EXCLUSIVE: THE SUSPECTED MASTERMIND

7 08 2013

THE SUSPECTED mastermind in the P10B pork barrel scam requested to be interviewed to clarify some issues on the controversy. We wanted the interview to be as straightforward, and as honest as possible so we asked Vice Gandah to do it. Here’s the unedited transcript of their conversation.

1
Mga kaibigan, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa dahil busy ako. Please welcome… the woman of the hour… Jerenny Lin-Napolish!

Hello Bice! Thank you por inbiting me here.

Kung maka-inbiting ka naman ‘teh! Nangangagat ka? And correction please: hindi ka namin ininvite! You paid requested for this interview.

Hindi naman po. Gusto ko lang pong ipaliwanag ang panig ko. Masyado na po kasing nasasaktan ang pamilya ko sa pagmumura, panghuhusga, at panlalait ng mga tao eh.

So matapos ma-expose ang P10 billion scam, umaasa ka pa ng respeto at papuri ng publiko? Gano’n?!

Ano po kasi, wala po akong

Bakit ba “po” ka nang “po?” Anak ka ba ng action star??! Tatakbo ka rin sa Senado?? Sa totoo lang, napa-plastikan kami sa po at opo mo. Tigilan mo na ‘yan.

Sige po.

Punta na tayo sa kinasasangkutan mong iskandalo. May lumabas na pictures kung saan kasama mo ang dalawang senador na nadadawit sa pork barrel scam. Nasa isang party kayo at abot-tenga ang inyong ngiti. Kilala mo ba sila?

Minsan po kasi nagkakar

Hay naku! Wala akong time makinig sa ka-etchosang sagot. Oo o Hindi lang! Kilala mo ba ang dalawang senador?!

Hindi po.

Owwws? Tamaan ka man ng kidlat ngayon?

Opo.

As in ngayon na?

Opo. (5… 4… 3… 2…1) See, wala pong nangyari!

Gaga! Ang taas-taas ng sikat ng araw, paanong magkakakidlat!?! Helllllow! Ito na lang: nabanggit n’yo sa isang interview na ni piso, as in NI PISO, wala kayong kinuhang pera sa gobyerno. Hindi ba kayo kinikilabutan sa pinagsasasabi n’yo?

Dahan-dahan ka sa pananalita mo. Baka kasuhan kita ng libelo.

Agad-agad??! Nagtanong lang ako, libelo na? ‘Di ba pwedeng sumagot ka muna? Let me reword para ‘di masyadong masakit. Sabi mo, ni piso wala kang kinuha sa pondo ng gobyerno. Via Twitter, may question si Pangulong Aquino: saan daw po kaya kayo kumukuha ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura para sabihin ito?

Kay Lord po. Dahil alam kong kakampi ko si Lord.

Sinagot mo talaga ang tanong! Iba ka! Pwes, since nag-name drop ka na rin lang, tamang-tama, may surprise ako sa ‘yo! Nasa linya natin si Lord right now… kausapin mo siya!

Ngayon na?

Hindi! Kung gusto mo next week o kaya next year para mainip siya sa kahihintay at sunduin ka niya in person! Sabi ko right now ‘di ba? Gow!

Sige na nga! Ahmmm… Hello? Lord?

- SINO ‘TO?

Si Jerenny Lin-Napolish ito Lord!

- ‘WAG MO ‘KONG MA-LORD, LORD! ‘DI KITA KILALA!

Lord, ako ‘yong malaking mag-donate sa simbahan. Remember?

- ABA, NANUHOL KA PA! BYE!

1JLN
Naku, mukhang galit si Lord. Ayoko na pong makialam d’yan dahil away n’yo ‘yan. Proceed na lang tayo sa next question. Sa gitna ng kontrobersyang ito, kumusta na po si baby gerr, si Jane?

She’s pine.

She’s pine? Kelan pa ho siya naging puno? Chos! Napanood ko ho ‘yong report ng TeeeeeeVeeeeee Patrol. Grabe naman kayong mag-gift sa inyong anak. Ano nga ho ‘yong birthday gift n’yo sa kanya?

Pors. Dalawa.

Dalawa?! Wow. Magkano naman ho kada wallet?

Hindi ho wallet ang Pors, kotse ho ‘yon.

Ahhhhh…. Porsche! Eh kasi naman Pors kayo ng Pors sa interview! Akala ko tuloy pitaka! Nakakaloka! Nabasa ko rin ang posts ni Jane sa Instagram. Grabe naman siyang mag-shopping! Namamakyaw!

Can afford naman po kami. ‘Tsaka cheap lang naman ang type ni baby gerr, Louie Biton, Beriberry at Tsanel.

Anong channel ho ba ‘yon? Joooooke! Oo nga naman. If you have it, flaunt it. Talking about Jane, balita ko magna cum laude ang anak n’yo. Nagmana ho ba siya sa inyo?

Naku hindi naman.

Kasi ho “magna” rin kayo eh.

Alam ko ang iniisip mo! Dahan-dahan ka sa pananalita mo bakla ka! Baka kasuhan kita ng libelo!

Kung maka-bakla naman kayo. Kailangan talagang isigaw na bakla ako? Itinago ko ho ba ‘yon? Helllllow!!!! Balik tayo sa isyu. Ayaw ng Senado na imbestigahan ang pork barrel scam. Ano ang masasabi mo?

Ako ay nagpapasalamat sa magigiting nating senador. Hindi ako nagkamali ng pagsuporta sa kanila. Tama ang kanilang desisyon! I love you all!

Pero si Senator Mirriam, gusto hong ipatanggal ang pork barrel.

Napakabobo po talaga ng senadorang ‘yan. Siya po ang pinakabobo sa lahat. Kapag inalis ang pork barrel, kawawa ang mga magsasaka, ang mga foundations, at ang mga NGOs. Kaya nakikiusap ako sa mga kaibigan ko sa Senado at Kongreso, ‘wag kayong pumpayag na iabolish ang pork barrel! Pleeeeeeeeeeeease.

1italy

Kung maka-please ka naman, parang ang laki ng mawawala sa ‘yo! Maglaro na nga lang tayo! We will play Pinoy Henyo! Ikaw ang manghuhula.

Naku! Peyborit ko ‘yan! Anong word?

Tanga! Ikaw nga ang huhula, bakit ko sasabihin sa ‘yo?! Ang mystery word ay ipapakita natin sa mga readers. Sila lang at ako ang nakakaalam. Let’s begin!

“PORK BARREL”

Tao ba ‘to?

Hindi!

Bagay?

Oo!

Gusto ko ‘to?

Pak!

Marami ako nito?

Sabi sa reports, oo raw!

Madali bang magkaroon nito?

Pwede.

Pwede ba itong nakawin?

Of course!

Kahit sino pwedeng magnakaw nito?

Hindi!

Ikaw ba Bice nasubukan mo nang magnakaw nito?

Excuuuse me! Speak for yourself!

Nililinaw ko lang po naman. Pwede ba itong nakawin ng senador, congressman, governor, mayor, fake NGOs at bogus foundations?

Naman!

Ang hirap huh! Wala akong idea! As in walang-wala. Teka… may kaugnayan ba ito kay Bongga Villa?

Oo!

May kaugnayan ba ito kay Jeng Goy Espada?

Siyempre! You have 5 seconds left…

Pati ba artista, TV o radio hosts at reporter, posibleng magkaroon ng ganito?

Indirectly! Pak! Pero hindi naman lahat.

Alam ko na!

Sorry. You’re time’s up. Ano bang answer mo sana?

Lipo by Vicki Belo.

Engot! Ghost NGOs, nagnanakaw ng lipo? Para kang timang!

Timang? Hahahahaha!

Kung makatawa naman ‘to! Last two questions na lang po… hypothetical lang… again, HYPOTHETICAL lang: kung mamamatay kayo ngayon at sa impiyerno kayo pupunta… sino ang gusto mong kasama? Isa lang.

Isa lang?

Hindi! Kung gusto mo dalawa! Two Houses of Congress dahil you all deserve to be there anyway!

Dahan-dahan ka sa pananalita mo, baka kasuhan kita ng libelo.

Ano nga ho pala ang mensahe mo sa ‘yong anak na ayon sa mga abogado mo ay “unfairly” dragged sa isyung ito?

Ah, Jane, baby gerr… we lab you. Sorry kung nadadamay ka. ‘Wag mo na lang silang pansinin. Wala kang kasalanan! Para mawala ang lungkot mo, lumabas ka ng condo mo d’yan sa LA. Shopping shopping din ‘pag may time. Lab you baby gerr.

At ano naman po ang message n’yo sa publiko?

Message ko sa mga Pilipino?

Hindi! Message mo sa mga Nepalese, sa mga Jamaicans o kaya sa mga Ethiopians… kasi concerned sila sa nangyayari sa Pilipinas. Go!

Sa inyo pong lahat, nais ko

Nakakaloka ka! Hindi kita kinakaya! Continue…

Wala pong katotohanan ang ibinibintang sa akin. Wala po akong transaksyon sa gobyerno. Wala po akong kakilalang pulitiko. Malinis ang pinagkunan ng aming yaman. Lalabas din ang katotohanan. At sa mga nagkakalat ng kasinungalingan… bahala na sa inyo si Lord. [Biglang kumulog at kumidlat]

["ULOL!" - Lord]

Maraming salamat Madam Jerenny Lin-Napolish sa inyong time. Wait lang po, super last na… may nag-text! From Jaime Augusto Gokongwei Zobel Razon… “Pakitanong kay Mrs. Jerenny Lin, Kung talagang mayaman siya at miyembro siya ng alta sociedad… ano ang spelling ng ‘Porsche?'” REACTION po n’yo…

Dahan-dahan ka sa pananalita mo Jaime Augusto, baka kasuhan kita ng libelo!

-End of Interview-
——————————————————–
“I’m not upset that you lied to me, I’m upset that from now on I can’t believe you.”
~Friedrich Nietzsche

Kung mamamatay ngayon ang lahat ng senador, kongresista, gobernador, mayor, at mga kasabwat nila sa pagnanakaw ng pork barrel funds, magkakaroon ng shortage ng ataul.

Elsewhere
“Government alone cannot stop corruption, it needs the public to help in it. It needs the outrage of the people to stop it. It needs the fury of the people to stop it. It needs the condemnation of the corrupt by the people to stop it.”
~Conrado De Quiros, An Education

“It is clearly intended to stop journalists like us from continuing with our reports and dropping our investigations.”
~Rappler replies to Napoles’ lawyers’ libel threat

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

One response

18 08 2013
Rhaymarck Angeles (@MarckAngeles)

Iba ka talaga, idol! Pero talagang nakakainis yung issue na yan. Ang tigas ng mukha nila.

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,448 other followers

%d bloggers like this: