ETHNIC CLEANSING

26 11 2012


“ETHNIC CLEANSING itong ginagawa nila kung bakit isinusulong ang [Reproductive Health] bill sa bansa. Gusto nilang ubusin tayo. Kaya ang mga Katoliko ay bumoto ayon sa utos ng Diyos. Kapag mayroong kandidatong hindi sumusunod sa utos ng Diyos, dapat tanggihan ‘yong mga ‘yon. At kailangang magkaroon ngayon ng Catholic vote.”
~Lipa City Archbishop Ramon Arguelles
Vice Chairman, CBCP-Episcopal Commission on Family and Life

SA NGALAN ng Mahal na Panginoon, mabuhay kayong mga tagasunod ng sangkaparian! Mapapalad tayong lahat dahil mahal na mahal Niya tayo. Ngunit may mga nagkukunwaring Katoliko sa ating lipunan. Sila ang nagbabantang sumira sa moralidad at kagandahang-asal na ating kinagisnan. Dapat silang ilantad!

Ayon sa survey ng Social Weather Stations, mas marami raw Pinoy ang sang-ayon sa RH Bill! Kasinungalingan!

Ito ang totoong survey! Ang survey na naglalayong alamin ang tunay na saloobin ng mga Pilipino: patas, walang pinapanigan at walang pinuprotektahan ang mga katanungan.

Piliin ang titik na kumakatawan sa sagot na idinidikta ng iyong puso at konsensya. May sampung minuto ka upang tapusin ang survey na ito. Good luck and God bless! Remember: God knows hudas not follow his teachings.

1: Ang tunay na Katoliko ay may paninindigan, lumalaban at may katigasan ang mukha kung kailangan. Sino sa mga sumusunod na pulitiko ang tunay na Katoliko?
A: ‘Yong asawa ni Helen Gamboa
B: ‘Yong bida sa pelikulang Aso’t Pusa (1989)
C: ‘Yong ama ni Ciara Sotto
D: Senador Tito Sotto

2: Dapat bang pigilan ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas?
A: Hindi! The more the manyer.
B: Sabi sa Bible, “Go forth and multiply.” Mahirap bang unawain ‘yon?
C: Talunin muna natin ang populasyon ng China at India. Sayang ang recognition from the Guinness World Records.
D: Bakit? Eh ang sarap-sarap kayang makipagtalik. Fact na fact!

3: Tama bang gumamit ng condom ang isang lalaki?
A: Hindi! Walang thrill.
B: Negosyo lang ‘yan! Ibagsak ang mga kapitalista!
C: Kung loyal ka sa iyong girlfriend o misis, no need to use one.
D: Wala sa 10 Commandments ang paggamit ng condom. Ayaw kong magkasala kay Lord.

4: Kailan nagsisimula ang buhay?
A: Kapag nag-kiss ang mag-asawa o magkasintahan.
B: Kapag nag-text si lalaki: “Baby, miss u na.” ‘Tapos nag-reply si babae, “Miss u more. Mwah!”
C: Kapag nagkita ang itlog at ang sihay-punlay.
D: Letter C pero pwede na rin ang A at B.

5: Si Senator Juan Ponce Enrile ay tutol sa RH Bill. Pero siya ay isa rin sa mga arkitekto ng Martial Law. Anong masasabi mo?
A: Misunderstood lang siya. Mabuti siyang tao.
B: Kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kaya?
C: Pwede nang palagpasin ‘yon. Move on na tayong lahat. Ang importante ay ‘yong ngayon.
D: Bilang ganti sa suporta niya sa RH Bill, iboto natin si Jack Enrile for senator! Two Enriles are better than one. Kapag si Jack Enrile ang nanalo… magkakaroon ng pagkain sa mesa ang bawat Pilipino! Yey.

6: Ano ang masturbation?
A: Abortion!
B: Malaking kasalanan.
C: Paglapastangan sa katawan.
D: Imoral na gawain ng mga mahahalay.

8: Kilala mo ba sina Senadora Pia Cayetano at Miriam Defensor-Santiago? Kilala mo rin ba sina Congressman Edcel Lagman at Congresswoman Kimi Cojuangco?
A: Hindi. Sino sila?
B: Mga suwail na alagad ng simbahan!
C: Mga kampon ng kadiliman!
D: “In Jeeeezaz name, I command you… umalis ka demonyo sa katawan ng apat na mambabatas na ito!”

8: Ano ang contraceptives?
A: Contra-ligaya. KJ. Nakakainis!
B: Lumilikha ng deformed na fetus o kaya batang may Down’s Syndrome or Siamese twins na magkadikit ang skull. Scary!
C: Pantanggal-libog. Nakakabahala!
D: Pampalaglag. ’Tapos duduguin ang babaeng buntis. ‘Tapos mawawalan siya ng malay. ‘Tapos isusugod siya sa ospital. ‘Tapos idideklara siyang ‘dead on arrival.’ Nakakatakot!

9: Suportado ni Pangulong Aquino ang Reproductive Health Bill. Dahil d’yan…
A: … kinakapitan siya ng kung anu-anong sakit. Parusa ng langit!
B: … hindi siya magka-girlfriend. Parusa ng langit!
C: … nauubusan siya ng buhok. Parusa ng langit!
D: … malakas lang ang appeal niya sa mga bold stars at sexy starlets. Parusa ng langit!

10: Ang sterilization (e.g. pagpapatali) ay dapat tutulan dahil:
A: Masakit ‘yon! Grabe ang sakit kapag ipinapasok ang instrumento ng doktor sa loob ng katawan.
B: Mahal ‘yon. Ang gagastusin mo sa sterilization, ibili mo na lang ng load.
C: Nakakabawas ‘yan ng pagkalalaki. Nakakabakla.
D: “The origin of a child is a woman and motherhood is a celebration of femininity. So let’s all be mothers for the sake of our future and our children. Because our children will be tomorrow’s hope who will spread love, peace and harmony to the whole wide world. I thank you.”


11: Ang sex education ba ay nararapat isama sa school curriculum?
A: Nope! Kadiri ‘yon.
B: Wala sa Bible ‘yan.
C: Parents na lang ang magpaliwanag sa mga bata.
D: Isang malaking HINDI! Baka turuan sila ng 69, 22 o kaya dog style. ‘Tapos malalaman ng mga bata ang mga bahagi ng katawan at ang gamit nito, ‘tapos magsi-sex sila sa CR – agad-agad!

12: Iboboto mo ba sa darating na eleksyon ang mga kandidatong sumusuporta sa Reproductive Health Bill?
A: Asa pa!
B: Hindi. ‘Pakamatay na lang sila.
C: No way! Pro-life forever and ever amen!
D: Ayaw ko! Magagalit si Father. ‘Tapos hindi niya ako isasama sa prayer. ‘Tapos kapag namatay ako, hindi ako mapupunta sa heaven. ‘Tapos do’n ako mapupunta sa hell. ‘Tapos mainit do’n. ‘Tapos walang wi-fi. Ayoko! Ayoko na sa RH Bill!

Maraming salamat sa inyong paglahok sa walang kinikilingang survey na ito. Ituturing naming confidential ang inyong mga sagot. Abangan ang resulta ng survey sa pastoral letter na ilalabas sa radyo, pahayagan, telebisyon at Internet.

Ituloy n’yo lang ang pagpapaabot ng donasyon at tulong sa Simbahan upang ipagpatuloy rin ni Lord ang pagsasabog ng biyaya.

Thank you and God bless!

Lovingly yours,
Archbishop Damaso Damaso
Archdiocese of Laquingkumita City
———————————–
“This is my simple religion. There is no need for temples; no need for complicated philosophy. Our own brain, our own heart is our temple; the philosophy is kindness.”
~Dalai Lama

Quote of the Weak
“Safe sex to prevent HIV /AIDS is false propaganda.”
~Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

Have a great week!

TAX THE CHURCH. I’m sure God won’t resist.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Arguelles' photo: From http://sois.census.gov.ph%5D

About these ads

Actions

Information

14 responses

26 11 2012
Antonovko (@antonovko)

“9: Suportado ni Pangulong Aquino ang Reproductive Health Bill. Dahil d’yan”

Parang totoo! Hehehe. Baka mabasa ito ng mga alipores ng pangulo at magbago pa ang isip. Joke lang ito Mr. President kaya wag kang maniniwala na pinarusahan ka ng langit dahil sa RH Bill.

Hayaan mo, Mr President, pag napirmahan mo na ang batas na yan, mas matinding parusa, este, joke ang mababasa mo dito.

I SUPPORT RH BILL!

26 11 2012
sadakups

The very few times I wish I wasn’t Catholic…

26 11 2012
Loney Lonski

Fact na fact talaga. lol

26 11 2012
mabsmethinks

ang tunay na Katoliko, bow! the separation of church and state is clearly an illusion in this country. the church always politicizes the law as much as possible.

26 11 2012
rugz

hehehe. anti-church sentiments again. ikaw Mr PH, nagbabayad ka ba ng tamang tax? hehehe

27 11 2012
Journeys and Travels

hehehe this is amusing :)

28 11 2012
jasper

pro-rh lawmakers need not loose sleep over the bishops’ rantings. ramos era health secretary jual flavier who advocated the use of condoms was pilloried by the church when he ran for senator.

senator flavier never lost an election. he retired from politics after serving 2 six-year terms.

29 11 2012
donna

hahahaha! love this. hilarious

29 11 2012
aiken

By far, your most biased post PH

29 11 2012
LY

Hindi ako sure sa pagkakaintindi ko dun sa quote ni Lama. Kelan nya sinabi ‘yun? Anong pinag-uusapan?

29 11 2012
Angry Bird (@AngryBird1905)

LOL aliw…nakapulot ako ng pambato sa KJ na tao…

contraceptive ka ba?
baket???
kontra ligaya ka!

boom! =)))

4 12 2012
Claire

Anong position yung 22?

5 12 2012
daniiilooowew

Benta, soooobra! :)

13 12 2012
diellan24

Reblogged this on debbiedebbiedoo.

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,040 other followers

%d bloggers like this: