E IS FOR EPAL

12 01 2013

FOR 2013, here’s the first set of photos featuring attention-seeking politicians. Pansinin n’yo naman sila. Thank you.

12-Colago
Sa San Pablo City, may ‘Let’s go Colago!’
Gusto pa yatang talunin ang ‘Let’s go sago!’
At may “I love you more!” pang isiningit.
Jusme, masyado namang pilit! This is it pansit!

12- Jun Tanjuakio-Tarlac
Punta naman tayo sa Tarlac City…
Sabi sa graffiti: Bagong Simula…
Pero ang style mo… lumang-luma!
Epal!
[Tanong: Sa 'yo ba 'tong tulay? Pera mo ba ang ginamit sa construction?]

12-Egay
Sa Kalookan kung saan notorious ang kaepalan…
May nais bumalik bilang kinatawan
Titigan ang larawan:
FORmer o FOR Congressman?
Para-paraan!

12-Type0
Naninilaw ang kalye sa Cebu. Type O.
Parang mas bagay ang Type E dito.

12-Checklis
Sa Laguna…
Matalino… check!
Mahusay… check!
Aktibo… check!
Progresibo… check!
Asensado… check!
Dave… Ikaw Na!
Ang epal? Check na check!

12-Basura
Sa Quezon City…
May pondo para sa mukha ni Jessica Castelo Daza
Wala namang pambayad sa maghahakot ng basura.

12-Golezeum
Epalizeum. #nuffsaid

12-Rabies
Balik tayo sa QC…
Uy, libreng bakuna raw laban sa rabies.
Sana may libreng bakuna rin laban sa epal.

12-HatawSabi ni Mayor Jun Bernabe:
“Hataw Parañaque!”
Ikaw muna kaya ang hatawin namin?
Pwede?
[Try lang.]

12-Kalat
Sa Talavera, Nueva Ecija…
Zero-Kalat ba ka n’yo?
Eh bakit nakakalat ang mukha mo?

12-Alarm Clock
Mula sa alkalde ng Rodriguez, Rizal: alarm clock!
Por Diyos, por santo… para saan ba ‘to?
Kung ang taong ‘yan ang katabi n’yo, makakatulog ba kayo?
——————————————
“It seems as if people like to be the center
of attention even after they’re dead.”

~ Hidekaz Himaruya

Many thanks to the following: Epal Watch, Bayani Thaddeus Barcenas, Lani Manahan, Alfel Go, KrazyOkay, and Luzvimin Mauricio. The rest were sent by concerned individuals who wanted to remain anonymous.

For submissions, email original photos here: epaliticians@yahoo.com.

HAPPY WEEKEND!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

16 responses

13 01 2013
aj saliba

what a bunch of clowns!!!! and they’re not funny either…

13 01 2013
bonjovax

nako! ang tigas naman si HB. Tigas ang ulo habang umepal..pfftt!

13 01 2013
Libertas

E is for epal
(Alphabet of elections -abridged)
A is for airbrush
B is for bullets
C is for corruption
D is for dictator
F is for freedom of speech
G is for gun
H is for heckling
L is for lawyers
P is for PORK
R is for religion
S is for ‘surveys’!!
T is for turncoat
V is for vote-buying

13 01 2013
checkmate

nyahaha kulet ng mga mini poems, the best ka talaga sir ph ^_^

13 01 2013
mabsmethinks

brazen act not to mention desperate!

14 01 2013
akeera

Fiesta in Type O in Cebu

14 01 2013
Nonoy

Sobrang epal naman ng mga pulitiko na yan. May ‘i love you more pa’. Kapal talaga.

14 01 2013
Nicole A Go

go go kulogo si colago

14 01 2013
senior60

mister heckler, pwede other topic? like E as in expensive, grabe the prices of cigarettes the other other week, nag standby ako sa tindahan ni aling toyang, ang mga smokers ay namamangha, napatunganga, nagugulantang, nagtatanong kung bakit nagkakaganuon, sabi ko naman sa kanila na kailangan ng gobierno pera para bili contraceptives hehe

19 01 2013
checkmate

nyahaha ayos nga yun ng mabawasan naman mga nagyoyosi, at least sir senior60 may makukuhang pera ang gubyerno para magawa yung gusto mong patalian ang mga mahihilig nyahahaha

14 01 2013
ipe (@ipem)

parang let’s go kulugo lang…

15 01 2013
jumbledcoffeethoughts

Wala pa ding tatalo sa pagiging humble ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog. >>> http://professionalheckler.wordpress.com/2012/10/07/the-epal-quiz-v/

17 01 2013
itsmejhayd

Reblogged this on @itsmejhayD and commented:
hindi kaya ang COLAGO ay maging KULUGO? mahiya naman sana kayo.

18 01 2013
Anonymous

Let’s go Golago….nababasa ko Let’s go gago :)

19 01 2013
Anonymous

hay naku,,, nagsusulputan na ang mga sandamakmak na EPAL. Nilulusob na nila tayo. hahaha

20 01 2013
menix

Jusko! Dapat talaga i-boycott ang eleksyon! Insulto itong mga ka-epalan na to sa mga tao! Jeeeez!!!!

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,447 other followers

%d bloggers like this: