QUIZtion: NEWS EDITION

28 10 2012

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. May kaukulang interpretasyon ang inyong makukuhang score kaya seryosohin ang pagsusulit na ito. Googling for answers is prohibited. You are being monitored! You have 7 minutes. Good luck! Start!

1: Kamakalawa ay lumabas ang isang report tungkol sa pagkaka-link diumano ni President Aquino kay Akbayan senatorial bet Risa Hontiveros. Nang tanungin si presidential sister Ballsy Aquino-Cruz kung ito ay totoo, ito ang sinabi niya:
A: “Hindi ko alam ‘yon, sorry. Alam ko iba ‘yong love ni Risa.”
B: “Ang tsismis ay tsismis, hindi dapat pinapatulan.”
C: “Wala namang masama ‘di ba? Binata si Noy, biyuda si Risa. Everybody has the right to be happy.”
D: “Ayaw kong makialam sa lovelife niya. Singkwenta’y dos na siya hindi disisais!”

2: Nag-offer ng reward money si incumbent Davao City vice mayor Rody Duterte para sa ikadarakip ng suspected criminal na si Ryan Yu: dalawang milyong piso kung buhay; apat na milyon kung patay, at limang milyon kung putol ang ulo. Sa anong aktibidad sangkot si Ryan Yu?
A: Panggagahasa at pagpatay sa isang menor de edad.
B: Illegal recruitment na bumiktima sa mahihirap na taga-Davao.
C. Carnapping.
D: Drug trafficking.

3: Nang mag-birthday si Sen. Chiz Escudero, nag-tweet sa kanya ang girlfriend na si Heart Evangelista. Sabi ni Heart, “Happy birthday @saychiz!” Ano ang naging reply ng senador?
A: “Thank you ma’am. Good morning!”
B: “You’re so sweet. Thank you.”
C: “Ha ha nagulat ako dun ah. Salamat po.”
D: “Awww. See you later.”


4: Popular ang “asawa” ng lalaki sa larawan. Sino ang asawa niya?
A: Dina Bonnevie
B: Imelda Papin
C: Kris Aquino
D: Jamby Madrigal

5: In a recent tweet, controversial lawyer Ferdinand Topacio said that a government official  “is a faggot of the worst kind.” Sino ang kanyang tinutukoy?
A: DILG Sec. Mar Roxas
B: DepEd Sec. Armin Luistro
C: President Noynoy Aquino
D: Press Undersecretary Manuel L. Quezon III

6: May tatlong common (guest) senatorial candidates ang Liberal Party Coalition at ang United Nationalist Alliance (UNA) sa darating na eleksyon. Sinu-sino sila?
A: Ernesto Maceda, Cynthia Villar, Chiz Escudero
B: Loren Legarda, Chiz Escudero, Grace Poe-Llamanzares
C: Chiz Escudero, Koko Pimentel, Loren Legarda
D: Jamby Madrigal, Grace Poe-Llamanzares, Cynthia Villar

7: Based on a CIA operative’s account of the successful rescue of six Americans in Tehran during the 1979 Iran hostage crisis, the film ARGO starring Ben Affleck was well received by critics. Who directed the film?
A: Steven Spielberg
B: Ben Affleck
C: Steven Soderbergh
D: George Clooney

8: Maraming balita ngayon ang nagmumula sa mga kuha ng closed-circuit television o CCTV. Ang 24 Oras ng GMA 7, may “Huli-cam” segment. Ang TV Patrol naman ay may similar segment called ‘CCTV Patrol.’ What does TV Patrol’s ‘CCTV’ stand for?
A: Charo Cares Truly Very!
B: Concerned Citizens Taking Videos
C: Criminals Captured on TV
D: Crime and Criminals on TV

9: Ano ang total number of petitions na inihain sa Korte Suprema laban sa Cybercrime Prevention Act of 2012?
A: 10
B: 11
C: 14
D: 15

10: In his recent visit to Australia, President Aquino was praised by New South Wales Premier Barry O’ Farrell. Ikinumpara pa ni Farrell si Noynoy sa isang historical figure. Sinong historical figure ito?
A: Jose Rizal
B: Che Guevarra
C: Abraham Lincoln
D: Martin Luther King Jr.

11: Matapos hulihin ang aktor na si Matt Evans, sinampahan ito ng kanyang live-in partner ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act. Ngunit nakalaya ito matapos mag-piyansa. Magkano?
A: P2,000
B: P200,000
C: P200
D: P2.00

12: Sino ang lalaking ito?
A: Siya ‘yong customer na nakunan sa CCTV habang pinapakain ng pera ang cashier.
B: Siya raw ang ginamit na modelo sa paglikha sa larawan ni San Pedro Calungsod.
C: Si MNLF Chairman Nur Misuari noong college days niya sa UP.
D: Siya ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng isang senador at ng asawa nito.

13: Last October 24, Pope Benedict XVI announced that Manila Archbishop Luis Antonio Tagle has been “promoted.” Anong promotion ‘yon?
A: Isa na siyang cardinal.
B: Isa na siyang camerlengo.
C: Isa na siyang vicar.
D: Isa na siyang major archbishop.

14: Five months before the midterm elections, Manila mayoral candidate Alfredo Lim’s biopic topbilled by Cesar Montano will be shown in the annual Metro Manila Film Festival. Excluding this one, how many movies based on Alfredo Lim’s exploits as a law enforcer have been made?
A: Two
B: Three
C: Four
D: One

15: A TV station is laying off some 200 employees, “as it continues to suffer financial losses.” What station?
A: TV 5
B: IBC 13
C: RPN 9
D: PTV 4

Bonus Question:
Sino sa mga sumusunod ang WALA pang umere o umeereng political ad sa nakalipas na 30 days?
A: Cynthia Villar
B: Jack Enrile
C: Alan Peter Cayetano
D: Koko Pimentel
E: Risa Hontiveros
F: Sonny Angara
G: Migz Zubiri
H: Ernesto Maceda
———————-
“News is the first rough draft of history.”
~Philip Graham

Answers:
1: A
2: C
3: A
4: C
5: D
6: B
7: B
8: B
9: D
10: A
11: C
12: B
13: A
14: B
15: C
Bonus Question: Lahat sila may political ad.

Add 1 pt. to your total score if you’re a registered voter.
Subtract 5 pts. if you voted for a party-list group that was recently disqualified by the Comelec.
Subtract 2000 pts. if you’re one of those PBBMyrtle fans who make her trend on Twitter every week.

What your score means:
14-15 or more – Wow. Socially-aware. Impressive. Kumusta naman ang sex life mo?
11-13 pts. – Pwede na. Hindi naman bawal sa batas ang tsamba. Grade school pa lang, ganyan ka na.
8-10 pts. – Pasang-awa. Masabi lang na may konting alam. Sus. Happy ka na nang lagay na ‘yan?
4-7 pts. – Anong nangyari? Vacation-mode? Sige, mauna ka na! Atat!
3 and below – Busy ka? Where have you been? Puro ka movie. Puro ka teleserye. Magbasa ka naman ng balita. Sarili mo na lang ang inaatupag mo. ‘Di ka naman pumapayat.

Have a safe week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 111,452 other followers

%d bloggers like this: