CORRUPTED

17 12 2012

PPContraception is Super Corruption
The pastoral letter that was not read on the first day of Simbang Gabi

Sa pagsisimula ng Misa De Gallo ngayon, ipinapaalala ko lang na kusang-loob kayong nagtungo rito. Hindi kayo pinilit, hindi kayo tinakot, at lalong hindi kayo binayaran. Samakatuwid, kung maghayag man ako ng saloobin laban sa RH Bill, you have no other choice kundi makinig. Sa mga sumusuporta sa nasabing panukalang batas, wala akong pakialam kung itweet n’yo pa ang mga sasabihin ko. Pakiusap ko lang, huwag kayong gagawa ng eksena rito. Moment ko ‘to.

Nagbabanta ang imoralidad sa Pilipinas. Ang tanong sa Lukas 3:10 – What shall we do then?

Inuulit ko ang posisyon ng Caring Bishops’ Conference of the Philippines: Conraception corrupts the soul. Ang pagkontrol sa pagpaparami ay gawa ng demonyo.

Ang mga mambabatas na pumapabor sa RH Bill ay pumapabor sa contraception. Samakatuwid, sila ay hindi kakampi ng Diyos. Sila ay nasa panig ng… nino?

[Parishioners no reaction]

Sila ay kakampi ng????

[Parishioners still no reaction]

Sumagot kayo! Ang mga mambabatas na pumapabor sa RH Bill ay pumapabor sa contraception. Samakatuwid ang kanilang mga kaluluwa ay corrupted. Sila ay kakampi ng…

Parishioners: Demonyo!

Kayo ang nagsabi n’yan, hindi ako! Jooooke! Pero tama kayo. Very goooood! Hindi pa huli ang lahat. Ipakita n’yo sa mga kinatawan n’yo sa Kongreso ang pagkakaisa ng mga Katoliko. Kung kayang mag-bloc vote ng Iglesia ni Kristo, kakayanin rin ng Romano Katoliko! O ‘di ba, rhyme!?

Sa Lunes, posible pang mabaligtad ang boto dahil animnapu’t apat pang kongresista ang absent noong nakaraang linggo. Maniwala tayo sa mirakulo! Kung si Jules Ledesma nga na once a year lang nagpapakita, biglang sumulpot… why not a change of heart for the pro-RH representatives?

ML
Sa pagkakataong ito, nais kong ipaabot ang papuri, pagmamahal at paghanga sa mga kinatawan mula sa Batangas at Cebu. Super sweep! Lahat sila ay bumoto upang ibasura ang RH Bill. Ngayon pa lang, sinasabi ko sa inyo, sa langit ang kanilang diretso! Sure na! Dahil ang pulitikong may takot sa Arsobispo ay mahal ng Diyos. Kung nagkasala man sila noon, patatawarin sila ngayon. Amen?!?

Parishioners: Amen!

Very gooood! Ang babait talaga n’yo! Agree kayo nang agree sa mga sinasabi ko. Sa langit din ang diretso n’yo! Amen?!

Parishioners: Amen!

Very good ulit! Alam n’yo kung sinong hindi very good!? Si Presidente Noynoy Aquino! Kung sa Amerika ay may dalawampung bata ang pinatay sa Connecticut, ang presidente n’yo naman gustong patayin ang dalawampung milyong batang Pilipino sa pamamagitan ng RH Bill! Panginoon ko! Kawaaan mo ang kaluluwa ng pangulong ito.

Ngunit hindi lahat ng pulitiko ay masama. Gusto kong tularan n’yo ang magandang ehemplong ipinapakita ng ating kakampi sa Senado: si Senador Juan Ponce Enrile. Kung hindi n’yo pa alam, ibinalik niya ang Christmas gift (biskwit na biscocho) mula sa RH Bill advocate na si Senator Miriam Defensor-Santiago. Isang kapuri-puring hakbang! Nagpapakatotoo lang siya. Besides, bakit naman kasi biscocho ang regalo? Ano ‘yan, lamay? To Senator Enrile… mabuhay ka! Nawa’y humaba pa ang buhay mo! Otherwise, sayang ang milyones na ginastos sa stem cell treatment. Ang corny ko na. Inaantok na kayo.

Sa isandaan at apat na kongresistang bumoto laban sa RH Bill, mga bayani kayo! Hinding-hindi kalilimutan ng Simbahan ang ginawa n’yo! Asahan n’yo ang suporta namin sa darating na Mayo. Maraming salamat sa matapang na paninindigan laban sa nakaambang kurapsyon ng moralidad sa bansang ito.

Sa mga kinatawang lumabag sa kagustuhan ng Panginoon, may oras pa para magbalik-loob kayo sa turo ng Simbahan. Makinig kayo sa mga pari at obispo dahil sila ang tunay na nakakaalam ng mali at tama. Sige kayo… mainit sa impyerno. Baka magsisi kayo.

Inuulit ko: Contraception is Super Corruption! Ulitin n’yo nga…

Parishioners: Contraception is Super Corruption!

Very goooooood! Dahil mabait kayo, saan ang diretso n’yo?

Parishioners: Sa langit!

Kayo ang nagsabi n’yan, hindi ako! Joooooke! God loves you. Tapos na ang ating pagdiriwang, humayo kayong mapayapa at may pagmamahal sa kapwa.

No to RH Bill!

Batangas Archbishop Perfecto Dinagkakamali
Secretary-General
Caring Bishops Conference of the Philippines
December 16, 2012


“The self-righteous feel no need to be charming, and thus double their offensiveness.”
~Mason Cooley

Quote of the Day
“I don’t understand why God can be all love and still inflict this kind of pain on people. This God is an underachiever. He does not do what he’s supposed to be doing whatever his sex is, whether it’s an it, or a he or a she, or whatever. But I’m sure that if you were a god or I were a god, I would be doing a better job. Therefore, the only conclusion can be that possibly, God does not exist.”
~Sen. Miriam Defensor-Santiago

Elsewhere
Philippine Daily Inquirer (Editorial): Contraception is NOT Corruption

Have a great week ahead! Happy Holidays!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

11 responses

17 12 2012
derdo

MDS said that? Tongue-in-cheek, maybe? I used to see her at mass, except that we now hear mass in a different parish… so I’ve no idea whether she still hears mass or not. Because if she were sincere in her quoted statement above but still heard mass, what does that make her?!

18 12 2012
senior60

pakitang gilas lang yan, making kilometric-long quotes

17 12 2012
Libertas

Great cartoon. So funny, sadly because it is so true.

Xmas advice:
– This december, remember, protection for his member.

– Buy software for his hardware

– No glove, no love.

– Be safe – not sorry.

– condomize, not filipinize ( or if u r bishop – sodomize)

– yes to rh bill, take the pill.

18 12 2012
senior60

it is saddening that the sin of a few bishops will include all the rest tsk tsk tsk

17 12 2012
Anonymous

Totally uncalled for.

17 12 2012
checkmate

tunog pari si sir ph hehehe sana ganito rin sa FOI ^_^

pinakamagandang resbak, lagyan ng tax ang simbahan nyehehehe ^_^

sana lang talaga, maimplement ng maayos -_-

28 12 2012
Rogie

everyone’s paying taxes, directly or indirectly. buying candies at a store is paying vat. and also, it’s not only religions and churches that get away from paying income taxes but also those “pilantrophist businessmen” who gives to charity via their “foundations”.

18 12 2012
senior60

speaking of corruption, this bill will be a source, from i don’t where, down to the rural health center workers

18 12 2012
cris

On a serious note, the country should enforce separation of Church and state in matters of national affairs. Thank you.

18 12 2012
jasper

dear bishops:

you should have invested in pfizer , the makers of viagra.

don’t miss the boat a second time. innvest in stocks of the makers of trojan.

18 12 2012
Libertas

‘Safe and satisyfing sex?’

For politicians that means being in a different city to their wife.(which brings lito lapid to mind. Normally conspicuous by his silence, now conspicuous by his absence in rh vote. Wife still under house arrest in LA! – LL now old man about town with young korean!)

For politician’s wives it means an unlimited credit card.

For a politician’s mistress it means as little as possible, for as much as possible.

For enrile, he is too old to care

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,041 other followers

%d bloggers like this: