ANG ALAMAT NG PEKENG PARTY-LIST GROUP

20 10 2012

ISANG ARAW, nagising si Congressman Mando Rugas dahil sa napakasamang panaginip.


“Matatapos na nga pala ang termino ko sa Mayo. Paano na ang mga negosyo ko? Paano na ang komisyong nakukuha ko sa pinondohang mga proyekto? Paano na ang lobby money na kikitain ko? Paano na ang pamilya ko? Paano na ang mga inaanak ko? Paano na ang mga kababayan ko? Kawawa naman sila!” ang pag-aalala ni Congressman.

Hindi na kasi ito qualified for reelection kaya’t pagka-gobernador naman ang kanyang tatakbuhan. Matagal nang nababalitang hiwalay si Congressman sa kanyang misis kaya’t atubili siyang pakiusapan na ito ay kumandidato.

Worried ang mambabatas dahil hindi pa siya lubusang nakakabayad ng utang na loob sa mga illegal loggers, jueteng operators, at drug lords na malaki ang naging ambag sa kanyang campaign chest noong nakaraang eleksyon.

“Aha! Si Junior na lang! Tama! Si Junior na lang ang papalit sa akin,” ang nakangiting sabi ng kongresista.

Ngunit si Junior ay hindi naman gaanong kilala sa kanilang distrito. Lumaki at nag-aral ito sa Maynila at mas hilig nito ang mag-party at mag-travel. Mahihirapan siyang manalo kung tatakbo sa Kongreso.

“Aha number 2! Tama! Party-list! Party-list na lang!”

Naisip ni Congressman, tiyak na wala pang kumakatawan sa mga taong binubuni, ina-an-an, inaalipunga, ini-eczema, hinahadhad at ginagalis sa Pilipinas. Besides, nakakalat sa buong bansa at maging sa ibayong dagat ang potential constituency ni Junior.

“Aha number 3! Tama! Sila na lang ang magiging constituents ni Junior. Sa totoo lang, marginalized sector naman talaga sila ‘di ba? Iniiwasan, pinandidirihan, at nilalayuan sila ng lipunan. ‘Yan ang depinisyon ng marginalized, right?”

Tinawag ni Congressman ang kanyang mga loyal supporters upang lumikha ng pangalan para sa bagong party-list group. Ilan sa mga mungkahi ang sumusunod:

1-An-anin, Atbp.

1-Aba Eh Galis! (1-An-an Buni Alipunga Eczema Hadhad Galis)

1-SKIN (Sakit Kailangang Itigil Natin)

1-E-BAHAG (1- Eczema – Buni Anan Hadhad Alipunga Galis)

Pero dahil gusto ni Congressman na medyo modern-sounding at may mass appeal ang binubuong party-list group, ito ang napili niyang pangalan:

1-ANSABE! (Alyansa ng mga Nilalayuang Sakitin sa Balat… Eeeew)

Medyo pilit pero puwede na.

Sa wakas, nabawasan ang pag-aalala ni Congressman Mando Rugas. Tuloy ang ligaya sa Kamara!

Umaasa ang kongresista na magkakaisa ang “constituents” ni Junior sa buong Pilipinas upang iluklok sa puwesto ang boses ng maliliit na taong may sakit sa balat.

“Mabuhay ang mga binubuni! Mabuhay ang mga ina-an-an! Mabuhay ang mga ginagalis! Mabuhay ang mga hinahadhad! Mabuhay ang mga ini-eczema! Mabuhay ang party-list system sa Pilipinas!”

At ‘yan ang alamat ng party-list group.

Ansabe?
—————————————————————–
“Greed is a bottomless pit which exhausts the person in an endless effort to satisfy the need without ever reaching satisfaction.”
~Erich Fromm

Quote of the Day
“Thank you Lord for the blessings today. I can now pay for my scholars’ tutition fees which were not paid because my PDAF was withheld.”
~Zambales Rep. Milagros ‘Mitos’ Magsaysay via Twitter

Happy weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,706 other followers

%d bloggers like this: