A PACMAN EXCLUSIVE

7 12 2012

THREE DAYS BEFORE he climbs the ring to fight Mexican Juan Manuel Marquez for the fourth time, Filipino boxing legend Manny Pacquiao agreed to be interviewed by our special correspondent in Las Vegas – Krissy. Here’s the transcript of their conversation.

Las Vegas, Nevada
December 6, 2012

ms U
Manny, hellllllo! Kumusta ka na? Long time no hear… kumpare! Alam n’yo mga Kapamilya, inaanak ko ang pangatlong son ni Manny.

Pangalawa, Krissy.

Ay, sorry! Naisama ko yata sa bilang ang anak mo sa una. Ay, ano ba ‘yon! Aha-ha-ha. Sorry again.

Pwiding bumati muna? Ang dami mo nang kwinto, wala pa akong gritings.

Aray ko! Oo nga naman. Hay naku Krissy, wala ka kasing preno. Napagalitan ka tuloy! Aha-ha-ha! So, Manny how are you?

Uki lang. Hito, ridi na sa fight ko sa Sabado.

Muntik na ‘kong ma-lost. Ang unang intindi ko sa ‘yo ‘hito’ as in catfish. ‘Heto’ pala. Aha-ha-ha. Anyway, bakit ‘yong fight walang masyadong buzz! Kabado ka ba?

Hindi naman. Basta trust ka lang kay Lord, malalagpasan mo lahat. ‘Tsaka, alam ko kasama ko ang Panginoon sa laban na ‘to kaya wala akong kaba.

Are you sure? Sinabi sa ‘yo ni Lord?!? What if sa side s’ya ni Marquez?

‘Di ka siguro nagbasa ng Bible Krissy. I mean sabi sa Romans 10:11, “Anyone who trusts in Him will never be put to shame.” Para malinaw, I am anyone who trusts in him so will never be put to shame.

I see. Wow, malinaw nga! Eh si Governor Chavit kasama mo rin?

Syimpri. Hindi naman nawala ang suporta n’ya. Sens berth. Hihihi

Pumayag si Lord?

Alam mo Krissy, sabi sa Luke 15:1-2, “This man receives sinners and eats with them.” For me, personally, at sa palagay ko, uki naman sa Panginoon kahit nandun si Gov and eats with them. I mean, ‘wag sana tayong mag-judgment kasi sabi sa Matthew 7:1, ““Judge not, that you be not judged.”

In Filipino…

Sus, inuuto mo naman ako. Gits mo na ‘yun.

Aha-ha-ha. You had me at ‘inuuto.’ Anyway, what’s this I heard, namigay ka raw ng mamahaling relo sa lahat ng congressman?! Sosyal ka! Samantalang ako cookies lang for friends. Pero masarap sila. I swear, nagustuhan ng audience ko sa KrisTV when I brought some sa taping three months ago, tapos muntik pang iuwi nung isa ang empty Tupperware. Kaloka.

Pwiding sumagot muna ako sa tanong?

Ayyy! Sorry! Ano nga ‘yung tanong ko? Aha-ha-ha, Ah, ‘yong luxury watches na gift mo raw sa mga taga-Kongreso. Is it true?

Overacting naman ang balita. I mean, ‘di naman mahal ang Tiknumarin. Oft the ricords lang ha: 40,000 lang isa nun. ‘Tsaka sabi sa Deuteronomy 16:17, “ Every man shall give as he is able, according to the blessing of the Lord your God which he has given you.”

Na-memorize mo talaga ‘yon?

Uu. Piro ‘di ko gits. Hihihi Juk lang. Gits ko naman. Kunti. Hihihi

Ito pa! Sabi sa news, halos tatlumpung kongresista ang lumipad ng Las Vegas para manood ng laban mo. Ano ang masasabi mo?

Syimpri, pasalamat ako sa supurta nila at pasalamat ako sa tiwala nila. I mean, kahit alam kung di nila pira ang ginastos, pasalamat pa rin ako. At less, may efforts. Hihihi Sabi nga sa Proverbs 17:17, “A friend loves at all times.” You know.

Pero Manny, sabi sa 1 Corinthians 15:33, “Do not be deceived: Bad company ruins morals.”

Alam ku pero sabi naman sa John 8:7, ‘“Let him who is without sin among you be the first to throw a stone.” Akala mu maiisahan mo ku ha hihihi

So, para sa ‘yo ok lang magliwaliw sa Las Vegas ang mga kongresista habang nasa state of calamity ang mga sinalanta ng bagyong Pablo?

Syimpri hindi. Piro priwil ‘yan eh. I mean ‘di ko naman sila pwiding pigilan. Eh bakit ang kapatid mo, ‘di sila pinigilan. Prisidinti s’ya ‘di ba?

At bakit naman nadamay ang kapatid ko? Helllllllllllo! Lest you forget, may separation of powers ang branches of government. Hindi nakikialam si Noy sa Kongreso, excuse me!

Lest you forget… RH Bill. Excuse me too!

In fairness, alam mo ang meaning ng “lest you forget?”

Hindi naman. I mean, ginaya lang kita. Baka sakaling tumama Hihihi

Oo nga pala, anti-RH Bill ka. I still remember my previous interview with you. Napag-uusapan na rin lang ang RH Bill, sabi raw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, tila sinasalanta ng kalamidad ang bansa kapag tinatalakay ng Congress ang RH Bill. Parusa raw ito ng Diyos. What can you say?

Iwan ko sa kanya. Sabi n’ya lang siguro ‘yun. Kasi kausap ko naman si Lord gabi-gabi, wala siyang na-mintion tungkol kay Bishop.

Ikaw na talaga ang close kay Lord. Winnnnnner! So never n’yang nabanggit ang pangalan ni Bishop Pabillo?

Niver heard.

Niver talaga? Naku, bishop, if you’re reading this… careful ka sa statements mo huh. Don’t use God’s name in vain. Ibinuking ka tuloy ni Pareng Manny. Never heard ka raw ni Lord. As in niver. Aha-ha-ha!

Pwiding bumati?

UNI2012_0204-1024x684
Teka lang! We’re not done yet. Kumusta naman si Mareng Jinkee?

Uki lang. Tulog na. I mean, jit lag eh. Pero lalong gumaganda.

Asuuus! Nambola ka pa! Ano bang secret ni mare at blooming lagi?

Simpli lang. Onli Bilo touches my skin.

Ohh! Wait, did she go under the knife?

Ang kulit mo Krissy! Tulog na nga eh so under the blanket na. Haisst.

Naloloka ako sa ‘yo. Ibang topic na nga lang.

‘Musta na pala si paring James?

May ganung segue? At ginawa mo pa siyang pari aha-ha-ha. Sandali lang… baka nakakalimutan mo, ako ang nagi-interview dito, hindi ikaw! So dapat ako lang ang magtatanong. James and I are okay naman. I think may game siya sa Pasko so imposibleng makasama niya si Bimby. Besides, my two sons and I with their yayas will be leaving for Hong Kong so kami talaga ng mga anak ko ang together this Christmas. Sa New Year na lang siguro silang mag-ama.

Tika lang, sino bang ine-enterview dito? Ikaw o ako?

Hellllloooo! Nagtanong ka ‘di ba? Sumagot lang ako. Nakakainis ka! Promise! Pinapahiya mo ako.

Tao lang. Suri. Suri.

Aha-ha-ha. Aliw ka talaga! Pati anak ni Tom Cruise dinamay mo. Anway, alam kong busy ka, so bilang isang lalaking nagbalik-loob kay Lord, anong maipapayo mo kay James? Alam mo naman ang lolo mo pagdating sa babae ‘di ba? Kaya nga kami laging nag-aaway noon.

Ah, kay paring James: sana huwag mawala ang takot mo sa Diyos. I mean, dapat hindi ka lang takot kay Krissy. Kay God rin.

O, ba’t nasama na naman ako? Guys, gusto ko lang ikurek ‘yan. May misimpression kasing inaapi ko si James or takot sa akin si James. Hellllo! Hindi naman siguro kami tatagal ng five years kung controlling wife ako ‘no!

Five years lang? Hihihi

Kainis ka! What’s funny? Five years is five years ‘no! It’s no laughing matter!

Uki. Suri sa laughing matter. May tanong ka pa?

UNI2012_0204-1024x684
Fourth fight na ninyo ni Marquez on Sunday, sa tingin mo ba mana-knockout mo na siya finally?

Si Lord lang ang nakakaalam. I mean, sabi nga sa Hebrew 11:6, “And without faith it is impossible to please him, for whoever would draw near to God must believe that he exists and that he rewards those who seek him.” Bahala na si God. Ang importante I training hard, I sparring hard, I shadowboxing hard, I doing everything hard and I fight hard.

And you English hard. Aha-ha-ha In fairness, improving!

Lest you forget. Hihihi

Last na. Totoo bang lilipat ka na sa ABS-CBN? Why not ‘di ba? Para sa susunod na Christmas, kasama ka na sa bonggang Station ID. Eh sa kabila, wala kayong Christmas ID ‘di ba? Aminin!

Oo nga eh. No ID, no Entry. Hihihi… Juks lang. I mean, it’s not the station ID that’s important naman eh. I mean, sabi nga sa Luke 22:15, “And he said to them, ‘Take care, and be on your guard against all covetousness, for one’s life does not consist in the abundance of his possessions.’

Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh. Magiging Kapamilya ka na ba next year?

Dipindi sa plano ni Lord. I mean, siya lang ang nakakaalam. Salamat nga pala sa mga nanood ng Manny, Many, Prizes, mga Kapuso, tutok lang sa bago kong show. I mean, hindi ko pa alam piro dapat miron. I mean, magkikita pa rin tayo. Abangan lang.

Tama ba namang mag-promote ng show ng kabila? Sana magpasintabi muna sa akin since ako naman ang inassign na correspondent ‘di ba?

Sorry Krissy. I mean, na-excite lang ako kasi isang tulog na lang ang laban ko. Kaya sa mga kababayan ko, maraming salamat sa dasal at walang sawang pagsuporta. I mean, kung wala kayo, wala si Manny Pacquiao. At sa Panginoon, salamat sa lakas at talentong bigay niya. Sana ay ipagdasal n’yo ako dahil ang laban na ito ay hindi para sa akin. I mean, ang tagumpay ko ay tagumpay ng buong bayan.

Kaloka! Tinapos mo talaga ang interview? Bahala ka na nga! Wait! Super last question: pansin ko lang, lagi mong ginagamit sa mga interview mo sa TV ang “I mean.” Bakit?

Pati ba naman ‘yun Krissy napansin mo pa? I mean, hindi ko rin alam. Si Lord lang ang nakakalam.

Si Lord talaga? Siya na naman?

Uu. Lest you forget. Hihihi Juks lang. I mean, you know.

-End of Interview-
———————————–
“Right now, my mind is focused on being more aggressive for this fight. If there is a chance in the ring during the fight for a knockout, why not make the fight easy if I have the opportunity?”
~Manny ‘Pacman’ Pacquiao

Have a safe weekend everyone! Go Pacman!

I am on Twitter: @HecklerForever.





FILING OF COCs: A TRAPO PRIMER

28 09 2012

THE FILING OF certificates of candidacy for the May 13, 2013 national and local elections is scheduled on October 1-5. Expect a circus in Comelec offices nationwide starting Monday.

To confuse you on this important poll-related activity, here’s the Trapo Primer on the filing of COCs originally drafted by a special committee composed of distinguished individuals: former Senator Armando Rugas Sr., Congresswoman Amanda Raya, Governor Melissa Kim, Atty. Francisco Racot and Commissioner Nina Cao. Please be guided accordingly.


Sinong pwedeng tumakbo sa 2013 elections?
Kahit sino. Basta malakas ang loob, nasa tamang edad, at may sapat na pondong pwedeng ipambili ng boto at ibayad sa watchers. Tandaan ang Golden Rule: Those who have the gold make the rules.

Bakit ka dapat kumandidato?
Dahil malakas ang clamor. Ano ba ‘yong clamor? Nakakain ba ‘yon? Basta! Kung malakas ang clamor na maglingkod sa bayan, sige lang. Lagi namang gano’n ang reason ‘di ba? Clamor! Kahit ‘di alam kung ano ang clamor, ‘yon pa rin ang ginagamit na dahilan sa pagtakbo. Pakapalan lang ‘yan ng mukha, patibayan ng sikmura at palakasan ng… clamor. Makakatanggi ka ba do’n?

Pwede ba akong tumakbo kahit nasa puwesto pa ang tatay ko, ang tiyo ko, o ang pinsan ko? Hindi ba political dynasty ‘yan?
Kalokohan! Basahin natin ang Section 26 ng Article II ng ating Saligang Batas: ‘Declaration of Principles and State Policies.’ Basa… “The State shall guarantee the equal access to opportunities in the public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Ang linaw ‘di ba? Bawal ang political dynasty. Pero may sumusunod ba? Walaaaaa! ‘Wag kang magpakabayani. Don’t be the exception to the prevailing rule. Bastusan ng batas ang uso, maki-ride ka na lang. Gusto ko happy ka!

Beinte-kuwatro anyos lang ako. Tapos na ang termino ng daddy ko. Wala namang interes sa pulitika ang mommy ko. Ako ang pinapatakbo nila kahit wala akong alam sa pulitika. Anong dapat kong gawin?
Walang hinangad na masama ang magulang para sa kanilang anak. Para sa kapakanan mo rin ‘yan at ng buong angkan. ‘Wag mag-alala. Sobrang bilis ng three years. After one term, balik-pwesto si Daddy. ‘Yon eh kung ‘di ka maa-addict sa kapangyarihan.


Kinukuha akong guest candidate ng Ahead Party. ‘Tapos may offer din sa akin ang Liberated Party na maging guest candidate. Hindi ba masama ‘yon? Hindi ba pamamangka sa dalawang ilog ‘yon?
So anong gusto mong palabasin? Na magaling ka? Na pinag-aagawan ka? Na bukod-tangi kang pinagpala? Baka kasi winnable ka. Sa panahong ito, winnability ang pangunahing criteria sa pagpili ng kandidato. Kahit mahusay at matino ka pero nasa dulo ka ng survey, mag-quit ka na lang. Siyempre, hindi susugal sa mahinang kandidato ang mga financiers at sources of funds.

Handa akong gumastos ng malaking halaga manalo lang ako bilang congressman. In case na palarin, mababawi ko ba ang nagastos ko?
Is the Pope Catholic? Sabi nga sa commercial, “Once you pop, you can’t stop!” Two words: pork barrel! Kaching! Kaching!

Natalo ako sa pagka-mayor sa isang siyudad sa Metro Manila noong 2010. Pwede ba akong tumakbo sa probinsya kahit HINDI naman ako doon isinilang, lumaki, nag-aral at naninirahan?
1: Why not? Kung tagaro’n ang lola mo; ang tiyahin ng lola mo; ang kapatid ng tiyo ng best friend ng pinsan mo, o ang dating s’yota ng kapitbahay ng kinakapatid ng kinakapatid ng kinakana ng manyak mong lolo, go!
2: One year residency lang ang kailangan sa batas. Kung isang taon bago mag-eleksyon ay nagtayo ka ng maliit na sari-sari store o kaya ay nagpagawa ka ng kubo para sa tagapag-alaga ng binili mong baboy at kambing, puwede na ‘yon!
3: Additional tip. Don’t just express. Impress. Mag-aral ka ng ilang words and phrases sa tatakbuhan mong lugar para ‘di naman obvious na bagong salta ka. Halimbawa: kung tatakbo ka sa Bicol, dapat alam mo ang phrase na “Lusi mo!” Kung sa Ilocos naman, sabihan mo ang mga tao, “Nabangsit ti butom! Ukininam!” Sa Negros, dapat kabisado mo ang “Iyot mo!” At kung sa bandang Cebu ka naman, aralin mo na ang linyang, “Pisti kang yawa’a ka!” Sakaling mabugbog ka, ok lang ‘yon. Everybody loves the underdog.

Kung ma-disqualify ako ilang araw bago ang eleksyon, ano’ng dapat kong gawin?
Maganda ba ang asawa mo? Makinis? Artistahin? Solb! Patakbuhin mo siya. Pwede ka namang maging chief of staff sakaling siya ang manalo. ‘Di lang ‘yon! Walang batas na nagbabawal na ilagay ang mukha mo sa billboard at tarpaulin. Makakatipid pa kayo dahil 2-in-1 ang mga tarpauling ikakalat n’yo sa buong distrito.

Paano kung ang asawa ko ay hindi maganda, hindi makinis at walang aurang artista?
Pera! Kung siya ay mapera, walang problema. Hindi lahat nadadaan sa ganda. ‘Wag kalimutan ang Golden Rule.

Eh paano kung ‘yong asawa ko, hindi na maganda, hindi pa rin mapera, manalo kaya siya?
Matalino ba siya? May taglay na charisma? May chance siya!

What if ang asawa ko hindi maganda, hindi mapera, walang masyadong utak, at walang charisma?
Bakit mo siya pinakasalan? Mag-concede ka na.


Ano ang dapat kong isuot sa filing ng COC?
Wala sa panlabas na anyo ang paglilingkod. Ito ay nasa puso at isipan. Ito ay kusang mararamdaman ng taumbayan. Pero kung epal ka talaga at gusto mong mapansin, try mong magsuot ng black sheer bodice dress ni Monique Lhuillier. Tiyak na pag-uusapan ka dahil mukha kang tanga!

Sino ang dapat kong isama sa pagpa-file ng COC?
Kung pamilyado kang tao, dapat nandun si mister o si misis para mag-project ng image na maayos ang married life n’yo kahit hindi. Kailangang ma-inspire ang masa sa ideal n’yong pagsasama. A year or two after ng eleksyon, saka na lang kayo umaming hiwalay na.

Important: ‘Wag kalimutang isama ang inyong mga anak sa pagpa-file ng kandidatura. Bagamat in reality ay mas close sila sa kanilang mga yaya, higpitan ang yakap sa mga ito lalo na kung may camera. Remember: the family that files COCs together will appear in tomorrow’s newspaper. Exposure!

Kung nalimutan kong mag-file ng COC, pwede bang humiling ng extension?
Hiyang-hiya naman sa ‘yo ang Comelec. Hindi! Epal ka!

Good luck!
———————————————
“There were so many candidates on the platform that there were not enough promises to go around.”
~ Ronald Reagan

It Figures…
18,022: Number of elective posts that are up for grabs for the 2013 polls
172: Number of party-list groups vying for seats in Congress
Source: Comelec

Quote of the Day
“I want to erase the doubt of the last three fights. There’s so many people still asking if I won the fights. I think to myself, ‘Something is wrong. I have to do it again.’”
~Manny Pacquiao on fighting Juan Manuel Marquez (Via ESPN)

Epal Quiz V
For submissions, email me at epaliticians@yahoo.com. Thanks!

Have a safe and romantic weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Eddie Gil Photo: Newsflash.Org]





ANONYMOUS

18 05 2012

Half-Filipina Jessica Sanchez is through to the finalé of American Idol Season 11. Two weeks back, Manny Pacquiao declared that she would win the title “in Jesus’ name.” I hope Pacman was not misquoted. Good luck Jessica!

“Ako ay natutuwa at nagpupugay sa tagumpay ng kababayan nating si Jessica Sanchez. Ang kanyang talento ay tunay na ikinararangal nating lahat. Nawa’y makamit niya ang titulo sa susunod na linggo. Karangalan siya ng ating bansa. Mabuhay ka Jessica!”
~ (Insert politician’s name here)

ANONYMOUS, an impeachment trial regular granted this blog a quick interview via Facebook chat. But ‘Anonymous’ remains evasive despite his/her newfound fame. Here are excerpts from the exclusive conversation.

Kumusta ka na?

Heto, malihim pa rin.

Sino ka ba talaga?

Secreeeet.

Sige, kung ayaw mong ‘pakilala, ano na lang ang gender mo?

Depende. Minsan, nag-aanyong small lady ako. Minsan naman, presidente ng bangko. Depende talaga sa sitwasyon eh. At depende sa kukuha ng serbisyo ko.

Saan ka ba nakatira?

Depende rin. Pero lately, napapadalas ako sa mga gate.

Gate nino?

Depende pa rin. Pwedeng gate ng kongresista o kaya gate ng civil society leader. Walang permanente eh.

Last Wednesday, galit na galit sa ‘yo si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Nabulyawan tuloy si Harvey Keh. Anong reaksyon mo?

Naloka nga ako kay senadora. Talak nang talak. For a brief moment, akala ko a-appear si Mon Tulfo to take photos. ‘Buti na lang, wala siya sa Senado. Otherwise, baka may naganap na namang bugbugan. Kaloka.

“Naloka” ka? A-ha! Babae ka ‘no?

Secreeet!

Ipapadampot ka raw ni Senator Santiago sa PNP at AFP.

Ha-ha-ha Bakit? May ideya ba sila sa hitsura ko? Eh ‘yun ngang Palparan at Joel Reyes na nasa diyaryo halos araw-araw ang mukha, ‘di nila mahuli-huli, ako pa kaya? Isang malaking good luck!

Marami ka raw alam tungkol sa bank accounts ni Chief Justice Corona? Saan mo ba kinuha ‘yong mga impormasyon na ‘yon?

Depends. Iba’t iba ang source ko eh.

Are these verified sources?

Depends.

Anong depends? Either your sources are credible or not!

I will not rely on dubious sources! Your assertion is totally baseless.

You are now arguing with the blogger/interviewer!

I’m sorry. Mea culpa.

Apology accepted!

Noted.

Noted your face! Sumasagot-sagot ka pa! Gusto mo talaga ikaw ang may last word. Now, let me reform my question. Kilala mo ba si Congressman Umali, si Harvey Keh o si Bolet Banal?

No.

Kung ‘di ka nila kilala, bakit tumanggap sila ng envelope mula sa ‘yo?

I am not competent to answer that question.

Sinungaling!

Kung ‘di ka pala naniniwala sa akin, eh ‘di tapusin na natin ang interview na ‘to!

Again, you’re arguing with the interviewer/blogger!

I’m sorry. Mea culpa again.

Apology accepted again at ‘wag kang maka-noted-noted dahil hindi ka si Kiko Pangilinan!

‘K.

Any final message sa mga nagbabasa ng panayam na ito…

Mga kababayan, unawain po ninyo kung bakit hindi ako makalantad. Kailangan ko ng seguridad. Ayokong ma-Alfred Mendiola alias Bading. Sa tamang panahon, malalaman n’yo rin ang tunay kong katauhan.

Siguro bading ka rin ‘no?

Leviticus 18:22 “Thou shalt not lie with mankind, as with womankind: it is abomination.”

Homophobic! Humanda ka sa LGBT!

Oh, I’m sorry. Mea culpa.

Apology accepted.

Nota! I mean, noted!

-End of Interview-

From the Tabloids!

PNoy at Grace Lee, friends na lang
> Katulad ng inaasahan

PNoy kay CJ: Walang personalan
> Silang dalawa, ‘di ba pwedeng magkaibigan?

Pacman hinamon ng suntukan ng mga beki
> Ah ito talaga, ‘di pwedeng friends

Pagbatikos ni Manny sa mga bakla, oks sa CBCP
> The enemy of my enemy is my friend.

Pacquiao: Hindi ako galit sa mga bading
> CBCP nawalan ng kakampi

Mga bakla at tomboy sa gobyerno pinalalantad
> Ayaw nila; takot sila kay Pacquiao

Mga bakla at tomboy sa gobyerno pinalalantad
> DepEd secretary pumalag

$12M ni Corona ‘di kasinungalingan – Ombudsman
> Baka “gawa ng demonyo?”

Kulang sa sukat, puwedeng mag-pulis
> Sukat ng t’yan?

Dahil sa titig, sekyu patay
> If looks could kill, it will

Turistang Intsik sa PH, pinauuwi na ng China
> ‘Yong mga drug traffickers na Intsik, isama n’yo na!

Claudine, handang bigyan ng ‘psychological treatment’ ng Gabriela
> Psychologically ill s’ya?

Ex-PGMA magpapasuri sa puso
> Nagli-leak ulit? Ooops, puso pala. Akala ko s*so. Mea culpa

Batas vs premature campaigning ikakasa
>Bong, Chiz, Cynthia Villar at Joel Villanueva ng Tesda, naalarma

Good News: Ate Shawie, ‘di na napipikong tawaging balyena
> Bad News: Mga balyena, napikon nang tawaging Shawie!

Helen Gamboa, takot sampalin si Susan (Roces)
> Si Sharon na lang daw, pwede?

Bong, pinayuhan si Alma sa pagpasok sa Senado
> Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili

Lani Mercado, ‘di tatakbong senador
> Thank you!

Alma Moreno tatakbong senador
> No, thanks.

(Thanks to Remate, Abante Tonite, Abante, Hataw, Pilipino Star Ngayon, Pinoy Parazzi)
———————————————-
“The problem with losing your anonymity is that you can never go back.”
~ Marla Maples

Quotes Quiz: Who said…
“Final three na! Go Jessica Sanchez! Make our country proud! Meanwhile, if CJ Corona testifies truthfully, final episode na rin… :)”
A: Cong. Sonny Angara
B: Cong. Miro Quimbo
C: Cong. Erin Tañada
D: Atty. Edwin Lacierda

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Quotes Quiz Answer:
C: Cong. Erin Tañada via Twitter





BÜLBÜLOĞLU

11 11 2011

THIS JUST IN: Facebook posts reveal Genelyn Magsaysay, Ramona Bautista’s mother, is taking antidepressants. Shocking tabloid news say she’s allegedly getting psychiatric treatment. And in even more shocking news, President Aquino has offered to shoulder her medical expenses.

Turkey was hit by a 5.7-magnitude earthquake killing at least five and trapping dozens in collapsed buildings. Seen running in apparent panic during the tremor was a woman in red scarf.

A news crew of ABS-CBN was able to locate the residence of Ramona Bautista in Turkey. Take that NBI/Interpol!

Ramona Bautista is married to a Turkish national identified in the papers as Engin Tuna Bülbüloğlu. Now we know why she insists on using her maiden name.

Engin Tuna Bülbüloğlu was quoted to have said that in Turkey, Ramona Bautista is untouchable. While in the Philippines, his name is unpronounceable.

Murder suspect Ramona Bautista has been married for three years to Engin Tuna Bülbüloğlu. That name just made “Yilmaz Bektas” sound common.

Maria Ramona Belen Bautista was a hot topic in Turkish newspapers. Take that Ruffa Gutierrez!

This just in: Latest reports say Ramona Bautista’s siblings had a premonition that something bad involving their sister was going to happen. A day before Ramgen was killed, the whole family played bowling and Ramona, a novice at the sport, scored a turkey.

Giant Asteroid
Last Tuesday, Asteroid 2005 YU 55 – a black asteroid as huge as an aircraft carrier just missed the Earth… but partly collided with Ramona Bautista’s jaw.

A global catastrophe was averted when an asteroid as huge as a football field missed planet Earth Tuesday. Asteroid 2005 YU 55 came close to destroying humanity but reversed its direction when it saw competition: Kim Kardashian, Lindsay Lohan, and Ramona Bautista.

Ali Peek
At press time, the lone assailant who shot and injured basketball star Ali Peek has yet to be arrested. Unverified reports say the suspect has applied for asylum in the Dominican Republic.

Most Hated
CNN’s travel website has named the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) as the fifth most hated airport in the world. As pageant fans would say, fourth-runner up. Sought for comment, NAIA officials said, “Nope, we’re not going to change our airport. Whoever loves our country must also love our airport.”

In an article titled “World’s 10 most hated airports,” CNN’s Jordane Rane dissed NAIA’s “unkempt conditions, soup kitchen-style lines that feed into more lines, and an overall sense of futility.” Wait, is that NAIA? Sounds more like the MRT.

Lolong
National Geographic representatives have confirmed that Lolong is now the world’s biggest saltwater crocodile in captivity. When told about the recognition, Lolong said, “Nakakain ba ‘yan?”

Lolong has been named by NatGeo representatives as the world’s biggest saltwater crocodile. Lolong’s very proud colleagues in Agusan Marsh have filed a resolution commending the feat.

Pacman vs. Marquez
Experts predict a Pacquiao victory over Marquez this Sunday. Some say the fight will be over by Round 2. Others believe it could last until Round 8. One thing’s for sure though, TV commercials will last by ‘round midnight.

At least 26 congressmen are watching Manny Pacquiao’s fight in the United States. In fact, the MGM Grand Garden Arena has reserved three rows for them. The seats were labeled, “Las Vegas Marsh.”

Kapamilya Christmas ID
On Thursday night, media giant ABS-CBN launched its 2011 Christmas Station ID. Conspicuously missing were Megastar Sharon Cuneta… and President Aquino.
————————————————————————————————–
“He who does not prevent a crime when he can, encourages it.”
~ Seneca

Quotes of the Weak
“Nothing will come out of this incident. Everything is merely made up of allegations. No one can touch us.”
~Engin Tuna Bulbuloglu, Ramona Bautista’s Turkish husband

“If he wants, the President can just come with us. Then, after [my wife’s medical procedure abroad], we can all return home.”
~Former First Gentleman Jose Miguel Arroyo

Stay healthy! Happy weekend!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,841 other followers

%d bloggers like this: