THE DEVIL RETURNS

11 02 2014

IN 2012, we had a series of exclusive interviews with the Devil.

Last week, after concluding its 2013 world tour that included stops in Syria, Iran, North Korea, and South Sudan, the Devil returned to Manila. We had a brief chat the other day, and I am sharing with you the following excerpts from that conversation.

Untitled
Kumusta ka na Mr Devil?

Heto, masama pa rin. Ikaw, how are you?

Oh, I’m fine. I’m good.

Pathetic. Walang excitement at challenge ang buhay. Bwa-ha-ha-ha!

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Diretso na tayo sa mga isyu. Ruby Tuason is in the news. Gusto niyang maging state witness sa pork barrel scam. Anong masasabi mo?

That bitch! She’s one of my protégés. Ilang taon ko rin siyang tinulungan pero ito pa ang iginanti niya sa akin: ang magpakabuti at itama ang mali! Pagsisisihan n’ya ito!

Itinatanggi ni Jinggoy ang mga akusasyon ni Ruby Tuason. Wala raw siyang tinanggap na kickback from his pork barrel. Ni isang kusing daw ay wala siyang ibinulsa.

I taught him well. Keep it up Senator!

Sabi ni Justice Sec. Leila De Lima, ‘slam dunk’ evidence ang magiging testimonya ni Ruby Tuason. Any reaction?

Nag-react na ako kamakalawa.

Saan? Nagpa-interview ka ba?

Hindi. Pero kung anong sinabi ng inyong bise presidente, sang-ayon ako. Walang kwenta ang testimonya ng traydor na babaeng ‘yan!

You mean… friends kayo ni Vice President Binay?!?!

Ikaw ang nagsabi n’yan, hindi ako!

How’s your relationship with Senator Tanda?

Awesome. Hindi ko na matandaan kung kailan kami unang nagkakilala but we communicate regularly! I will always be proud of Manong Johnny. And of course, Gigi. What a lovely couple!

Uy, nag-birthday nga pala si President Aquino noong Sabado ah!

So???! That sexless, balding, and aging haciendero!

Bakit parang ang laki ng galit mo? May pinaghuhugutan?

Naman! Kung ‘di dahil sa Daang Matuwid ng gunggong na ‘yan, malaya pa sana si Ma’am Janet! Masyado siyang KJ! Pati raket ng may raket, pinapakialaman! Eh kung inuuna muna kaya niya ang kanyang love life sa halip na imbestigahan ang pagnanakaw ng iba! Inggit ka?!? Eh ‘di mamorsiyento ka rin, bobo! Tarantado!

Ang sama mo namang magsalita.

Kaya nga demonyo eh. Isa ka pang bobo!

You’re so evil!

Thank you!

WoT
Nabalitaan mo ba ‘yong Wheel of Torture sa isang kulungan sa Biñan? Ito ‘yong may pinapaikot na roleta ‘tapos kung saan tumapat, ‘yon ang magiging form of torture sa mga inmates.

Alam mo, saludo talaga ako sa creativity ng mga Pinoy. Kahit ako, ‘di ko naisip ‘yung gano’ng kademonyong gimmick eh. Nakaka-insecure! Akalain mong may mas demonyong idea pa pala sa akin ang mga jail guards. Hashtag #G2BCopsAmazingStory #Winnner!

Pag-usapan naman natin ‘tong kaso ni Vhong Navarro. Ano ang masasabi mo kay Cedric Lee?

Adorable! Narinig mo ba ang interview sa kanya? He said, “Hindi ko kailangan ang palakpak n’yo. Hindi ko kailangan ang boto n’yo. Hindi ako tatakbo. Wala akong pakialam sa sasabihin n’yo.”

‘Tang-ina! Nagliyab ang Angas Meter sa impyerno habang sinusukat ko ang kaangasan niya. Cedric… ikaw na! I’m so proud of you.

May bago pala siyang spokesman. Sabi ni Atty. Raymond Fortun, underdog daw si Cedric sa labang ito. What can you say?

What more can I say? Mahusay na abogado si Raymond. Naks! First name basis. At tama ang desisyon niyang ipagtanggol si Cedric. He’s on the wrong side! My side! Bwa-ha-ha-ha!

Close ba kayo ni Attorney Fortun?

Minsan. Pero nabwisit talaga ako sa kanya last year. Akalain mo bang nag-lawyer siya sa mga petitioners versus PDAF! Gago pala siya eh. Ang resulta: idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang pork barrel system. So kung nagbabasa ka ng blog na ito Raymond… next time, gamitin mo ‘yang utak mo! Kung walang pork barrel, anong nanakawin ng mga pulitiko? Tanga ka ba?!

Ruby
Balik tayo kay Vhong. May nangyari nga bang rape?

I wish! Eh ‘di kung may nangyaring rape, nagpa-party pa ako. Sayang nga eh!

May message ka ba kay Vhong?

(Kumukumpas) Kuya Vhong… may anak ka ring dalawang lalaki! Pagtanda nila, hayaan mo lang silang mambabae! Huwag mo silang pigilang pumunta sa condo para magdala ng food. Kuya Vhong, kung mabugbog sila dahil sa pagtataksil sa kanilang girlfriend, okay lang ‘yon Kuya Vhong. Kakampi mo naman ang ABS-CBN eh. May magtatanggol sa kanila gabi-gabi – mula TV Patrol hanggang UKG… Kuya Vhong!

Moving on… pag-usapan naman natin ang

Wait lang. Hindi pa ako tapos! Kuya Vhong… I will not pray for you.

Ok, that’s enough. Punta na tayo sa Rapid Round. Magbibigay ako ng names… sabihin mo sa akin ang first impression or message mo sa kanila.

Sure!

Let’s start with Meralco…
Huwaaat? 4.16 pesos per kilowatt hour increase? Ang baba naman! Taasan n‘yo pa. Lumpuhin n’yo pa ang customers! Bwa-ha-ha-ha!

Manny Pacquiao…
Kapal ng mukha mo! Isinusumpa ko… babalik ka rin sa akin pagdating ng araw. FYI, you’re so missing a lot: casino, babae, alak! Magbago ka na bago mahuli ang lahat!

Kris Aquino…
Walang maitutulong sa iyong love life ang kabibisita mo sa Manaoag. Sa ‘kin ka na lang maniwala. I can give you ‘anyone’ you like.

Bong Revilla…
Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Wala namang namamatay sa kadi-deny eh. Sige lang!

Davidson Banggayan alias David Tan…
Sorry. Busy ako last month kaya ‘di kita na-protektahan. ‘Di bale, pilferage lang naman ang kaso natin. Kayang-kayang malampasan ‘yan!

Mayor Rodrigo Duterte…
Patay tayo d’yan! Next!

Janet Lim-Napoles…
This too shall pass! ‘Pakatatag ka lang d’yan. Don’t lose hope greed. And don’t forget to believe in Me. #BFFs

Deniece Cornejo…
I see great potential in you. Stay strong!

Benhur Luy and the whistleblowers…
Pakyu! Pakyu! Pakyu! Pakyu! Pakyu! Pakyu all! Mga traydor!

Pope Francis…
WHATEVERRRRRR. #Overrated!

President Aquino…
Single! Single! Single! Single! Single!

So, personalan na ito?
Matagal na! ‘Tuwid na Daan’ my ass! Marami pa rin akong kampon sa gobyerno. Hindi ka magtatagumpay kalbo!

ruby jinggoy
Sa Thursday, imbitado si Ruby Tuason sa isang hearing sa Senado. Dadalo ka ba?

Bakit pa?! ‘Di rin naman a-attend ang mga ‘close friends’ ko. Sa impyerno na lang ako manonood.

Ilang tulog na lang, Valentine’s Day na… meron ka bang date o kahit anong plano?

‘Di ka rin nag-iisip ‘no? Wala sa bokabularyo ko ang pagmamahal dahil hatred, selos at LQ ang advocacy ko… bobo!

Kung maka-bobo naman ‘tong demonyong ‘to! Hayup!

Alam ko! Thank you.
———————————————-
“We are each our own devil, and we make this world our hell.”
~ Oscar Wilde

MichaelSound Bites
“My house is mortgaged. It’s a crazy investment. I don’t even think anyone at the president’s office knows there’s a Filipino skating in the Olympics.”
~Maria Theresa Martinez, mother of Sochi Olympian Michael Christian Martinez

News reports say businessman Manny Pangilinan financed Michael’s training. His mother revealed she tried to reach out to President Aquino for financial assistance but was apparently ignored.

“Nice one Mr. President, nice one!” – The Devil

Happy Valentine’s Day!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: SearchBestCartoon, Philippine Daily Inquirer, Startalk, Associated Press]

About these ads

Actions

Information

3 responses

12 02 2014
Dewayani Soebagio Anam

Tanda; Sexy; and Pogi put together, isali pa ang Napoles na leader are nothing compared to my hatred for that big, stupid liar Deniece. I wonder how she is related to Denephew. Ang masama mong ugali ang papatay sa’yo.

12 02 2014
Dan Dela Paz

Marami akong natutunan sayo. Promise! 💋

Sent from my iPhone

>

12 02 2014
lot7md

love the post, very entertaining. ^_^

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 111,818 other followers

%d bloggers like this: