EXCLUSIVE! INTERVIEW WITH THE DEVIL

1 05 2012


“HOMOSEXUALITY is not a sin but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth.”
~ Beauty queen/actress Miriam Quiambao

In the interest of fairness, I promised my Twitter followers I would try to get the side of the devil. Fortunately, the devil granted us an exclusive interview. But it had to be a quick one since his schedule was full: meeting with Joseph Kony at 1pm, dinner with oil companies at 8, and flight to North Korea at 11. Enjoy!

Heckler: Kumusta ka na?
Devil: Heto, masama pa rin. Ikaw?
Heckler: I’m good, I’m fine.
Devil: Kawawa ka naman. Anyway, nagmamadali ako. Limit your questions to six.

Heckler: Balita ko, nakita ka raw sa mall recently. Malamig do’n ah. Level up ka na?
Devil: Tanga! Sa labas lang ako. Sinamahan ko ‘yong riding-in-tandem robbers sa Robinsons Galleria. Lookout ako do’n. ‘Kita mo naman, dahil sa akin, successful ang operasyon.

Heckler: Oo nga pala, nalimutan ko. Puwede ka nga palang magbago ng anyo.
Devil: Exactly! One day, congressman ako, the other day, Customs clerk o kaya fixer sa LTO. Depende sa mood eh. Kapag online ako sa Twitter, minsan Annabelle Rama ang peg ko. O kaya sa text, Cristine Reyes naman. Kailangang papalit-palit para ‘di tayo mabisto.

Heckler: Speaking of congressman, kumusta naman ang dalawang kapulungan ng Kongreso namin?
Devil: Aba, mahusay! Consistent pa rin ang pagiging ganid. Alam mo naman ang mga hayup na ‘yan, kapag nakahawak na ng PDAF, kumisyon agad ang nasa isip. Although aaminin ko, may mangilan-ngilan din namang ‘di namamansin sa akin but give me time. Maku-convert ko rin ang mga ipokritong ‘yan!

Heckler: Hindi ka ba napa-frustrate sa “daang matuwid” campaign ni Pangulong Aquino? He’s been persistent with his anti-corrupton policy since he assumed office.
Devil: Oh please. That crusade is overrated. Marami sa mga katulong ko sa pagsasabog ng kasamaan sa nakaraang administrasyon, kaalyado na rin ng kanyang pamahalaan ngayon. They’re making it easy for me. Of course, meron pa ring ilan na kumukontra sa mga kagustuhan ko. Pero hintayin mo lang, gumagawa na ako ng paraan upang makuha ang kanilang loyalty. I’ve been in politics for like forever. Alam ko na ang hilatsa ng bituka ng mga ‘yan.


Heckler: Sabi ng PNP, bumaba ng 16 percent ang antas ng kriminalidad sa unang quarter ng taon. Hindi ka ba naiinsulto?
Devil: Mwah-ha-ha-ha! Very funny! Sixteen percent????!!! Pathetic. That only means na waging-wagi pa rin ako at 84 percent! Ang lakas naman ng loob nilang magmalaki. Mga ulol!

Heckler: Bakit, ano bang achievements mo lately?
Devil: Come on. I’m winning! Baka maubos ang oras natin kapag inisa-isa ko ang aking tagumpay. Sa Customs pa lang, panalo na eh. Blackout sa Mindanao; bullying sa Panatag Shoal; incomplete/dishonest SALN; higher HIV cases; oil price hike; hiwalayang Chiz Escudero at Christine Flores, Joel T. Reyes, Ruben Ecleo, Jovito Palparan, Ramona (Revilla) Bautista, Rhian Ramos, Kim Jong-un at Metta World Peace. Sa’n ka pa!?

Heckler: Oo nga noh! But wait! You lost Manny Pacquiao!
Devil: Mwah-ha-ha-ha! Tang-*** n’ya! Ang sarap-sarap ng buhay na inoffer ko sa kanya, tapos tinalikuran n’ya? Syet ang bobo! Babae, alak, sugal, salapi… name it, he enjoyed it. Pathetic. Mas pinili pa niya ang peace of mind, forgiveness, at salvation. Whateverrrr!

Heckler: You sound bitter.
Devil: Isa ka pang bobo! Kaya nga demonyo ako eh. Lahat ng kanegahan, taglay ko. Moron!

Heckler: What do you think of Vice President Binay?
Devil: May potential siya. ‘Sabagay, he’s been a protégé since his Makati City days. Medyo tahimik nga lang ang mokong ngayon. Wala akong nababalitaan sa kanya eh. Pathetic! And that kinda disappoints me. Let’s see. Matagal pa naman ang 2016. Abangan na lang natin.

Heckler: Pansin ko lang, favorite word mo ‘yong pathetic.
Devil: Pansin ko lang, humahaba na ‘yong interview.

Heckler: Joke lang. Siguro naman nabasa mo ang tweet ni Miriam Quiambao. Isasalin ko sa Filipino: Ang kabaklaan ay hindi kasalanan. Ito ay kasinungalingan mula sa demonyo. Ano ang masasabi mo?
Devil: Big words. Big, brave words. But I’m not surprised. After all, she’s a product of the The Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines. Punyeta, ang haba. UST na nga lang. Anyway, i categorically deny the allegation. Kapag straight, gawa ng Diyos n’yo; ‘tapos kapag bakla, gawa ko?! Umayos ka ngang babae ka! Gusto mo bang pitikin ko ulit ang high heels mo para madapa ka ulit sa stage? On the brighter darker side, tama lang pala ang ginagawa mo. Your tweets promote hatred and foment war – just some of the things that I love.

Heckler: Katulad sa mga nakaraang interview ko, meron akong tinatawag na Rapid Round. Magbabanggit ako ng mga pangalan, at sabihin mo kung ano ang unang pumasok sa utak mo. Game?
Devil: Shoot!

Heckler: Kris Aquino.
Devil: I miss her. Masyado na siyang lumalayo. Hate it.

Heckler: Petron, Shell, Chevron
Devil: They have yet to fail me. Personal faves. Bravo!

Heckler: SM Baguio.
Devil: Duh. May nag-rally lang, huminto na sa pagputol ng puno? Upsetting!

Heckler: Chris Tiu
Devil: Hmpf! Ang linis-linis! Pathetic!

Heckler: Chief Justice Renato Corona
Devil: I’m starting to like him. Lalo na kapag nakikipagsagutan siya sa mga taga-Malacañang, ang saya!

Heckler: Cong. Niel “Junjun” Tupas Jr.
Devil: Mas close ako kay Niel Tupas Sr. pero Junjun and I are getting there.

Heckler: Sharon Cuneta
Devil: Mwa-ha-ha Ayoko! Baka sumagot.

Heckler: Sen. Juan Ponce-Enrile
Devil: I’m a fan. Mwa-ha-ha-ha

Heckler: Annabelle Rama
Devil: ‘Yong tipong gagamitin niya sa tweets at interviews ang pangalan ng Sto. Niño sabay mura sa kaaway. Tang-*n*, ang cool! Idol!

Heckler: Manila Arbishop Luis Antonio Tagle
Devil: Pakialam ko!

Heckler: Gloria Arroyo
Devil: Just hang in there. Ginusto natin pareho ‘to. Walang sisihan.

Heckler: President Aquino
Devil: I’m not really into him pero may mga pagkakataong naa-appreciate ko ang attitude niya. Gustung-gusto ko kapag pikon na pikon siya ‘tapos nagpapatutsada sa kaaway. Syet! Mukha siyang grade schooler na inagawan ng sharpener at eraser. Loooove it.

Heckler: Last: Professional Heckler
Devil: Ayoko nga! Eh kung iedit mo?
Heckler: Blog ko ‘to, anong pakialam mo?
Devil: Pathetic!
——————————–
“We are each our own devil, and we make this world our hell.”
― Oscar Wilde

Stay healthy, be productive and enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,635 other followers

%d bloggers like this: