TOUGH LUCK

7 04 2011


SUMMER NA! Bakasyon na ang mga estudyante. Malapit na rin ang Holy Week. Dahil d’yan, maging ang mga bituing gumagabay sa mga pulitiko at taong-gobyerno ay nasa vacation mode na rin. Pero bago sila mag-break, narito muna ang kanilang payo at babala sa ilang personalidad sa lipunan.

President Noynoy Aquino
Birth: February 8, 1960
Sign: Aquarius

Sa pag-ibig: Huwag ituring na setback ang latest heartbreak. Sanayan lang ‘yan. May ibang babae para sa ‘yo. Ang problema nga lang: baka hindi ikaw ang lalaki para sa kanila. Bahala na.

Sa kalusugan: Ayaw ka naming takutin pero ayon sa pag-aaral, ang average smoker ay umaabot lamang sa edad na 69. Hindi pa huli ang lahat. Tigilan mo na ‘yan.

Sa trabaho: Paramdam ka pa nang konti. Lagi na lang si Binay eh.

Lucky Tip of the Day: Huwag hayaang makawala ang suwerte. Isara ang bibig kapag ‘di naman nagsasalita.

Vice President Jejomar Binay
Birth: November 11, 1942
Sign: Scorpio

Sa pamilya: So far, so good. Lahat ng sinimulan mo sa Makati City, ipinagpapatuloy ng iyong unico ijo. And when we say lahat, we mean lahat! Tuloy ang maliligayang araw.

Sa trabaho: Umanin ka! You are so enjoying this. Ikaw na ang maging bida sa balita araw-araw! Nangangamoy 2016 na!

Sen. Panfilo Lacson
Birth: June 1, 1948
Sign: Gemini

Sa kalusugan: Tataas ang blood pressure mo. Hinay-hinay lang sa pagkain ng adobo’t embotido.

Sa trabaho: Tama ang desisyon mong tanggihan ang alok ng isang giant network na mag-host ng isang cooking show. Hindi kasi ito magri-rate.

Sa pamilya: Isang teen actor ang magki-claim na ikaw ang tatay niya. Huwag maniwala sa kanya. Hindi mo siya anak. Ewan ko lang ‘yong kapatid niya.

Ombudsman Merceditas Gutierrez
Birth: Unknown
Sign: Delikado!

Sa pag-ibig: Itigil ang ilusyong crush ka pa rin ni Rudy Fariñas hanggang ngayon. Hindi bagay sa ‘yo ang mag-blush. Ang sagwa eh.

Sa trabaho: Ay, meron ba? May ginagawa ka? In fairness, hindi halata.

Sa kalusugan: Habang papalapit ang iyong impeachment trial, magkakaroon ka ng insomnia. Ganyan talaga kapag ayaw patulugin ng konsensya.

Lt. General Jacinto Ligot
Birth: Won’t tell
Sign: Won’t tell

Sa kalusugan: Kakapitan ka ng isang rare disease. Ito ang tinatawag na “Kris Aquino Syndrome.” Kapag ipinatawag ka ng Senado, lahat ng pangyayari sa buhay mo, mabaho man o mabango ay isisiwalat mo sa publiko. Panalo!

Sa trabaho: Hindi na kailangan. Sa laki ng nakamal mong salapi, mag-relax ka na lang. Kapal ng mukha lang ang kailangan.

Sa pag-ibig: Bantayan ang galaw ng iyong misis. Kilalanin ang kanyang dance instructor. Magsaliksik at alamin rin ang kahulugan ng terminong “cougar.”

Willie Revillame
Birth: January 27, 1961
Sign: Aquarius

Sa trabaho: Wala ka talagang kadala-dala. Bitbit mo pa rin sa Singko ang mga natutunan mo sa kabila. Magbago ka na!

Sa pag-ibig: Huwag nang umasa sa babaeng pinopormahan mo ngayon. Kahit langit at buwan pa ang iregalo mo d’yan, hindi ka niya magugustuhan. Manhid ka ba? Hindi ka niya type!

Manuel V. Pangilinan
PLDT Chairman

Birth: July 14, 1946
Sign: Cancer

Sa trabaho: Patuloy na mag-iingay ang ilang kongresista at kukuwestyunin ang acquisition ng PLDT Group sa Digitel/Sun Cellular. Well, dating gawi. Simulan mo na ang pagkukuwenta. Magkano ba sila?

Sa pag-ibig: Kung saan ka masaya, suportahan ta ka. Huwag intindihin ang mga tsimoso’t tsismosa. Hindi mo kasalanan kung “can afford” ka. Inggit lang sila.

Marlene Aguilar-Pollard
Birth: No records available
Sign: 1/4 Ophiucus , 3/4  Unidentifiable

Sa pagsasalita: Engaging ka. In fact, your histrionics unite people. Kapag napapanood ka nila, sama-sama at sabay-sabay silang nagmumura!

Sa pagiging ina: You’re incomparable.

Sa takbo ng pag-iisip: You’re irreparable.

AT SUMAINYO ang isa na namang edisyon ng mga hula at babala ng mga bituin. Kung nais n’yong malaman ang inyong sariling kapalaran, right click here.

German or Jewish?
The Department of Health says 90 percent of Filipino men are circumcised. The rest have partners who pretend to be happy.

Tax Evaders?
The Bureau of Internal Revenue has filed charges against Ang Galing Party-list Rep. Mikey Arroyo and wife, Angela Montenegro for their alleged failure to remit 73.85 million pesos in taxes to the government. But Mikey’s lawyer, Ruy Rondain explains the BIR should have given his client ample time to reply. After all, it’s not that easy to produce fake receipts.
————————————–
“The income tax created more criminals than any other single act of government.”
~Barry Goldwater

Photo of the Weak

Ano ang sinasabi ng babaeng nakadilaw sa larawan?
A: “Ayaaaan, ssshwak na sshwak ang bago mong pustisho! Ang saya-saya… ‘no?!”
B: “O, ‘wag kalimutan sha 2013 huh! “Arroyo sha balota… ire-elect sha Pampanga!”
C: “Hello there! You smile at me when you say hello there!”

Elsewhere
Newsbreak: It’s over for PNoy & Len

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter

Personal: Some readers have alerted me that they couldn’t post the article on Facebook and they repeatedly receive a notice that goes: “This message contains blocked content that has previously been flagged as abusive or spammy. Let us know if you think this is an error.”

Hindi ko po alam kung bakit. Pasensya na.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,841 other followers

%d bloggers like this: