THE EPAL QUIZ 8

1 12 2012

HAPPY HOLIDAYS! To usher in the gift-giving season, here’s a fresh serving of ‘queso de mambobola,’ the people we love to loathe: the epaliticians.

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa mga tanong. May 15 minutes ka upang ito ay sagutan. Have fun!

8-CONGRESSWOMANNNNN
1: Sa Lungsod ng Quezon, dahil last term na ni mister, nagpaparamdam na si misis. Titigan ang larawan. Kapag nakasalubong mo ang mag-asawa, ano ang sasabihin mo?
A: Sa inyong palagay, alin ang mas malaki: ang inyong tarpaulin o ang buong Quezon City?
B: Congratulations! Ayon po sa NASA, ang streamer n’yong mag-asawa ang pinakabagong man-made structure na visible from outer space.
C: Hiyang-hiya naman ho sa inyo ang barangay hall. Baka po gusto n’yong takpan na lang ang buong gusali. Go lang.

8-Korona
2: Sa Muntinlupa, may namatay. At dahil may namatay, may pulitikong nakiramay: ang barangay captain at ang misis niyang tatakbo sa pagka-vice mayor: sina Mr. and Mrs. Rene and Gigi So. Bakit hugis S at O padala nilang korona?
A: Hindi ko gets eh. Ang hirap naman. Sobrang cryptic. Can I use a lifeline?
B: ‘Yan ang favorite letters ng pumanaw. Wish niya ‘yan. ‘Wag n’yong bigyan ng kulay.
C: S stands for Super and O stands for Over. Ganun katindi ang pakikisimpatya ng mag-asawa.

8_CeraficaLamay
3: Usapang patay pa rin. Punta naman tayo sa distrito ng Taguig-Pateros. Anong lesson ang mapupulot natin sa larawang ito?
A: Ang pagpapapogi ay walang pinipiling sandali.
B: Ang pakikiramay ay hindi dapat itinatago o ikinakahiya. Dapat itong ipangalandakan sa madla.
C: Wala. Nakiramay lang, lesson agad? ‘Di ba pwedeng sincere muna? (Biglang kumulog ‘tapos kumidlat)

8-Fumigate
4: Sa Brgy. Laging Handa, District 4 of QC, may pilit isinabit sa alambre ng kuryente. Ang proyekto ni Konsehal: fumigation! May gusto kang itanong sa kanya?
A: Bakit naman ho sa tarp, may larawan pa ng lamok na kasama? Ay, sorry! Tao pala.
B: Pwede ho bang unahin kayong ifumigate?
C: Kumusta naman ho ang inyong lipstick?

8-Waiting Shhed
5: “Give me a Y!” Y! “Give me an N!” N! “Give me an A!” A! “Give me an R!” R! “Give me an E!” E! “Give me an S!” S! What did you spell?
A: Ypal!
B: Para-paraan!
C: Nuknukan!

8-Santa ROsa
6: Meanwhile in the City of Santa Rosa, Laguna, may bagong brand yata ng bags for kids! Kung ikaw ang magulang ng batang ito, ano ang nais mong iparating na mensahe kay mayora?
A: Ano ho ba ang relevance ng mukha at pangalan n’yo sa pag-aaral ng anak ko?
B: Kung mukha kaya namin ang ilagay sa luxury bag n’yo, papayag kayo?
C: Magkano na ho ba ang pabanat ngayon? In fairness to you, umeepekto!

8-Libre
7: Uy! Libreng hiram daw ng upuan, lamesa, tent, at sound system.
A: Eh ‘yong Boyoyong clown sa picture, libre rin kaya?
B: Councilor na, events organizer pa! Tim Yap, ikaw ba ’yan?
C: Take note: may larawan ng star after his first name. Feeling mo naman member ka ng Beatles!

8-Aerobics
8: Meet Tina Diaz, running for vice mayor sa San Mateo, Rizal. Ang mister niyang si Paeng, seeking re-election naman for mayor at ang kanilang anak na si Denzel, re-electionist councilor.
A: ‘Tapos ang kaya lang ioffer free aerobics?! Syet.
B: Ano ba ‘yang konseho ng San Mateo, family business?
C: Hoy! Tumawag si Enrile, ‘wag ka raw manggaya ng slogan.

8-Sipsip
9: Libreng sipsip ng kanal, estero, at pozo negro… hangad ni Mayor Nilo!
A: Hangad rin po naming ang sumipsip ay kayo!
B: Oo nga naman, kayo na lang! Sige na please. Christmas gift n’yo na sa amin.
C: Ang Lalaki sa Septic Tank! Why not!?

8-Reform10: Sa Bagong Silang, Caloocan City… may “reform” project daw ang mag-amang Recom at RJ Echiverri. Kung ikaw ang pader at ang kalye, ano iyong masasabi?
A: “Reform n’yong mukha n’yo!”
B: “Pader kami, hindi freedom wall. ‘Tang-i*a naman, ‘wag n’yo kaming babuyin!”
C: “Maraming salamat po sa bagong pintura. Huwag kayong mag-alala, sa susunod na eleksyon ay makakaasa kayo ng suporta! Joooke! Utot n’yo!”

MARAMING salamat sa Epal Watch sa mga larawang ginamit sa post na ito. Sa mga nagpadala ng epal photos sa aking email, isasama ang mga ‘yan sa susunod na Epal Quiz. Maraming salamat. For contributions: epaliticians@yahoo.com. Please indicate kung gusto n’yong maging anonymous.
————————————————–
“There are so many attention whores out there, prostituting for people’s acknowledgment.”
~Jason Myers, The Mission

Quote of the Day
“Unang-una, pinatutunayan ni Bonifacio na ang Maynila ay lungsod ng mga bayani, na itinuturing na unang bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Totoong ang Maynila ay mayroon ding mga hoodlum, gangster at kaaway ng batas na gaya ni Asiong Salonga.”
~Manila Mayor Alfredo Lim, Bonifacio Day speech

Happy Holidays!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

10 responses

1 12 2012
mabsmethinks

bonggaycious ang bulaklak sa patay! pati na rin ang school bag, posh na posh/ fink na fink! good thing, publicity gimmicks are not all S.O (Sold out) for intelligent voters.

2 12 2012
chokulats

Reblogged this on Chokulats and commented:
Quezo de Mambobola our epaliticians, election period after another, we observe this. Oddly enough though, it still works for some voters. But the majority of the voters really getting too tired to even complain.

Here’s a funny way of doing that, though…

2 12 2012
bonjovax

nakatawa ako sa number 8 ahahahahahaha

3 12 2012
Timow

Heckler, bakit “Epal Quiz 8″ bakit hindi “Epal Quiz 7″?

Eto po ang sagot ko:

1. B (Congrats, sa Guiness World Records ang katapat mo!)
2. B or C
3. A or C
4. Any of the above
5. A
6. B
7. Any of the above
8. B or C (Yan tuloy, partially Sinotto yung slogan ni JPE)
9. A or C
10. Any of the above

3 12 2012
Iammissingyou_Senior

Minsan, tinatanong ko sarili ko, masaya pa ba akong Pilipino o Ilokano na lang ako.

7 12 2012
senior60

uy wilyam, the feeling is mutual hahaha

bakit wilyam anong problema mo sa pagiging pilipino, ngayon pa ba na ayon sa balita, ang pilipinas lang ang only bansa na ….ay nakalimutan ko… ahhh basta positive news yun

sige bye, till my next hello

3 12 2012
getmad

si arlene arcillas na ang pinakamatandang kinder na nakita ko!

3 12 2012
Anonymous

wow, pati pozo negro pinatos! ibilib!

4 12 2012
checkmate

nyahaha laughtrip yung libreng sipsip >_<

kung mapapadpad ka sa caloocan sir ph baka epal quiz 100 na di pa naisasama lahat ng pinapintura ni mayor recom hehehe

pero in fairness, parang mas gumanda callocan kesa nung si asistio at malonzo ang may hawak. yun nga lang naging malaking whiteboard ni mayor recom -_-

6 12 2012
Tim Ramos

Kapag nadaan ulit ako ng Tarlac, kukunan ko ng picture yung tarp ni Tingting Cojuangco for Senator na may hawak syang walis tingting. Pramis. Totoong meron nun.

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,706 other followers

%d bloggers like this: