“ISANG BOTO KA LANG!”

10 05 2013

IT’S BEEN more than three weeks since “Vice Ganda” grilled senatorial candidate “Nancy Binay.” With the recent developments involving Nancy and Vice, I felt I had to schedule another one-on-one for this blog. Surprisingly, both of them were available and both agreed to do it for the second time. This conversation happened just last night. Exclusive!

Ladies and gentlemen, please welcome… Vice Ganda!


Hellllllowww! Hiiiiii! I’m suuuuuure sabik na sabik na naman kayo sa guest natin ngayong gabi. Mga intrigera! D’yan kayo magaling – gusto n’yo may nag-aaway, may nagsasabunutan, may nagtatalakan para may mapagtsismisan kayo! Anyway, hindi ko na kayo bibitinin pa. Palakpakan po natin ang aking bagong BFF – senatorial candidate Nancy Binay!

Hello po sa inyong lahat. Hi Vice! It’s a pleasure to be back here.

Etchosera! Pleasure pleasure ka d’yan! I’m sure napilitan ka lang.

Hindi naman po. Patapos na kasi ang kampanya at naisip kong pagbigyan naman ang mga nag-iimbita sa akin. At ikaw ang napili ko.

Wowwwww! So utang na loob ko pa pala ‘yon? Guilting-guilty naman ako!

Please don’t. May gusto lang kasi akong linawin sa mga sinabi mo sa iyong press con kahapon.

Ah gano’n? Malabo ang mga sinabi ko sa press con?!? Sinabi ko lang na ‘di kita iboboto, malabo na agad? ‘Di ba pwedeng honest lang talaga ako?

Hindi ‘yon ang gusto kong linawin!

Sige, what part of “I DON’T LIKE YOU” ang ‘di mo naiintindihan?

HINDI KO NAMAN SINABING GUSTUHIN MO AKO EH!!!

HINDI TALAGA KITA GUGUSTUHIN DAHIL BABAE KA! GAGA!

Alam mo Vice, pumunta ako rito at pinagbigyan kita sa pag-aakalang igagalang ako ng programa.

Bakit??? Binastos ba kita?! Hinipuan ba kita? Nag-all caps lang ako dahil nag-all caps ka rin. Helllllo!

Pwede bang mag-stick na lang tayo sa isyu?

Ikaw ang isyu! Mag-stick tayo sa ‘yo! Simple lang ang sinabi ko: hindi ako bilib sa ‘yo dahil ni hindi ka naging barangay tanod man lang tapos agad-agad senador ang target mo?

FYI Vice, kung si Kris Aquino nga, umaming gusto niyang mag-OJT para sa 2016, ako Vice, FYI more than 20 years akong nag-OJT sa tatay at nanay ko sa city hall. FYI lang!

Ba’t ba FYI ka nang FYI? iPod ka? Naka-loop?! So proud ka na no’n? Halos kuwarenta anyos ka na, OJT ka pa?

My point is…

Sandali! Point mo ba talaga ‘yan?

Hindi! Point mo ‘to Vice! Jooooke!

Sorry, hindi ka bumenta. Kulang ka sa timing. As you were saying… ?

My point is…

Nagamit mo na ‘yan. Isip ka ng iba.

Ok. What I was trying to say…

Utu-uto! Ha-ha! Continue!

More than 20 years akong nag-OJT sa tatay at nanay ko.

Hindi ako bingi. Narinig ko na ‘yan kanina.

Nakita ko ang kalagayan ng mahihirap sa Makati at sa sister cities and municipalities nito nationwide. Nagpakain ako sa mga batang-kalye, nag-asikaso ng mga buntis na babae, nag-educate sa mga kabataan, nangaral sa mga biktima ng droga, at iba pa.

See???? Ang linaw-linaw! Dapat nag-apply ka muna sa DSWD! Ikaw ang perfect social worker! Hindi paggawa ng batas ang dapat sa ‘yo!

May karapatan akong tumakbo!

Sinabi ko bang wala?

Minamaliit mo ang kakayahan ko!

Sinabi ko bang hindi?

Isang boto ka lang.

Sinabi ko bang dalawa? Tanga! Pareho lang tayo! Tig-isa!

Hindi ko kailangan ang endorsement mo.

Wala akong plano!

Mukha kang kabayo.

Thank you. Ikaw, mukha kang hinete!

Namimersonal ka na.

Sorry naman. Pasensya. Ito na lang: kamakalawa nag-joke ka raw na ikaw ang “Blacker Kris Aquino.” Alam mo bang planong mag-file ng defamation case ni Krissy laban sa ‘yo?

Hindi n’ya gagawin ‘yon.

Alam ko. Kaya nga pinipilit ko siya eh. Charing! Joke lang. Political dynasties: ano ang stand mo?

This a free country.

Maliban sa cliché na “This a free country,” ano pang justification ang alam mo?

Bakit ba ang init-init mo sa pamilya namin?

Tinanong lang about political dynasties, pinag-iinitan na agad? Hindi ba pwedeng guilty lang talaga kayo? Sige, another issue na lang: sabi mo sa isang interview, biktima ka ng cyber bullying. In 30 seconds, why do you think you deserve it?

Because…

Don’t start a sentence with ‘because!’

I think I deserve it because…

Engot! Sasagutin mo talaga?!? Ewan ko sa ‘yo! Nakakaloka ka! Maiba ako: nanonood ka ba ng ‘Maalaala Mo Kaya?’

Ngayon?

Oo, ngayon! Habang kinakausap kita!

Ba’t ba ang bilis mong magalit Vice? Nagtatanong lang naman ako ah. Oo, nanonood ako ng MMK. Bakit?


Kung isasadula ang iyong buhay gaya ng ginawa sa life story nina Grace Poe, Alan Peter Cayetano at Juan Ponce Enrile (2 parts pa), sinong artista ang gusto mong gumanap bilang ‘Nancy Binay?’

Isa lang?

Hindi! Dalawa. May Siamese twin ka ‘di ba? Kung gusto mo tatluhin mo, para mas freaky.

Hay naku! Very Vice Ganda ka talaga.

Natural. Alangan namang maging Very Nancy Binay ako. Eeew.

Hayyy bahala ka na nga. Basta kung ako ang pipili, gusto kong gumanap sa akin si Julia Montes.

Teenager ka ‘teh? Kuwarenta ka na, Jumujulia Montes ka pa? Alam mo, may ibang mas bagay na gumanap sa character mo.

Kathryn Bernardo??

Hindi! Bernardo Bernardo! Chos!

In fairness sa ‘yo Vice, natawa ako. Wait, pwede ba akong magtanong?

Go!

Sabi mo sa interview Vice, and I quote, “Hindi ko isasaalang-alang ang mga pamangkin kong malilit sa mga buwitre… kaya inaayos ko ang pagboto ko.” Kami ba ang tinutukoy mong “buwitre?”

Hihiramin ko na lang ang linya ng asawa kong si Krissy, “I won’t answer that so I don’t have to lie.” Pak!

So kami nga ang tinutukoy mo?

Ba’t ba insistent kang buwitre kayo? Kung sasabihin ko bang hindi, maniniwala ka? Ito na lang ang sagutin mo. Dumadalas ang blackout sa Luzon. Ikaw ang sinisisi sa social media. May kinalaman ka raw ba?

Hindi ko sasagutin ang mga panlalait at below-the-belt na comments like that Vice. Itaas natin ang lebel ng debate.

Gaga! Paanong itataas eh ‘di ka nga sumisipot sa debate!?! Adik ka ‘teh?

Hindi. Ni sigarilyo nga hindi ko pa natitikman.

Anuba! Kainis ka! Napaka-literal mo!

UNA po ako, hindi Liberal.

Ewan ko sa ‘yo! Wait, bago tayo magpaalam, sa mga nagbabasa ng blog na ito, ‘wag po n’yong kalimutan ang aking concert, “I-Vice Ganda Mo ‘Ko’ next week na. Kokonti na lang po ang available tickets. Pa-reserve na kayo sa Ticketnet!

Pwede ba ‘kong manood Vice?

Wala nang ticket!!! Hindi mo ba ‘ko narinig? Kasasabi ko lang. Sold out na!

Pwede na lang ba akong mag-message?

Ano ‘to The Buzz? Startalk?

Eh ‘di ‘wag. Aalis na lang ako. May lakad pa ako.

Nagmamadali ka? May OJT ka pa?

Hindi ka na nakakatuwa.

Hindi ko obligasyong pasayahin ka! Pero sige… bilang pasasalamat sa pagdating mo ngayong gabi… bibigyan kita ng dalawang minuto para mangampanya. Free of charge!

Libre?!?

Hindi! May bayad! Kaya nga ‘free’ ‘di ba? Kasi may bayad! Start na!

Thank you Vice! Ahm… Sa mga minamahal kong kababayan. Nais ko pong

1111
Ayyyyyyyyyy! Brownout! Shit. Wala pa namang generator.

Vice, anjan ka pa ba? Hindi kita makita.

Wow. Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Visible ka ‘teh?

Masyado ka! Namimersonal ka na naman!

Hindi ‘yan pamimersonal! Kahit magdebate pa tayo.

‘Di na kailangan. I believe you.

[End of Interview]
—————————————————-
“It is better to deserve without receiving, than to receive without deserving.”
~Robert Green Ingersoll

Sound Bites
“Mayroon akong mga pamangking maliliit, hindi ko isasaalang-alang ang mga pamangkin kong malilit sa mga bwitre or sa mga taong maaaring mang-abuso sa mga pamangkin kong maliliit. Kaya inaayos ko ang pagboto ko, inaalagaan ko ang pagboto ko. Sa pamamaraang alam ko, hinihikayat ko ang mga taong bumoto nang tama.”
~Vice Ganda

“At the end of the day, he has just one vote.”
~Nancy Binay on Vice Ganda

Have a safe weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: PDI]

About these ads

Actions

Information

19 responses

10 05 2013
Bluguy

Nangingiti….este hagalpak ako sa kakatawa dito….namiss ko ito…..

10 05 2013
joyous

HAHAHAHA Shet! the best ka talaga sir heckler!

10 05 2013
nonoestur

hahaha…tumbling na naman ako! the best ka talaga PH

10 05 2013
Nancy Binay (@InayNancyBinay)

Salamat sa pag-sulat ng aming paguusap ni Vice! :)

10 05 2013
@itsmejhayd

“At the end of the day, he has just one vote.”
~Nancy Binay on Vice Ganda

it all boils down to nancy binay sees everyone as JUST ONE VOTE! ganun yung logic nun. sana alam niya rin na yung isang boto na yun ay mahalaga pa rin para baguhin ang buong kalagayan ng politics dito sa pilipinas. sa tingin ba niya ay hindi kumbinsido ang mga tao sa mga naging pahayag ni vice ganda.

Mukha ata talagang ngayon, you don’t need a masters or a PHD to succeed and be in power, you just need to have BINAY as a surname and a 20-year-OJT!

11 05 2013
JeffZ

hahaha trending ang episode na to pag nagkatotoo! haha :)

11 05 2013
senior60

uy walang originality si vice, nangopya lang sa ‘dapat tama ‘ ng siete

11 05 2013
senior60

on other topics, sa lahat ng mga pangako ng mga kandidato, ang kay bam ang pinakakakilakilabot at napaka hambug na ng dating…

gusto ko rin sanang iboto si jv dahil sa kanyang ad pero nandoon na si jinggoy kaya huwag na lang…

11 05 2013
Happiness is Not a Disease

Sublime!

11 05 2013
Libertas

There is no shame in being an idiot, but there is in voting for one.

On their honeymoon nancy and her husband went to their bridal suite.
” I’d like to make you feel like a woman” he said.
“Ooh, yes” nancy sighed.
So he slowly took off his shirt – “then iron this”

No to dynasties, No to Binaysties.

11 05 2013
Nancy V. Avelino

This is hilarious!

11 05 2013
Chief Executive Bum

As usual. Isa nanamang napakahenyong blog entry ang nabasa ko mula sa’yong blog. Isa ka na talagang icon pag dating sa Satiric Writing. Parang masarap din mapanood ang mga isinulat mo sa isang videoblog, although alam kong may ibang elementong mawawala pero maganda pa rin sigurong gawing material ang blog mo lalo na ang mga interviews. Keep it up idol! :)

11 05 2013
John Vince

Sir, Totoo po ba ito?? Saan po ito naganap?? Pa share sir, Salamat. :)

11 05 2013
jeff

ligtas talaga mga amingkin nya sa mga kandidato ni kris, huh!

11 05 2013
jeff

i mean pamangkin

11 05 2013
apmuan

haha it’s not that we hate nancy but ewan na lang kasi mga mambabatas natin may mga di qualified…. pera pera na lang

11 05 2013
Libertas

Vote-buying has reached epidemic proportions.

Why not just put the elections on Ebay.

11 05 2013
Dear Nancy Binay | Tadonggeniuskuno

[…] Madami na ang nagbigay ng opinyon tungkol sa pagtakbo mo. Ang kakulangan mo sa kwalipikasyon, pagiging bagito sa pulitika, pagiging halimbawa mo ng isang BIMPO o Batang Itinulak ng Magulang sa Pulitika. Lahat ng ito ay nabasa ko na kaya hindi ko na dadagdagan pa. Pati nga si Vice Ganda ay nagbigay ng kanyang unkabogable statements tungkol sa’yo at sino nga naman ba ako para buyuin pa ang sambayanan na huwag kang iboto o iboto ka dahil sa mga mababasa nilang opinyon ko. (Read: “ISANG BOTO KA LANG!”) […]

27 05 2013
Anonymous

LOL …share q po sa FB ,,thanks

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 110,024 other followers

%d bloggers like this: