THE EPAL QUIZ V

7 10 2012

THEY WANT ATTENTION, we’ll give them attention. For free. This is the fifth in a series of anti-epal ‘quizzes.’ Enjoy!


1: Sa Parañaque, ganito ang makikita sa waiting shed. Batay sa larawan sa ‘taas, sinong konsehal kaya ng lungsod ang may pakana nito?
A: Ang hirap naman ng tanong. Wala bang clue?
B: Can I call a friend?
C: BB Gandanghari


2: Ito ay kuha sa Pasig City kung saan alkalde si Roberto Eusebio. I wonder kung ano ang ibig sabihin ng letter ‘e’ sa lamppost at sa gate ng pampublikong gusali. What do you think? Ano kaya ‘yong ‘e?’
A: Hmmm, feeling ko ‘entrance.’ Kaya nga nasa gate eh, kasi ‘e’ is for entrance. ‘Yong nasa lamppost naman, baka elaw. Upang magliwanag ang lungsod, dapat elawan.
B: Pucha, pilit na pilit naman ‘yong ‘entrance’ at ‘elaw.’ Sa totoo lang, ‘e’ stands for ‘education.’ Alam mo naman si mayor, labis-labis ang pagpapahalaga sa edukasyon.
C: Mga plastic! Prangkahin n’yo na! Those Es stand for Eusebio. Bakit? Sina HB at SB lang ba ng QC ang pwedeng umepal? Hindi! Walang may monopolyo ng kaepalan!


3: Hindi lang sa Pasig City may pautot na ganyan. Sa Cebu, kung saan gobernador si Gwendolyn Garcia, may e-GWEN Highway naman. May gusto kang itanong?
A: What the f*ck is e-GWEN Highway? Electronic ang kalye?!? May free wi-fi?!?
B: Sino ba si e-GWEN? Kamag-anak ba ‘yan ni e-LOAD?
C: Allowed ba sa batas ‘yon? Humihinga pa, may nakapangalan nang kalsada!


4: Sorry daw for the inconvenience. Bakit nagso-sorry ang congresswoman mula sa Bulacan?
A: Eh kasi nga, mas malawak pa ang kanyang pangalan kesa sa proyektong ipinangangalandakan.
B: Nag-sorry siya dahil medyo dull ang signage. Nalimutan kasi niyang maglagay ng malaking picture katulad ng ‘sang ‘to.
C: Bakit nga kaya e-GWEN ang pangalan ng highway na ‘yon sa Cebu? Sorry, nasa No. 3 pa rin ang utak ko.


5: Isa siya sa mga kandidato ng UNA for senator. Ano ang masasabi n’yo sa larawan at pangalan n’ya sa katawan ng bus?
A: Sobrang liit. Hindi makita, hindi rin mabasa. Lakihan pa sana.
B: Hiyang-hiya naman sa kanya si Claire De La Fuente.
C: Nasaan ang bus? Wala akong makita!


6: Sa dating balwarte ni Ate Vi, may ganitong karatula. Ano ang nais iparating ng nakasulat?
A: Wala lang. Winelcome lang niya ang sarili niya. Miss na raw niya eh.
B: “May budget kami para sa mahabaaaaaaaaaaaaang tarpaulin at mahaaaaaaaaabang pangalan ko. Walang pakialaman.”
C: “‘Pag ‘di n’yo pa naman ako napansin, ewan ko na lang!”


7: Basahin ang nakasulat. Ano ang ibig sabihin ng “Through the Initiative?
A: Mahiya daw kayo sa kanya. Siya raw ang lumakad upang magkaroon kayo ng bagong kalsada.
B: Almost election na. Alam n’yo na!
C: “Through the initiative!” In Tagalog, “utang na loob.” Kung ‘di dahil sa kanya, wala kayong basketball court. Tandaan n’yo ‘yan!


8: Happy Fiesta! Kuha ito sa Jaro, Iloilo City. Sino ang nasa larawan?
A: Siya ang mahal na patron ng kapistahan.
B: Siya ang gumastos sa banda at sa pamisa. ‘Wag nang magreklamo.
C: Kung maka-pose naman si Konsehal! Ano ba ‘to? Pagbati sa fiesta o poster sa kampanya?


9: Ayon sa tarp, si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog daw ay may PhD in management. At take note huh, UNO sa oral defense. Anong say mo?
A: ‘T@ng-in@! Anong pakialam namin!?!
B: Isa lang ang masasabi ko: bagay kay mayor ang apelyido niya!
C: Wala kayo sa mayor namin! Ang mayor namin… Best in HEKASI noong Grade 6. Tse!


10: Sa Valenzuela City, ito ang nasa cover ng mga aklat. Question: Ano sa palagay n’yo ang pamagat ng libro?
A: Papansin 101: Isandaan at isang paraan ng pagpapa-pogi sa nasasakupan
B: Starting Them Young: Unang Hakbang sa Kaepalan
C: Ang Aklat na Parang Kape Lang: Kampanyang 3-in-1


11: ‘Join Us Now. Obtaining No to Geothermal Exploration.’ Ano ang mensahe ni Mayor?
A: We wouldn’t gets, isn’t it? The message is truly ugly relaying as concept ideas.
B: Because the colors of each acronym letters is to matched the inicials of the mayor in the incumbent. Cleared?
C: Its not the errored grammar thats important. Its the thought that counts moreover in Christmas.
D: (Yes, for the first time, may letter D sa choices!) Punyeta. Eepal din lang, ayaw pang ayusin. Kainis!
———————————
“A good advertisement is one which sells the product without drawing attention to itself.”
~ David Ogilvy

BREAKING:
President Aquino has made peace with the MILF. When will he make peace with Cybercrime Law oppositors?

Quote of the Weekend
“The Supreme Court will reject the law because under the vagueness doctrine, it provides for punishment, without specifying what conduct is punishable and therefore, the law is void because it violates due process.”
~Sen. Miriam Defensor-Santiago on the Cybercrime Prevention Act of 2012

Elsewhere
RH bill, Ateneo, and La Salle: Of lemons and cowards - The controversial editorial of UST’s official student publication, The Varsitarian

For those who missed, here’s the petition filed by bloggers and netizens vs the Cybercrime Law last Thursday

Have a safe, productive and FREE week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

For the epal photos, maraming salamat:
Epal Watch, No More Epal (Facebook), Nazareno See, Gerry Rodriguez, Pedro Benjo De Guzman, Cathy Abanador, Que Castillo, and Orland Labausa. For submissions, email them at epaliticians@yahoo.com. Thank you.

About these ads

Actions

Information

25 responses

7 10 2012
Percy Reyes (@percypreyes)

QUIZ V ANSWERS:
#1 – Isang politico na hindi alam kung saan patungo – - Kaliwa o Kanan – LITONG-LITO!
#2 – Eh, e GNORANT
#3 – Eh, e XPENSIVE GWEN HIGHWAY!!
#4 – Na-inconience yung mga residente dahil inisip kung anong kahulugan ng “HON” hidi kasi nilagay HON=> Horribly Objectionable Nname LINABELLE RUTH!!
# 5 – MITOS => My Intent Totally Offend Sensibilities!!
#6 – Hindi pa siya WELCOME sa mga taga-Lipa kaya siya na lang nagWELCOME sa sarili!!!
#7 – Para maINITIATE na ang tongpats!!!
#8 – Mali ang dinig ng gumawa ng tarp dapat “PESTE”, “HAPPY PESTE”!!!
#9 – PhD => Pihong hilong Defense . . kasi GRADE 1.0 lang.. DAPAT 100.0 ang GRADE!!!
#10 – “Uulit ng English Subject” kasi English 2
#11 – “Manatili Sa Dilim Ang Bayan Natin”

7 10 2012
Grace

Grabe! Wala talagang tatalo sa politicians natin. :-)

7 10 2012
The Urban Nomad

I was supposed to upload the ‘Benjo Bernabe’ photo of the shed. May kuha rin ako ng exact shed na yan. Reason why he couldn’t post “Councilor” sa shed is because that area where the shed is located is already BEYOND his jurisdiction as a councilor. Ginu-groom siya ng tatay niya to run for Mayor this election. His face and name is everywhere in Paranaque it’s already an eye sore.

7 10 2012
anonymouse

Iba ang dating ng ORAL ni Mayor Mabilog … kung nakita nyo lang ang mga hitsura ng mga nag ooperate ng elevator ng iloilo city hall …. maiintindihan nyo

11 10 2012
pasingit

huh??! ano ba hitsura nila? mga gwapings ba o chichings?
u mean to say ino-”oral exam” sila ni mayor epal?

8 10 2012
Tessie Aguirre Santos

This is an offensive self aggrandizement technique resorted to by these sociopath politicians at the expense of people’s taxes. I’m sure only a few of the common Tao can understand the hidden agenda behind the ads. I’ve seen C. Escudero’s humongous picture in buses plying the metro Manila streets endorsing some kind of product. Prof. Heck, you missed this one!

8 10 2012
Bongbong Legaspi (@bong_bong_bong)

Kakambal ata ni Ryan Chua si Vice Mayor Eric Martinez.

11 10 2012
jofabs

Mas kamukha ni Ryan Chua si Tesda Joel “nag alangan” Villanueva

8 10 2012
Libertas

Designer toilet rolls are popular – golf, jokes, dollar bills, crosswords etc.
Someone should produce one of top offending epal politicians. At least then they would be doing something useful.
‘Take a swipe as you wipe’

8 10 2012
dolagarcia

Reblogged this on Dola The Explorer.

8 10 2012
senior60

sa lahat ng kaepalan, yang nasa libro na yata ang pinaka walang hiya

8 10 2012
Libertas

A closed society produces closed minds. That may suit the power hungry zealots in malacanan and the oligarchs but the price for the rest will be high.

“The most expensive thing you can own is a closed mind”
unknown

8 10 2012
Timow

1. A
2. C
3. A (beware of libelous rants within the highway o ikukulong ka ng 12 taon)
4. A
5. B
6. B
7. C
8. B
9. A
10. A
11. D

* * * * * * * * * *

Uh, don’t forget, EPALS are also lemons and cowards. It’s time to follow the law and they shouldn’t be above the law.

9 10 2012
Libertas

Doj lawyer – “all sex is for favour”. Speak for yourself, and de lima.

9 10 2012
big george

maiba naman… mukha ba silang active internet users? http://www.abs-cbnnews.com/image/images/10/08/12/pro-cybercrime-law-rally-senate

9 10 2012
bagotilyo

This is an eye opener…

Pero bat parang bulag pa din ang mga politikong iyan?.. hahha

10 10 2012
Anonymous

dagdag mo pa dyan yung mga nakabalandrang mukhang ng mga politiko sa id ng public schools, diploma, cert, business permit, toda plates etc etc etc. Hay buhay

11 10 2012
Jelm Luistro (@jhelmmy)

akala ko yung “e” ni Eusebio logo ng internet explorer ng Microsoft Windows. :D

14 11 2012
Anonymous

Hahaha, natawa namanako dito. :-D

11 10 2012
unblemished

Natawa naman ako sa e-Gwen highway. E-votes nalang din ibibigay namin sa kanya.

12 10 2012
Arjay (--,)

Uu, tawa din ako ng tawa don. :)

11 10 2012
KhyeLA ヅ (@KhyeLA)

naku! kung gagawin ko to na localized version — buhay ang nakataya… WHACK NA!

12 10 2012
Anonymous

nagkakamali ako ng bigkas ng surname ni mayor PHD.. dapat dahan dahan bigkasin… halata sa mkuha kasi.. hehe

18 10 2012
manicprincess07

Nagsawa na nga ko sa mukha nya nung nsa Iloilo pa ko nakatira. kahit san ka lumingon nandun ang mukha nya.

20 10 2012
Joel M. Arceo

#Alam na.. eleksyon n nman eh.. pakulo nyo.. sari-sari…

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,392 other followers

%d bloggers like this: