ASK.FM 2 (YOU ASK, I ANSWER)

31 01 2013

HERE’S PART 2 of our Q & A. In case you missed, here’s Part 1. Have fun!

POL
Hi Heckler! Sabi ni Jack Enrile sa TV ad niya, hangad niyang magkaroon ng pagkain sa bawat mesa. Ikaw, anong hangad mo?

Hangad kong tigilan na nila ang mga ganyang pautot.

* * * * * * * *

May ceasefire na raw sa Senado. ‘Di na raw sila magsasalita tungkol sa pinag-aawayang milyones. Ngayong tahimik na sila, dapat na ba akong magsaya?

Hindi. Mas magduda ka!

* * * * * * * *

Ano ang masasabi mo sa offer ng Lakas CMD kay Sen. Bong Revilla na tumakbo for president sa 2016?

Sana hindi niya tanggapin.

* * * * * * * *

Bakit ba ang daming kumakampi sa Carlos Celdran na ‘yan? Subukan kaya niyang gawin ‘yun sa ibang relihiyon. Tingnan ko lang kung anong mangyari sa kanya. Nakuuuu! Subukan n’ya lang!

Bakit kaya hindi ikaw ang sumubok?! Ikaw ang atat eh. Go!

* * * * * * * *

Ang payo ni Presidente Aquino sa Simbahang Katoliko: patawarin n’yo na si Carlos Celdran. May sagot na po ba ang mga obispo sa pangulo?

Oo. Patawarin daw muna niya ang mga Arroyo.

* * * * * * * *

Naniniwala ka bang may Catholic vote?

Naniniwala ka bang may kapre?

* * * * * * * *

Sabi ng kampo ni suspended governor Gwen Garcia, “hungry for power” daw si acting Governor Agnes Magpale. What say you?

Hello kettle! I am pot. You’re black.

* * * * * * * *

Nakakaloka pala ang nangyari kay Governor Gwen. Matapos lumabas ng office, hindi na nakabalik kasi naka-padlock na. Wala na bang katapusan ang gulo d’yan sa Cebu?

Oo.

* * * * * * * *

Sunud-sunod na ang krimen sa mga malls. After ng holdapan sa Mega, may barilan naman sa Robinsons. For Christ’s sake, simbahan na lang yata ang safe na lugar ngayon!

I’m not sure.

* * * * * * * *

Sa dami ng security guards sa Megamall at sa sikip ng traffic sa paligid nito, bakit nakatakas ang mga robbers?

Bakit nagtataka ka pa?

* * * * * * * *

The other day, Senator Drilon was quoted to have said na si Sec. Mar Roxas ay tatakbo sa pagkapangulo. Ang exact words niya, “Si Mar Roxas! Oo, itaga mo sa bato.” Sa palagay mo, sure na ba?

‘Yan na naman sila. Paaasahin na naman si Korina. Hintayin na lang natin ang 2015. Mahirap na.

* * * * * * * *

Grabe naman ang Comelec. Isang taon na ‘kong nagpa-register, wala pa rin ang Voter’s ID ko. Saan ba pwedeng magreklamo?

Bakit? Eleksyon na ba bukas? Mamamatay ka ba ‘pag wala kang Voter’s ID? Kami nga two years naghintay eh. Hiyang-hiya naman kami sa ‘yo!

* * * * * * * *

eree
Ang sabi sa political ad ng Liberal Party, “Sa daang matuwid, marami ang gustong sumali, pero mayroon ding nagpapanggap lamang.” Ehem. Sino kayang pinariringgan ng Presidente?

Ahm, unang-una, hindi ko pa nakikita ang TV ad na ‘yan. Inuuna ko kasi ang Twitter. Ayan, naunahan mo tuloy ako! Kaya wala muna akong comment. Unang salvo pa lang naman ‘yan ng Liberal Party eh. Baka sa susunod, mas una kong mapanood. O pa’no, mauna na ako.
——————————————————————
“If a political party does not have its foundation in the determination to advance a cause that is right and that is moral, then it is not a political party; it is merely a conspiracy to seize power.”
~Dwight D. Eisenhower

trDonald Trump Jr.
On Twitter, Donald Trump Jr. blasted the US Navy’s decision to dismantle the damaged USS Guardian that recently crashed into the Tubbataha Reef. He called it “stupid.” Well, that ship wouldn’t be there in the first place if they’re not.

Donald Trump Jr tweeted that the USS Guardian was more important than the damaged coral reef. While his tweets generated an initial outburst online, a number of people chose to ignore the guy. In a battle of wits, you don’t attack someone who’s unarmed.

Sound Bites
“Hindi pa naman ako nakakapagdesisyon. Paghahandaan natin, pag-aaralang mabuti. Nakataya dito sambayanan so ‘pag pumasok ako, ibig sabihin handa ako. Kung saka-sakaling papasok ako paghahandaan ko ‘yan. Pag pumasok ako, ibig sabihin handa ako.”
~Sen. Bong Revilla on being considered as presidential nominee of Partido Lakas-CMD in 2016

“Talagang iniintriga ang samahan naming dalawa ng Pangulo. Ewan ko kung ano ang purpose nila para kami ay pag-intrigahin. Wala naman kaming dapat pag-intrigahan. I think the President was clear in his statement. Wala naman kaming pinagdaanang diperensya and he is satisfied with the manner by which I am working.”
~Vice President Jejomar Binay

For epal photos, email them to this address: epaliticians@yahoo.com. I will not publish your name if you wanna remain anonymous. Thank you.

I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 112,292 other followers

%d bloggers like this: