DECISIONS, DEMONS, SEDUCTION

20 03 2013

HERE’S MY reply to your questions on a variety of topics:

untitled
Nabalitaan ko pong tutol ang parents ni Heart Evangelista kay Chiz Escudero. ‘Di ba ayaw din nila noon kay Jericho. Ilang taon na po ba si Heart?

She’s 12. Thank you.
***

Follow up question lang po. Ano ang reaksyon n’yo sa balitang hindi BOTO ang parents ni Heart kay Chiz? Baka naman concerned lang talaga.

Baka naman member sila ng UNA. Thank you ulit.
***

Sabi po ni Jack Enrile sa news, pinaulanan daw ng bala ang convoy niya sa Compostela Valley. Kailan po kaya siya magre-recant?

Masyado ka namang judgmental. Pinagbabaril lang, recant na agad? ‘Di ba pwedeng Martial Law muna?
***

Nagulat ako sa balitang binaril ang convoy ni Jack Enrile sa Compostela Valley. Totoo kaya ‘yon?

Hintayin natin ang kanyang memoirs.


Huwaaat? Kung kelan matatapos na ang termino saka sasabihing ‘di valid ang kandidatura ni Lucy Torres? Ano pong mangyayari sa pork barrel niya?

‘Asan? Ubos na! Asa ka pa.
***

Follow up question, anong say n’yo sa statement ni Lucy Torres-Gomez na ang pulitika ay “laro ng demonyo?”

So bakit s’ya nag-join? Pati asawa n’ya sasali pa. Sinong  tanga? (Kainis!)
***

Sabi ng Supreme Court, talo raw talaga noong 2010 ang mayor ng Imus, Cavite na si Emmanuel Maliksi. Pero ayaw niyang umalis sa pwesto dahil siya pa rin daw ang tunay na mayor. Tama po ba siya?

Hindi siya tama. Tukô siya. Tukô!
***

Sa TV Patrol kahapon, finally ay na-mention na ni Korina ang pangalan ni Vice President Binay habang nasa Roma. Nakakatuwa naman. Ok na pala sila.

You have no idea.
***

Sabi ng PAGASA last Monday, “summer has officially arrived.”

Ngayon lang nila nalaman?

PUP
Totoo bang suspended ang klase sa PUP? Paki-confirm naman.

Saan naman nanggaling ‘yan? May pasok! Pero nakatayo na nga lang. Sinunog na ng mga aktibista ang mga upuan.
***

Follow up question lang: noong estudyante ba kayo, nanunog rin kayo ng mesa at arm chairs?

Hindi. Kulang na nga ang facilities ng UP System, susunugin pa namin? Baka sabihin ng mga taga-La Salle at Ateneo, “Hiyang-hiya naman kami sa inyo!”
***

Nakita mo na ba ang TV ad ni Rissa Hontiveros kung saan kumakanta siya? Pati si President Noy, kumakanta rin! Ang cuuute!

May sakit ka?
***

Nakakagulat naman po ang Korte Suprema. Pinigil pala nila ang implementation ng RH Law. Sabi tuloy ni Marbel, South Cotabato Bishop Dinualdo Gutierrez, “Kumikilos ang kamay ng Panginoon sa mga puso ng justices” kaya nahinto ito.

Wait lang. Nag-text ang Panginoon. Sabi Niya, “Hindi pa ako nagi-issue ng official statement. At lalong hindi si Bishop Gutierrez ang spokesman ko. Thank you.”
***

Nasa news na naman pala si Kris Aquino. Nag-file siya ng temporary protection order laban kay James Yap. Sineduce daw siya nito last December. Anong masasabi mo?

‘k.
————————————————————
“What is right is often forgotten by what is convenient.”
~Bodie Thoene

top 10Sound Bites
“We are now appealing to Mr. Escudero to leave our daughter alone for a cooling off period.”
~Mrs. Cecile Ongpauco, Heart Evangelista’s mother

“Nahanap ko na ang taong para sa akin. ‘Wag na nilang ilayo ang taong mahal ko. Masaya na ako. Everybody deserves to be happy.”
~Actress Heart Evangelista

“Wala na akong pakialam kay Kris. Gusto ko lang makasama ang anak ko.”
~ Basketeer James Yap on Kris Aquino’s allegation that he tried to seduce her last December

Twitter Audit
A Twitter follower informed me about this app called Twitter Audit that conducts an “audit” of your Twitter followers. It tells how many of them are fake or real. After the audit, you get a score “based on number of tweets, date of the last tweet, and ratio of followers to friends.” I tried “auditing” some celebrities and other popular Twitter accounts and the results were revealing, if not shocking. Here are some samples:

1Kobe

4PDI

2Noy

3ANNE

4ty

Enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,706 other followers

%d bloggers like this: