EXCLUSIVE: THE PRESIDENT AND THE VICE

1 05 2013

DESPITE HIS tight schedule, the President granted us an exclusive interview on condition that it would be a ‘light’ one. So we opted to send one of your favorite hosts to talk to the Chief Executive.

After his hit one-on-one with senatorial aspirant Nancy Binay, the public asked for more. Ladies and gentlemen, please welcome, ang kilabot ng mga basketbolista… Vice Ganda!

(Canned applause)

Grabe naman ang intro! Nakaka-tense. Parang pinapalabas namang hayok na hayok sa akin ang mga basketball players. Well… I cannot blame them. Charrrrring! Anyway, excited po ako dahil importanteng tao ang makakausap natin tonight. ‘Wag na nating patagalin pa… ang kapatid ng aking ‘asawang’ si Krissy… President Noynoy Aquino!

SALCEDA
Good evening Vice! Kinakabahan ako ah. Nakakatakot pala rito.

Gano’n ho ba? Eh ‘di sige… ‘wag na lang nating ituloy Mr President. Madali naman ho akong kausap. Ayun ang pinto; makakauwi na po kayo. Mga kaibigan, kita-kita ulit tayo next time dito sa…

Ikaw naman Vice, tampo ka kaagad. Nagbibiro lang ako. Kailan ba kita hinindian?

Kung makapagsalita ka naman Sir parang hinahabol-habol kita. Ang gwapo n’yo lang huh!

Loko ka talaga Vice. O, ano ba’ng atin?

Itinatanong n’yo ho kung ano’ng atin? Ang alam ko lang ho ‘yong akin, malaki. Ewan ko ho ‘yong sa inyo!

Puro ka naman joke Vice eh. Start na tayo.

I see. ‘Yong lagay na ‘yon eh hindi pa pala tayo nagsisimula! So ano ho ‘tong ginagawa natin? Rehearsal? Joke laaaang. Sige po, game na tayo. Unahin na natin ang tanong na alam kong hinihintay ng masa: Ano ho bang real score sa pagitan n’yo ni Bianca Manalo?

Real score?

Hindi ho! Fake score. Ano ho ang fake score sa pagitan n’yo ni Bianca? Chos lang. Siyempre, real score.

Ang totoo Vice, hindi pa ako nakaka-score.

Nagtaka pa kayo?

Anong sabi mo Vice?

Ang sabi ko Mr President, ang tanga-tanga naman ni Bianca! Pangulo na ang lumalapit, parang ayaw pa. Sus! Kung ako ang babaeng ‘yon, magdyowa na tayo ngayon Sir!

I can’t imagine Hahaha

You can’t imagine?! Wow! Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo Coco Martin! Anyway, here’s the next question: kumusta naman ho ang inyong sex life?

I think that’s private.

Exactly Mr. President! I am asking about your privates! Hellooow!

Pasensya na Vice. ‘Wag na ‘yan.

Sige na nga! Hmmpf. Ang liit-liit na bagay, ayaw pag-usapan. Moving on… Almost three years na kayo sa puwesto pero hindi pa rin daw kayo tumitigil sa paninisi kay GMA. Hobby n’yo ba talaga ‘to o trip-trip lang?

Alam mo Vice, seryosong usapin ito.

Bakit ho? Sinabi ko bang joke ‘yan? Nagbibintang kayo huh! Masama ‘yan Mr President. Naninisi ka na naman.

Lahat ng masamang nangyayari ngayon ay bunga pa rin ng masamang mga patakaran noon. Kung nababanggit ko man ang nakaraang administrasyon sa aking mga talumpati, nais ko lang ipabatid sa taumbayan na walang magandang maidudulot ang pagiging gahaman at mapang-abuso sa kapangyarihan.

Ang dami namang sinabi. ‘Tinanong ko lang kung trip o hobby, nobela ang naging sagot! Kaloka! Mr. President, malapit na po ang eleksyon, hypothetical lang… kung may isang member ng LP coalition ang sure na matatalo, sino ang gugustuhin mo, and why?

Isa lang??

Hindi ho. Labindalawa! ‘Di ba kasasabi ko lang na isa Mr President? Hindi n’yo ho narinig? Kung ayaw n’yo ng isa, gawin nating labindalawa, para lahat sila… talo! Bahala kayo!

Mahirap eh. Pero kung pipili ako ng isa… ahm, isa lang talaga?

Paulit-ulit??!? Oo nga ho! Isa lang! Ang kulit!

Lahat sila ikinakampanya ko at lahat sila ay napalapit na sa akin. Pero kung ako ang pipili ng matatalo…

Bakit ho si Mrs. Villar?

Sandali! Wala pa akong sinasabi. Saan nanggaling ang Mrs. Villar?

Ay, hindi ho ba siya? Sorry. I thought siya ang choice n’yo dahil noong 2010 grabe ang batuhan n’yo ng putik.

Mahirap sagutin ang tanong mo Vice. Baka may magtampo. Pwedeng ibulong ko na lang?

Sure! Sino ho ‘yon Mr. President?

(Mr. President whispers a name to Vice)

Oh em gee!!!!! Siya?!?! Nakakaloka ka Sir! Hindi ko inexpect na s’ya, promise! May pam-blackmail na ako sa’yo Mr. President… hahaha!

Wala namang laglagan Vice. Sa ‘ting dalawa lang ‘yon.

Joke lang Sir. Sa mga readers, heto ang clue sa name na ibinulong sa akin ng pangulo: May letter A sa full name! Good luck sa panghuhula. Back to you Sir… alam kong napanood n’yo ang interview ng TV Patrol sa apat n’yong kapatid na babae. Ano ang masasabi n’yo kay Ma’am Viel?

Actually s’ya nga lang ‘yong tinext ko nang makita ko silang apat sa TV eh. Sabi ko kay Viel, “Si Alison Krauss ka ba?”

I’m sure, nagtanong si Ma’am Viel, “Bakit?”

Kasi… you say it best when you say nothing at all. Boom!

Pucha naman! Ang korni mo Mr President! Sarap mong sipain! Syet. Anyway, iniintriga ho ngayon si Albay Governor Joey Salceda. Kasi naman, LP leader siya pero inendorso daw niya sina Nancy Binay at Jack Enrile. Ano ang masasabi n’yo sa bruhang ‘yon, I mean sa pangyayaring ito?

SALCEDA
Joey called me the other day at nagpaliwanag naman. Naging “extra hospitable” daw lamang siya nang mangampanya sa Albay ang UNA.

Echosera! Hindi ako naniniwala Mr President! Malakas ang radar ko sa Salceda na ‘yan! In 2010, nilaglag din niya si Gilbert Teodoro at lumipat sa LP. I’m sure, sa 2016… ta-traydurin naman niya ang Liberal! Watch out!

LP member ka ba Vice? Kung magsalita ka kasi parang regional chairman ka. May galit ka ba kay Joey?

Sinasabi ko lang ang totoo Mr President. At wala akong galit kay Salceda. Excuse me, ang layo ng ganda ko sa kanya!

Saang school ka nga galing Vice?

FEU! Morayta!

Si Joey Salceda… Atenista.

Hindi halata! Tse!

Namemersonal ka na. May tanong ka pa?

Marami hong nag-aalala, kasama na kami ni Krissy, sa balitang bumibigay na ang katawan n’yo sa matinding kampanya. Paulit-ulit ho ang payo ng Philippine Medical Association, mag-quit na raw kayo sa pagyoyosi. Any reaction?

Paulit-ulit ko ring sasabihing ang paninigarilyo ang stress reliever ko. Mahirap bang unawain ‘yon?

Kayo pa ang galit Mr. President?? Wow. Sorry naman sa concern! By the way, alam n’yo bang ayon sa isang recent study, nakakaliit ng t*ti ang smoking?

Ang bastos naman ng bibig mo Vice! ‘Tsaka ‘di dapat pinaniniwalaan ang mga ganyang study. Sus! Sa ibang bansa lang ‘yan! Paano ba mag-quit?

‘Yun na! Pag-usapan natin ‘yan mamaya Sir. Tapusin muna natin ‘to. Kung tomorrow na isasagawa ang presidential elections, sino ang iboboto mong pangulo?

Siyempre, isa lang. ‘Yong taong nagpaubaya sa akin noong 2010 – ang matalik kong kaibigang si Mar.

Bakit Mr. President, handa na ba ang publiko sa kanya?

Mas dapat yatang tanong mo Vice: handa na ba ang publiko kay Korina?

Ay! Parang may laman ang statement na ‘yan! May pinaghuhugutan? Before I forget, congrats nga pala Mr. President for being one of the 100 most influential people in the world ng TIME magazine.

Siyempre, nagpapasalamat ako sa pagkilala. Nakatataba ng puso ang mapasama sa nasabing prestigious list.

Oo nga eh. Kasama n’yo sa listahan si Kim Jong Un.

Si Kim Jong Un ng North Korea?!!!!!?

Hindi ho! Si Kim Jong Un ng Belgium o kaya Kim Jong Un ng Tuvalu. ‘Di bale Mr President… ang importante, influential ka!

Thank you Vice! Matagal pa ba ‘to?

Ay, minamadali n’yo ako?? Ano bang sked n’yo today: trabahong pampangulo o trabahong pam-partido?

Are you implying something?

Wala ho. Sabi ko ho, ang sipag-sipag n’yo. Sige po… dahil campaign period naman ngayon at bilang pasasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming invitation… you can pitch for your candidates. I am giving you 1 minute.

One minute?

Ah hindi! Kung gusto n’yo… 1 week. Sige, simulan n’yo na’t baka abutan pa kayo ng eleksyon. Go!

Pwede ko nang simulan?

No Mr. President. Tapusin mo na! Kaloka ka!

-End of Interview-
———————————–
“I do not believe that any political campaign justifies the declaration of a moratorium on ordinary common sense.”
~Dwight David Eisenhower

Sound Bites
“I courteously held the hands of Nancy and Jack but did not raise (them).
~Albay Governor and LP regional chair Joey Salceda on his endorsement of UNA candidates

Have a productive month of May!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,772 other followers

%d bloggers like this: