HOLY STORMS!

26 05 2011


Narito ang updated na talaan ng mga bagyong pumasok, papasok o kasalukuyang nasa loob ng Pilipinas:

Bagyong Mar Roxas
Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility sa darating na Hunyo. Nangangamba ang marami sa posibleng pagsasalubong nila ng Bagyong Jojo Ochoa. Maaari daw itong magdulot ng dobleng peligro sa bansa.

Bagyong Jojo Ochoa
Tahimik lamang ang bagyong ito ngunit malalaman mong paparating na siya dahil pasuray-suray ang pagtahak niya sa kanyang dinadaanan.

Bagyong Edwin Lacierda
Matapos manalanta, sinisi niya ang forecast ng PAGASA. Mali-mali daw ang facts at figures na inilalabas ng weather bureau.

Bagyong Leila De Lima
Napakatapang na bagyo. Matatalim na kidlat at kulog ang dala ngunit walang gaanong ulan kaya’t minimal ang pinsala. May isang obserbasyon nga lang ang mga kritiko ng Bagyong Leila: kung saan-saang lugar daw siya pumapasok.

Bagyong Panfilo Lacson
Kahit moderno na ang instrumento ng pamahalaan, nahirapan pa rin silang ma-detect ang galaw ng bagyong ito. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung sang bahagi ng mundo siya nagmula.

Bagyong Manny Pacquiao
“Jeremiah 23:19 Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipu-ipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.” You know.

Bagyong Mommy Dionisia
Pinapayuhang mag-ingat ‘yong malaswa, ‘yong mga taong malaswaaaaa!

Bagyong Juan Ponce Enrile
Pinakamatagal sa puwesto; hindi gumagalaw. Dumaan na ang iba pang sama ng panahon, nananalasa pa rin siya.

Bagyong Gloria Macapagal-Arroyo
Siyam na taong nanalanta sa Pilipinas. Hanggang ngayon, hindi pa tuluyang nakakabangon ang bansa sa pinsalang kanyang idinulot.

Bagyong Tingting Cojuangco
Nabigla ang mga weather forecasters sa ikinilos kamakailan ng sosyal na bagyong ito. Matapos manalanta sa Central Luzon noong early 1990s, nagpaparamdam ito ngayon sa dakong Mindanao bilang isang weather disturbance. Gayunman, wala pang katiyakan kung siya ay magiging ganap na bagyo.

Bagyong Imelda Marcos
Dekada sesenta pa nang ito ay unang manalasa sa bansa. Libu-libo ang nasawi, nasugatan, at hanggang ngayon ay nawawala dahil sa kanyang bagsik. Inalis na ang kanyang pangalan sa opisyal na talaan ng mga bagyo ngunit sa ‘di maipaliwanag na pangyayari, matagumpay siyang nakabalik at patuloy pa rin sa pananalasa.

Bagyong Ernesto Diokno
Matapos magdulot ng pinsala, tumanggi siyang akuin ang responsibilidad at ipinasa ito sa mas mahihinang bagyo. Sinisi rin niya ang mga nagdaang sama ng panahon. Bagamat bahagyang humina, nananatili pa rin ito sa puwesto dahil malakas daw ang kapit kay Lord.

Bagyong Antonio Leviste
Ang inisyal na forecast ay stationary lamang ito ngunit marami ang nagulat nang ma-detect siya ng ABS-CBN News Weather Bueau sa dakong Makati at Maynila. Iniimbestigahan na ang mga awtoridad sa kabiguan nilang ma-monitor ang galaw ni Bagyong Leviste.

Bagyong Manny V. Pangilinan
Mayaman sa ulan at hangin. Tuwing kumukulog at kumikidlat, nawawalan ng signal ang Globe!

Bagyong CBCP
Matagal-tagal na rin ang ginagawa nitong pananalanta sa Pilipinas. Sa tuwing magrereklamo ang mga tao sa dala niyang pinsala, nagbabanta ito ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha upang lipulin ang “masasama.”

Bagyong Jejomar Binay
Napanatili nito ang maximum strength na sinimulang ipunin noong 1986. Lalo pang tumindi ang kanyang gustiness after 2010. Bagamat matindi ang dulot na pinsala, hindi ito gaanong napapansin dahil marami din namang natulungan ang dala niyang ulan. Matapos tumama sa Kamaynilaan, nakatutok naman ang mata ng Bagyong Binay sa mas malawak at mas matinding pananalanta sa iba’t ibang panig ng bansa sa 2016.

Bagyong Noynoy Aquino
Tuwid na direksyon ang tinatahak ng bagyong ito ngunit napakabagal at may katamaran. Tanghali na kung ito ay kumilos kaya’t inaabot nang madaling araw ang pananalanta. Walang gaanong ulan ngunit malakas ang hanging bumabayo kaya’t binansagan din itong ‘tuyot na bagyo.’
—————————————————
“Life is like a rainbow. You need both the sun and the rain to make its colors appear.”
~Author Unknown

Today’s Forecast in Sports
“The Miami Heat will beat the Dallas Mavericks in June. They will be crowned 2010-2011 NBA champs and LeBron James will finally receive his first ever championship ring.” — American Christian radio broadcaster and preacher Harold Camping

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,041 other followers

%d bloggers like this: