THE EPAL QUIZ: Undas Edition

3 11 2012

“Nipisan naman natin ang mga mukha natin.”
~Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr’s appeal to politicians last All Saints’ Day

UNFORTUNATELY, his appeal fell on deaf ears. Some people couldn’t control the urge to showcase their mastery of the art of epalitics. This is The Epal Quiz: Undas Edition.


1: Sa Taguig City, ito ang bumungad sa isang sementeryo. Ano ang naging reaksyon ng mga tao?
A: “Whaaaat?!!! Ano raw ang ikinamatay? Grabe, may sisenta na ba ‘yan?”
B: “Ano ‘to? Dry-run? Sana nag-Barong Tagalog.”
C: (sings) “Through the years, you’ve never let me down/ You turned my life around, the sweetest days I’ve found/ I’ve found with you, through the years…”


2: Meanwhile, in Parañaque City. Free WiFi daw! Ang tanong:
A: Gagana ba ‘yan sa sementeryo? ‘Di ba dead spot ‘yon?
B: Nasagap n’yo ba ang signal? Ang signal na campaign season na naman?!
C: Kapag inalis ba ang mukha ng dalawang pulitiko, magkakaroon ng password?

3: May mga karatula at patalastas ng pulitiko na mapapa-“’Tang-*na This!” ka talaga. Basahin ang nakasulat sa pader:


Isang halimbawa ang ginawang ito ng nagki-claim na alkalde kahit hindi pa nahahalal. Sa Caloocan…
A: “Buwis na binayaran, ginamit sa kaepalan!”
B: Cementery mo’ng mukha mo!
C: ‘Sabagay, cemented naman kasi. Sige na nga. Cementery na kung cementery.


4: Siyempre, hindi pahuhuli ang mga Liberal sa District 1 ng Quezon City! Sinu-sino ang mga nasa larawan?
A: Mga ‘di matahimik na kaluluwa dahil malapit na ang eleksyon.
B: Mga public servants na dapat purihin, tularan, at ipagbunyi dahil sa walang pag-aalinlangang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.
C: Mga nag-audition para sa sequel ng Insidious.


5: Dahil dapat lahat ay represented noong Undas, may nagparamdam na party-list group sa isang public cemetery sa QC. Ano kayang meron?
A: Hindi ka ba nasabihan? May taping ng cooking show!
B: Kung hanap mo ay murang cremation, LPG ang solusyon!
C: Anong klaseng tanong ‘yan? Siyempre, Undas. ‘Tapos maraming tao. ‘Tapos may tent. ‘Tapos may nakabalandrang mukha si Congressman. ‘Tapos eleksyon sa 2013. ‘Tapos, tapos na! Ganung kasimple! Hindi naman dapat icomplicate ang mga bagay, ‘di ba?


6: Sa Pandi, Bulacan, hindi magugutom ang mga nagtungo sa libingan. Salamat sa pakain ni Mayor Enrico Roque. Ano ang mensaheng nakasulat sa styro?
A: Eat now, vote later.
B: Ang ‘di susuporta sa halalan, mabibilaukan!
C: Upang lalong ganahan, titigan ang aking larawan.


7: Matapos kumain, kailangan mo ng panulak. ‘Wag mag-alala, ipu-provide ‘yan ng Governor at First Lady ng Laguna! Saan kaya galing ang tubig na ‘yan?
A: Pinagpawisan ‘yan ng mag-asawa kaya dapat ‘pasalamat ka!
B: ‘Yan ang tinatawag na tax in a bottle.
C: Wala akong pakialam kung saan ‘yan nagmula. Ang hindi ko matanggap ay kung bakit kailangang laging naka-display ang pagmumukha ng dalawang ‘yan!


8: Sa bayan ng Nasugbu sa aking home province of Batangas, ito ang makikita. Ano kaya ang reaksyon ni San Pedro Calungsod?
A: “Sino ba ang Santo? Ikaw o ako? Bakit mas malaki pa ang picture mo?”
B: “’Wag kang mag-alala Lerma. Ipagdarasal kita. Ipagdarasal kong matalo ka!”
C: “Huwag mo ‘kong gamitin sa kampanya. Hindi kita kilala!”


9: Pasyal naman tayo sa isang sementeryo sa Tarlac at maki-join sa kanilang party. Ano ang masasabi mo sa epal tarp na ito?
A: “Haloween” your face! Wrong spelling wrong!
B: “Ano ang nasa dako pa roon/ Bunga ng malikot na pag-iisip / Likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan…”
C: To be fair kay Bokal, effortless ang Halloween costume n’ya!


10: Balik tayo sa Parañaque. May nagpaparamdam. Basahin natin ang mensahe ng dating kongresistang si Ed Zialcita. “Undas 2012 Compliments of EDZA”
A: So, ikaw ang nagbigay ng Undas 2012?!? Creation mo? Hiyang-hiya naman kami sa ‘yo! Salamat naman sa holiday!
B: Zir, zuper liit naman ng picture mo za ztreamer. Zayang ang zpace. Zana nilakihan mo pa para zure na maza-zight za zementeryo.
C: Saan kaya natin siya sunod na makikita? Sa Coaztal Road, sa Zouth Luzon Exprezzway o sa Z-5. Your guezz iz az good az mine. lolz

For those who missed:
The Epal Quiz 1
The Epal Quiz 2
The Epal Quiz 3
The Epal Quiz 4
The Epal Quiz 5
The Epal Quiz 6

————————
Attention whore: Label given to any person who craves attention to such an extent that they will do anything to receive it.
~Urban Dictionary

Enjoy the rest of your long weekend!

Maraming salamat sa mga larawang ginamit sa post na ito:
Epal Watch, No More Epal on Facebook, Doland Castro, Noel Alamar, Dennis Obsuna, Sha Risse, Erwin Aguilon, Sonny De Leon, Dexter Estacio, JL Guevarra and Jay Bernardo.

If you’d like to send your own photos of epaliticians for the next Epal Quiz, you may send it here: epaliticians@yahoo.com. Or you may contact Epal Watch. Thank you.

About these ads

Actions

Information

9 responses

3 11 2012
Nancy Avelino

Can’t stop laughing while reading this!

3 11 2012
art

tamaan sana ng kidlat ang mga mapagsamantalang epal, epalaman sa tinapay at ipakain sa kapwa nila buwaya…..

4 11 2012
albert rodriguez (@zillianisms)

FTW ito: B: “Ano ang nasa dako pa roon/ Bunga ng malikot na pag-iisip / Likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan…”!!!

5 11 2012
rain

My favorite Epal Edition! lol

5 11 2012
Timow

1. A,
2. any of the choices, (basta’t alam mo yung IP address nila, huli na sila)
3. B or C
4. C
5. A or B (Si Cong. Ty yata ang hidden aide ni Chef Boy Logro. / Naman!)
6. B (Hanggang may EPAL sa styrofoam, may food poisoning)
7. B
8. A
9. A or C (Aswang ang sinusuot ng EPAL!)
10. B or C (Zuper dizlike, oh my gozh!)

* * * * * * * * * *
Tapos na ang Undas weekend! Get serious naman tayo against EPALS ngayong Pasko’t Bagong Taon! Santa Claus knows how to check the list of aspiring and sitting pulitikos twice. Who is naughty or who is nice? Better watch out.

6 11 2012
C.Seamus Hermoso

Panalo to!
“Meanwhile, in Parañaque City. Free WiFi daw! Ang tanong:
A: Gagana ba ‘yan sa sementeryo? ‘Di ba dead spot ‘yon?”

malamang walang internet o social awareness yang mga yan, trending na nga ang EPAL Watch sa net eh. (or manhid lang talaga)

6 11 2012
lara

mas nakakatakot pa sila sa mga patay, susulpot na higit pa sa isang kaluluwa. lels!! they find their own way to get the attention of the people for the upcoming election. tsk politics!!

8 11 2012
Election Caroler

I know this is the Undas edition, but it’s never too early to start caroling.

Sing with me now…

“Ang sanhi po nitong litrato
Hihingi po ng inyong boto
Kung sakaling kami’y perwisyo
Pasensya na kayo kami’y tumatakbo!!!”

12 11 2012
Deelight

panalo!!!hahaah

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 109,355 other followers

%d bloggers like this: