PINOY FIRECRACKERS: A GUIDE

28 12 2012

Christmas is for kids.
New Year’s Eve is for adults.

F
NARITO ANG INYONG gabay sa pagpili ng mga paputok na sisindihan sa pagsalubong sa taong 2013:

Enrile Firecracker:
Ang pinakaunang firecracker na ibinenta sa Pilipinas. Ilang beses na rin itong ipinagbawal ng pamahalaan pero tuwing magpapalit ng administrasyon, nagpapalit rin ng packaging.

Noynoy Firecracker:
Fifty-two years na sa market; medyo hirap nang pumutok.

GMA Firecracker:
Hindi na uso. Wala nang bumibili. Ayun, nabubulok sa stock room.

Erap Firecracker:
Ilang dekada na rin itong ibinebenta. Malakas pa rin ang hatak sa publiko kahit minsan na rin siyang ipinagbawal. May newer versions ang Erap firecracker: dalawa – parehong mataba ang hitsura pero magkaiba ang manufacturer.

Miriam Firecracker:
Medyo kumplikado ang pagkakagawa rito. Pati instructions kung paano dapat paputukin, kumplikado rin. Bawal sa bobo!

Sereno Firecracker:
Mahaba ang buhay. Kahit abutin ng 18 years… puputok pa.

Gwendolyn Garcia Firecracker:
Kahugis ng kwitis. Kaya lang, matapos sindihan, nananatili pa rin sa puwesto. Hindi umaalis.

Binay Firecracker:
Masyadong excited na paputok. Ang intensyon ng manufacturer ay ibenta sa 2016. Pero 2011 pa lang, nagparamdam na sa mercado. May tatlong mas bagong bersyon ang Binay firecracker, at ayon sa inisyal na report ng market analysts, mukhang bebenta silang lahat ngayong 2013.

Eric Tayag Firecracker:
Sumasayaw na firecracker. Masipag pumutok pero ligtas naman. Bongga!

Party-List Firecracker:
Mag-ingat sa pagbili ng paputok na ito. Nagkalat ang peke!

Kris Aquino Firecracker:
Isa sa pinakamaingay na paputok. Pero kahit gaano pa kaingay o ka-iritable ang tunog nito, hindi ka magsasawang panoorin dahil sobrang colorful.

Viel Firecracker:
Ang kabaligtaran ng Kris Aquino firecracker. Hindi gaanong kalakasan ang putok. Cute lang.

Sharon Firecracker:
Bago sindihan, mag-pray ka muna o mag-utter ng Biblical passages. Otherwise, baka matilamsikan ka ng firecracker na ito. Medyo may kamahalan din ito. Kung bibili ka, iwasang makipagtawaran. Mapapaaway ka lang.

Sotto Firecracker:
Tip: Ilayo sa mga gamit sa bahay. Mabilis itong mag-init. Unfortunately, gaya-gaya lang sa ibang paputok ang sound nito; walang originality. Hindi masyadong nakakaaliw.

FRico E. Puno Firecracker:
Dahil sa alleged injuries na dulot nito, it was banned for like three months by authorities. Ngunit malakas ang balitang ibabalik na ito sa market.

Pacquiao Firecracker:
Matinding sumabog. Ngunit kailangan itong ingatan sa lalagyan dahil konting hamog… tulog! Hindi na puputok.

Jinkee Fireworks:
Pagkasindi mo, sasabog ito at magbabago ng colors – iba’t ibang kulay; sa sobrang ganda, hindi mo iisiping fireworks, halos ‘di mo na ma-recognize.

Cebu Pacific Firecracker:
Kadalasan daw ay delayed ang putok.

Claudine Firecracker:
Hindi mo aakalaing malakas ang putok nito. Matapos sindihan, lumayo kaagad dahil mala-sipa ang dagundong nito.

Petron, Shell, Chevron, atbp Fireworks:
All-year round ibinibenta ito. Kahit malayo pa ang New Year, grabe nang magtaas. Ang laging rason: mahal ang pulbura sa world market. Ang kapal!

Janine Tugonon Firecracker:
Hindi gaanong kalakas ang putok pero oks lang as long as it influences and inspires people.

Charice Firecracker:
Kakaiba ang tunog nito. May accent.

Amalayer Firecracker:
Warning: Bumabalik ‘yan kapag inihagis – kasi nga, “Ate, ginanun mo ko! I’m jez rethurning the feybor!”

And finally…
CBCP Firecracker:
Kahalintulad ng watusi, paborito ng mga unsuspecting na batang lalaki. Ingat!
————————————————————
“Cheers to a New Year and another chance for us to get it right.”
~Oprah Winfrey

Have a safe weekend! Happy New Year!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 109,355 other followers

%d bloggers like this: