PANGKABUHAYAN

1 03 2013

THROUGH THIS BLOG, Pangkabuhayan Foundation Inc. would like to relay this message:

Senate President Juan Ponce Enrile
Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada
Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Buhay Party-list Rep. Rene Velarde

Sirs:

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong ipinaabot na tulong-pinansyal sa aming organisasyon – ang Pangkabuhayan Foundation Inc.

Hindi po biro ang natanggap naming halaga mula sa inyong Priority Development Assistance Fund o pork barrel.

Para po sa kaalaman ng publiko, ito po ang ibinahagi sa amin:
Mula kay Senador Jinggoy: ₱106.7 million
Mula kay Senador Enrile: ₱74.69 million
Mula kay Senador Revilla: ₱9.7 million
Mula kay Buhay Rep. Velarde: ₱3.88 million
Total: Almost ₱195 million

Happiness!

Inaasahan na po namin ang denial mula sa inyong mga kampo. Hindi na po kami magugulat kung igiit n’yong wala kayong alam sa alokasyong ito. Wala na ring masosorpresa kung itanggi n’yong pamilyar kayo sa aming grupo. Wala naman po talagang umaamin. Ever.

Pero hindi namin kayo masisisi. Mahirap madungisan ang pangalan lalo na sa panahon ng halalan.

Totoo man o hindi na wala kayong alam, irrelevant na po sa amin ‘yon. Problema n’yo na ‘yon at ng COA. Ang importante, happy kami sa nalikom naming halaga.

Sa Commission on Audit… nais naming ipaabot ang hinanakit sa panghuhusga. Kesyo ‘di n’yo kami mahanap, bogus na? Hindi ba pwedeng, naglipat lang muna? I’m sure marami d’yang tulad namin. Huwag sana kaming masyadong pag-initan.

Muli, maraming salamat sa mga senador at kongresistang naglaan ng milyun-milyong piso sa Pangkabuhayan Foundation. Ipagpatuloy n’yo lang ang pagtulong. (Let’s talk later.)

Sa mga miyembro ng Senado at Kongreso na nais ring mag-donate, ikagagalak namin kayong maging ‘partner.’
Send us an email: paraparaangpangkabuhayan@rumaraketlang.net.

Mabuhay!

Sincerely,
Pangkabuhayan Foundation Inc.
Address: TBA
Telephone: We’ll call you.
#AlamNa!

untitledNope Benedict
For the last time, Pope Benedict XVI boarded a helicopter and left the Vatican. But the pilot got confused and the helicopter landed on the venue of the Survivor finalé.

The Vatican has removed Benedict XVI’s tweets – all of them. Doing what the Vatican does best – coverup.

Pope Benedict XVI’s tweets have been removed by the Vatican. Benedict is giving up Twitter for Lent.

untitled
The Vatican has deleted Pope Benedict XVI’s official account on Twitter… prompting the ex-Pope to re-join Friendster.

Wait a minute. So the next Pope automatically gets 1.6 million followers? Unfair!

BREAKING: The Commission on Audit is releasing a damaging report on Pope Benedict XVI

From My Inbox
Reports say Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, one of the youngest members of the College of Cardinals, is a potential candidate to succeed Benedict XVI. There have been rumors though that if Tagle gets the coveted post, some senior cardinals may skip the flag ceremony. (Sent by Mr. Joji Isla)

In Japan…
The Guinness Book of World Records has named 114-year-old Misao Okawa of Osaka, Japan the oldest woman in the world. Okawa’s nursing home director says the centenarian eats “everything” and “anything she wants.” I knew it! Dieting shortens life!
————————————
“Power attracts the corruptible. Absolute power attracts the absolutely corruptible.”
~Frank Herbert

Sound Bites
“The demolition work against UNA leaders has intensified because the LP cannot deny what is happening on the ground: Big crowds are attending UNA rallies and sorties, while their political events are nilalangaw.”
~UNA spokesperson Toby Tiangco on the COA Report

“Thank you for your love and support. May you always experience the joy that comes from putting Christ at the centre of your lives.”
~Pope Benedict XVI’s last tweet

Happy weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

7 responses

1 03 2013
Galit sa Pulitika

Parang nangyari na sa amin ito dati. Pero baliktad. Yung klase namin ng HighSchool, nag-request ng funds sa City Council ng pondo para sa isang community project. Na-approve naman. Pinapunta agad yung presidente ng klase namin sa munisipyo para pumirma ng papeles sa tatanggaping halaga. Ayon sa papeles na pinirmahan ng presidente namin, bibigyan kami ng PHP200,000 na pondo. Wow, di ba? Wala ng audit-audit. Hahaha. Pero di pa binigay pera nun. Pinabalik pa ulit presidente namin. Pero pinapirma siya ulit ng papeles na nagsasabing PHP20,000 na lang makukuha ng klase. Ngeee, di ba? Di pa binigay pera nun. Pinabalik ulit presidente namin at nung pangatlong balik niya, halagang PHP5,000 na lang yung cash na binigay. Watdapak!

5 03 2013
professionalheckler

#AlamNa! ‘Yan ang sistema.

1 03 2013
WebUserToday (@WebUserToday)

Sen. Enrile, gusto namin ‘happy’ ka.. pero ang gusto ng COA, ‘happy’ ang sambayanang Filipino kaya kung gusto mo, dapat ‘happy’ tayong lahat, wag nang mag-deny!

1 03 2013
senior60

sa palagay ko, kaya nag resign si pope ay dahil sa may twitter account na siya, siguro hindi na kayanan ang mga karumaldumal na mga tweets, people kasi are heartless, hindi man lang marunong gumalang maski man lang doon sa kanyang title

kung sa bisaya pa, nganong ning enter…sa twitter

1 03 2013
Libertas

Philippines – known as NGO capital of the world – has 60,000 NGO’s (sixty thousand) source: NGO news.

And many are as genuine as enrile’s ambush. Senators have been using this scam to hide flow of pork barrel/kickbacks into their accounts for almost as long as enrile has been in politics. ( one senator even set up his own NGO which his wife ‘runs’ – incredible)

FoI bill would have stopped/exposed this and the other scams, hence the orchestrated derailment.

2 03 2013
somewhereOverTheRainbow

Dieting shortens life! -> this got me laughing my ass off. =))

21 03 2013
Kimmy

Si Pope Francis, may 2M Followers na agad. Ang nangyari, parang pinasa ang korona.

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 107,693 other followers

%d bloggers like this: