EKSKLUSIBO: JUAN VS. PEDRO

24 01 2013

TODAY: THREE GUEST interviewers in three exclusive interviews on Wednesday’s one big Senate fight. Are you ready?

But first, here are excerpts from the heated exchange between Senator C and Senator E, in case you missed.

Cayetano-EnrileSenator C:
Ang isyu, pondo ng Senado para sa mamamayan. Ang pondo ay hindi para sa senador lang, hindi niya pera ito kundi pera ng mamamayan. Pero hindi ko po sinabi na magnanakaw ang mga senador. Bakit ba kayo inis at galit sa akin personally? Ang dahilan: sapagkat napakalapit po ninyong dalawa ni Attorney Gigi sa dating Pangulong GMA at kay First Gentleman at ako ay kritiko nila.

Senator E:
May I respond? Alam mo, ang isyu eh hindi ‘yong mag-asawang Arroyo. Ang isyu, may utang pa sa akin ang ama mo! Kapal ng mukha n’yo. Thirty-seven million pesos, wala pa d’yan ang interest!

Senator C:
Wala pong katotohanan ‘yan Mr. Senate President! Sa bawat 250,000 ninyong kasinungalingan ni Attorney Gigi, meron akong 1.6 milyong katotohanan.

Senator E:
Heto ang pruweba! Ako ang nagpatayo ng opisina ng tatay mo para may ipakain siya sa pamilya n’yo!

Senator C:
Ulol! Hindi kami kumakain ng opisina Mr. Senate President. At ‘wag n’yong idamay ang taong patay na at walang kakayahang magtanggol sa sarili niya. Wala kaming utang sa ‘yo!

Senator E:
Gago! ‘Yong kahoy na ginamit sa inyong bahay; ‘yong mga pako at bisagrang binili ko para sa pinto ng kuwarto niya. ‘Tsaka ‘yong exhaust fan sa kusina n’yo. Sa akin galing lahat ‘yon!

Senator C:
Wala kayong karapatang magsalita ng ganyan. Pinaglingkuran kayo nang tapat ng aking ama noong kasikatan ng PECABAR Law Office. Just imagine kung wala siya, PEBAR lang ‘yon. Ang pangit pakinggan! Promise.

Senator E:
Bakit? Anong utang na loob ko sa inyo?

Senator C:
Ah gano’n? Pwes, ibubunyag ko na lahat! He practically gave his life to you Mr. Senate President! Noong panahon ni President Cory, kayo’y nakulong, siya ang katabi n’yo. Noong panahon ng EDSA Revolution, siya ang katabi n’yo. Tiniis namin ang mga tsismis, ang pangungutya, at ang bulung-bulungan na may relasyon kayong dalawa. Ngunit ang pinakamasakit, may mga moments na napapaisip din ako: ‘sila nga kaya?’ But no. My father was just a loyal and devoted friend to you. And then here you are, nanunumbat ng utang sa kahoy!?! Ang cheap huh!

Senator E:
Cheap ka rin! Kahoy na nga lang inutang pa ng ama mo! Sinong cheap ngayon?

Senator C:
Eh bobo pala kayo eh! Bakit ‘di n’yo s’ya siningil noong nabubuhay pa siya? Bakit ngayon ka lang nagrereklamong ‘di ka nabayaran. Helllo!

Senator E:
Tama na Alan! Semilya ka pa lang, nasa gobyerno na ako! I will not go down to the gutter.

Senator C:
You’re already there Mr. Senate President! You and your chief of staff na si Attorney Gigi! In fact, you’re both on your way to the murky waters of Laguna de Bay!

Senator E:
Ay, ang OA huh! Laguna de Bay kaagad? ‘Di ba pwedeng estero muna?

Senator C:
Enough Manong Johnny! Ang tanda-tanda n’yo na, buma-Vice Ganda ka pa. Tutukan na lang natin ang isyu.

Senator E:
Bayaran mo muna ang kahoy!

Senator D:
Mr. President, Mr. President, can we ask for a one-minute recess with your permission?

Session suspended

WE TURN YOU OVER TO TITO BOY KASAMA ANG 1.6M-PESO CHECK NA PINAG-AAWAYAN NGAYON SA SENADO.

Kumusta?

Okay naman Tito Boy.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ikaw ba ay Christmas gift, realigned budget, o suhol?

Flexible ako Tito Boy. I can be all of them. 3-in-1 kumbaga, depende rin sa senador. Minsan, ako ay realigned budget for real projects. In short, straight. Pero siyempre, maraming tukso sa paligid kaya nagagastos ako ng mga senador sa ilang personal na bagay. Ang tawag naman sa akin: curious. But! May mga ‘di nakakaramdam ng hiya. Ibinubulsa. Walang resi-resibo. Walang pakundangan sa paglustay sa pera ng bayan. Ang tawag naman do’n: lantad.

Matagal ka na ba sa Senado?

Opo. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon lang ako iniintriga. Para po sa inyong kaalaman, matagal ko na silang pinapaligaya. Marami na akong pinasaya.

‘Yong mga ordinaryong tao, hindi man lang nararamdaman ang bonus kapag Pasko. Hindi ka ba nakukunsensya?

Mali ang tanong Tito Boy. Hindi ba SILA nakukunsensya!?

You’re a tough cookie.

Tough cheke Tito Boy.

Sabi ko nga. Ano namang masasabi mo sa news na paiimbestigahan ka raw sa COA. Private audit ang gusto ng iba.

Mauutak ang mga amo ko sa Senado. Madaling mag-produce ng resibo. Madaling “lumikha” ng proyekto. Bring it on.

Mr. 1.6 M check, maraming salamat sa pagkakataon. Ikaw na!

No, Tito Boy… ikaw na!

Thank you. Puntahan naman natin ang kontrobersyal kong kababayan at kaibigang Ricky Lo kasama ang iniintrigang KAHOY! Ricky, the wooden floor is yours!


Salamat Boy. Kasama ko ngayon ang ‘di pa nababayarang kahoy na ginamit daw sa bahay ng mga Cayetano. Ahhhm, my first question is ahhhm… you’ve lost weight. Noong ideliver ka ng lumber supplier, mabigat ka pa.

I don’t wanna talk about that.

A-hi-hi-hi So, how did you prepare for your role in the Cayetano household, in Taguig right?

Yeah. It was really challenging. There’s a lot of pressure. Kasi nga inutang lang ako kay Senator E. Kapag nasira kaagad, d’yahe. So kailangan kong pakatatag.

Ahi-hi-hi. Since matagal ka na rito sa bahay ng mga Cayetano… have you seen Senator C and his wife make love?

That’s a very personal question.

Ahi-hi-hi I have a friend in Novaliches, Quezon City. The name is Christopher. Can’t wait daw s’ya to visit the Cayetano home just to see you.

Oh really? Christopher? I adore him. A great artist; such a fine actor. Christopher de Leon right?

No, Christopher Min.

‘k.

Any message to Christopher?

We’ve already talked about it.

Ahi-hi-hi Would you like to explain why until this day Senator E’s claiming that you haven’t been paid by the Cayetanos?

Why not explain it yourself? I’m sure your readers would rather hear it from you.

Ahihi-hi Thank you Kahoy. Hito naman si KRISSY with the woman of the hour, ATTY. GIGI.


Thanks Tito Ricky. Helllooooo there! So you’re Gigi! Bongga ka. How do you feel na sangkot ka sa isyu at pinag-uusapan ka ng buong bayan?

It’s really unfortunate Krissy. I’m just doing my job.

Your job or Senator Enrile’s job? Joooooke! Teka, sabi ni Alan, close ka raw sa kalaban ng wife n’yang mayora. So, politics talaga ang ugat ng galit mo sa mga Cayetano?

gg
It’s not personal Krissy. Trabaho lang talaga.

Ayyyyyy, lyinggggg! Aha-ha-ha. Anyway, naintriga ako sa statement ng lolo mo. Sabi ni Alan, and I quote, “Sa bawat 250,000 kasinungalingan, may 1.6 milyong katotohanan akong alam tungkol kina Senator E at Atty. Gigi.” Parang he’s implying something.

Ikaw lang ‘yan Krissy.

Ganooooooo’n? Ako pa ang madumi ang utak ngayon? Nakakaloka ka! Anyway, I’m in a hurry kasi may shoot pa ako for “Kailangan Ko’y Ikaw.” Diretsahan na. May affair ba kayo ni Senator E?

Krissy naman. I am a married woman. My boss was is a married man, ‘was’ pala. I mean, ‘is.’ Final na. At matino akong tao. Edukada. Hindi ako pumapatol sa taong may asawa. Eh ikaw?

Excuse me! Wala kang karapatang kuwestyunin ang morals ko. I hate you naaaa. Hmpf! Thank you na nga lang.

You’re welcome Kris.

Wait! Tumataba ka girl! Promise! Ayyy, ano ba ‘yon? Sorry. Thank you ulit Attorney.

-End of Interview-

Note: In the interest of fairness, we did try to get the side of the late senator Rene Cayetano but he declined to comment on the issue. He just sent us this text message:
“Despite our differences, Manong Johnny will always be a friend and a mentor. I can’t wait to see him. Thank you!”
—————————————————————–
“Politics, a strife of interests masquerading as a contest of principles.”
~Ambrose Pierce

Sound Bites
“Bakit ba kayo inis at galit sa akin personally? Dahil dati na po kayong galit sa akin sapagkat napakalapit po ninyong dalawa ni Atty Gigi sa dating Pangulong GMA at kay First Gentleman. Kasama naman po talaga kayo noon ‘di ba, sa planning group at sa asar na isang katulad ko ay pwedeng tumayo sa Kongreso at labanan sila. At diba si Ma’am Gigi, best friend po niya ang asawa ni Justice Tinga na nakalaban ng asawa ko sa Taguig. At ang hipag naman ni Ma’am Gigi o sister-in-law niya ay isang konsehal sa Taguig na number 1 kritiko ng aking asawa. So every time may hearing dito, pati si Chairman Brillantes, sa inyong opisinang diretso, ako ang inuupakan at minsan tinutulungan niyo pa kaya nagkakasagutan tayo.”
~Sen. Alan Peter Cayetano, Privilege Speech, January 23, 2013

Enjoy the rest of the week!

[Gigi Reyes' photo from ABS-CBNNews.com; other pix from Google unless specified]

About these ads

Actions

Information

9 responses

24 01 2013
Libertas

Enrile unmasked

The song ‘the liar, the thief, and the whore’ comes to mind.
? Next years MMFF entry.

And with the ‘actors’ in the senate, there would be no shortage of candidates for the roles.

What a disgrace these lowlife are.
Even the gutter feels offended.

24 01 2013
clinquantlife911

mautak mga amo sa senado.. madaling magproduce ng resibo.. and.. i can’t wait to see him.. hahahaha..

24 01 2013
Gilberto S. De La Cruz

Mismo! Tukol na tukol mo, Paisano Loi. Ngayon pa lang ay hinuhubaran na ang pagkatao ni Mayora Lani C. dahil sa nakaraan ng kanyang mahal na Ina. Kung di nya kayang patawanin ang kanyang mga kritiko, isalaysay ang mga kaganapan at kalungkutan na dinanas nilang mag-ina noong sila’y nasa Bocaue pa. Tiyak na luluha ang mga tala kapag nalaman nila ang buong katotohanan. Tao lang.

25 01 2013
Libertas

Enrile – the walking dead – literally and politically.
No amount of stem cell or viagra will raise him again

25 01 2013
Libertas

enrile’s next book ‘ 50 shades of g.reyes’

29 01 2013
shirley

… NYAHAHAHAHA… omgosh! Christian Grey sa katauhan ni JPE….ewwww!!!

3 02 2013
Marku

Gusto ko happy ka!
Pero dapat mas Happy si Jack & Gigi.
At ako ang Pinaka Happy! Harharhar ~ Unedited script of Manong Johnny TVC.

10 02 2013
Abet Brinas

pag mga beki talaga ang nag-usap, cgurado marathon yan. nasa sa iyo na lang yan kung mahilig ka sa talk show controversies (tsismis) na talaga namang likas sa mga pilipino…in short mga politiko yan….ang kasugapaan nila sa media ay sagad…magtataka pa ba kau?

14 12 2013
PAGE 2013: A YEAR-ENDER | The Professional Heckler

[…] vs. Jessica Soho – Vice Ganda vs. Nancy Binay – Makati vs. Taguig (over Bonifacio Global City) – Alan Peter Cayetano vs. Juan Ponce Enrile – Heart Evangelista vs. her […]

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 111,457 other followers

%d bloggers like this: