TAKE 2 NA ‘DAY!

22 03 2013

FOR THIS POST, we’ll have a very special guest host who shall conduct the interview. Ladies and gentlemen, ang susunod na kinatawan ng 10th District of Cebu… please welcome: Annabelle Drama!

[CANNED APPLAUSE]

dam
Think you Dong! Think you. Teka dong, anong channel ba ito lalabas dong?

Hindi po ito pang-TV Tita. Sa blog lang po to mababasa.

Pastilan! Ba’t ‘di mo agad sinabi dong?! Sayang ang make up ko dong at ‘tong mga joels ko. Ibig sabihin, ‘di makikita ni Nadja ‘tong mga joels ko dong?

Hindi po.

Yawa. O sige dong. Basta ang TF dong, ‘yon pa rin ha. ‘Di ako tumatanggap ng tsiki dong.

Sige po. Start na tayo. Good luck!

[CANNED APPLAUSE]

Hello fans! At sa mga Bisaya… ‘musta na kayo dong? Sa Twitter followers ko na more than 300 thousand na as of tomorrow, I love you mga dong at day. At kay Eduardo, sweetheart ‘nood tayo ng Last Exorcism Part 2 mamaya. Maka-relate man ako sa felm. At ikaw Nadja, ang kapal ng mukha mo ‘day. Bayaran mo ang utang mo ‘day! ‘Yong sofa ko ‘day at aparador na ninakaw mo, ibalik mo na bruha ka!

Cut! Tita… bawal po ang ganyan. Mababasa tayo sa Internet… baka-ma-Cybercime Law tayo.

Sorry dong. Na-kirid away lang ako. Anyway, proceeds na tayo. Mga fans, first time kong mag-hosst so bahala na ang Sto. Niño. Kung nanonood ka Raymond, kabahan ka na ‘day. Baka talbugan kita ‘day! Proceeds na tayo… narito ako ngayon sa Quezon City… LIVE at kasama ko ang iniintriga ngayon. Naku ‘day… isyu ka na naman ‘day. Hito na siya… KRISSY!

[CUE MSC: GONE by Jim Chappell]

Hi Tita A. Thank you po for this opportunity.

Alam mo ‘day, nanibago man ako sa ‘yo. Hindi ako sa sanay sa ganyang acting ‘day. Mas feel kita pag maingay.

Tita naman. Alam n’yo namang may pinagdadaanan ako.

Hindi na ako nasuprisa ‘day. Knowing you ‘day?!

Si Tita naman, puro biro.

Hindi ako nagju-juks ‘day. Every year, may isyu ka! ‘Yong Newsweek ‘day, nahinto na ang issue pero ikaw hindi nauubusan ‘day. Publisher ka ba ‘day? Anyway, proceeds na tayo. Sanga pala, kung nanonood ka Tid Failon at ikaw, Jissica Soho, watched and learned… kayong dalawa kasi, iisa ang tanong… pari-pariho ang ibinabato n’yo. Paano kayo magri-rate dong? Watched and learned!

Matagal pa ba Tita?

‘Wag mo ‘kong minamadali ‘day. Lumuwas ako ng Maynila kahit busy sa kampanya para lang makuha ang side mo. Busy ako ‘day! Mahiya ka naman sa akin, ok? Proceeds na tayo… unang tanong ko ‘day: Noong 2003: Joey Marquez. Ngayong 2013: James Yap. Sa 2023 ‘day, sinong basketball player naman ang iiyakan mo sa TV Patrol ‘day?

Alam mo Tita, this is a serious matter.

Bakit ‘day? Hindi ba seryoso ang tanong ko ‘day? It’s a valid observation of an inquisitive viewer. Yawa! Napa-Ingles tuloy ako ‘day. Kung nanonood ka Raymond, txt mo nga ako ‘day kung tama ang grammars ko.

To be honest Tita… kahit ako nagtatanong na rin. Sabi ko Lord, every decade ba talaga? Hindi ko yata kering umiyak ulit dahil sa lalaki pagsapit ko ng 52. Kaloka. Tungkol naman do’n sa namention mo, at first, I didn’t even notice na 10 years na pala ang Joey Marquez scandal na ‘yon. Gosh! Ten years na pala when I grabbed his…

Bayag ‘day!

Eeeew. Tita!!?

Bakit na naman ‘day? ‘Di ba ikaw ang nagsabi no’n? “I crushed his jinnytals.” ‘Di ba bayag ang jinnnytals ‘day?

Ewan ko sa ’yo Tita! Nakakaloka ka!

Ayan… dapat ganyan ka ‘day. Mas ok kung masaya ka. Proceeds na tayo… sabi ng kapatid mo, hindi raw ito national issue. Tika lang: nagpa-enterview sa telebisyon ang apat na kapatid ng prisidinti ng Pilipinas ‘tapos hindi pa ito national issue ‘day? So ano ito ‘day, national pastime?

In fairness to us, sinubukan naming ayusin ito privately Tita…

Hindi halata ‘day!

Pero unang nagsalita si James sa media. He lied Tita. Kung sa kanya biru-biruan lang… sa akin, hindi. Hinawakan niya ako sa braso. Nasaktan ako.

Kung ako sa ‘yo ‘day, dinakma ko ulit ang jinnytals!

Tita…

Sige, bayag na lang. Ay anu ba ‘yon!? Sorry Krissy. Let’s proceeds: Sabi sa Inquirer, sineduced ka raw ni James at tumanggi ka. Choosy ka pa ‘day?

Again, seryosong usapin ito Tita. Witness ko ang anak ko. Na-trauma siya. Do not trivialize a very sensitive matter.

Naku ‘day. Hindi ako magaling sa trivia. Proceeds na tayo! Totoo bang sinabi mo kay James na “Tandaan mo ‘to: may three years pa ang kapatid ko.”

I never said that and I never will. Hindi ko gagamiting panakot ang pangalan at posisyon ng kapatid ko.

Maniwala ako sa ‘yo ‘day!

What did you just say Tita?

Wala!

Nooooo! You’re doubting my statement Tita. You’re making kampi to James! I hate you naaa. But I’m not surprised Tita. After all, hindi naman si Noy ang ibinoto mo noong 2010. It was Gilbert!

Alam mo ‘day, ‘di mo na kailangang ungkatin pa ang nakaraan. Passed is passed. Pero ‘wag kang pakasiguro ‘day. Kapag ako ang nanalo sa Cebu… may THREE years ako ‘day! May three years ako!

Yuck yuck yuck…

Tumigil ka ‘day. Baka yuck-yuck-kin ko jinnytals mo ‘day! Proceeds na tayo… marami ang nasurprisa kasi lahat ng kapatid mo… biglang nasa TV. Aeronic daw. You deny na gumagamit kayo ng power and influence ‘day pero saddenly, nasa TV kayong lahat ‘day. Evaporate.

“Elaborate” Tita.

Ke evaporada o condensada pa ‘yan ‘day, wala akong pakialam. Magpaliwanag ka na lang ‘day.

You can’t blame my sisters for supporting me Tita. Hindi mo sila masisisi lalo na’t ako ang bunso, ako ang sinaktan, ako ang naagrabyado, ako ang inapi, ako ang…

Pasaway na kapatid!

Tita!??

Wala ‘day. Wala akong sinabi. Takot ko na lang sa three years ng kapatid mo ‘day. Proceeds na tayo. Sabi mo sa interview, magre-resign ka sa shows mo sa ABS-CBN ‘day. Dead jabu? Kaka-resign mo lang bago mag-eleksyon, resign ka na naman? Paulit-ulit ‘day?

Kailangan kong gawin ang sakripisyong ito Tita. Kawawa ang anak ko.

Kawawa ang anak mo ‘day? Pastilan! Nakaikot ka na ba sa squattir ‘day? Nakita mo na ba ang mga batang walang makain ‘day at ‘yong mga batang nakatira sa ilalim ng tulay? Alam mo ‘day, lahat sila.. hiyang-hiya  sa ‘yo!

Dahan-dahan ka sa pananalita mo Tita!!!

Ah-lahm… mo… ‘day… hee…’yang… hee… ya… ang…… mga… ta…. ga… is…. kwa…. ter…. sa ‘yo… ‘day! Pwe… de… na… ba… ang… ga… ni… to… ka…. ba…. gal… na… pa… na… na… li… ta… ‘day?

Gosh! You’re so literal. Kainis.

Tanga ka ‘day! Members ako ng UNA! Hindi ako Liberal! Yawa! Proceeds na tayo. Sabi ni James, nagbanta ka raw na isang iyak lang sa TV, masisira siya. Totoo ba ‘yon ‘day?

I categorically deny that. That’s not true.

Alam ko.

What do you mean Tita?

Eh kasi ‘day, sabi ni James… isang iyak lang, masisira siya. Mali s’ya ‘day. Umiyak din si Ballsy at umiyak si Pinky! Tatlong iyak ‘yon ‘day! Sinungaling si James!

I told you Tita. He’s a liar.

Malaki ba talaga ang jinnytals niya?

Tita!!!!??

Ay, suri. Nakirid away ulit ako. Na-miss ko bigla si Eduardo. Anyway, let’s proceeds. Nasa news rin ang kaibigan mong si Chiz at ang gf nitong si Heart. Ano ang maipapayo mo sa kanilang dalawa?

They should also make sacrifices Tita. Kay Pareng Chiz, mag-quit ka na lang sa politics. Ikaw naman Heart, mag-quit sa showbiz. At do’n sa isang matandang babae sa press con, i forgot her name, mag-quit ka na lang sa kaka-Botox. Ooops, sorry. Me and my big mouth again. Sorry Ate.

Curious lang ako ‘day. Kung makapagsasalita ang nanay mo, anong sasabihin niya?

She’ll probably say, “Tama ang ginawa mo Krissy. Ipinaglaban mo ang karapatan mo bilang mother.” Pupurihin niya ako, I’m sure!

Sure ka ‘day? Puri kaagad? ‘Di ba puwedeng pagalitan muna? Anyway, proceeds na tayo. Kung makapagsasalita ang tatay mo, anong sasabihin n’ya?

I am not sure. I don’t wanna speculate.

Alam ko ang sasabihin n’ya ‘day!

Ano ‘yon Tita? Careful. May three years pa ang brother ko. Aha-ha-ha!

Sasabihin n’ya ‘day, “Hindi ka nag-iisa!” Kasi nga full force ang Sisterakas sa interview.

Not funny.

Teka lang ‘day. May text ang maid ko. Kung makapagsasalita raw si Viel, anong sasabihin n’ya?

Hmmm… Wala pa rin siyang sasabihin Tita. Aha-ha-ha! NAKAKALOKA. Sinagot ko talaga.

Sandali lang ‘day. Do’n sa taga-Channel 4 sa likod ng chair, ‘wag mo kong senyasan bruha ka. Nauna akong dumating dito kaya manigas ka. Proceeds na tayo. May surprise ako sa ‘yo Krissy. Nasa linya siya. Kausapin mo ‘day! Baka maputol…

Wait! Sino ‘to?!??!?

(No Answer)

Kausapin mo kasi ‘day!

Hello? Who’s this please?

(No Answer)

Tama na ‘day! Ok na ‘yon.

Wait! Naintriga ako. Sino ‘yon?

Hayyyy… Si Viel ‘yon! Ang slow mo talaga ‘day!

In fairness huh, pina-punchline na si Viel!

O sha ‘day, pabalik na ako ng Cebu. Ito lang ang masasabi ko ‘day. Sa apat na dekada ko sa industriya, wala pa akong narinig na artistang nag-announce na aalis sila sa showbiz. Ikaw lang ‘day! At televised pa! Kung lalayas ka ‘day, lumayas ka na lang. Pa-announce, announce ka pa ‘day! Knowing you ‘day… babalik at babalik ka rin. Kilala na kita ‘day. ‘Yon lang ‘day. Think you.

Wait lang Tita, pwedeng magtanong? Isa lang. Is it true na nabuntis ni Richard si Sarah Lahbati?

Walang pakialaman ng jinnitals ‘day. Proceeds na tayo…

-End of Interview-
———————————————–
“History repeats itself, first as tragedy, second as farce.”
~Karl Marx
In Other News…
Twitter just turned 7. And some Catholic priests were like, “Interesting!”
Happy birthday Twitter! Thank you!

Sound Bites
“Ilang beses na akong nagparaya. This time, I deserve to be happy. Everyone deserves to be happy.”
~Heart Evangelista

You Have Spoken
Kung dalawa na lang ang kandidato, sinong iboboto mo: Nancy Binay o Bam Aquino?
- Bam Aquino. 44.94%
- Nancy Binay. 7.87%
- No, thanks. 46.63%

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.





KC CONCEPCION: UNEDITED

28 11 2011

OVER THE LAST THREE WEEKS, we have been bombarded with news about the Arroyos, the De Limas, the Aquinos, the Topacios and the Revillas/Bautistas. On Sunday, ABS-CBN gave us a breather of sorts. Everyone is now talking about the interrupted romance between Star Magic talents KC Concepcion and Piolo Pascual.

However, the network didn’t allow the public to see the full interview. The show had to edit out statements to protect some personalities. An anonymous source sent us the deleted portions of the tell-all conversation. Indulge!


Boy Abunda (BA): Kristina, napanood mo ba ‘yong viral video ni Atty. Midas Marquez?
KC Concepcion: Tito Boy, I’ve seen worse! Believe me. Hindi lang pilantik ng mga daliri. Hindi lang taas ng kilay. But I don’t wanna go into detail. ‘Di ba may instruction sa atin sina Ma’am Charo at Tita Cory Vidanes na ‘wag pag-uusapan ang gender ni PJ? Sundin natin ‘yon.

BA: Atty. Ferdie Topacio is in the news these days. Ano ang masasabi mo sa kanya?
KC: At least siya Tito Boy, may itlog. Handa niyang itaya ‘yon alang-alang sa taong minamahal niya. Pero ‘yong taong minahal ko, never kong nadama kung may itlog siya. Never niya akong binigyan ng pagkakataon Tito Boy.

BA: Your dad used to support former President Arroyo. I’m sure, you’ve seen her in the news. May reaksyon ka ba sa nangyayari sa dating pangulo?
KC: ‘Yon ang masakit Tito Boy (weeps), ang dating pangulo kasi, malinaw ang kalaban, si Secretary De Lima – babae. Pero ang kalaban ko, lalaki! Ano namang laban ko sa isang lalaki Tito Boy?! Ang sakit eh.

BA: Bukas, November 28, one month na mula nang patayin si Ram Revilla. Your thoughts on the issue…
KC: Tito Boy, Ram is still lucky. Nakakulong ang mga suspek na sumaksak sa kanya. Pero ako? Daig ko pa ang sinaksak nang ilang beses sa puso pero ‘yong suspek, nakakalaya pa rin until now.

BA: Kristina, naglabas recently ng ruling ang Korte Suprema on Hacienda Luisita. Ipapamahagi na raw ang ekta-ektaryang lupain sa maliliit na magsasaka. May mensahe ka ba sa mga farmers?
KC: I am genuinely happy for them Tito Boy. At hanga talaga ako sa mga magsasaka dahil marunong at magaling silang umararo. Pero ‘yong taong minahal ko, hindi eh. Ang sakit Tito Boy. Hindi ko na kaya. (weeps)


BA: Mainit pa ring pinag-uusapan ang RH Bill sa Kongreso. Let’s talk about contraceptives, condoms, in particular. Anong stand mo?
KC: Tito Boy, I can’t relate. Never kaming umabot sa level na pinag-usapan ang protection. Sorry.

BA: I’m sure narinig mo na ang balita. Bohol Representative Rene Relampagos wanted to rename Edsa and call it Cory Aquino Avenue. Pabor ka ba?
KC: Ang hirap magsalita Tito Boy. Pero ito lang ang masasabi ko, nakaka-relate ako sa Edsa Tito Boy. Kasi kapag magkasama kami ni PJ sa kuwarto, dinadaan-daanan lang niya ako.


BA: Bago tayo maghiwalay, gusto kong mapasaya ka kahit papaano. Let’s play Pinoy Henyo. I will ask Yes, No, or Pwede questions. Ikaw na ang mag-isip ng Henyo word.
KC: Sige Tito Boy. Meron na. (Shows the word to the televiewers: PIOLO)

BA: Tao ba ‘to?
KC: Yes

BA: Babae?
KC: Pwede!

BA: Lalaki?
KC: Puwede!

BA: Alam ko na! Lesbian!?
KC: Pwede!

BA: Bakit gano’n? Lahat pwede!? Hmmm… gay?
KC: Ahm, may memo si Ma’am Charo. Ayokong sagutin.

BA: Ang daya naman. Napapanood or lumabas before sa ABS-CBN?
KC: Yes.
BA: Rustom Padilla sa PBB!
KC: Pwede!

BA: Ang hirap naman. Teka, nagkaroon ba siya ng relasyon sa babae pero kinuwestyon ng publiko?
KC: Oo!
BA: A-ha! Eric Santos! O, naging sila ni Rufa Mae Quinto huh!
KC: Hindi!

BA: Hindi si Eric? Meron pa ba? Wait! Si Kuya Germs!
KC: Hindiiiiii! Hahaha

BA: May anak ba siya?
KC: Oo!

BA: A-ha! Marvin Agustin!
KC: Hindi!

BA: May parating na soap opera?
KC: Oo!

BA: Pinayagan kang magpa-interview para magamit sa promo ng darating niyang soap opera?
KC: Tumpak!

BA: Jericho Rosales?
KC: Hindi!

BA: Ang hirap naman. Sirit na nga!
KC: Hay naku Tito Boy, OA ka. Ini-etchos mo lang ako.

BA: Of course I know it’s Piolo. Pinapangiti lang kita Kristina. Nanonood si Piolo ngayon, anong gusto mong sabihin?
KC: Mark my word PJ, mark my word… lalabas din ang totoo!

BA: Nanonood si MB ngayon, may mensahe ka ba?
KC: Tito Boy, nasa memo ‘yan. Bawal banggitin ang pangalang ‘yan. No comment ako.

BA: One final question Kristina. Ito ang tanong ng sambayanan at gusto nilang marinig mula sa ‘yo ang kasagutan: Bakla ba siya?
KC: Napakabait niyang tao Tito Boy.

BA: Inuulit ko, bakla ba siya?
KC: Sobrang lambing niya Tito Boy.

BA: Kristina, maraming salamat sa pagtitiwala sa ‘The Buzz.’
KC: Thank you Tito Boy.

BA: Mga kaibigan… bukas po ang aming programa sa panig ni Piolo Pascual. Ang sa akin lang, huwag sana tayong humusga kaagad. Sa lahat ng usapin, marapat po lamang na pakinggan natin ang dalawang panig. Sa isyu naman ng homosekswalidad, gusto kong ibahagi ang sinabi ng American actor and playwright na si Harvey Fierstein. He said, “Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself.” Magbabalik po ang ‘The Buzz!’

[Alvin Elchico: Sa ulo ng mga nagbabagang balita... ]

Overheard: Sinungaling si Tito Boy. Hindi na bumalik ang ‘The Buzz.’

Say Something!
Isang suhestyon sa kadalasan ay magulong TV Patrol Poll:
Anong basic na pangangailangan ni KC Concepcion ang hindi maibigay ni Piolo Pascual? A: Oo B: Hindi. #angLabo!
To vote, type TVP A or B and send to 2222 for all networks except for GMA7 and TV5.
——————————————————————————————–
“People think it is holding on that makes you stronger, but sometimes it’s letting go.”
- Anonymous

Quote of the Weak
“May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya.”
- KC Concepcion on Piolo Pascual

Merry Christmas everyone! Let’s go Lakers!

Share this on Facebook and Twitter:Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,502 other followers

%d bloggers like this: