DEAR CHAROS (MAMATAY MAN AKO!)

28 07 2013

PAALALA: Maaari kayong manalo ng 1,000 peso-load kung mahuhulaan n’yo ang pamagat ng episode natin ngayong gabi. Kailangang humula ka na bago matapos ang iyong pagbabasa. Dalawang mapapalad na readers ang magwawagi. [Per UTI-NCR Permit No. 10 Billion Peso-Pork Barrel. Series of 10 Years (And Counting)]

Maalaala Mo Nga Kaya
Episode No. 1148
July 2013

[Before you read the post, click video for background music.]

CHAROS SANTOZ:
Sa buhay ng isang tao, dumarating ang maraming suliranin. Ito ang sumusubok sa kanilang katatagan. Susuko ba siya o lalaban?

Ngayong gabi, ibabahagi ko ang kwento ng ating letter-sender – isang napakayamang businesswoman na nagpapatago sa pangalang Jonalyn.

Ito ang salaysay ng pait na kanyang nararanasan sa gitna ng pinagdadaanang karma problema. Tunghayan natin ang kanyang kwento.

Somewhere in an exclusive subdivision in Makati City
Sa bathroom

Ma’am Jona! Ma’am Jona! Nasa front page po kayo ng diyaryo!

Hayaan mo na ‘day! Marami lang talagang nagmamahal sa akin kaya binabati nila ako.

Pero ma’am, hidline KA! Nagbulsa daw po kayo ng halos 10 billions pork barrels! Kasabwat daw po n’yo ang mga pulitiko at ang mga ghosts NGOs.

Ay, putang-i*a! Akin na ‘yang diyaryo Inday, biliiiiiisssss!

1WMDEAR CHAROS,
Naliligo ako noon sa bathtub na punung-puno ng pera nang mabasa ko ang balita. Isinasangkot daw ako sa pork barrel scam na wala naman akong kaalam-alam.

Masakit Charos. Ilang taon kong inalagaan ang aking pangalan ‘tapos ngayon ay sisirain lamang ng mga dati kong empleyado. Mga walang utang na loob! Mga patay-gutom! Mga mababaho! Mga libagin! Mga ginagalis! Mga hinahadhad! Mga binubuni! Mga kinukurikung! Hindi ko ito palalampasin!

Inday, tapos na akong maligo! Palitan mo na itong pera sa bathtub. Madumi na! Itapon mo na!

- Yes ma’am!

Hindi ako nakapagpigil sa nabasa ko sa diyaryo Charos. Sinugod ko ang dati kong personal assistant na si Ben Lloyd na siyang pinagmulan ng walang basehang tsismis! Kinumpronta ko siya at ganito ang sumunod na pangyayari.

Hayup ka! Matapos kitang bihisan, arugain, palamunin, at pasuwelduhin, ito pa ang igaganti mo sa akin?!!?

Whatevs! True naman ang aking inispluk sa NBI ‘no?! Kaya tigilan mo na ang raket mo ‘teh!

Why are you doing this to me? Itinuring kitang parang tunay na anak!

Pinasuweldo mo lang… anak agad? ‘Di ba pwedeng pamangkin muna? Ah basta! Ni-reveal ko na ang secrets mo mudra! Alam na ito ng buong mundo!

Walanghiya ka talaga! Bakla ka!

Argumentum ad hominem!

Ano ‘yon? Adik ka! Adik ka!

Ten billion in ten years! Ghost NGOs! My gad!

Promiscuous homo! Mahilig sa half-naked na selfie! Eeeew!

Pork barrel queen! Mas eeew!

I’ll see you in court!

I’ll see you in hell!

CHAROS, pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa nang mga oras na ‘yon. Pinagkatiwalaan ko siya nang lubos pero gano’n pa ang naging sukli niya sa akin: ang akusahan ako ng isang gawaing ni sa aking panaginip ay hindi ko naisip gawin.

Charos, wala akong alam sa pork barrel scam na ’yan! Wala! Mamatay man ako!

[Biglang nahimatay ang letter sender, nawalan ng malay for 10 minutes. ‘Buti na lang, saktong dumating ang kanyang anak na babae mula New York.]

1JD

Mom, you should rest ok. Let me take care of the house. Inday, pakikuha ang mga bote ng Evian at Aquafina sa stockroom. You handwash the curtains and the carpets kasi two days na raw na ‘di napapalitan. Don’t use tap water ok?! It’s unsanitary!

Hija, nagpa-deliver na ako ng Summit at Absolute, ‘yon na lang ang ipagamit mo sa paglalaba ni Inday.

Na-ah! I don’t trust local brands mom. By the way, napalitan na ba ni Inday ang pera sa bathtub? Gusto kong magbahbahd. Wait, did I get my Tegalog right? I’m tired mom. Been shopping in Manhattan for five months now. I need to relax! I miss our bathtub!

Go ahead hija! Kararating lang ng PDAF ni Senator XYZ. Na-encash na. ‘Yon ang nasa bathtub ngayon. You deserve that. Go! I’ll sleep muna.

1
AKALA KO Charos ay mawawalang lahat ang aking problema paggising ko. Hindi pala! Bumungad naman sa akin ang mga larawan sa isang news site. Kasama ko raw ang dalawang senador at iba pang personalidad na iniuugnay rin sa pork barrel scam.

Ang tanong ko Charos… porke ba kasama ko sa party… kaibigan ko na? Porke ba naka-smile kaming lahat sa picture, kasabwat na? Porke ba nakahawak pa sa aking balikat, close na? Whatever happened to logic? Nasaan na ang pagiging patas ng media ngayon?

Grabeng manghusga ang publiko at ang mga journalists Charos. That’s just unfair. Pati ang pakikipagkaibigan ko sa mga high-profile people, apektado na. Nakakalungktot.

Kaninang umaga, ganito ang naging exchange namin sa text ni Senator X.

- Hi Senator. I have na the LVs and the Chanels for your wife. When could we possibly meet para mabigay ko sa ‘yo?

Hu u ?

Ang sakit Charos! Then, that same day ganito naman ang naging palitan namin ng message ni Congressman Y.

- Hi Cong! Jona here. Dinner tomorrow? Same place? :)

Wrong send ka. Wala akong kilalang Jona! Please erase my number!

HARSH! Dahil sa pork barrel scam na ‘yan, pati malalapit kong kaibigan, umiiwas na yata. Kanina lang, tinawagan ko si Senator Z at ito ang nangyari…

[Phone ringing]
- Senator Z speaking, how may I help you?

Hi Sen! Jona here, nakuha ko na ang cheque!

- Hello? Hello! Ikot ka nang konti, medyo malabo ang dating!

Senator… si Jona ‘to. Ayan, malinaw na ba? Sabi ko, natanggap ko na ang cheke!

- Hello! Hello?!! ‘Tang-i*a! Kung tatawag ka at ayaw mong magsalita, huwag ka nang tumawag! Abala ka! Punyeta!

CHAROS, I’ve never been treated this way in my entire life. At ‘yan ay dahil sa isang kasalanang ibinibintang sa akin. Namumuhay ako nang maayos, payapa at naaayon sa batas. Ako ang biktima rito! Wala akong kasalanan! Wala akong ninakaw na pork barrel! Ako ang biktima rito! Mamatay man ako!

[Muling nahimatay ang letter sender. Patapos na ang programa, wala pa rin siyang malay. Balikan natin ang ating host, si Ms Charos Santoz.]


Hindi masamang maghangad ng kaginhawaan sa buhay,
Subalit dapat nating tandaan na anumang bagay na nais nating makamit ay kailangang mapasaatin sa mabuting paraan.

Natunghayan natin ang kwento ni Jonalyn…
Tila nasa kanya na ang lahat: salapi, impluwensya, kapangyarihan, anak na ibinubuyangyang sa publiko ang luho sa katawan, at kasambahay na naglalaba gamit ang Evian.

Ngunit masaya ba siya?
Nakakatulog ba siya nang mahimbing sa gabi?
May mukha ba siyang maihaharap sa Panginoon pagdating niya sa langit?
In the first place, sa langit ba siya pupunta?
Don’t be so sure.

Hindi ko sinasabing guilty ang ating letter-sender sa mga akusasyon.
Nagtatanong lang po ako.
Hindi ako nanghuhusga! Promise.
Mamatay man ako.

[Biglang hinimatay si Ms. Charos Santoz. Hindi na pinabalik ng doktor. Hanggang sa muli… Kapamilya. THE END.]
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“BATHTUB”

.
.
.
.
.
.
[Unfortunately, wala pong nakahula sa tamang episode title. Ilan sa mga ipinadalang sagot ay ang sumusunod: “Pork Barrel,” “Evian,” “Scam,” at “Mamatay Man Ako.” Salamat po!]
—————————————————————————
“Pigs are dirty, but I will tell you something dirtier: Liars! Untruth always smells like rotten garbage!”
~ Mehmet Murat ildan

Sound Bites
“When I started boxing, of course I was planning, you know and thinking about getting to become a champion. So when I enter politics it’s the same thing. But, you know, it’s far away. It’s God’s will.”
~Cong. Manny Pacquiao on running for president

Have a safe and productive week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos/Graphics: ToonClips.Com, EuropeVsNorthAmerica.Com, Philippine Daily Inquirer. Thank you!]

About these ads

Actions

Information

7 responses

29 07 2013
Marvic Babilonia (@_Mavic_)

Hi Heckler.. I think you meant “Mom” here:

“Wait, did I get my Tegalog right? I’m tired ma’am.”
:) nice post, btw.

11 08 2013
professionalheckler

thank you! yeah. mom. :(

30 07 2013
Shermel (@Shermel)

Ganda ng column ni Professional Heckler! – Alvin Elchico (from Failon Ngayon sa DZMM)

31 07 2013
Dredd Cabelin

Reblogged this on It's An Amazing Journey and commented:
A really clever take on the entire P10 BIllion Pork Barrel Scam. Sad but mostly true.

23 08 2013
Joanna Jessa Balauag (@JessaBalauag)

hindi ako inantok, hanggang sa susunod Charoz

23 08 2013
Joanna Jessa Balauag (@JessaBalauag)

makes sense… a lot!

8 09 2013
Fearless Gara

well,alangan namang pag hinuli eh kailangan sakal sakal o kaya yakap yakap pa Pork barrel na nga malaBABoy pa ang paghuli.kaya maAyos ang paghULi yan ang tinatawag na karinyo brutal.at least si NaPULIS/napoles eh di makakaResback sa Malacanyang na trinato siyang malaPork sa barrel nya. Yan ay disenteng pagHuli sa Baboy.ika nga unless proven guilty They are still innocent. and take note.Babae po ang hinuli kaya iba talaga ang treatment kesa sa pagHuli sa lalaki.Alam nyo na..Kahit Criminal ay may rights din.So dapat natin intindihin din.saka wag nating isisi ng isisi kay Noynoy.nakakalbo na nga eh. Let there be peace in the Philippines!saka di lang naman yung ultimo sa mga maliit na establishment gaya ng mga Brgy. di ba kaban din ng bayan ang mga kinukurakot ng mga yan(may matitino rin naman kahit papano dahil kung wala matagal at puro masasama mga tao e di matagal ng nagHukom) BiikbARREL nga lang. kasi maliliit!

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 116,757 other followers

%d bloggers like this: