2013: MGA HULA AT BABALA

31 12 2012


NARITO ANG MGA hula at babala ni Madam Kalachuchi, ang feng shui expert na nagtapos ng Doctor of Philosophy major in Geomancy, minor in Voodoo sa Université de L’Académie Haitienne in Port-au-Prince, Haiti. Ang katauhan ng mga hinulaan ay sinadyang itago upang sila ay protektahan. Hulaan n’yo na lang.

Isang kongresista ang iiwan ng kanyang asawa. Hindi na kayang magtiis ni misis. May pangangailangan siyang hindi kayang ibigay ni mister.

Sa ikatlong quarter ng taon, hahantong sa matinding away ang inggitan sa pagitan ng dalawang senador.

Sisibakin sa puwesto ang isang taong naglilingkod sa pulitikong may mataas na katungkulan. Babalik ito sa dating trabaho.

Isang taong aktibo pa rin sa pulitika ang papanaw.

Ipapaaresto ng korte ang asawa ng isang kilalang pulitiko. Magmamatigas sila. Magbabarikada sa labas ng kanilang bahay ang kanilang mga supporters.

Magtatagumpay sa eleksyon ngunit daranas ng kabiguan sa pag-ibig ang isang pulitiko.

Hahantong sa election protest ang hindi inaasahang pagkatalo ng isang local politician. Gagamitin nito ang popular na kamag-anak upang mabawi ang nawalang puwesto.

Magkakaroon ng exodus mula sa isang malaking partido patungo sa isa ring malaking partido. Magsisimula ito sa Hulyo.

False alarm ang balitang ikakasal sina O at R. Kuntento na sila sa kasalukuyang live-in set up.

Dahil sa depresyon bunsod ng patuloy na pagbagsak ng kanyang showbiz career, isang kilalang tao ang maagang magdedeklara ng planong pagtakbo sa 2016 elections.

Masasangkot sa iskandalo ang tatlong matataas na opisyal ng gobyerno. Kakalat ang isang CD kung saan naka-save ang video ng iskandalo. Hahantong ito sa panawagang bumaba sila sa puwesto.

Panibagong setback ang malalasap ng isang personalidad. Mapipilitan itong iwan ang kinagisnang larangan.

Mauugnay sa dalawang aktres ang isang pulitikong hiwalay sa asawa. Aasa siyang magkakakulay na muli ang kanyang love life. Hindi ito matutupad.

And finally…
Wala nang makapipigil pa sa pagkatalo sa halalan nina M, M, at M.

NARITO NAMAN ang kanyang forecast sa bawat animal sign:


Year of the Dog
Walang epekto ang pagpapalit ng taon sa iyong timbang.
Patuloy ang iyong paglaki.

Year of the Dragon
Hindi ito ang tamang taon para magmahal.
Ang tamang taon ay 2003. Sorry, tapos na.

Year of the Horse
Sa papasok na taon, gawing pang-umagang priority ang trabaho.
Tigilan mo na ang Facebook!

Year of the Monkey
Mahihirapan kang humanap ng bagong iibig sa ‘yo.
‘Buti na lang sanay ka na.

Year of the Ox
Sa kalagitnaan ng taon ay may matatanggap kang masamang balita:
hindi ka talaga isinilang sa Year of the Ox kundi sa Year of the Cockroach.

Year of the Pig
Maraming pagsubok ang iyong haharapin lalo na sa romansa.
You deserve it.

Year of the Rabbit
Hindi maganda ang taong 2013 para sa iyo.
Bumalik ka na lang sa 2012. Mas bagay ka do’n.

Year of the Rat
Matatagpuan mo na ang matagal nang inaasam na partner sa buhay.
Kawawa naman siya.

Year of the Rooster
Kalimutan ang masasakit na karanasan sa nagdaang taon.
‘Wag mag-alala, may mga parating pa.

Year of the Snake
This year, lalayuan ka ng maraming tao dahil sa iyong ugali.
Shocking. Bakit ngayon lang?

Year of the Sheep
Masuwerte ang 2013 sa ‘yo. Tuluy-tuloy ang pasok ng pera.
Pagbutihin ang trabaho… bilang cashier.

Year of the Tiger
Ingatan ang taong minamahal.
Malaki-laki na rin ang nagagastos mo sa kanya.
Sayang naman.

Kung nais magpakonsulta nang personal, tawagan si Madam Kalachuhi sa telepono bilang 765-PROMISE (7766473) or visit Madam Kalachuchi’s office located at the right side of Quiapo Church. First come, first served. With free giveaways to early clients. Choose from the following items: anting-anting, pamparegla, pampatayo, and gayuma. See you there!
———————————
“The future depends on what you do today.”
~ Mohandas Karamchand Gandhi


HAPPY NEW YEAR!
Have a happy, productive, safe, and healthy 2013 everyone!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Astrology Photos: Travel China Guide]








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,505 other followers

%d bloggers like this: