MOVIES AND NUMBERS

5 01 2014

sha
THE NUMBER of firecracker-related injuries has reached almost 1,000. You know it was a failed DOH campaign when the number of firecracker victims is twice more than the YouTube views of Dr. Eric Tayag’s ‘Roar’ videos.

Little Faith
A new poll conducted in the US revealed many Americans expressed little hope that their elected officials can or will solve their nation’s biggest problems. Those Americans have no originality. Gaya-gaya! Tse!

Thirteen
In a New Year’s Day statement, Jinggoy Estrada admitted that 2013 was full of challenges for him. He expressed hope that his 2014 would be “marked with resolution and absence of controversies.” And the Ombudsman was like, “You wish!”

Q-5
Jinggoy Estrada is blaming the number 13 for bringing him bad luck last year. In a separate statement, the number 13 has threatened to file libel charges against Jinggoy.

In a statement, Jinggoy Estrada said, “I will continue to become the representative of the masses in the Senate.” To which the masses replied, “Etchosera!”

Holidays
Based on the list released by the government, there are at least 18 regular and special non-working holidays this year. Non-working holidays! That’s bad news for the unemployed.

shaMMFF 2013
Reports say ‘My Little Bossings’ is now the highest-grossing Filipino movie ever raking in more than 400 million pesos at the box office. May pera sa basura. Indeed.

Mega Quit
Actress Sharon Cuneta announced she’s quitting Twitter, a microblogging site. Twitter called it a “welcome development.”

It was the 3,847th time Sharon left the microblogging site.

Sharon Cuneta has decided to leave Twitter because she has had enough of disrespectful netizens’ “painful words.”
“Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo!” – Nancy Binay

2013 HMMMPF FILM FESTIVAL: A GUIDE

GOLDEN BOY
Synopsis:
Isang sci-fi movie na tumatalakay sa stem cell technology. Si Golden Boy ay isang middle-aged at banidosong pulitiko. Noong nangangampanya pa lamang, nangako itong ibababa ang presyo ng stem cell treatment para sa kanyang constituents. Upang patunayang mabisa ang nasabing teknolohiya, pumayag itong maging subject ng isang internationally-funded research. Ang resulta: walang pores at flawless skin na hindi halos gumagalaw (iwas-wrinkles). Ang tanong: magtagumpay kaya si pulitiko sa hangaring maging affordable sa masa ang naturang teknolohiya? Hindi kaya nai-insecure ang misis niya sa maganda niyang skin? Ma-reelect kaya siya sa 2016?

KAY PEDRO ANG LUNGSOD
Synopsis:
Kuwento ito ng isang batang pulitiko sa isang kilalang siyudad. Kinatatakutan ang pulitiko dahil maimpluwensya at makapangyarihan ang pamilya nito sa lipunan. Nagagawa rin ng pulitiko lahat ng gustuhin niya. Lahat ng gate nilulusutan: gate ng bahay, gate ng school, gate ng simbahan, gate ng kapitbahay, gate ng sabungan, gate ng malls, gate ng subdivision, pati Gift Gate at Colgate dinadaanan niya kahit sarado o ipinagbabawal. Ngunit may malaking problema si pulitiko: nakunan ng CCTV ang pagdaan niya sa mga nasabing gate. Paano kung lumabas ito sa media? Magbago kaya si pulitiko o tuloy pa rin ang paghahari-harian niya? Mapikon kaya si pulitiko sa blog post na ito? Bakit mahilig sa bagets na boyfriend si T’ya Pusit?

MY LITTLE BOSSING
Synopsis
: Isang romantic-comedy na medyo seksi. Tungkol ito sa makapangyarihang politician na single pa rin bagamat nagkakaedad na. Ipapakita sa pelikula ang mga kabanata sa buhay-pag-ibig ng pulitiko – ang kanyang mga niligawan, at ang mga pinagdaanang kabiguan. Ayon sa mga naging kasintahan ng pulitiko, hindi raw kalakihan ang you-know-what nito. Dito nagmula ang nickname na ‘Little Bossing.’ Ngunit desidido si pulitikong patunayang mali ang alegasyon ng kanyang mga ex. Paano niya kukumbinsihin ang publiko na hindi “little” ang kanyang “bossing?” Mahanap na kaya niya ang kanyang tunay na darling? At ang kanyang ubo… kailan kaya gagaling?

1000 HOURS
Synopsis:
Matapos manalanta ang napakalakas na bagyo sa lalawigan ng Andersunkupir, umapela sa central government ang mga residente rito. Ngunit naantala raw ang pagdating ng tulong dahil sa away-pulitika. Pinagtalunan ng magkalabang pulitiko kung sino ba ang mas maganda: si Kringkrung na asawa ni Mayor Cryola o si Kurinakung na asawa naman ni Secretary Pirmahanmutu. Habang nag-aaway ang dalawa, tuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga patay at nagugutom. Aabutin pa ba ng 1,000 Hours bago dumating ang saklolo? Sino ang magwawagi sa debate ng dalawang pulitiko? Bakit hindi sumilong sa building si Atom Araullo habang bumabagyo? Kung tinamaan siya ng lumilipad na yero, kasalanan ba niya ito?

GIRL, BOY, BAKLA, AT LEAST WALANG TOMBOY
Synopsis:
Umiikot ang kwento sa buhay ng isang pulitikong macho at homophobic. Dahil sa tindig at porma, habulin ng babae ang pulitiko. Bawat babaeng makilala, ikinakama. Proud na proud ang pulitiko sa kanyang mga naging anak maliban sa isa – kay Julio, na nalulong sa droga matapos mapabarkada. Bakla si Julio at sa darating na Noche Buena, ipagtatapat na niya sa kanyang ama ang tunay niyang pagkatao. Ano ang magiging reaksyon ng kanyang daddy? Matanggap kaya nitong may girl, may boy, at may bakla sa kanilang family? Bakit ang tagal ng sweldo? Saan napunta ang bonus mo?

KALEIDOSCOPE WEIRD
Synopsis:
None available. Movie was pulled out from theaters on opening day.

INIDORO: KIYEME LANG
Synopsis:
Hindi pinayagang magpiyansa si Juanita Lin-Napanis matapos hulihin sa kasong pagnanakaw ng gintong bathtub ng kanyang kapitbahay. Mayaman si Napanis ngunit kleptomaniac ito. Kahit ‘di kailangan, ninanakaw. Dahil mapera, sinuhulan nito ang pulis at ang judge upang payagan siyang i-detain na lamang  sa mas ligtas na Fort Sto. Rosario. Dito magsisimula ang gulo. Sa tuwing papasok siya sa comfort room, 72 hours siya sa loob. Ang sikreto: palihim pala siyang tumatakas at umuuwi sa kanyang condo unit sa Makati. Akala ng mga guwardiya, nasa loob pa rin siya ng banyo at nakatulog lang sa inidoro. Ang hindi alam ng mga ito, may binayarang janitress si Juanita Lin-Napanis upang magkunwaring siya. Hanggang kailan maililihim ng janitress ang tunay niyang katauhan? Matuklasan kaya ng pulis na buhay-reyna sa labas ng selda ang kanilang high-profile inmate? Bakit tatanga-tanga ang mga guwardiya? May tumatae ba ng 72 hours?

IPAGPAG MO NA!
Synopsis:
Ang nag-iisang X-Rated entry sa festival. Muntik nang hindi aprubahan ng MTRCBCP ang titulo ng pelikula dahil double meaning daw ito. Inilaban ng producer ang pamagat hanggang sa payagan na rin. Gayunman, nabigyan ng X rating ang pelikula dahil sa maselang tema nito. Ang ‘Ipagpag Mo Na!’ ay ang unauthorized biopic ng isang matandang senador. Kilala sa pagiging matulis ang pulitikong ito kahit nubenta’y ocho anyos na. Ibinahay ng senador ang kanyang paboritong sekretarya matapos iwan ang kanyang legal wife. Ilang taon na rin ang kanilang relasyon. Isang gabi habang umiihi, napansin ng matandang senador na tila wala nang buhay si junior. Kahit anong pagpag ang gawin niya rito, wala na talaga. Dahil dito, nabahala ang matanda. Paano kung malaman ng kanyang live-in partner na hindi na tumatayo ang cobra? Iwan kaya siya nito? Paano kung humanap ito ng mas bata? Saan hahantong ang mapanghamong kabanatang ito sa kanilang relasyon? Bakit paulit-ulit umaalis si Sharon sa Twitter ‘tapos lagi rin naming bumabalik? Anong problema niya?
———————————————————————————
“Movies are so rarely great art that if we cannot appreciate great trash we have very little reason to be interested in them.”
~ Pauline Kael

Sound Bites
sha

Have a great week ahead! Back to work, back to school. Good luck!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[PHOTOS: Telegraph.co, @Sharon_Cuneta12]

About these ads

Actions

Information

One response

5 01 2014
girlalureview

“May pera sa basura”. LOL!

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,447 other followers

%d bloggers like this: