TAKE 2 NA ‘DAY!

22 03 2013

FOR THIS POST, we’ll have a very special guest host who shall conduct the interview. Ladies and gentlemen, ang susunod na kinatawan ng 10th District of Cebu… please welcome: Annabelle Drama!

[CANNED APPLAUSE]

dam
Think you Dong! Think you. Teka dong, anong channel ba ito lalabas dong?

Hindi po ito pang-TV Tita. Sa blog lang po to mababasa.

Pastilan! Ba’t ‘di mo agad sinabi dong?! Sayang ang make up ko dong at ‘tong mga joels ko. Ibig sabihin, ‘di makikita ni Nadja ‘tong mga joels ko dong?

Hindi po.

Yawa. O sige dong. Basta ang TF dong, ‘yon pa rin ha. ‘Di ako tumatanggap ng tsiki dong.

Sige po. Start na tayo. Good luck!

[CANNED APPLAUSE]

Hello fans! At sa mga Bisaya… ‘musta na kayo dong? Sa Twitter followers ko na more than 300 thousand na as of tomorrow, I love you mga dong at day. At kay Eduardo, sweetheart ‘nood tayo ng Last Exorcism Part 2 mamaya. Maka-relate man ako sa felm. At ikaw Nadja, ang kapal ng mukha mo ‘day. Bayaran mo ang utang mo ‘day! ‘Yong sofa ko ‘day at aparador na ninakaw mo, ibalik mo na bruha ka!

Cut! Tita… bawal po ang ganyan. Mababasa tayo sa Internet… baka-ma-Cybercime Law tayo.

Sorry dong. Na-kirid away lang ako. Anyway, proceeds na tayo. Mga fans, first time kong mag-hosst so bahala na ang Sto. Niño. Kung nanonood ka Raymond, kabahan ka na ‘day. Baka talbugan kita ‘day! Proceeds na tayo… narito ako ngayon sa Quezon City… LIVE at kasama ko ang iniintriga ngayon. Naku ‘day… isyu ka na naman ‘day. Hito na siya… KRISSY!

[CUE MSC: GONE by Jim Chappell]

Hi Tita A. Thank you po for this opportunity.

Alam mo ‘day, nanibago man ako sa ‘yo. Hindi ako sa sanay sa ganyang acting ‘day. Mas feel kita pag maingay.

Tita naman. Alam n’yo namang may pinagdadaanan ako.

Hindi na ako nasuprisa ‘day. Knowing you ‘day?!

Si Tita naman, puro biro.

Hindi ako nagju-juks ‘day. Every year, may isyu ka! ‘Yong Newsweek ‘day, nahinto na ang issue pero ikaw hindi nauubusan ‘day. Publisher ka ba ‘day? Anyway, proceeds na tayo. Sanga pala, kung nanonood ka Tid Failon at ikaw, Jissica Soho, watched and learned… kayong dalawa kasi, iisa ang tanong… pari-pariho ang ibinabato n’yo. Paano kayo magri-rate dong? Watched and learned!

Matagal pa ba Tita?

‘Wag mo ‘kong minamadali ‘day. Lumuwas ako ng Maynila kahit busy sa kampanya para lang makuha ang side mo. Busy ako ‘day! Mahiya ka naman sa akin, ok? Proceeds na tayo… unang tanong ko ‘day: Noong 2003: Joey Marquez. Ngayong 2013: James Yap. Sa 2023 ‘day, sinong basketball player naman ang iiyakan mo sa TV Patrol ‘day?

Alam mo Tita, this is a serious matter.

Bakit ‘day? Hindi ba seryoso ang tanong ko ‘day? It’s a valid observation of an inquisitive viewer. Yawa! Napa-Ingles tuloy ako ‘day. Kung nanonood ka Raymond, txt mo nga ako ‘day kung tama ang grammars ko.

To be honest Tita… kahit ako nagtatanong na rin. Sabi ko Lord, every decade ba talaga? Hindi ko yata kering umiyak ulit dahil sa lalaki pagsapit ko ng 52. Kaloka. Tungkol naman do’n sa namention mo, at first, I didn’t even notice na 10 years na pala ang Joey Marquez scandal na ‘yon. Gosh! Ten years na pala when I grabbed his…

Bayag ‘day!

Eeeew. Tita!!?

Bakit na naman ‘day? ‘Di ba ikaw ang nagsabi no’n? “I crushed his jinnytals.” ‘Di ba bayag ang jinnnytals ‘day?

Ewan ko sa ’yo Tita! Nakakaloka ka!

Ayan… dapat ganyan ka ‘day. Mas ok kung masaya ka. Proceeds na tayo… sabi ng kapatid mo, hindi raw ito national issue. Tika lang: nagpa-enterview sa telebisyon ang apat na kapatid ng prisidinti ng Pilipinas ‘tapos hindi pa ito national issue ‘day? So ano ito ‘day, national pastime?

In fairness to us, sinubukan naming ayusin ito privately Tita…

Hindi halata ‘day!

Pero unang nagsalita si James sa media. He lied Tita. Kung sa kanya biru-biruan lang… sa akin, hindi. Hinawakan niya ako sa braso. Nasaktan ako.

Kung ako sa ‘yo ‘day, dinakma ko ulit ang jinnytals!

Tita…

Sige, bayag na lang. Ay anu ba ‘yon!? Sorry Krissy. Let’s proceeds: Sabi sa Inquirer, sineduced ka raw ni James at tumanggi ka. Choosy ka pa ‘day?

Again, seryosong usapin ito Tita. Witness ko ang anak ko. Na-trauma siya. Do not trivialize a very sensitive matter.

Naku ‘day. Hindi ako magaling sa trivia. Proceeds na tayo! Totoo bang sinabi mo kay James na “Tandaan mo ‘to: may three years pa ang kapatid ko.”

I never said that and I never will. Hindi ko gagamiting panakot ang pangalan at posisyon ng kapatid ko.

Maniwala ako sa ‘yo ‘day!

What did you just say Tita?

Wala!

Nooooo! You’re doubting my statement Tita. You’re making kampi to James! I hate you naaa. But I’m not surprised Tita. After all, hindi naman si Noy ang ibinoto mo noong 2010. It was Gilbert!

Alam mo ‘day, ‘di mo na kailangang ungkatin pa ang nakaraan. Passed is passed. Pero ‘wag kang pakasiguro ‘day. Kapag ako ang nanalo sa Cebu… may THREE years ako ‘day! May three years ako!

Yuck yuck yuck…

Tumigil ka ‘day. Baka yuck-yuck-kin ko jinnytals mo ‘day! Proceeds na tayo… marami ang nasurprisa kasi lahat ng kapatid mo… biglang nasa TV. Aeronic daw. You deny na gumagamit kayo ng power and influence ‘day pero saddenly, nasa TV kayong lahat ‘day. Evaporate.

“Elaborate” Tita.

Ke evaporada o condensada pa ‘yan ‘day, wala akong pakialam. Magpaliwanag ka na lang ‘day.

You can’t blame my sisters for supporting me Tita. Hindi mo sila masisisi lalo na’t ako ang bunso, ako ang sinaktan, ako ang naagrabyado, ako ang inapi, ako ang…

Pasaway na kapatid!

Tita!??

Wala ‘day. Wala akong sinabi. Takot ko na lang sa three years ng kapatid mo ‘day. Proceeds na tayo. Sabi mo sa interview, magre-resign ka sa shows mo sa ABS-CBN ‘day. Dead jabu? Kaka-resign mo lang bago mag-eleksyon, resign ka na naman? Paulit-ulit ‘day?

Kailangan kong gawin ang sakripisyong ito Tita. Kawawa ang anak ko.

Kawawa ang anak mo ‘day? Pastilan! Nakaikot ka na ba sa squattir ‘day? Nakita mo na ba ang mga batang walang makain ‘day at ‘yong mga batang nakatira sa ilalim ng tulay? Alam mo ‘day, lahat sila.. hiyang-hiya  sa ‘yo!

Dahan-dahan ka sa pananalita mo Tita!!!

Ah-lahm… mo… ‘day… hee…’yang… hee… ya… ang…… mga… ta…. ga… is…. kwa…. ter…. sa ‘yo… ‘day! Pwe… de… na… ba… ang… ga… ni… to… ka…. ba…. gal… na… pa… na… na… li… ta… ‘day?

Gosh! You’re so literal. Kainis.

Tanga ka ‘day! Members ako ng UNA! Hindi ako Liberal! Yawa! Proceeds na tayo. Sabi ni James, nagbanta ka raw na isang iyak lang sa TV, masisira siya. Totoo ba ‘yon ‘day?

I categorically deny that. That’s not true.

Alam ko.

What do you mean Tita?

Eh kasi ‘day, sabi ni James… isang iyak lang, masisira siya. Mali s’ya ‘day. Umiyak din si Ballsy at umiyak si Pinky! Tatlong iyak ‘yon ‘day! Sinungaling si James!

I told you Tita. He’s a liar.

Malaki ba talaga ang jinnytals niya?

Tita!!!!??

Ay, suri. Nakirid away ulit ako. Na-miss ko bigla si Eduardo. Anyway, let’s proceeds. Nasa news rin ang kaibigan mong si Chiz at ang gf nitong si Heart. Ano ang maipapayo mo sa kanilang dalawa?

They should also make sacrifices Tita. Kay Pareng Chiz, mag-quit ka na lang sa politics. Ikaw naman Heart, mag-quit sa showbiz. At do’n sa isang matandang babae sa press con, i forgot her name, mag-quit ka na lang sa kaka-Botox. Ooops, sorry. Me and my big mouth again. Sorry Ate.

Curious lang ako ‘day. Kung makapagsasalita ang nanay mo, anong sasabihin niya?

She’ll probably say, “Tama ang ginawa mo Krissy. Ipinaglaban mo ang karapatan mo bilang mother.” Pupurihin niya ako, I’m sure!

Sure ka ‘day? Puri kaagad? ‘Di ba puwedeng pagalitan muna? Anyway, proceeds na tayo. Kung makapagsasalita ang tatay mo, anong sasabihin n’ya?

I am not sure. I don’t wanna speculate.

Alam ko ang sasabihin n’ya ‘day!

Ano ‘yon Tita? Careful. May three years pa ang brother ko. Aha-ha-ha!

Sasabihin n’ya ‘day, “Hindi ka nag-iisa!” Kasi nga full force ang Sisterakas sa interview.

Not funny.

Teka lang ‘day. May text ang maid ko. Kung makapagsasalita raw si Viel, anong sasabihin n’ya?

Hmmm… Wala pa rin siyang sasabihin Tita. Aha-ha-ha! NAKAKALOKA. Sinagot ko talaga.

Sandali lang ‘day. Do’n sa taga-Channel 4 sa likod ng chair, ‘wag mo kong senyasan bruha ka. Nauna akong dumating dito kaya manigas ka. Proceeds na tayo. May surprise ako sa ‘yo Krissy. Nasa linya siya. Kausapin mo ‘day! Baka maputol…

Wait! Sino ‘to?!??!?

(No Answer)

Kausapin mo kasi ‘day!

Hello? Who’s this please?

(No Answer)

Tama na ‘day! Ok na ‘yon.

Wait! Naintriga ako. Sino ‘yon?

Hayyyy… Si Viel ‘yon! Ang slow mo talaga ‘day!

In fairness huh, pina-punchline na si Viel!

O sha ‘day, pabalik na ako ng Cebu. Ito lang ang masasabi ko ‘day. Sa apat na dekada ko sa industriya, wala pa akong narinig na artistang nag-announce na aalis sila sa showbiz. Ikaw lang ‘day! At televised pa! Kung lalayas ka ‘day, lumayas ka na lang. Pa-announce, announce ka pa ‘day! Knowing you ‘day… babalik at babalik ka rin. Kilala na kita ‘day. ‘Yon lang ‘day. Think you.

Wait lang Tita, pwedeng magtanong? Isa lang. Is it true na nabuntis ni Richard si Sarah Lahbati?

Walang pakialaman ng jinnitals ‘day. Proceeds na tayo…

-End of Interview-
———————————————–
“History repeats itself, first as tragedy, second as farce.”
~Karl Marx
In Other News…
Twitter just turned 7. And some Catholic priests were like, “Interesting!”
Happy birthday Twitter! Thank you!

Sound Bites
“Ilang beses na akong nagparaya. This time, I deserve to be happy. Everyone deserves to be happy.”
~Heart Evangelista

You Have Spoken
Kung dalawa na lang ang kandidato, sinong iboboto mo: Nancy Binay o Bam Aquino?
- Bam Aquino. 44.94%
- Nancy Binay. 7.87%
- No, thanks. 46.63%

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

26 responses

22 03 2013
angreenmolester

Haha! Tuwang tuwa ako sa “dinakmang jinnytals” dong. :)

22 03 2013
nonoestur

hahaha. panalo ang ‘proceeds na tayo’. hahaha wala kang kupas PH…i can only imagine pag naging totoo ang interview na to

22 03 2013
kalokah

did anyone notice this? all celebrities in the news today, heart/kris/juan ponce enrile/john prats, are born on FEBRUARY 14th.

22 03 2013
rojan88

wahahaha ang kulit ni anabille hehehe. mukhang may bagong franchise character ka na ah, pati yung viel character sana mainterview mo din sya. tiyak magiging “napaka-ingay” ng interview na yun hehhehe. galing idol, the best :)

22 03 2013
Anonymous

panalo! lolz

23 03 2013
checkmate

napaluha ako sa post mong ito sir ph, sa kakatawa nyahaha
kulet ni annabelle rama hehehe

23 03 2013
klark

Ang dami kong tawa rito. Hindi ko alam kung sino mas grabe. Hahaha

23 03 2013
happinessisnotadisease

Hilarious–hammered the nail deep in every spot! Good characterizations as well.

23 03 2013
Barok

pahapyaw pero swak…nice one sir.

23 03 2013
Libertas

hahaha – loving your work

—–

Kris aquino – who makes snooki in jersey shore seem demure and sophisticated – cries attempted rape by james yap as she launches her baby grab campaign.

Alcoholic and baby snatcher chiz escudero cries into his whisky as his jekyll and hide personality is exposed. (most of us already knew)

Loren legarda and gringo honasan express mutual crushes.

P-noy bemoans his thinning hair, and reveals his crush on loren legarda.

Jack enrile re-enacts his fathers ‘ambush’. Ponce enrile meanwhile goes into hiding

Guess there are no national issues to discuss, report, or resolve, just the campaign circus.

23 03 2013
wang

jatiiis! na kerid away ako…! galing PH! galiiiiing…!

23 03 2013
santiagokatumbal

wala ng pera si James Yap… #AlamNa

23 03 2013
Libertas

Kris aquino – resigning – haha
P-noy aquino – FoI priority – haha
Bam aquino – entrepreneur – haha

Lying is in the aquino genes/dna
The only shock is people continually believing what they are told

23 03 2013
Diwata

LOL!!

23 03 2013
dd bar

how come Viel did not say anything when the sisters were interviewed ?
before pa she has become silent, bakit ?
im sure alam mo as u even made reference to it in ur blog
please naman if u cannot answer me directly direct me to where I can search for the reason
maraming salamt po

23 03 2013
senior60

wait lang mister heckler, kailan ba ang survey mo kina villarat bam, bakit hindi ko man lang namalayan, sign of old age?

23 03 2013
senior60

ay mali, mabuti nalang at nereview ko hehe nancy at bam pala

hi wilyam

24 03 2013
Nakakatawa na nakakasuka | ellen tordesillas

[...] Kung gusto nyo pa lalo ma-aliw, click kayo dito kay Professional Heckler. [...]

24 03 2013
Carmina

You always make my day. Thanks.

24 03 2013
Leng

Nakakaloka, parang si Kris lang, naririnig ko ang boses niya habang binabasa ang entry na ‘to! Hahahaha “joels”

29 03 2013
Anonymous

oh my god! ang dami kong tawa!!
jinnytals hahahah!

3 04 2013
One of Us – James Yap | ellen tordesillas

[...] Take 2 na ‘Day [...]

11 04 2013
Anonymous

laughter is the best medicine! thank you professional heckler for being the best “doctor”. can’t wait to read more hilarious posts from your blog :)

24 04 2013
Eds Tibayan-Leonardo (@akosiedstibayan)

Andami kong tawa mga 1 million! Nakakaaliw ka! More!

25 04 2013
Bianx

Thank you, PH. Magaling ka talaga! :-)

27 03 2014
CONSCIOUS UNCOUPLING, THE MRT, DIVERGENT, AND OTHER STORIES | The Professional Heckler

[…] Paltrow and Chris Martin have called it quits. Gwyneth will reportedly speak soon about their marital problems on TV together with her sisters Ballsy, Pinky, and Viel […]

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,226 other followers

%d bloggers like this: