E IS FOR EPAL

12 01 2013

FOR 2013, here’s the first set of photos featuring attention-seeking politicians. Pansinin n’yo naman sila. Thank you.

12-Colago
Sa San Pablo City, may ‘Let’s go Colago!’
Gusto pa yatang talunin ang ‘Let’s go sago!’
At may “I love you more!” pang isiningit.
Jusme, masyado namang pilit! This is it pansit!

12- Jun Tanjuakio-Tarlac
Punta naman tayo sa Tarlac City…
Sabi sa graffiti: Bagong Simula…
Pero ang style mo… lumang-luma!
Epal!
[Tanong: Sa 'yo ba 'tong tulay? Pera mo ba ang ginamit sa construction?]

12-Egay
Sa Kalookan kung saan notorious ang kaepalan…
May nais bumalik bilang kinatawan
Titigan ang larawan:
FORmer o FOR Congressman?
Para-paraan!

12-Type0
Naninilaw ang kalye sa Cebu. Type O.
Parang mas bagay ang Type E dito.

12-Checklis
Sa Laguna…
Matalino… check!
Mahusay… check!
Aktibo… check!
Progresibo… check!
Asensado… check!
Dave… Ikaw Na!
Ang epal? Check na check!

12-Basura
Sa Quezon City…
May pondo para sa mukha ni Jessica Castelo Daza
Wala namang pambayad sa maghahakot ng basura.

12-Golezeum
Epalizeum. #nuffsaid

12-Rabies
Balik tayo sa QC…
Uy, libreng bakuna raw laban sa rabies.
Sana may libreng bakuna rin laban sa epal.

12-HatawSabi ni Mayor Jun Bernabe:
“Hataw Parañaque!”
Ikaw muna kaya ang hatawin namin?
Pwede?
[Try lang.]

12-Kalat
Sa Talavera, Nueva Ecija…
Zero-Kalat ba ka n’yo?
Eh bakit nakakalat ang mukha mo?

12-Alarm Clock
Mula sa alkalde ng Rodriguez, Rizal: alarm clock!
Por Diyos, por santo… para saan ba ‘to?
Kung ang taong ‘yan ang katabi n’yo, makakatulog ba kayo?
——————————————
“It seems as if people like to be the center
of attention even after they’re dead.”

~ Hidekaz Himaruya

Many thanks to the following: Epal Watch, Bayani Thaddeus Barcenas, Lani Manahan, Alfel Go, KrazyOkay, and Luzvimin Mauricio. The rest were sent by concerned individuals who wanted to remain anonymous.

For submissions, email original photos here: epaliticians@yahoo.com.

HAPPY WEEKEND!

I am on Twitter: @HecklerForever.





THE EPAL QUIZ: Undas Edition

3 11 2012

“Nipisan naman natin ang mga mukha natin.”
~Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr’s appeal to politicians last All Saints’ Day

UNFORTUNATELY, his appeal fell on deaf ears. Some people couldn’t control the urge to showcase their mastery of the art of epalitics. This is The Epal Quiz: Undas Edition.


1: Sa Taguig City, ito ang bumungad sa isang sementeryo. Ano ang naging reaksyon ng mga tao?
A: “Whaaaat?!!! Ano raw ang ikinamatay? Grabe, may sisenta na ba ‘yan?”
B: “Ano ‘to? Dry-run? Sana nag-Barong Tagalog.”
C: (sings) “Through the years, you’ve never let me down/ You turned my life around, the sweetest days I’ve found/ I’ve found with you, through the years…”


2: Meanwhile, in Parañaque City. Free WiFi daw! Ang tanong:
A: Gagana ba ‘yan sa sementeryo? ‘Di ba dead spot ‘yon?
B: Nasagap n’yo ba ang signal? Ang signal na campaign season na naman?!
C: Kapag inalis ba ang mukha ng dalawang pulitiko, magkakaroon ng password?

3: May mga karatula at patalastas ng pulitiko na mapapa-“’Tang-*na This!” ka talaga. Basahin ang nakasulat sa pader:


Isang halimbawa ang ginawang ito ng nagki-claim na alkalde kahit hindi pa nahahalal. Sa Caloocan…
A: “Buwis na binayaran, ginamit sa kaepalan!”
B: Cementery mo’ng mukha mo!
C: ‘Sabagay, cemented naman kasi. Sige na nga. Cementery na kung cementery.


4: Siyempre, hindi pahuhuli ang mga Liberal sa District 1 ng Quezon City! Sinu-sino ang mga nasa larawan?
A: Mga ‘di matahimik na kaluluwa dahil malapit na ang eleksyon.
B: Mga public servants na dapat purihin, tularan, at ipagbunyi dahil sa walang pag-aalinlangang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.
C: Mga nag-audition para sa sequel ng Insidious.


5: Dahil dapat lahat ay represented noong Undas, may nagparamdam na party-list group sa isang public cemetery sa QC. Ano kayang meron?
A: Hindi ka ba nasabihan? May taping ng cooking show!
B: Kung hanap mo ay murang cremation, LPG ang solusyon!
C: Anong klaseng tanong ‘yan? Siyempre, Undas. ‘Tapos maraming tao. ‘Tapos may tent. ‘Tapos may nakabalandrang mukha si Congressman. ‘Tapos eleksyon sa 2013. ‘Tapos, tapos na! Ganung kasimple! Hindi naman dapat icomplicate ang mga bagay, ‘di ba?


6: Sa Pandi, Bulacan, hindi magugutom ang mga nagtungo sa libingan. Salamat sa pakain ni Mayor Enrico Roque. Ano ang mensaheng nakasulat sa styro?
A: Eat now, vote later.
B: Ang ‘di susuporta sa halalan, mabibilaukan!
C: Upang lalong ganahan, titigan ang aking larawan.


7: Matapos kumain, kailangan mo ng panulak. ‘Wag mag-alala, ipu-provide ‘yan ng Governor at First Lady ng Laguna! Saan kaya galing ang tubig na ‘yan?
A: Pinagpawisan ‘yan ng mag-asawa kaya dapat ‘pasalamat ka!
B: ‘Yan ang tinatawag na tax in a bottle.
C: Wala akong pakialam kung saan ‘yan nagmula. Ang hindi ko matanggap ay kung bakit kailangang laging naka-display ang pagmumukha ng dalawang ‘yan!


8: Sa bayan ng Nasugbu sa aking home province of Batangas, ito ang makikita. Ano kaya ang reaksyon ni San Pedro Calungsod?
A: “Sino ba ang Santo? Ikaw o ako? Bakit mas malaki pa ang picture mo?”
B: “’Wag kang mag-alala Lerma. Ipagdarasal kita. Ipagdarasal kong matalo ka!”
C: “Huwag mo ‘kong gamitin sa kampanya. Hindi kita kilala!”


9: Pasyal naman tayo sa isang sementeryo sa Tarlac at maki-join sa kanilang party. Ano ang masasabi mo sa epal tarp na ito?
A: “Haloween” your face! Wrong spelling wrong!
B: “Ano ang nasa dako pa roon/ Bunga ng malikot na pag-iisip / Likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan…”
C: To be fair kay Bokal, effortless ang Halloween costume n’ya!


10: Balik tayo sa Parañaque. May nagpaparamdam. Basahin natin ang mensahe ng dating kongresistang si Ed Zialcita. “Undas 2012 Compliments of EDZA”
A: So, ikaw ang nagbigay ng Undas 2012?!? Creation mo? Hiyang-hiya naman kami sa ‘yo! Salamat naman sa holiday!
B: Zir, zuper liit naman ng picture mo za ztreamer. Zayang ang zpace. Zana nilakihan mo pa para zure na maza-zight za zementeryo.
C: Saan kaya natin siya sunod na makikita? Sa Coaztal Road, sa Zouth Luzon Exprezzway o sa Z-5. Your guezz iz az good az mine. lolz

For those who missed:
The Epal Quiz 1
The Epal Quiz 2
The Epal Quiz 3
The Epal Quiz 4
The Epal Quiz 5
The Epal Quiz 6

————————
Attention whore: Label given to any person who craves attention to such an extent that they will do anything to receive it.
~Urban Dictionary

Enjoy the rest of your long weekend!

Maraming salamat sa mga larawang ginamit sa post na ito:
Epal Watch, No More Epal on Facebook, Doland Castro, Noel Alamar, Dennis Obsuna, Sha Risse, Erwin Aguilon, Sonny De Leon, Dexter Estacio, JL Guevarra and Jay Bernardo.

If you’d like to send your own photos of epaliticians for the next Epal Quiz, you may send it here: epaliticians@yahoo.com. Or you may contact Epal Watch. Thank you.





THE EPAL QUIZ V

7 10 2012

THEY WANT ATTENTION, we’ll give them attention. For free. This is the fifth in a series of anti-epal ‘quizzes.’ Enjoy!


1: Sa Parañaque, ganito ang makikita sa waiting shed. Batay sa larawan sa ‘taas, sinong konsehal kaya ng lungsod ang may pakana nito?
A: Ang hirap naman ng tanong. Wala bang clue?
B: Can I call a friend?
C: BB Gandanghari


2: Ito ay kuha sa Pasig City kung saan alkalde si Roberto Eusebio. I wonder kung ano ang ibig sabihin ng letter ‘e’ sa lamppost at sa gate ng pampublikong gusali. What do you think? Ano kaya ‘yong ‘e?’
A: Hmmm, feeling ko ‘entrance.’ Kaya nga nasa gate eh, kasi ‘e’ is for entrance. ‘Yong nasa lamppost naman, baka elaw. Upang magliwanag ang lungsod, dapat elawan.
B: Pucha, pilit na pilit naman ‘yong ‘entrance’ at ‘elaw.’ Sa totoo lang, ‘e’ stands for ‘education.’ Alam mo naman si mayor, labis-labis ang pagpapahalaga sa edukasyon.
C: Mga plastic! Prangkahin n’yo na! Those Es stand for Eusebio. Bakit? Sina HB at SB lang ba ng QC ang pwedeng umepal? Hindi! Walang may monopolyo ng kaepalan!


3: Hindi lang sa Pasig City may pautot na ganyan. Sa Cebu, kung saan gobernador si Gwendolyn Garcia, may e-GWEN Highway naman. May gusto kang itanong?
A: What the f*ck is e-GWEN Highway? Electronic ang kalye?!? May free wi-fi?!?
B: Sino ba si e-GWEN? Kamag-anak ba ‘yan ni e-LOAD?
C: Allowed ba sa batas ‘yon? Humihinga pa, may nakapangalan nang kalsada!


4: Sorry daw for the inconvenience. Bakit nagso-sorry ang congresswoman mula sa Bulacan?
A: Eh kasi nga, mas malawak pa ang kanyang pangalan kesa sa proyektong ipinangangalandakan.
B: Nag-sorry siya dahil medyo dull ang signage. Nalimutan kasi niyang maglagay ng malaking picture katulad ng ‘sang ‘to.
C: Bakit nga kaya e-GWEN ang pangalan ng highway na ‘yon sa Cebu? Sorry, nasa No. 3 pa rin ang utak ko.


5: Isa siya sa mga kandidato ng UNA for senator. Ano ang masasabi n’yo sa larawan at pangalan n’ya sa katawan ng bus?
A: Sobrang liit. Hindi makita, hindi rin mabasa. Lakihan pa sana.
B: Hiyang-hiya naman sa kanya si Claire De La Fuente.
C: Nasaan ang bus? Wala akong makita!


6: Sa dating balwarte ni Ate Vi, may ganitong karatula. Ano ang nais iparating ng nakasulat?
A: Wala lang. Winelcome lang niya ang sarili niya. Miss na raw niya eh.
B: “May budget kami para sa mahabaaaaaaaaaaaaang tarpaulin at mahaaaaaaaaabang pangalan ko. Walang pakialaman.”
C: “‘Pag ‘di n’yo pa naman ako napansin, ewan ko na lang!”


7: Basahin ang nakasulat. Ano ang ibig sabihin ng “Through the Initiative?
A: Mahiya daw kayo sa kanya. Siya raw ang lumakad upang magkaroon kayo ng bagong kalsada.
B: Almost election na. Alam n’yo na!
C: “Through the initiative!” In Tagalog, “utang na loob.” Kung ‘di dahil sa kanya, wala kayong basketball court. Tandaan n’yo ‘yan!


8: Happy Fiesta! Kuha ito sa Jaro, Iloilo City. Sino ang nasa larawan?
A: Siya ang mahal na patron ng kapistahan.
B: Siya ang gumastos sa banda at sa pamisa. ‘Wag nang magreklamo.
C: Kung maka-pose naman si Konsehal! Ano ba ‘to? Pagbati sa fiesta o poster sa kampanya?


9: Ayon sa tarp, si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog daw ay may PhD in management. At take note huh, UNO sa oral defense. Anong say mo?
A: ‘T@ng-in@! Anong pakialam namin!?!
B: Isa lang ang masasabi ko: bagay kay mayor ang apelyido niya!
C: Wala kayo sa mayor namin! Ang mayor namin… Best in HEKASI noong Grade 6. Tse!


10: Sa Valenzuela City, ito ang nasa cover ng mga aklat. Question: Ano sa palagay n’yo ang pamagat ng libro?
A: Papansin 101: Isandaan at isang paraan ng pagpapa-pogi sa nasasakupan
B: Starting Them Young: Unang Hakbang sa Kaepalan
C: Ang Aklat na Parang Kape Lang: Kampanyang 3-in-1


11: ‘Join Us Now. Obtaining No to Geothermal Exploration.’ Ano ang mensahe ni Mayor?
A: We wouldn’t gets, isn’t it? The message is truly ugly relaying as concept ideas.
B: Because the colors of each acronym letters is to matched the inicials of the mayor in the incumbent. Cleared?
C: Its not the errored grammar thats important. Its the thought that counts moreover in Christmas.
D: (Yes, for the first time, may letter D sa choices!) Punyeta. Eepal din lang, ayaw pang ayusin. Kainis!
———————————
“A good advertisement is one which sells the product without drawing attention to itself.”
~ David Ogilvy

BREAKING:
President Aquino has made peace with the MILF. When will he make peace with Cybercrime Law oppositors?

Quote of the Weekend
“The Supreme Court will reject the law because under the vagueness doctrine, it provides for punishment, without specifying what conduct is punishable and therefore, the law is void because it violates due process.”
~Sen. Miriam Defensor-Santiago on the Cybercrime Prevention Act of 2012

Elsewhere
RH bill, Ateneo, and La Salle: Of lemons and cowards - The controversial editorial of UST’s official student publication, The Varsitarian

For those who missed, here’s the petition filed by bloggers and netizens vs the Cybercrime Law last Thursday

Have a safe, productive and FREE week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

For the epal photos, maraming salamat:
Epal Watch, No More Epal (Facebook), Nazareno See, Gerry Rodriguez, Pedro Benjo De Guzman, Cathy Abanador, Que Castillo, and Orland Labausa. For submissions, email them at epaliticians@yahoo.com. Thank you.





THE EPAL QUIZ

26 08 2012

“There are so many attention whores out there, prostituting for people’s acknowledgment.”
~Jason Myers, The Mission


1: Question: Bakit sila nag-‘Thank You’ kay Sec. Jesse?
A: Sayang kasi ang ex-deal sa tarp supplier; expiring na on August 31. At least nagamit.
B: Hindi rin nila alam. In fact, ‘di nila nabasa ‘yon. Ang chineck lang nila kung tama ang spelling ng kanilang mga pangalan.
C: Nagpa-Thank You lang, epal na? ‘Di ba pwedeng sad muna?


2: Question: Ano ang kuneksyon ng LPG at gas sa konsehal na nasa larawan?
A: ‘Yan din ang tanong namin.
B: Kung hindi krimen ang sumunog ng kapwa, siya ang uunahin.
C: Wala lang. Bakit? Dapat ba laging may kuneksyon? Hindi naman ah. ‘Wag nga kayong mapanghusga.


3: Titigan ang larawan. ‘Yan ang ex-boyfriend ni Aiko Melendez na boyfriend ngayon ni Ara Mina. Mayor siya ng Bulacan, Bulacan. Question: Senior citizen na ba si Patrick Meneses?
A: Sa totoo lang, secret ‘yan eh. Siya ang kauna-unahang Benjamin Button case sa Asya. He turned 78 this year. Sssh. Secret lang huh.
B: Bata pa s’ya. Mahusay lang na writer kaya siya ang naatasang mag-draft ng Senior Citizen Handbook sa buong Pilipinas.
C: I’m not sure. Pero ‘yong pose na ‘yan, parang nagsusumigaw: “Hoooooy! Gusto ko ng second term!”


4: Question: Ito ay nakunan sa Mapagkumbaba Street in Sikatuna Village, Quezon City. Ano ang ibig sabihin ng kaepalang HB sa kalye?
A: Harlene Bautista
B: Hero Bautista
C: Kung kilala mo sina Hero at Harlene, matanda ka na!


5: Question: Ano ang title ng book na ipinamamahagi ni konsehala?
A: “Candys Be Love?”
B: “Papansin 101: Paano Manalo sa Reelection Bid”
C: “Ang Gandaaa, Ang Dulaaaas, Ang Lambot… Parang Hinot-oil”


6: Question: Kung aalisin mo ang acronym na ‘TESDA’ sa slogang Sa TESDA, may choice ka, at papalitan ng ibang word o words, ano ang angkop na kapalit?
A: 2013. “Sa 2013, may choice ka!”
B: Balota. “Sa Balota, may choice ka!”
C: Relief Operations. “Sa Relief Operations, may choice ka!”


7: Question: Anong tanong ang nabuo sa iyong isipan matapos mong makita ang larawan?
A: Kung taxes namin ‘yan, bakit mukha n’yo ang nakabalandra?
B: May kumita kaya sa construction ng priority project na ‘yan?
C: Sa lalawigan ba ng Bataan, iisa ang apelyido ng mga residente?


8: Question: Kailangan ba talagang ‘yong mukha ng congressman ay nasa bag ng estudyante?!?
A: Libre ‘yan. ‘Wag nang choosy.
B: Oo naman. And take note of the word PAG ASA. In place of a hyphen, may malabong letter B. i wonder what it means. Clue naman d’yan!
C: Baka naman galing sa sariling bulsa ang ipinambili ng bag. Hayaan n’yo na. Kayo talaga, ang dumi ng isip!


9: Question: Anong kaguluhan ito?
A: Wala naman. Gusto lang i-emphasize na mayora siya.
B: Why not? That police car was acquired through the initiative of the hardworking mayor.
C: Kanya-kanyang trip ‘yan. Kung naiinggit ka, bumili ka ng sarili mong police car at palagyan mo ng iyong pangalan!


10: Question: Anong kasalanan ng mga taga-Quezon City at pinaparusahan sila ng ganito ng kanilang mga lider?
A: Parusa ba ‘yan? Excuse me, it just goes to prove na ‘It’s more fun in Kyusi!’
B: ‘Wag kang makialam kung ‘di ka taga-QC. Ibinoto ko, problema ko, sagot ko.
C: Ang cute nga eh! Parang ‘The Avengers.’ Ang hindi ko lang talaga ma-take eh ‘yong bangs ni Winnie Castelo. Sumpa ba ito?

Send your answers to your local government executives with the message: HUWAG TULARAN. DON’T BE EPAL. Good luck!

In Other News
President Aquino has chosen Maria Lourdes Sereno as the new Chief Justice of the Supreme Court. When Renato Corona heard the news, he texted a smiley to Antonio Carpio.

Reports say Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno will serve until 2030. And the Mayans were like, “Wehhh?”

RIP Neil Armstrong
Here’s a sad news: Neil Armstrong, the first man on the moon has died at the age of 82. Many people were shocked… mostly because they didn’t know he’s still alive.

Neil Armstrong, the first man to walk on the moon has died. But reports say the second moonwalker is still alive. Really?! Michael Jackson’s not dead?!? You’ve got to be kidding me.

Neil Armstrong died a day after the death of Lance Armstrong’s career.

Neil Armstrong is dead. May he rest in space.

Have a great week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

For the images used in the Epal Quiz, thank you to the following:
Noemi Lardizabal-Dado, Epal Watch, Anti-Epal Facebook Page, Support the Anti-Epal Bill FB Page, @philippinebeat @chriscrosspoint, @jimparedes, @saleemarefran, Interaksyon.Com, @kingdelresosario, Wenchie318, Showbiz Government, TaoPo.Org and Menchie Silvestre.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 111,460 other followers

%d bloggers like this: