THE EPAL QUIZ IV

19 09 2012

IT WILL NEVER be an easy task. We’re up against a culture of shameless self-promotion involving influential and powerful personalities. But as recent developments have shown, impossible is nothing. Some people say the anti-epal campaign is just a fad. Let’s prove them wrong.

Here’s Part 4 of our series of ‘epal’ quizzes. Pencils up… good luck!


1: Mula sa lalawigan ng Camarines Sur, ano ang kinalaman ng mag-amang nasa larawan sa libreng pagpapaanak?
A: Personal savings nila ang ginamit sa proyekto; palakpak naman kayo!
B: Sila ang automatic na ninong ng mga sanggol na isisilang
C: ‘Yong nasa kanan, eksperto sa raspa; ‘yong nasa kaliwa naman, may background sa panghihilot


2: Sa Antipolo City, may medal ang mahuhusay na estudyante. Salamat kay Mayor Nilo Leyble! Ano kaya ang ginawa ng honor student pag-uwi sa bahay?
A: Sumuka. Hindi kinaya ang nakita niyang pangalan at mukha sa medalya.
B: Tinangkang isangla ang medal pero walang pawnshop na tumanggap.
C: Lumuhod sa harap ng altar at naglabas ng sama ng loob: “Lord, nag-aral naman akong mabuti. Pero bakit ito pa ang inyong iginanti?


3: Bakit may pangalan ng alkalde ng Quezon City sa government-owned truck?
A: May space eh, sayang naman. Minaximize na lang.
B: Alangan namang pangalan mo ang ilagay. Mayor ka ba?
C: Inggit ka? Bumili ka rin ng truck!


4: “Road Drainage Improvement” Basahin ang huling linyang nakasulat sa karatula. Ang sabi: “Buwis na Binayaran, Para Sa…”
A: Malaking pangalan!
B: Malinaw na kaepalan.
C: Wala akong pakialam. Ang gusto kong malaman, nasaan ang drainage project? Nasaaannn!!!!


5: “TWO HUNDRED PESOS ONLY Serbisyong Suarez Health Coupon: Lingap Kalusugan Para sa Quezonian.” May gusto kang malaman?
A: Para sa kalusugan ba ‘yan o para sa halalan?
B: Two hundred pesos? Hanggang saan aabot ang 200 pesos?
C: May discount ba sa drug store kapag ipinakita ang mukha ni Governor?


6: Wow, bagong pintura ang waiting shed. Anong say mo?
A: Wala na akong masabi! Umeepal pati kapre!
B: Grabeng accomplishment naman ‘yan. At take note: ipinangangalandakan! Hiyang-hiya naman kami sa inyo.
C: Nakikibasa ka lang! Kung ayaw mong sumilong, magtiis ka sa ulan!


7: Ano ang reaksyon mo sa ipinamahaging relief goods ni Valenzuela City Councilor Adrian Dapat?
A: Wow! Ano ‘yan? Bagong brand? Available pa kaya sa market?
B: Pwedeng kumanta na lang? 1, 2, 3! Mula asukal hanggang toyo, saan ka man may sardinas tayo. Isang libo’t isang tuwa, Valenzuela, na-bulaga!
C: ‘Buti na lang hindi sanitary napkin ang ipinamigay n’ya. Imagine, gagamitin ni Ate ang pasador ‘tapos nandun ang mukha niya?! Awkward.


8: Titigan ang pader: Nababasa n’yo ba ang pangalan nina Parañaque COUNCILOR – B E N J O – B E R N A B E at M A Y O R – JUN – B E R N A B E?
A: ‘Asan? ‘Asan ang mga pangalan? Meron ba? Wala akong makita.
B: Aping-api naman ‘yong dalawa. Sana nilakihan nang konti para mabasa.
C: Naman! Kahit yata sa ibang planeta o sa kalawakan, visible pa rin ‘yang kaepalan na ’yan.


9: Basahin muna ang nakasulat sa streamer. Ano ang nararapat na caption sa larawan?
A: Patay tayo d’yan!
B: Nagdadalamhati o Nagpapa-pogi?
C: Kasama n’yo kami sa kalungkutan; samahan n’yo kami sa halalan.


10: Kuha sa Angeles City, Pampanga. “Boses ng kababaihan.” What say you?
A: Boses ng kababaihan o boses ng kaepalan?
B: Faceless pa, shameless na!
C:Let’s play Pinoy Henyo! Tao ba ‘to? OO! Pulitiko? Pwede! Babae? OO! Babaeng pulitiko? OO! Epal? Tumpakerkerz!!! (Kayo ang pasok sa jackpot round!)

Quote of the Day
“Wouldn’t it be good if the energy & effort spent in going after epal streamers were equally spent in highlighting good works? Dont’t get me wrong, I’m for the anti-epal movement & am happy that it has caught on. I just think there are other aspects to citizen vigilance.”
~Customs Commissioner Ruffy Biazon

IN OTHER NEWS…
The latest SWS survey showed 7 of 10 traders see less corruption in government offices. The other 3 were more realistic.

Trillanes vs. Enrile
Senate President Juan Ponce Enrile and Senator Antonio Trillanes had a heated debate Wednesday afternoon on the latter’s role as a backdoor negotiator of the Philippines with China. Trillanes called Enrile, “a bully.” Enrile called Trillanes “a fraud.” Beijing called and said, “Great!”

Nueva Camarines
Sen. Antonio Trillanes accused Sen. Juan Ponce Enrile of exerting efforts to railroad a proposed bill that will divide the province of Camarines Sur after allegedly receiving a call from former President Arroyo who was supportive of the measure. And Mrs. Arroyo was like, “Shabi na nga ba ako na naman eh. Buti na lang i have braced myshelf up for this messsh.”

Fliptop Battle Special Edition: Enrile vs. Trillanes
Juan Ponce Enrile:

Ang dami mong satsat, ang dami mong yakyak
Kapag nasukol naman, umuurong ang bayag
Noong una sa Oakwood, ngayon naman sa Senado
Walkout ang drama mo boy, iwas-pusoy sa argumento!

Antonio Trillanes IV:
Manahimik ka d’yan tanda baka ‘di ako makapagpigil
FYI: walang walkout; kailangan ko lang juminggle
Umamin ka na kasi, nag-usap kayo ni Arroyo
Kahit kailan balimbing ka, diretso ka sa impyerno!

Enrile:
Dahan-dahan ka boy sa iyong pananalita
May gatas ka pa sa labi, meron ka pang muta
Ano ‘to, coup d’etat sa Senate presidency?
Baka mapahiya ka lang, wala kang kakampi!

Trillanes:
Ah leche, basta… no to Cam Sur 2!
Ito ang usapin, ‘wag mong iligaw ang isyu.

Enrile:
Takot ka lang boy ‘pag China ang paksa
Bobo ka kasi, binenta mo ang bansa!

Trillanes:
Break it down!

Enrile:
O, walkout ka na naman!

Trillanes:
Break it down!!

Enrile:
Fraud!

Trillanes:
Break it down!!!

Enrile:
Coward!

Trillanes:
Ah ganun?! Fake 1972 ambush!
1980s coup d’etat!
May 1995 dagdag-bawas pa!

Enrile:
Fine!
Break it down!
————————————————————
“Hypocrites get offended by the truth.”
~Jess C. Scott, Bad Romance: Seven Deadly Sins Anthology

Enjoy the rest of the week!

Personal:
Many thanks again to the following for the images used here: Epal Watch, TaoPo.Org, Epal Alert on Facebook, Simpleng Garapal,  @oehreyes, Dr. John Ortiz Teope, Support Anti-Epal on Facebook, Linkyuu Sho Mai, Mai Urduja, Rommel Tiongco, Maki Nito, and Jonathan Jingco Cayanan

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,848 other followers

%d bloggers like this: