ANG ALAMAT NG PEKENG PARTY-LIST GROUP

20 10 2012

ISANG ARAW, nagising si Congressman Mando Rugas dahil sa napakasamang panaginip.


“Matatapos na nga pala ang termino ko sa Mayo. Paano na ang mga negosyo ko? Paano na ang komisyong nakukuha ko sa pinondohang mga proyekto? Paano na ang lobby money na kikitain ko? Paano na ang pamilya ko? Paano na ang mga inaanak ko? Paano na ang mga kababayan ko? Kawawa naman sila!” ang pag-aalala ni Congressman.

Hindi na kasi ito qualified for reelection kaya’t pagka-gobernador naman ang kanyang tatakbuhan. Matagal nang nababalitang hiwalay si Congressman sa kanyang misis kaya’t atubili siyang pakiusapan na ito ay kumandidato.

Worried ang mambabatas dahil hindi pa siya lubusang nakakabayad ng utang na loob sa mga illegal loggers, jueteng operators, at drug lords na malaki ang naging ambag sa kanyang campaign chest noong nakaraang eleksyon.

“Aha! Si Junior na lang! Tama! Si Junior na lang ang papalit sa akin,” ang nakangiting sabi ng kongresista.

Ngunit si Junior ay hindi naman gaanong kilala sa kanilang distrito. Lumaki at nag-aral ito sa Maynila at mas hilig nito ang mag-party at mag-travel. Mahihirapan siyang manalo kung tatakbo sa Kongreso.

“Aha number 2! Tama! Party-list! Party-list na lang!”

Naisip ni Congressman, tiyak na wala pang kumakatawan sa mga taong binubuni, ina-an-an, inaalipunga, ini-eczema, hinahadhad at ginagalis sa Pilipinas. Besides, nakakalat sa buong bansa at maging sa ibayong dagat ang potential constituency ni Junior.

“Aha number 3! Tama! Sila na lang ang magiging constituents ni Junior. Sa totoo lang, marginalized sector naman talaga sila ‘di ba? Iniiwasan, pinandidirihan, at nilalayuan sila ng lipunan. ‘Yan ang depinisyon ng marginalized, right?”

Tinawag ni Congressman ang kanyang mga loyal supporters upang lumikha ng pangalan para sa bagong party-list group. Ilan sa mga mungkahi ang sumusunod:

1-An-anin, Atbp.

1-Aba Eh Galis! (1-An-an Buni Alipunga Eczema Hadhad Galis)

1-SKIN (Sakit Kailangang Itigil Natin)

1-E-BAHAG (1- Eczema – Buni Anan Hadhad Alipunga Galis)

Pero dahil gusto ni Congressman na medyo modern-sounding at may mass appeal ang binubuong party-list group, ito ang napili niyang pangalan:

1-ANSABE! (Alyansa ng mga Nilalayuang Sakitin sa Balat… Eeeew)

Medyo pilit pero puwede na.

Sa wakas, nabawasan ang pag-aalala ni Congressman Mando Rugas. Tuloy ang ligaya sa Kamara!

Umaasa ang kongresista na magkakaisa ang “constituents” ni Junior sa buong Pilipinas upang iluklok sa puwesto ang boses ng maliliit na taong may sakit sa balat.

“Mabuhay ang mga binubuni! Mabuhay ang mga ina-an-an! Mabuhay ang mga ginagalis! Mabuhay ang mga hinahadhad! Mabuhay ang mga ini-eczema! Mabuhay ang party-list system sa Pilipinas!”

At ‘yan ang alamat ng party-list group.

Ansabe?
—————————————————————–
“Greed is a bottomless pit which exhausts the person in an endless effort to satisfy the need without ever reaching satisfaction.”
~Erich Fromm

Quote of the Day
“Thank you Lord for the blessings today. I can now pay for my scholars’ tutition fees which were not paid because my PDAF was withheld.”
~Zambales Rep. Milagros ‘Mitos’ Magsaysay via Twitter

Happy weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

15 responses

20 10 2012
bahjoy22@gmail.com

Sent from my BlackBerry® smartphone from Qtel

20 10 2012
Mark

meron bang Katipunan ng mga Kurikong, Kulugo at Kup@l sa Pilipinas?

20 10 2012
Anonymous

eeeeeewwwwwwwww mitos!

21 10 2012
BAROK

Mitos is a classic talking p#*$¥. For all we know di naman nya pera ang ginagastos sa mga iskolar daw nya kundi pera ng taxpayers.

16 01 2013
forvirtuesyouneverhad

In which case, they are government scholars — mga “iskolar ng bayan”, in other words. Nothing wrong with that, dude.

21 10 2012
Libertas

“Politics will eventually be replaced by
imagery. The politician will be only too happy
to abdicate in favor of his image, because the
image will be much more powerful than he
could ever be.”
Marshall McLuhan

22 10 2012
senior60

all the shit that is happening in this world is because of greed

22 10 2012
senior60

mister heckler ang suot ni mando rugas ay hindi pang pilipino

22 10 2012
pcm

Mitos Magsaysay and all elected officials dare call them “my scholars”! KAPAL(KArimarimarim na PAg-aasaL). Pwede nyo lang silang angkinin kung galing sa bulsa nyo, sa sweldo or kinita nyo ang allowances at iba pang grants ng mga pinag aaral nyo. PDAF is NOT(read: N-O-T, NOT) “yours”. Galing ito sa taxes nina Juan dela Cruz. Grrr!

23 10 2012
senior60

disagree naman ako sa iyo pcm, di ba lahat ng sweldo ng mga nasa gobierno ay galing sa taxes nina juan de la cru starting from noynoy? ibig sabihin, hindi nila ito pera?

22 10 2012
iampaolov

Naniniwala akong may-pagasa pa ang Pinas! :D

http://thepaologized.wordpress.com/

23 10 2012
unblemished

ANSABE, FTW!

25 10 2012
Anonymous

Kapal ng fez ni Mitos ah. Ansabe!

21 11 2012
Anonymous

hahaha cloning yata si Cong Mando Rugas..eh naglipana sila sa buong pinas

4 12 2012
anojis4river

@senor60..??? ang labo ng argument mo, syempre pera nila yun kasi sahod nila,pinaghirapan nila yun, they have the every right to own it..pero iba yung PDAF… hindi nila pwede angkinin yun..ang sinasabi lang dito ay inaangkin ni mitos na scholars nya ang mga scholar na pinopondohan ng PDAF e di naman sa kanya ang PDAF, taxes yan ng mga Filipino pipol, ngyon kung gusto nyang tawagin na “scholars” NIYA ang mga yun e dapat galing sa sarili nyang bulsa ang gastusin nya for them, for example yung sahod nya na galing din sa taxes natin ang ibibigay nya mismo sa mga scholars na yun. sana nagest mo na,,, hay///

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,636 other followers

%d bloggers like this: