ELECTIONS 2013: MGA HULA AT BABALA

23 04 2013


OUR RESIDENT psychic, Madam Kalachuchi is back with her forecasts for senatorial candidates and other prominent figures in government and politics. Madam Kalachuci has a PhD in astrology and a master’s degree in palmistry. Her previous predictions were 99.9 percent accurate.

Here are some of her latest vibrations.

Loren Legarda
Sa eleksyon, posibleng mag-No. 1 ka. Sa pag-ibig, posibleng mag-No. 2 ka. Labanan ang tukso.

Cynthia Villar
Nagbunga na ang maaga mong pangangampanya. Congratulations! After the election, you and your husband deserve a vacation. Try n’yo sa British Virgin Islands. Maganda raw doon.

Jackie Enrile
Mumultuhin ka. Dalawa sila.

Jun Magsaysay
Hahanapin ng mga botante ang pangalang “Sir Chief” sa balota. Wala silang makikita. Namimiligro ka.

Nancy Binay
Magpapatuloy ang makapanindig-balahibo mong pag-akyat sa mga surveys. Tama ang desisyon mong huwag dumalo sa mga televised debates at forums. Ang pananahimik ang iyong best asset. Keep it up.

JV Ejercito
Magkakaayos din kayo ng half-brother mong si Jinggoy… kung matatalo ka sa eleksyon.

Risa Hontiveros
Ayaw ng masa sa magaganda. Magpapangit ka. May panahon pa.

Grace Poe
Nanganganib na bumaba pa ang iyong ranking sa survey. Kumita na kasi si FPJ. Humanap ng iba pang inspirasyon.

Mitos Magsaysay
Huwag umasa sa Catholic vote. Marami sa kanila, nag-Born Again na.

Alan Peter Cayetano
Mahirap basahin ang iyong kapalaran. Wala kang masyadong isyu. Sige, isyung personal na lang. Nakikita ko ang patuloy na paglawak ng iyong anit. Mabahala.

Richard Gordon
Wala kang inuurungan, wala kang kinatatakutan, wala kang sinasanto. Dahil sa sobrang tapang mo, posibleng makaaway mo rin ang sarili mo. Kalma lang.

Sonny Angara
Bagamat taas-baba ang iyong pwesto sa survey, malakas ang aking kutob na magna-No. 1 ka! Magna-No. 1 ka sa Aurora.

Marwil Llasos
Sabi ng ‘yong campaign slogan, “Bente-bente lang po. Kay Llasos, ayos!” Ang makukuha mong boto: bente din lang.

Edward Hagedorn
Agaw-pansin ang pagkakahawig n’yo ni Erap. Dahil d’yan, iboboto ka ng masa… bilang mayor ng Maynila.

Teddy Casiño
Ang pagbatikos mo sa ginawang pang-a-ambush ng NPA sa ina ni TG Guingona ay ikakasama ng loob ng iyong boss sa Netherlands. Tawagan siya at humingi ng tawad.

Migz Zubiri
Huwag ikalulungkot ang napipintong pagkatalo. Kabayaran lang ito sa pag-upo mo noon kahit ‘di ka naman nanalo.

Koko Pimentel
Malupit ang ‘yong kapalaran. Tanggapin ang katotohanang isinilang ka upang mabiktima ng dayaan: sa pulitika o pag-ibig man. Boom!

Francis Escudero
Lahat ng lalaking nauugnay sa iyong kasintahan ay nawawalan ng career. Ibalik mo na lang siya sa kanyang mga magulang bago mahuli ang lahat.

Tingting Cojuangco
Hindi dapat umasa ng panalo sa darating na eleksyon. Mas makabubuting ibaling na lang sa pagpapabata ang iyong atensyon.

Ernesto Maceda
May exposé po ako sa inyo. Natuklasan kong matatalo kayo. Sure na.

Jamby Madrigal
Hindi epektibo ang iPad sa kampanya. Summer ngayon. Subukang mamigay ng aircon o electric fan.

Bro. Eddie Villanueva
Ang mga katulad mong Born-Again Christian ay hindi naniniwala sa hula. Pwes, hindi rin ako naniniwala sa ‘yo. Wala kang forecast!

Ramon Montaño
Pwede pa po kayong umurong. Thank you.

Bam Aquino
May matatanggap kang text message sa susunod na 24Oras. Ikagugulat mo ito. Ang laman ng mensahe, “Huwag mo na kaming isali. Nananahimik na kami.” – Ninoy at Cory

AT IBA PA…
1
Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.
Iwasang magbanta kung hindi naman tutuparin. Kung aalis ka sa puwesto, gawin na lang, totohanin. Huwag papansin.

Bonus na hula: Dahil sa matinding trabaho sa mga susunod na araw, dadami ang itim mong buhok.

SWS and Pulse Asia
Hihina ang pasok ng kita pagkatapos ng eleksyon. ‘Di bale, tubong-lugaw naman kayo ngayon. Mag-blowout.

1pdi
President Aquino
Huwag maniwala sa mga tsismis na may namumuo raw romance sa pagitan n’yo ni Bianca Manalo. Alam mo ang totoo. #wala

Philippine Daily Inquirer
Naimbento na po ang Google. Kung hindi sigurado sa gagamiting larawan, mag-search. Huwag tamad.

Philippine Daily Inquirer
Kapag minamasdan ko ang front page n’yo noong Sabado, nalulungkot ako. Hindi ko talaga matanggap ang inyong katangahan. Buhusan ng holy water ang taong may kasalanan. Kung hindi n’yo ito gagawin, mauulit ‘yan bago matapos ang taon.

Kris Aquino
Ay, nand’yan ka pa pala. Akala ko kasi iiwan mo na ang shows mo. Hindi tuloy ako nakapaghanda ng hula para sa ‘yo. Next time ka na lang. Thanks.
———————————————–
“There are many methods for predicting the future. For example, you can read horoscopes, tea leaves, tarot cards, or crystal balls. Collectively, these methods are known as “nutty methods.” Or you can put well-researched facts into sophisticated computer models, more commonly referred to as ‘a complete waste of time.’”
~ Scott Adams

Sound Bites
“I strongly criticize the New People’s Army’s military action on Mayor Ruthie Guingona’s convoy that resulted in the death and injury of civilians. What happened is wrong and unacceptable
~Senatorial candidate Teddy Casiño

Have a safe week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo Credit: Philippine Daily Inquirer]

About these ads

Actions

Information

19 responses

23 04 2013
Libertas

Brillantes wants a nice easy expenses paid retirement job as ambassador in a country with no filipinos!!
Wonder what p-noy and drilon want in return!

23 04 2013
Libertas

Photo captions PDI ‘Time cover’

‘Do these new glasses make me look intelligent?’

‘Uncle sam, be careful where you put your hand – more to the right’

‘What!, i can pick any beauty queen’

23 04 2013
Lord Pao

Haha this is epic. As always!

23 04 2013
Libertas

It must be election time if aquino has some girl sing his praises in the hope of an abs-cbn contract, and release the info/non-event via abs-cbn to create telenovela intrigue! So predictable. So pathetic on all sides.

Q & A in her next cattle market/beauty pageant.
‘So, apart from him being president what makes you want to date a mid-50’s, balding, bespectacled chainsmoker with an oedipus complex’

23 04 2013
Anonymous

hahahhahhhahahaha

23 04 2013
senior60

ay salamat naman mister heckler at na mention mo manok ko, si hagedorn ba, actually plano ko siya lang ang iboboto ko para hindi na madagdagan pa votes ng iba

24 04 2013
esterdeluna

XD Wahahaha, I enjoyed reading your post! I had a good laugh, but the insights were great…. I really hope that the right people will win this election….. this country needs the right leaders, not the ones who only wish to run for personal reasons….. :) Again, thank you for sharing this post! :) Good Day!

24 04 2013
Anonymous

nahulaan mo na lahat except Kris ang hula ko maka hare krisna ka :( at bakit romance ang kay pnoy , politics ang labanan :/

25 04 2013
Klase-klaseng hula at mga babala ngayong Election 2013 | Pinoy Daily Journals

[…] Read more…ELECTIONS 2013: MGA HULA AT BABALA […]

25 04 2013
Anonymous

I love this

26 04 2013
Arlene Cruz

Dami kong tawa dito…funny but sensible

27 04 2013
Hysthea

Reblogged this on Under her Spell and commented:
THIS!!!!!

3 05 2013
theActiveTalker

Natawa ako dun kay mitos e, Catholic vote! Hahaha! Asawa yan ni JV Magsaysay (hindi yung ex ni Say Alonzo), na dating tumakbong governor sa Zambales, na anak ng dating governor na si Vic Magsaysay na tumakbo din bilang senator. Whew!

4 05 2013
theaidememoireofm

Reblogged this on minikwentoniako and commented:
Hahaha. Nice nice! :)

6 05 2013
Anonymous

RISA HONTIVEROS is the most complete senator of all the senatoriables–from BEAUTY to INTELLIGENCE. She’s a sure winner.

6 05 2013
Anonymous

Sa mga botante — maging matalino sa pagboto — RISA HONTIVEROS ang unang hanapin sa balota. She’s the most complete senator — MAGANDA, MABAIT, MAPAGKAWANGGAWA, MATALINO, MAKA-DIYOS, MATULUNGIN, HONEST, AND MOST OF ALL NOT CORRUPT.

7 05 2013
Anonymous

Sa May 13, 2013, election day, tandaan po natin ang pangalang RIZA HONTIVEROS. Iboto po natin siya dahil siya ang pag-asa ng masa. Kalimutan po natin ang survey nag nagsasabing nasa top spots sila. Hindi po tayo matutulungan ng survey dahil sila nga po ang tinutulungan ng mga kandidato.

9 05 2013
NiHAWmA "The Only ONE"

Nice post :smile:

Vote wisely and according to your conscience. Be a responsible voter.

PAANO MO KIKILATISIN ANG ISANG KANDIDATO? Iboboto mo ba siya dahil siya ay anak, asawa o kamag-anak ng dati ng kumandidato? Kapag ganyan, pinapahintulutan mo na umiral ang political dynasty.

1. May kakayahan ba siya?

2. Tunay ba siyang maaasahan? Natupad ba ang mga pangako?

3. Ano ang klase ng kanyang pamumuhay? Simple o nagpapaalipin sa mga sari saring bisyo.,

4. Paano niya ginagamit ang pondo, para sa pangsariling kapakanan o nagpapakayaman at binubusog ang bulsa.

5. Nakalagay ba ang kanyang poster sa tamang lugar? Common poster area.

6. Ang sabi niya ay isa siyang public servant. Naramdaman mo ba ang kanyang serbisyo? Kung may salita may gawa.

7. May integridad. Madali ba siyang masuhulan?

8. Nasangkot ba siya sa katiwalian o anomalya?

9. Saan ba siya talaga nakatira?

10. Ginagawang sangkalan ang pangalan ng panginoon. Kagustuhan ng panginoon.

11. Ang sabi niya marami siyang ginawang batas. Naipatupad ba ng maayos? Para ba sa nakakarami?

BUMOTO NG TAMA AT NAAAYON SA KONSENSYA.

17 05 2013
Anonymous

wala kang kupas, katawa to talaga!

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 116,758 other followers

%d bloggers like this: