WTF! [The Epal Quiz Year-Ender]

15 12 2012

WE BEGIN OUR year-ender special with the best of the Epal Quizzes and the worst of the epaliticians. Today, we select the Top 20 that made readers ask, “WTF was that?!” or “What the hell were they thinking?!” They also generated the biggest laughs. Attention-seekers? Fame whores? You be the judge.

‘Yong kalye, mapagkumbaba. ‘Yong mayor kaya?

Enough said.

Humihinga pa, may lapida na.
May you rest in peace.

Chief-of-Staff kasama sa tarp?!? Ayos ka ah.
Kaepalan. Walang Hanggan.

Bakit? Sino bang nagsabing hindi?
May umaagaw sa pwesto mo?

Libreng scholarship, libreng training, libreng pagpapagamot,
at libreng Mercury Drug?!?
Namimigay na pala ngayon ng drug store sa Quezon City??

Aping-api naman ‘yong mag-ama.
Sana nilakihan pa nang konti ang pangalan nila para mabasa. Ang liit eh!

Saan po kayo mas talented: sa pagiging epal o sa pagiging literal?
Candy talaga ang logo?

Bago kayo umepal, alamin n’yo muna ang tamang spelling
ng boulevard! Kung maka-boulibard naman kayo!
Wrong spelling wrong!


Kasalang Bayan: Proyekto ni Congresswoman Ivy Arago
Mapapalampas ko na sana eh, kaya lang biglang
nag- “I’ll VY With You Forever”
Naknampoodle. Ang mushy mo! ‘Kainis!


Salamat sa impormasyon. Ngayon, alam na namin ang hitsura
ng mga lider ng Basag Kotse Gang.

Medal para sa honor student; may mukha ng mayor ng Antipolo City!
“Lord, nag-aral naman akong mabuti. Pero bakit ito pa ang ‘yong iginanti?”


Barangay Bahay Toro. Ipagpatuloy ang asenso.
Hindi aasenso ang Distrito Uno kung supot ang mga lalaki rito.


Join Us Now. Obtaining No to Geothermal Exploration.’
Because the colors of each acronym letters is to matched the
inicials of the mayor in the incumbent. Cleared?
And remember: Its not the errored grammar thats important.
Its the taught that counts moreover in Christmas, isn’t it?

Sabi sa freedom wall, pader, “A reform project” ng mag-ama.
Ang reply ng kalsada:

“Eh kung mga sarili kaya nila ang ireform muna?! Try n’yo lang.”


Starting Them Young: Unang Hakbang sa Kaepalan


Libreng sipsip ng kanal, estero, at pozo negro… hangad ni Mayor Nilo!
Hangad rin po naming ang sumipsip ay kayo!


Patay na, ginamit pa. Ang tigas n’yo!


Ayon sa tarp, si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog daw ay may PhD in management. At take note, UNO sa oral defense. Anong say mo?
A: ‘T@ng-in@! Anong pakialam namin!?!
B: Isa lang ang masasabi ko: swak kay mayor ang apelyido niya!
C: Wala kayo sa mayor namin! Ang mayor namin… Best in HEKASI noong Grade 6. Tse!

And finally… the one that made the list of The 8 Weirdest Real-Life Science Fiction Political Ads:


———————————————————-
“Wealth is like sea-water; the more we drink, the thirstier we become; and the same is true of fame.”
~ Arthur Schopenhauer

Have a great weekend!

Thank you to Epal Watch and to everyone who sent images that were used here. Let’s continue this crusade. No to Epaliticians! Happy Holidays!

I am on Twitter: @HecklerForever.





THE EPAL QUIZ 8

1 12 2012

HAPPY HOLIDAYS! To usher in the gift-giving season, here’s a fresh serving of ‘queso de mambobola,’ the people we love to loathe: the epaliticians.

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa mga tanong. May 15 minutes ka upang ito ay sagutan. Have fun!

8-CONGRESSWOMANNNNN
1: Sa Lungsod ng Quezon, dahil last term na ni mister, nagpaparamdam na si misis. Titigan ang larawan. Kapag nakasalubong mo ang mag-asawa, ano ang sasabihin mo?
A: Sa inyong palagay, alin ang mas malaki: ang inyong tarpaulin o ang buong Quezon City?
B: Congratulations! Ayon po sa NASA, ang streamer n’yong mag-asawa ang pinakabagong man-made structure na visible from outer space.
C: Hiyang-hiya naman ho sa inyo ang barangay hall. Baka po gusto n’yong takpan na lang ang buong gusali. Go lang.

8-Korona
2: Sa Muntinlupa, may namatay. At dahil may namatay, may pulitikong nakiramay: ang barangay captain at ang misis niyang tatakbo sa pagka-vice mayor: sina Mr. and Mrs. Rene and Gigi So. Bakit hugis S at O padala nilang korona?
A: Hindi ko gets eh. Ang hirap naman. Sobrang cryptic. Can I use a lifeline?
B: ‘Yan ang favorite letters ng pumanaw. Wish niya ‘yan. ‘Wag n’yong bigyan ng kulay.
C: S stands for Super and O stands for Over. Ganun katindi ang pakikisimpatya ng mag-asawa.

8_CeraficaLamay
3: Usapang patay pa rin. Punta naman tayo sa distrito ng Taguig-Pateros. Anong lesson ang mapupulot natin sa larawang ito?
A: Ang pagpapapogi ay walang pinipiling sandali.
B: Ang pakikiramay ay hindi dapat itinatago o ikinakahiya. Dapat itong ipangalandakan sa madla.
C: Wala. Nakiramay lang, lesson agad? ‘Di ba pwedeng sincere muna? (Biglang kumulog ‘tapos kumidlat)

8-Fumigate
4: Sa Brgy. Laging Handa, District 4 of QC, may pilit isinabit sa alambre ng kuryente. Ang proyekto ni Konsehal: fumigation! May gusto kang itanong sa kanya?
A: Bakit naman ho sa tarp, may larawan pa ng lamok na kasama? Ay, sorry! Tao pala.
B: Pwede ho bang unahin kayong ifumigate?
C: Kumusta naman ho ang inyong lipstick?

8-Waiting Shhed
5: “Give me a Y!” Y! “Give me an N!” N! “Give me an A!” A! “Give me an R!” R! “Give me an E!” E! “Give me an S!” S! What did you spell?
A: Ypal!
B: Para-paraan!
C: Nuknukan!

8-Santa ROsa
6: Meanwhile in the City of Santa Rosa, Laguna, may bagong brand yata ng bags for kids! Kung ikaw ang magulang ng batang ito, ano ang nais mong iparating na mensahe kay mayora?
A: Ano ho ba ang relevance ng mukha at pangalan n’yo sa pag-aaral ng anak ko?
B: Kung mukha kaya namin ang ilagay sa luxury bag n’yo, papayag kayo?
C: Magkano na ho ba ang pabanat ngayon? In fairness to you, umeepekto!

8-Libre
7: Uy! Libreng hiram daw ng upuan, lamesa, tent, at sound system.
A: Eh ‘yong Boyoyong clown sa picture, libre rin kaya?
B: Councilor na, events organizer pa! Tim Yap, ikaw ba ’yan?
C: Take note: may larawan ng star after his first name. Feeling mo naman member ka ng Beatles!

8-Aerobics
8: Meet Tina Diaz, running for vice mayor sa San Mateo, Rizal. Ang mister niyang si Paeng, seeking re-election naman for mayor at ang kanilang anak na si Denzel, re-electionist councilor.
A: ‘Tapos ang kaya lang ioffer free aerobics?! Syet.
B: Ano ba ‘yang konseho ng San Mateo, family business?
C: Hoy! Tumawag si Enrile, ‘wag ka raw manggaya ng slogan.

8-Sipsip
9: Libreng sipsip ng kanal, estero, at pozo negro… hangad ni Mayor Nilo!
A: Hangad rin po naming ang sumipsip ay kayo!
B: Oo nga naman, kayo na lang! Sige na please. Christmas gift n’yo na sa amin.
C: Ang Lalaki sa Septic Tank! Why not!?

8-Reform10: Sa Bagong Silang, Caloocan City… may “reform” project daw ang mag-amang Recom at RJ Echiverri. Kung ikaw ang pader at ang kalye, ano iyong masasabi?
A: “Reform n’yong mukha n’yo!”
B: “Pader kami, hindi freedom wall. ‘Tang-i*a naman, ‘wag n’yo kaming babuyin!”
C: “Maraming salamat po sa bagong pintura. Huwag kayong mag-alala, sa susunod na eleksyon ay makakaasa kayo ng suporta! Joooke! Utot n’yo!”

MARAMING salamat sa Epal Watch sa mga larawang ginamit sa post na ito. Sa mga nagpadala ng epal photos sa aking email, isasama ang mga ‘yan sa susunod na Epal Quiz. Maraming salamat. For contributions: epaliticians@yahoo.com. Please indicate kung gusto n’yong maging anonymous.
————————————————–
“There are so many attention whores out there, prostituting for people’s acknowledgment.”
~Jason Myers, The Mission

Quote of the Day
“Unang-una, pinatutunayan ni Bonifacio na ang Maynila ay lungsod ng mga bayani, na itinuturing na unang bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Totoong ang Maynila ay mayroon ding mga hoodlum, gangster at kaaway ng batas na gaya ni Asiong Salonga.”
~Manila Mayor Alfredo Lim, Bonifacio Day speech

Happy Holidays!

I am on Twitter: @HecklerForever.





THE EPAL QUIZ: Undas Edition

3 11 2012

“Nipisan naman natin ang mga mukha natin.”
~Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr’s appeal to politicians last All Saints’ Day

UNFORTUNATELY, his appeal fell on deaf ears. Some people couldn’t control the urge to showcase their mastery of the art of epalitics. This is The Epal Quiz: Undas Edition.


1: Sa Taguig City, ito ang bumungad sa isang sementeryo. Ano ang naging reaksyon ng mga tao?
A: “Whaaaat?!!! Ano raw ang ikinamatay? Grabe, may sisenta na ba ‘yan?”
B: “Ano ‘to? Dry-run? Sana nag-Barong Tagalog.”
C: (sings) “Through the years, you’ve never let me down/ You turned my life around, the sweetest days I’ve found/ I’ve found with you, through the years…”


2: Meanwhile, in Parañaque City. Free WiFi daw! Ang tanong:
A: Gagana ba ‘yan sa sementeryo? ‘Di ba dead spot ‘yon?
B: Nasagap n’yo ba ang signal? Ang signal na campaign season na naman?!
C: Kapag inalis ba ang mukha ng dalawang pulitiko, magkakaroon ng password?

3: May mga karatula at patalastas ng pulitiko na mapapa-“’Tang-*na This!” ka talaga. Basahin ang nakasulat sa pader:


Isang halimbawa ang ginawang ito ng nagki-claim na alkalde kahit hindi pa nahahalal. Sa Caloocan…
A: “Buwis na binayaran, ginamit sa kaepalan!”
B: Cementery mo’ng mukha mo!
C: ‘Sabagay, cemented naman kasi. Sige na nga. Cementery na kung cementery.


4: Siyempre, hindi pahuhuli ang mga Liberal sa District 1 ng Quezon City! Sinu-sino ang mga nasa larawan?
A: Mga ‘di matahimik na kaluluwa dahil malapit na ang eleksyon.
B: Mga public servants na dapat purihin, tularan, at ipagbunyi dahil sa walang pag-aalinlangang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.
C: Mga nag-audition para sa sequel ng Insidious.


5: Dahil dapat lahat ay represented noong Undas, may nagparamdam na party-list group sa isang public cemetery sa QC. Ano kayang meron?
A: Hindi ka ba nasabihan? May taping ng cooking show!
B: Kung hanap mo ay murang cremation, LPG ang solusyon!
C: Anong klaseng tanong ‘yan? Siyempre, Undas. ‘Tapos maraming tao. ‘Tapos may tent. ‘Tapos may nakabalandrang mukha si Congressman. ‘Tapos eleksyon sa 2013. ‘Tapos, tapos na! Ganung kasimple! Hindi naman dapat icomplicate ang mga bagay, ‘di ba?


6: Sa Pandi, Bulacan, hindi magugutom ang mga nagtungo sa libingan. Salamat sa pakain ni Mayor Enrico Roque. Ano ang mensaheng nakasulat sa styro?
A: Eat now, vote later.
B: Ang ‘di susuporta sa halalan, mabibilaukan!
C: Upang lalong ganahan, titigan ang aking larawan.


7: Matapos kumain, kailangan mo ng panulak. ‘Wag mag-alala, ipu-provide ‘yan ng Governor at First Lady ng Laguna! Saan kaya galing ang tubig na ‘yan?
A: Pinagpawisan ‘yan ng mag-asawa kaya dapat ‘pasalamat ka!
B: ‘Yan ang tinatawag na tax in a bottle.
C: Wala akong pakialam kung saan ‘yan nagmula. Ang hindi ko matanggap ay kung bakit kailangang laging naka-display ang pagmumukha ng dalawang ‘yan!


8: Sa bayan ng Nasugbu sa aking home province of Batangas, ito ang makikita. Ano kaya ang reaksyon ni San Pedro Calungsod?
A: “Sino ba ang Santo? Ikaw o ako? Bakit mas malaki pa ang picture mo?”
B: “’Wag kang mag-alala Lerma. Ipagdarasal kita. Ipagdarasal kong matalo ka!”
C: “Huwag mo ‘kong gamitin sa kampanya. Hindi kita kilala!”


9: Pasyal naman tayo sa isang sementeryo sa Tarlac at maki-join sa kanilang party. Ano ang masasabi mo sa epal tarp na ito?
A: “Haloween” your face! Wrong spelling wrong!
B: “Ano ang nasa dako pa roon/ Bunga ng malikot na pag-iisip / Likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan…”
C: To be fair kay Bokal, effortless ang Halloween costume n’ya!


10: Balik tayo sa Parañaque. May nagpaparamdam. Basahin natin ang mensahe ng dating kongresistang si Ed Zialcita. “Undas 2012 Compliments of EDZA”
A: So, ikaw ang nagbigay ng Undas 2012?!? Creation mo? Hiyang-hiya naman kami sa ‘yo! Salamat naman sa holiday!
B: Zir, zuper liit naman ng picture mo za ztreamer. Zayang ang zpace. Zana nilakihan mo pa para zure na maza-zight za zementeryo.
C: Saan kaya natin siya sunod na makikita? Sa Coaztal Road, sa Zouth Luzon Exprezzway o sa Z-5. Your guezz iz az good az mine. lolz

For those who missed:
The Epal Quiz 1
The Epal Quiz 2
The Epal Quiz 3
The Epal Quiz 4
The Epal Quiz 5
The Epal Quiz 6

————————
Attention whore: Label given to any person who craves attention to such an extent that they will do anything to receive it.
~Urban Dictionary

Enjoy the rest of your long weekend!

Maraming salamat sa mga larawang ginamit sa post na ito:
Epal Watch, No More Epal on Facebook, Doland Castro, Noel Alamar, Dennis Obsuna, Sha Risse, Erwin Aguilon, Sonny De Leon, Dexter Estacio, JL Guevarra and Jay Bernardo.

If you’d like to send your own photos of epaliticians for the next Epal Quiz, you may send it here: epaliticians@yahoo.com. Or you may contact Epal Watch. Thank you.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,848 other followers

%d bloggers like this: