ASK.FM (YOU ASK, I ANSWER)

15 01 2013

LATVIA-BASED Ask.fm, an anonymous question and answer platform is becoming more and more popular here in the Philippines. A number of people have started sending me questions via this hit social networking site. I’m posting some of them here with my answers.

humpydumpy_5
Hi Heckler! Ang mga jueteng operators ba sa Pilipinas, hinuhuli?

Hindi. Nagpapatayan sila.

* * * * * * * *

Nakukuba na ako sa kakatrabaho. Maliit pa rin ang suweldo ko. Meron ka bang maipapayo?

Maging miyembro ka ng Senado.

* * * * * * * *

February 12 pa pala pwedeng mangampanya ang mga kandidato sa pagka-senador ayon sa batas. Pero bakit bumabaha na ang political ads?

Ikaw naman, masyadong mapanghusga. Hindi political ads ‘yon. Ang tawag do’n awareness drive. Pero hindi sila nangangampanya. Bakit naman sila mangangampanya eh bawal nga ‘yon? ‘Kaw lang naman ang nagbibigay ng masamang kahulugan sa mga napapanood mo eh. Matitino ang mga pulitiko natin. Sobra. Never silang lalabag sa batas.

* * * * * * * *

Uy, kapatid pala ni acting Cebu governor Agnes Almendras-Magpale si Secretary Jose Rene Almendras. Anong masasabi mo?

Hashtag AlamNa!

* * * * * * * *

Sabi ng SWS, 54 percent daw ng mga Pilipino ay itinuturing na mahirap ang kanilang mga sarili. Hopeless ba ang tawag sa kanila?

Hindi. Realistic.

* * * * * * * *

Nabasa ko nga pala sa diyaryo, plano raw irelocate sa June ang mahigit 100,000 squatters na nakatira sa tabing-ilog at mga estero. Bakit hindi na lang ngayon? Bakit pa sa Hunyo?

Sayang ang boto.


Sabi ng PCSO, ang bago nilang proyektong ‘Loterya ng Bayan’ daw ang papatay sa illegal na sugal na jueteng. Naniniwala ka ba?

‘Yan din ang sabi nila sa STL.

* * * * * * * *

Si Lance Armstrong, umamin na sa pandaraya. ‘Yong isang senador kaya, aamin sa pangongopya?

Hashtag Asa Pa!

* * * * * * * *

Nabalitaan mo na ba? Tuloy na tuloy na raw ang Pacquiao-Marquez V!

‘k.

* * * * * * * *

Kinansela ng UST ang isang forum with senatorial aspirants dahil may mga dadalo raw na pro-RH Law candidates. Tama ba naman ‘yon?

Hayaan mo na sila. That’s their right. Unawain mo na lang. Minsan talaga, kapag bigo, ‘hirap mag-move on. Maghintay ka lang, matatanggap din nila. Siguro, mga 400 years.

* * * * * * * *

Ayon sa year-end sex survey ng FHM, 94 percent daw ng mga lalaking Pinoy, nanonood ng porn. May mensahe ka ba sa 6 percent?

Hiyang-hiya naman ako sa inyo.

dana_417259
Sa tingin mo, buntis si Sarah Lahbati?

Sa tingin mo, may pakialam ako?

* * * * * * * *

Ang choices: magka-boyfriend si Kris o magka-girlfriend si President Aquino? Ang tanong: Ano sa tingin mo ang mauuna?

Mauuna siyempre ang TV ad ng UNA. Walang tatalo. First honor.
———————————–
“There are always answers. We just have to be smart enough.”
~ John Green, Looking for Alaska

band

Enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

['Jueteng' Cartoon from PDI Website]


Actions

Information

4 responses

15 01 2013
Nonoy

Tumpak ang mga sagot! LOL.

16 01 2013
senior60

tikom bibig ni anabil sa issue, sa tingin mo mister heckler, bakit kaya? ayy wala ka palang pakialam ano

16 01 2013
BBB Team

Hi, Sir Loi! Our team has sent you an e-mail regarding a request for an interview. Salamat po!

17 01 2013
Libertas

Question from mr. Scamem, of Grabit & Run – Do you think judges have a sense of humour, or just laugh all the way to the bank?

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 112,295 other followers

%d bloggers like this: