema? The act was laudable!

Pati ‘yong aroganteng defense niya? Pati ‘yong ‘di niya pagso-sorry sa ginawa n’ya? Laudable?

Of course!

Despicable!

Thank you!

So inaamin mong kagagawan mo ang napaulat na pag-plagiarize niya at ‘yong naging asal niya?

Ikaw ang nagsabi n’yan! Hindi ako!

O, bakit parang umiiwas ka?

Naman! Cybercrime Law. Libel. Alam mo na!

‘Yong devil takot sa libel??!

Bakit? Ikaw ba hindi?

Takot.

Boom! Ha-ha

Fuck you!

Thank you!


Wait, paano nakalusot ang Cybercrime Law kung depektibo ang ilang probisyon nito?

‘Yon na nga ang ikinaiinis ko eh.

‘Yong defective ang law?

Hindi! ‘Yong TRO! Perfect na sana eh. Lulusot na sana, bigla ba namang nakialam ang Korte Suprema. Booooo! KJ kayong matatanda d’yan sa Padre Faura! May araw din kayo. Buwisit!

Pa’no ‘yan, maraming senador ang kumikilos para maayos ang batas.

Isa pa ‘yang mga ‘yan! Ang kakapal ng mukha! I was there eh! I was guiding them when they passed that freaking law! ‘Tapos ngayon kanya-kanyang distansya, kanya-kanyang palusot, kanya-kanyang pautot at pag-amin na nagkamali sila! I’m disappointed!

How about the President?

OMD! I have never been this proud of Noynoy. Nag-overachieve siya sa usaping ito. I’m giving him 4 out of 5 stars! Nai-imagine ko na ang nararamdamang inis nina Cory at Ninoy do’n sa kabila. Awesome!

And Leila De Lima?

Wow. Unexpected turnaround. Kung noon ay isinusumpa ko siya bilang human rights advocate, ngayon, love na love ko na siya. I am giving her 4 out of 5 shawls! Magaling!


Napag-uusapan na rin lang natin ang batas, narinig mo na ba ang Freedom of Information Bill?

Alin? ‘Yong ipinangako ng presidente n’yo noong kampanya ‘tapos nilalangaw ngayon sa Kongreso? Dapat palitan na lang ang pangalan ng bill. Mas ok ang Freedom of Impormasyong Inaamag. Har-har-har

Ikaw ba ang may pakana ng delay?

May iba pa ba? Bakit ko naman papayagang pumasa ang FOI… eh ‘di mabuking ang kawalanghiyaan ng mga walanghiya sa gobyerno? Utot n’yo! Hangga’t wala ang FOI Law, tuloy ang ligaya ng mga diablo!

I dare you! Name names! Sinu-sino ba ‘yang mga diablo?

Ayaw ko. Eight years ang libel ‘no!

Duwag na demonyo!

Thank you!


Isyung pulitika naman tayo. Nagbati na sina Jamby Madrigal at ang kampo ni Manny Villar ‘tsaka sina Jamby at Alan Peter Cayetano. ‘Di ba… halos magpatayan ang mga ‘yan noong 2010 elections?

So? Anong masama sa patayan? Cool nga ‘yon eh! Actually, I still admire them now. Nuknukan ng kaplast… ooops Cybercrime Law, nuknukan ng forgiving. Lahat ay gagawin para sa 2013 elections! Yehey!

Nabalitaan mo na ba? ‘Yong mag-lolong Villafuerte, magkalaban daw sa 2013 sa Bicol!

Lolong? Buwaya ‘ba ‘yon?

Ikaw ang nagsabi n’yan! Hindi ako!

Gago ka ba? Pahamak ka ah! Nililinaw ko lang. Sabi mo ‘Lolong.’ Eh ‘di ba buwaya ‘yon?

Sabi ko mag-lolong Villafuerte! Grandfather vs grandson ang maglalaban!!!!!!

Galit ka? Kailangan talaga anim na exclamation points?

Hindi. Nililinaw ko rin lang.

Ahhhh sila ba ‘yong pamilyang may-ari yata ng Camarines Sur? Tama lang ‘yan! Hayaan mo silang mag-away-away. Mas exciting ‘yon. Matagal ko nang minamanmanan ang mga Villafuerte. Before World War II, nasa puwesto na ang mga ‘yan. Inabutan na sila ng Twitter, YouTube, stem cell therapy at One Direction, nasa puwesto pa rin. Sino ba namang ‘di mawiwili? Political dynasty is the best policy!

Ano namang masasabi mo sa pagtakbo ni Jinkee Pacquiao for vice governor of Sarangani?

Sino ‘yon?

Wow. Grabe ka huh. Hindi mo kilala ang first lady ng boxing?

Siyempre kilala ko. Kaya lang, hindi ko na siya makilala.

Susuportahan mo ba siya?

Matagal ko nang itinakwil ang mag-asawang ‘yan. Hindi na sila ma-reach. Hindi ako makalapit! Araw-araw, basa nang basa ng Bible. Eeew.


Btw, may kopya ka na ba ng libro ni Senator Enrile? ‘Yong kanyang memoir?

Of course! At nando’n ako sa book launch ‘noh! I was hobnobbing with the elite and the powerful!

Close kayo ni Senator?

Kinda.

Alam n’ya?

Feeling ko.

Feeling ka huh!

Let’s put it this way. On and off ang friendship namin. May time na masunurin siya sa akin at may pagkakataon namang, papogi sa publiko ang pucha.

So anong masasabi mo sa statement ni Senator Enrile na, “… I fear only the ultimate judgment of God and history.”

God? Whateverrr. Wait for the day that I judge you!

Nagbabanta ka? Ehem… may Cybercrime Law.

Ehem… may TRO.

Whatever!!! Maiba ako, nabasa mo ba ang editorial ng The Varsitarian ng UST? Anong masasabi mo sa banat ng Varsi na “intellectual pretenders at interlopers” daw ang mga propesor ng Ateneo at La Salle?

I was stunned. I was dumbfounded. I was shocked. I was lovin’ it! Go USTe! For a moment, nakaramdam ako ng pride. Whoever wrote that scathing editorial’s got a lot of promise; a potential protégé! ‘Yan tuloy, maraming nang-aalaska sa UST nang talunin ng Ateneo sa finals. Lemons n’yo raw ang mukha n’yo! Ang saya! Keep it up Varsitarian!


Before I let you go, ano palang masasabi mo sa buhok ni Charice sa X Factor Philippines?

Demonyo ako, hindi stylist!

Sus! Nagpapalusot?

You wish!

Eh ano, takot sa Cybecrime Law?

Tanga! Takot ako sa fans ni Charice! Ikaw ba hindi?

Takot.

Ok, next question please.

Naniniwala ka ba sa maligno?

Sa totoong maligno o sa pangalawang pangulo?

Hooooooy! Hindi maligno si Vice President Binay!

Bakit? May sinabi ba akong Binay? Kapag pangalawang pangulo ba, Binay agad? Hindi ba pwedeng pangalawang pangulo ng PTA muna o Fejodap o PasigTODA?

Hay naku. Palusot na naman. Iwan na nga natin ang isyung ‘to.

I’m sure takot ka lang sa Cybercrime Law!

Fuck you.

Thank you!
————————————————————
“The world is a dangerous place to live, not because of the people who are evil, but because of the people who don’t do anything about it.”
~Albert Einstein

Quote of the Day
“This Senate committee version of the Sin Tax Bill is so watered down, it should be called “the death star bill. I am gobsmacked at the committee report. It is an abject surrender to the very rich & very powerful tobacco & alcohol lobby. I don’t buy the argument that cigarettes & alcohol are the entertainment of the poor. The purpose of entertainment is relaxation, not death.”
~Sen. Miriam Defensor-Santiago

UAAP 75
Congratulations to the Ateneo Blue Eagles! The #DriveForFive is complete! To the UST Growling Tigers, cheer up. You had a great season.

Next year: UP Maroons naman ang #SureNaSuresaFinal4

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[For EPAL PHOTOS (your own), you may email them here: epaliticians@yahoo.com]








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 107,239 other followers

%d bloggers like this: