ELECTIONS 2013: MGA HULA AT BABALA

23 04 2013


OUR RESIDENT psychic, Madam Kalachuchi is back with her forecasts for senatorial candidates and other prominent figures in government and politics. Madam Kalachuci has a PhD in astrology and a master’s degree in palmistry. Her previous predictions were 99.9 percent accurate.

Here are some of her latest vibrations.

Loren Legarda
Sa eleksyon, posibleng mag-No. 1 ka. Sa pag-ibig, posibleng mag-No. 2 ka. Labanan ang tukso.

Cynthia Villar
Nagbunga na ang maaga mong pangangampanya. Congratulations! After the election, you and your husband deserve a vacation. Try n’yo sa British Virgin Islands. Maganda raw doon.

Jackie Enrile
Mumultuhin ka. Dalawa sila.

Jun Magsaysay
Hahanapin ng mga botante ang pangalang “Sir Chief” sa balota. Wala silang makikita. Namimiligro ka.

Nancy Binay
Magpapatuloy ang makapanindig-balahibo mong pag-akyat sa mga surveys. Tama ang desisyon mong huwag dumalo sa mga televised debates at forums. Ang pananahimik ang iyong best asset. Keep it up.

JV Ejercito
Magkakaayos din kayo ng half-brother mong si Jinggoy… kung matatalo ka sa eleksyon.

Risa Hontiveros
Ayaw ng masa sa magaganda. Magpapangit ka. May panahon pa.

Grace Poe
Nanganganib na bumaba pa ang iyong ranking sa survey. Kumita na kasi si FPJ. Humanap ng iba pang inspirasyon.

Mitos Magsaysay
Huwag umasa sa Catholic vote. Marami sa kanila, nag-Born Again na.

Alan Peter Cayetano
Mahirap basahin ang iyong kapalaran. Wala kang masyadong isyu. Sige, isyung personal na lang. Nakikita ko ang patuloy na paglawak ng iyong anit. Mabahala.

Richard Gordon
Wala kang inuurungan, wala kang kinatatakutan, wala kang sinasanto. Dahil sa sobrang tapang mo, posibleng makaaway mo rin ang sarili mo. Kalma lang.

Sonny Angara
Bagamat taas-baba ang iyong pwesto sa survey, malakas ang aking kutob na magna-No. 1 ka! Magna-No. 1 ka sa Aurora.

Marwil Llasos
Sabi ng ‘yong campaign slogan, “Bente-bente lang po. Kay Llasos, ayos!” Ang makukuha mong boto: bente din lang.

Edward Hagedorn
Agaw-pansin ang pagkakahawig n’yo ni Erap. Dahil d’yan, iboboto ka ng masa… bilang mayor ng Maynila.

Teddy Casiño
Ang pagbatikos mo sa ginawang pang-a-ambush ng NPA sa ina ni TG Guingona ay ikakasama ng loob ng iyong boss sa Netherlands. Tawagan siya at humingi ng tawad.

Migz Zubiri
Huwag ikalulungkot ang napipintong pagkatalo. Kabayaran lang ito sa pag-upo mo noon kahit ‘di ka naman nanalo.

Koko Pimentel
Malupit ang ‘yong kapalaran. Tanggapin ang katotohanang isinilang ka upang mabiktima ng dayaan: sa pulitika o pag-ibig man. Boom!

Francis Escudero
Lahat ng lalaking nauugnay sa iyong kasintahan ay nawawalan ng career. Ibalik mo na lang siya sa kanyang mga magulang bago mahuli ang lahat.

Tingting Cojuangco
Hindi dapat umasa ng panalo sa darating na eleksyon. Mas makabubuting ibaling na lang sa pagpapabata ang iyong atensyon.

Ernesto Maceda
May exposé po ako sa inyo. Natuklasan kong matatalo kayo. Sure na.

Jamby Madrigal
Hindi epektibo ang iPad sa kampanya. Summer ngayon. Subukang mamigay ng aircon o electric fan.

Bro. Eddie Villanueva
Ang mga katulad mong Born-Again Christian ay hindi naniniwala sa hula. Pwes, hindi rin ako naniniwala sa ‘yo. Wala kang forecast!

Ramon Montaño
Pwede pa po kayong umurong. Thank you.

Bam Aquino
May matatanggap kang text message sa susunod na 24Oras. Ikagugulat mo ito. Ang laman ng mensahe, “Huwag mo na kaming isali. Nananahimik na kami.” – Ninoy at Cory

AT IBA PA…
1
Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.
Iwasang magbanta kung hindi naman tutuparin. Kung aalis ka sa puwesto, gawin na lang, totohanin. Huwag papansin.

Bonus na hula: Dahil sa matinding trabaho sa mga susunod na araw, dadami ang itim mong buhok.

SWS and Pulse Asia
Hihina ang pasok ng kita pagkatapos ng eleksyon. ‘Di bale, tubong-lugaw naman kayo ngayon. Mag-blowout.

1pdi
President Aquino
Huwag maniwala sa mga tsismis na may namumuo raw romance sa pagitan n’yo ni Bianca Manalo. Alam mo ang totoo. #wala

Philippine Daily Inquirer
Naimbento na po ang Google. Kung hindi sigurado sa gagamiting larawan, mag-search. Huwag tamad.

Philippine Daily Inquirer
Kapag minamasdan ko ang front page n’yo noong Sabado, nalulungkot ako. Hindi ko talaga matanggap ang inyong katangahan. Buhusan ng holy water ang taong may kasalanan. Kung hindi n’yo ito gagawin, mauulit ‘yan bago matapos ang taon.

Kris Aquino
Ay, nand’yan ka pa pala. Akala ko kasi iiwan mo na ang shows mo. Hindi tuloy ako nakapaghanda ng hula para sa ‘yo. Next time ka na lang. Thanks.
———————————————–
“There are many methods for predicting the future. For example, you can read horoscopes, tea leaves, tarot cards, or crystal balls. Collectively, these methods are known as “nutty methods.” Or you can put well-researched facts into sophisticated computer models, more commonly referred to as ‘a complete waste of time.’”
~ Scott Adams

Sound Bites
“I strongly criticize the New People’s Army’s military action on Mayor Ruthie Guingona’s convoy that resulted in the death and injury of civilians. What happened is wrong and unacceptable
~Senatorial candidate Teddy Casiño

Have a safe week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo Credit: Philippine Daily Inquirer]








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 107,005 other followers

%d bloggers like this: