DEAR CHARO (MMK AUDITION)

10 02 2013

MAALAALA MO NGA KAYA: KampanyaSerye 2013
Episode No. 1068 (First Draft)
Airing Date: Before the Official Campaign Period

(Before you read the post, click video for background music.)

CHAROS SANTOS:
May mga pagkakataong sinusubok tayo ng maduming sistema sa ating lipunan. Ilan sa atin ang lumalaban sa baluktot na kalakaran ngunit mas marami ang yumuyukod sa nakagisnang kultura – ang maling kultura.

Ngayong gabi, ibabahagi ko ang kuwento ng mga pulitikong nagkukumahog sa huling buwan ng free-for-all premature campaigning.

Ito ang kanilang drama, at ito rin ang istorya ng sarili kong programa… ang “Maalaala Mo Nga Kaya: KampanyaSerye 2013.”

Somewhere in Quezon City
January 2013

O, READY NA SI Ma’am Charos. Ready na rin ba ang mga candidates? Naku ‘day, ‘wag na ‘wag n’yong pinaghihintay ang boss namin. Nagwu-walkout ‘yan kapag more than one hour na siyang waiting for Godot! O sige ‘day papasukin mo na ang mga lolo’t lola mo. First come, first served. Go!


ANG LETTER SENDER natin ngayong gabi ay walang iba kundi… ako – si Charos Santos. Basahin na natin ang aking liham.

Dear Charos,

Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Sa loob ng isang oras ay kinilatis ko at ng aking assistant ang mga pulitikong naghahangad na maitampok ang kanilang buhay sa aking programa. (As if may interesado.)

[Candidates enter the room]

“Good afternoon Sir, Ma’am. I’m Zosimo Jamora, Suzette for short, assistant ni Ma’am Charos. Clear naman po siguro kung bakit narito tayong lahat ngayong hapon. Our drama anthology’s KampanyaSerye could only accommodate two stories sa first two weeks of February. After that, babu! ‘Di na namin kering mag-feature dahil wawarlahin kami ni Chairman Brillantes. Alam n’yo naman ang matandang ‘yon – super strict sa airtime. Kaloka! Anyway… let’s start the audition. Kung inyong mapapansin, there’s a two-way mirror sa bandang kaliwa n’yo. Sa likod n’yan ay mag-o-observe si Ma’am Charos. Impress her with your story, your slogan, your lies, your drama, your whatever, go lang. Nandito lang ako para bumato ng follow up questions. Good luck! First candidate please!

“Cynthia Villar po… dating kongresista at ngayon ay nakahandang pumalit sa aking asawa. Hanep na ang buhay dahil may hanapbuhay.”

Sa tingin n’yo po ba hanapbuhay ang pulitika?

Wala ho akong sinabing ganyan.

Wala rin ho akong sinabing may sinabi kayo. Tinatanong ko nga ho kayo.

“Nagsimula ho sa wala ang aking asawa. Nagsikap at nagtiyaga sa palengke, naligo sa dagat ng basura, at nagpasko sa gitna ng kalsada. Sa tingin ko ho ay hindi siya uunlad nang todo kung sa pulitika lamang siya umasa.”

Ang haba naman ng paliwanag ni ma’am! Oo o hindi lang, ang daming sinabi. Next na nga!

“Jackie Enrile po para sa Senado. Murang pagkain, maraming pagkain, gusto ko may pagkain kayo.”

Eh paano kung nagda-diet kami at ayaw naming kumain? Pilitan ba ito?

Ang ibig ko pong sabihin, maraming tao ang nagugutom ngayon. Sila ang nais kong tulungan.

So selective ho kayo? Hindi lahat tutulungan?

Hindi naman sa…

‘Wag mo nang sagutin! Ito na lang. Bakit dapat naming ifeature ang buhay mo?

“Kung nagbabasa po kayo ng balita, dalawang beses na akong pinagbintangang may pinatay. Wala pong katotohanan ‘yan. But I’m sure, kung may reenactment ang mga kasong ‘yan sa TV, mas interesting. Mananalo sa rating! Papatayin natin ang kalaban!”

Patay tayo d’yan! Next!

“Ako po si Grace Poe. Ang nasimulan ni FPJ… ipagpapatuloy ko.”

Senador ho ba si FPJ?

“Hindi naman po.”

So anong ipagpapatuloy n’yo?

“‘Yon pong pagtulong n’ya sa mga nangangailangan.”

In other words, makakatulong naman kayo kahit wala kayo sa Senado?

“Opo. Pero… ”

Thank you. Next!

“Sa bawat isandaang kasinungalingan ng aking mga kalaban… may pantapat akong isanlibong katotohanan. Ako po si Alan Peter Cayetano!”

Binabatikos ho ang inyong misis na si Lani dahil sa naglipanang tarps at kung anu-anong signages na may pangalan niya sa Taguig. Kaepalan daw ho ‘yon. ‘Di n’yo ba siya pinagsasabihan?

“Dapat ho siguro eh tingnan muna ng publiko ang track record ng aking asawa bilang mayora.”

Dapat ho siguro eh sagutin n’yo muna ang tanong ko.

“Uulitin ko ho… track record ho ang dapat ninyong tutukan.”

Uulitin ko ho… hindi ho ba ‘yon kaepalan?

“Hindi ho epal ang misis ko.”

(Alangan namang aminin mo.)

“May ibinubulong ka?”

Wala ho. Sabi ko po hi na lang kay Ma’am Lani. Next!

“Good afternoon! Ako po si Mitos Magsaysay! Narito… “

Next!

“Hindi pa ho ako tapos sa intro.”

Tapos na ho kami sa inyo.

“Napaka-biased talaga ng show n’yo!”

I know. Next!

“Edukasyon para sa kabataan… trabaho para sa nangangailangan. Ako po ang inyong lingkod… JV Ejercito.”

Kung life story mo ang mapipiling isadula sa MMK, payag ka bang si Jinggoy ang gumanap bilang ikaw?

‘Wag na lang.

Thank you! Next!

“Sa iyo… ang puso ko! Sa iyo… ang pagtulong ko. Sa iyo… Angara ng edukasyon. Hello po. Ako po si Sonny Angara, anak ni Edgardo at ng lalawigan ng Aurora!”

Prangkahan na po sir. Hindi masyadong fascinating ang buhay mo. Pwede bang maging hurado ka na lang sa “Showtime?”

“Gano’n?”

Ayaw mo? Choosy ka pa?

“Pwede naman.”

Pwes, pumunta ka na sa Studio 5. Now na! Ikaw ang guest hurado ngayon. Go! Next candidate please!

“Kay Nancy Binay, gaganda ang kalusugan ng mga bata. Kay Nancy Binay, gaganda ang edukasyon ng mga bata. Kay Nancy Binay… ”

Sino po si Nancy Binay?

“Ako po ‘yon.”

Why are you speaking in third person?

“Maiba naman po. Para unique.”

Unique? Eh ang slogan po n’yo similar sa slogan ng inyong tatay noong 2010?!

“Sino ho bang ini-impress ko dito, si Ma’am Charos o kayo?”

Sabehhhhh? Next na nga. Thank you naman. Next!

“Huwag pahirapan ang mga mamamayan at alagaan ang ating mga magulang. Ako po ang one and only Mr. Exposé – si Manong Ernie. Kitakits sa May!”

Ahm, Manong Ernie… musta na po? Sakaling kayo ang aming mapili, sinong Kapamilya actor ang gusto n’yong gumanap bilang kayo?

“Puwede bang ibulong ko na lang? Nakakahiya eh.”

Naku Manong Ernie, intriga ‘yan! Pero sige… ibulong n’yo na lang. Sino po?

[Manong Ernie whispers]

Ganoooooon??? Kaloka ka Manong Ernie huh. Bakit s’ya?

[Manong Ernie whispers again]

Realllllly????? Hindi kita kinakaya Manong Ernie. Anyway, keri! I’m sure mabibigyan n’ya ng justice ang role. Thank you po Manong Ernie.

2Charos,
Hindi ko rin kinaya nang ibulong sa akin ng assistant kong si Suzette ang choice na aktor ni Manong Ernie para gumanap sa kanyang buhay. Wala akong naisagot sa kanya. Inisip ko na lang, huling hiling na siguro ito ng matanda, pagbigyan na lang natin.

Ngunit ganito ang sumunod na pangyayari…

3
“Mga sir at madam… Ma’am Charos and the creative team will deliberate kung kaninong buhay ang isasadula namin sa susunod na dalawang episodes ng MMK: KampanyaSerye. Sa mga hindi mapipili, ‘wag kayong mag-alala, arami pa namang shows sa aming network. Puwede kayong mag-guest sa GGV katulad ni JV Ejercito. Mas afford n’yo ang per minute do’n.

Like Sonny Angara and Dick Gordon, pwede rin kayong maging guest judge sa “Showtime.” At kung yaman-yamanan naman kayo katulad ni Ma’am Cynthia Villar, pwede kayong bumili ng segment sa “Showbiz Inside Report.” Unfortunately, mas consistent na mataas ang rating ng katapat nilang show na “Startalk,” so may konting risk. Nasa sa inyo ‘yan.

Exception ang katulad ni Chiz na nabigyan ng chance na maging guest co-host ng halos limang buwan sa “KristTV.” Ikaw na ang maging heartthrob at maging kaibigan ng presidente. Plus pogi points din ang ma-link minsan kay Krissy.

Sa mga nagtatanong kung pwedeng magkaroon ng cameo sa “Please Be Careful With My Heart,” sorry po. Super mahal ng per second do’n. I’m sure, ‘di n’yo afford!

Inuulit ko: dalawa lamang ang pipiliin namin. At dahil transparent kami, narito po ang criteria sa pagpili:

A: Political Affiliation: 80%
Breakdown:
~ Liberal Party: 40 %
~ Independent (Priority: Female) 20%
~ Nacionalista Party (Priority: Male) 20%

B: Showbiz Connection: 20 %

With that, nagpapasalamat po kami sa mga dumating ngayong hapon sa audition. We will call you kung istorya n’yo ang aming mapipili. Thank you and good luck!”


MAHIRAP MAGDESISYON lalo pa’t halos lahat ng pulitiko sa panahon ng eleksyon ay handang gumastos nang malaking halaga makamit lamang ang tagumpay. Lahat ay kanilang gagawin upang makuha ang atensyon ng publiko, partikular na ang mga botanteng Pilipino.

Ngunit sa huli, kailangan mong pumili: kaninong buhay ang isasadula? Kaninong kuwento ang ibebenta sa masa? Kaninong istorya ang ilalako upang makuha ang suporta ng mga manonood?

Ihahayag ko ang aking desisyon sa susunod na Sabado… LIVE dito lamang sa nag-iisang progapagandocudramanthology sa telebisyon, ang “Maalaala Mo Nga Kaya: KampanyaSerye 2013.”

Maraming salamat at magandang gabi Kapamilya.”
.
.
.
.
.
.
.
.

INVESTMENT

.
.
.
.
.
.
Unfortunately, wala pong nakahula sa title ng episode natin ngayong gabi. Ang ‘di napanalunang P500 cellphone load ay mapupunta sa assistant ni Ma’am Charos Santos na si Suzette. Sabehhhh?

- End of Episode-

Note:
The first ‘episode’ of ‘Dear Charo’ came out in August 2012. For those who missed, click here.
——————————————————————————
“What kills the skunk is the publicity it gives itself.”
~Abraham Lincoln

Have a great week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

4 responses

10 02 2013
PrinsesaHailie

Reblogged this on …nothing short of effin' perfect! :) and commented:
THIS!

11 02 2013
jecaaaay

Reblogged this on EXpressway EXcursions.

12 02 2013
del

Buti di ka sinisita ng presidente ng ABS CBN, e writer ka or naging writer? ka ng Maalaala mo kaya, hehehe

5 03 2013
gabe

ang perfect nung background music sa blog entry ha ha ha

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,404 other followers

%d bloggers like this: