FILING OF COCs: A TRAPO PRIMER

28 09 2012

THE FILING OF certificates of candidacy for the May 13, 2013 national and local elections is scheduled on October 1-5. Expect a circus in Comelec offices nationwide starting Monday.

To confuse you on this important poll-related activity, here’s the Trapo Primer on the filing of COCs originally drafted by a special committee composed of distinguished individuals: former Senator Armando Rugas Sr., Congresswoman Amanda Raya, Governor Melissa Kim, Atty. Francisco Racot and Commissioner Nina Cao. Please be guided accordingly.


Sinong pwedeng tumakbo sa 2013 elections?
Kahit sino. Basta malakas ang loob, nasa tamang edad, at may sapat na pondong pwedeng ipambili ng boto at ibayad sa watchers. Tandaan ang Golden Rule: Those who have the gold make the rules.

Bakit ka dapat kumandidato?
Dahil malakas ang clamor. Ano ba ‘yong clamor? Nakakain ba ‘yon? Basta! Kung malakas ang clamor na maglingkod sa bayan, sige lang. Lagi namang gano’n ang reason ‘di ba? Clamor! Kahit ‘di alam kung ano ang clamor, ‘yon pa rin ang ginagamit na dahilan sa pagtakbo. Pakapalan lang ‘yan ng mukha, patibayan ng sikmura at palakasan ng… clamor. Makakatanggi ka ba do’n?

Pwede ba akong tumakbo kahit nasa puwesto pa ang tatay ko, ang tiyo ko, o ang pinsan ko? Hindi ba political dynasty ‘yan?
Kalokohan! Basahin natin ang Section 26 ng Article II ng ating Saligang Batas: ‘Declaration of Principles and State Policies.’ Basa… “The State shall guarantee the equal access to opportunities in the public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Ang linaw ‘di ba? Bawal ang political dynasty. Pero may sumusunod ba? Walaaaaa! ‘Wag kang magpakabayani. Don’t be the exception to the prevailing rule. Bastusan ng batas ang uso, maki-ride ka na lang. Gusto ko happy ka!

Beinte-kuwatro anyos lang ako. Tapos na ang termino ng daddy ko. Wala namang interes sa pulitika ang mommy ko. Ako ang pinapatakbo nila kahit wala akong alam sa pulitika. Anong dapat kong gawin?
Walang hinangad na masama ang magulang para sa kanilang anak. Para sa kapakanan mo rin ‘yan at ng buong angkan. ‘Wag mag-alala. Sobrang bilis ng three years. After one term, balik-pwesto si Daddy. ‘Yon eh kung ‘di ka maa-addict sa kapangyarihan.


Kinukuha akong guest candidate ng Ahead Party. ‘Tapos may offer din sa akin ang Liberated Party na maging guest candidate. Hindi ba masama ‘yon? Hindi ba pamamangka sa dalawang ilog ‘yon?
So anong gusto mong palabasin? Na magaling ka? Na pinag-aagawan ka? Na bukod-tangi kang pinagpala? Baka kasi winnable ka. Sa panahong ito, winnability ang pangunahing criteria sa pagpili ng kandidato. Kahit mahusay at matino ka pero nasa dulo ka ng survey, mag-quit ka na lang. Siyempre, hindi susugal sa mahinang kandidato ang mga financiers at sources of funds.

Handa akong gumastos ng malaking halaga manalo lang ako bilang congressman. In case na palarin, mababawi ko ba ang nagastos ko?
Is the Pope Catholic? Sabi nga sa commercial, “Once you pop, you can’t stop!” Two words: pork barrel! Kaching! Kaching!

Natalo ako sa pagka-mayor sa isang siyudad sa Metro Manila noong 2010. Pwede ba akong tumakbo sa probinsya kahit HINDI naman ako doon isinilang, lumaki, nag-aral at naninirahan?
1: Why not? Kung tagaro’n ang lola mo; ang tiyahin ng lola mo; ang kapatid ng tiyo ng best friend ng pinsan mo, o ang dating s’yota ng kapitbahay ng kinakapatid ng kinakapatid ng kinakana ng manyak mong lolo, go!
2: One year residency lang ang kailangan sa batas. Kung isang taon bago mag-eleksyon ay nagtayo ka ng maliit na sari-sari store o kaya ay nagpagawa ka ng kubo para sa tagapag-alaga ng binili mong baboy at kambing, puwede na ‘yon!
3: Additional tip. Don’t just express. Impress. Mag-aral ka ng ilang words and phrases sa tatakbuhan mong lugar para ‘di naman obvious na bagong salta ka. Halimbawa: kung tatakbo ka sa Bicol, dapat alam mo ang phrase na “Lusi mo!” Kung sa Ilocos naman, sabihan mo ang mga tao, “Nabangsit ti butom! Ukininam!” Sa Negros, dapat kabisado mo ang “Iyot mo!” At kung sa bandang Cebu ka naman, aralin mo na ang linyang, “Pisti kang yawa’a ka!” Sakaling mabugbog ka, ok lang ‘yon. Everybody loves the underdog.

Kung ma-disqualify ako ilang araw bago ang eleksyon, ano’ng dapat kong gawin?
Maganda ba ang asawa mo? Makinis? Artistahin? Solb! Patakbuhin mo siya. Pwede ka namang maging chief of staff sakaling siya ang manalo. ‘Di lang ‘yon! Walang batas na nagbabawal na ilagay ang mukha mo sa billboard at tarpaulin. Makakatipid pa kayo dahil 2-in-1 ang mga tarpauling ikakalat n’yo sa buong distrito.

Paano kung ang asawa ko ay hindi maganda, hindi makinis at walang aurang artista?
Pera! Kung siya ay mapera, walang problema. Hindi lahat nadadaan sa ganda. ‘Wag kalimutan ang Golden Rule.

Eh paano kung ‘yong asawa ko, hindi na maganda, hindi pa rin mapera, manalo kaya siya?
Matalino ba siya? May taglay na charisma? May chance siya!

What if ang asawa ko hindi maganda, hindi mapera, walang masyadong utak, at walang charisma?
Bakit mo siya pinakasalan? Mag-concede ka na.


Ano ang dapat kong isuot sa filing ng COC?
Wala sa panlabas na anyo ang paglilingkod. Ito ay nasa puso at isipan. Ito ay kusang mararamdaman ng taumbayan. Pero kung epal ka talaga at gusto mong mapansin, try mong magsuot ng black sheer bodice dress ni Monique Lhuillier. Tiyak na pag-uusapan ka dahil mukha kang tanga!

Sino ang dapat kong isama sa pagpa-file ng COC?
Kung pamilyado kang tao, dapat nandun si mister o si misis para mag-project ng image na maayos ang married life n’yo kahit hindi. Kailangang ma-inspire ang masa sa ideal n’yong pagsasama. A year or two after ng eleksyon, saka na lang kayo umaming hiwalay na.

Important: ‘Wag kalimutang isama ang inyong mga anak sa pagpa-file ng kandidatura. Bagamat in reality ay mas close sila sa kanilang mga yaya, higpitan ang yakap sa mga ito lalo na kung may camera. Remember: the family that files COCs together will appear in tomorrow’s newspaper. Exposure!

Kung nalimutan kong mag-file ng COC, pwede bang humiling ng extension?
Hiyang-hiya naman sa ‘yo ang Comelec. Hindi! Epal ka!

Good luck!
———————————————
“There were so many candidates on the platform that there were not enough promises to go around.”
~ Ronald Reagan

It Figures…
18,022: Number of elective posts that are up for grabs for the 2013 polls
172: Number of party-list groups vying for seats in Congress
Source: Comelec

Quote of the Day
“I want to erase the doubt of the last three fights. There’s so many people still asking if I won the fights. I think to myself, ‘Something is wrong. I have to do it again.’”
~Manny Pacquiao on fighting Juan Manuel Marquez (Via ESPN)

Epal Quiz V
For submissions, email me at epaliticians@yahoo.com. Thanks!

Have a safe and romantic weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Eddie Gil Photo: Newsflash.Org]

About these ads

Actions

Information

9 responses

28 09 2012
Libertas

“Two political candidates were having a hot
debate. Finally, one of them jumped up and
yelled at the other, “What about the powerful
interests that control you?” And the other guy
screamed back, “You leave my wife and mistress out of
this!”
Unknown

Q. What is the difference between a Liberal and a puppy.
A. A puppy stops whining when it grows up.

28 09 2012
Libertas

“You have all the characteristics to be a popular politician: a horrible voice, bad breeding, no principles, and a vulgar manner”
Aristophanes

“Too bad that all the people who really know
how to run the country are busy driving taxi
cabs and cutting hair”
George Burns

28 09 2012
walalang

Dapat pala gawin kang Comelec Commissioner PH. Galing. Di pa man humabol mag-concede na yung walang qualifications.

28 09 2012
Libertas

The 7 habits of highly effective trapos

1. File and smile – make it a family affair (but send mistress/2nd wife on a holiday)
2. Photos and promos (t-shirts , videoke, and posters everywhere! paid product endorsements a double win)
3. Amuse and confuse (life story with bad jokes,crocodile tears, endless promises)
4. Lie and deny (any opponent claims – ‘political harrassment’)
5. Thank and bank (thank PCOS machines, grab pork barrel/contract kickbacks – Offshore account essential)
6. Pay and play ( pay off debts/favours, get better house, car, mistress)
7. Wine and dine ( its all free now, but learn table manners/social etiquette)

2 10 2012
Timow

True. It’s all fun and games, Libertas. Until the end, we are like dusts. Bring a pinata and let see who’s the boss now.

28 09 2012
senior60

hahahahanag pause talaga ako for a few minutes para gunitain kung mayroon bang senator na rugas sr., akala ko nagka senior moment na ako, kaya go ahead ako sa pagbasa hanggang umabot kay comm. nina cao hahahaha

29 09 2012
joyce

i like it…

30 09 2012
Anonymous

i can just imagine the annabelle “pinanah” rama circus when she files her COC.

1 10 2012
Libertas

LP announce social media going to be their main messaging channel to voters – very predictable. They can peddle lies and no-one question them under fear of cybercrime law.
Very calculating and very despicable. Hitler would be proud.
40 years and no lessons learnt or progress made.
Am disgusted at such self-interested lowlife .

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,392 other followers

%d bloggers like this: