THE EPAL QUIZ IV

19 09 2012

IT WILL NEVER be an easy task. We’re up against a culture of shameless self-promotion involving influential and powerful personalities. But as recent developments have shown, impossible is nothing. Some people say the anti-epal campaign is just a fad. Let’s prove them wrong.

Here’s Part 4 of our series of ‘epal’ quizzes. Pencils up… good luck!


1: Mula sa lalawigan ng Camarines Sur, ano ang kinalaman ng mag-amang nasa larawan sa libreng pagpapaanak?
A: Personal savings nila ang ginamit sa proyekto; palakpak naman kayo!
B: Sila ang automatic na ninong ng mga sanggol na isisilang
C: ‘Yong nasa kanan, eksperto sa raspa; ‘yong nasa kaliwa naman, may background sa panghihilot


2: Sa Antipolo City, may medal ang mahuhusay na estudyante. Salamat kay Mayor Nilo Leyble! Ano kaya ang ginawa ng honor student pag-uwi sa bahay?
A: Sumuka. Hindi kinaya ang nakita niyang pangalan at mukha sa medalya.
B: Tinangkang isangla ang medal pero walang pawnshop na tumanggap.
C: Lumuhod sa harap ng altar at naglabas ng sama ng loob: “Lord, nag-aral naman akong mabuti. Pero bakit ito pa ang inyong iginanti?


3: Bakit may pangalan ng alkalde ng Quezon City sa government-owned truck?
A: May space eh, sayang naman. Minaximize na lang.
B: Alangan namang pangalan mo ang ilagay. Mayor ka ba?
C: Inggit ka? Bumili ka rin ng truck!


4: “Road Drainage Improvement” Basahin ang huling linyang nakasulat sa karatula. Ang sabi: “Buwis na Binayaran, Para Sa…”
A: Malaking pangalan!
B: Malinaw na kaepalan.
C: Wala akong pakialam. Ang gusto kong malaman, nasaan ang drainage project? Nasaaannn!!!!


5: “TWO HUNDRED PESOS ONLY Serbisyong Suarez Health Coupon: Lingap Kalusugan Para sa Quezonian.” May gusto kang malaman?
A: Para sa kalusugan ba ‘yan o para sa halalan?
B: Two hundred pesos? Hanggang saan aabot ang 200 pesos?
C: May discount ba sa drug store kapag ipinakita ang mukha ni Governor?


6: Wow, bagong pintura ang waiting shed. Anong say mo?
A: Wala na akong masabi! Umeepal pati kapre!
B: Grabeng accomplishment naman ‘yan. At take note: ipinangangalandakan! Hiyang-hiya naman kami sa inyo.
C: Nakikibasa ka lang! Kung ayaw mong sumilong, magtiis ka sa ulan!


7: Ano ang reaksyon mo sa ipinamahaging relief goods ni Valenzuela City Councilor Adrian Dapat?
A: Wow! Ano ‘yan? Bagong brand? Available pa kaya sa market?
B: Pwedeng kumanta na lang? 1, 2, 3! Mula asukal hanggang toyo, saan ka man may sardinas tayo. Isang libo’t isang tuwa, Valenzuela, na-bulaga!
C: ‘Buti na lang hindi sanitary napkin ang ipinamigay n’ya. Imagine, gagamitin ni Ate ang pasador ‘tapos nandun ang mukha niya?! Awkward.


8: Titigan ang pader: Nababasa n’yo ba ang pangalan nina Parañaque COUNCILOR – B E N J O – B E R N A B E at M A Y O R – JUN – B E R N A B E?
A: ‘Asan? ‘Asan ang mga pangalan? Meron ba? Wala akong makita.
B: Aping-api naman ‘yong dalawa. Sana nilakihan nang konti para mabasa.
C: Naman! Kahit yata sa ibang planeta o sa kalawakan, visible pa rin ‘yang kaepalan na ’yan.


9: Basahin muna ang nakasulat sa streamer. Ano ang nararapat na caption sa larawan?
A: Patay tayo d’yan!
B: Nagdadalamhati o Nagpapa-pogi?
C: Kasama n’yo kami sa kalungkutan; samahan n’yo kami sa halalan.


10: Kuha sa Angeles City, Pampanga. “Boses ng kababaihan.” What say you?
A: Boses ng kababaihan o boses ng kaepalan?
B: Faceless pa, shameless na!
C:Let’s play Pinoy Henyo! Tao ba ‘to? OO! Pulitiko? Pwede! Babae? OO! Babaeng pulitiko? OO! Epal? Tumpakerkerz!!! (Kayo ang pasok sa jackpot round!)

Quote of the Day
“Wouldn’t it be good if the energy & effort spent in going after epal streamers were equally spent in highlighting good works? Dont’t get me wrong, I’m for the anti-epal movement & am happy that it has caught on. I just think there are other aspects to citizen vigilance.”
~Customs Commissioner Ruffy Biazon

IN OTHER NEWS…
The latest SWS survey showed 7 of 10 traders see less corruption in government offices. The other 3 were more realistic.

Trillanes vs. Enrile
Senate President Juan Ponce Enrile and Senator Antonio Trillanes had a heated debate Wednesday afternoon on the latter’s role as a backdoor negotiator of the Philippines with China. Trillanes called Enrile, “a bully.” Enrile called Trillanes “a fraud.” Beijing called and said, “Great!”

Nueva Camarines
Sen. Antonio Trillanes accused Sen. Juan Ponce Enrile of exerting efforts to railroad a proposed bill that will divide the province of Camarines Sur after allegedly receiving a call from former President Arroyo who was supportive of the measure. And Mrs. Arroyo was like, “Shabi na nga ba ako na naman eh. Buti na lang i have braced myshelf up for this messsh.”

Fliptop Battle Special Edition: Enrile vs. Trillanes
Juan Ponce Enrile:

Ang dami mong satsat, ang dami mong yakyak
Kapag nasukol naman, umuurong ang bayag
Noong una sa Oakwood, ngayon naman sa Senado
Walkout ang drama mo boy, iwas-pusoy sa argumento!

Antonio Trillanes IV:
Manahimik ka d’yan tanda baka ‘di ako makapagpigil
FYI: walang walkout; kailangan ko lang juminggle
Umamin ka na kasi, nag-usap kayo ni Arroyo
Kahit kailan balimbing ka, diretso ka sa impyerno!

Enrile:
Dahan-dahan ka boy sa iyong pananalita
May gatas ka pa sa labi, meron ka pang muta
Ano ‘to, coup d’etat sa Senate presidency?
Baka mapahiya ka lang, wala kang kakampi!

Trillanes:
Ah leche, basta… no to Cam Sur 2!
Ito ang usapin, ‘wag mong iligaw ang isyu.

Enrile:
Takot ka lang boy ‘pag China ang paksa
Bobo ka kasi, binenta mo ang bansa!

Trillanes:
Break it down!

Enrile:
O, walkout ka na naman!

Trillanes:
Break it down!!

Enrile:
Fraud!

Trillanes:
Break it down!!!

Enrile:
Coward!

Trillanes:
Ah ganun?! Fake 1972 ambush!
1980s coup d’etat!
May 1995 dagdag-bawas pa!

Enrile:
Fine!
Break it down!
————————————————————
“Hypocrites get offended by the truth.”
~Jess C. Scott, Bad Romance: Seven Deadly Sins Anthology

Enjoy the rest of the week!

Personal:
Many thanks again to the following for the images used here: Epal Watch, TaoPo.Org, Epal Alert on Facebook, Simpleng Garapal,  @oehreyes, Dr. John Ortiz Teope, Support Anti-Epal on Facebook, Linkyuu Sho Mai, Mai Urduja, Rommel Tiongco, Maki Nito, and Jonathan Jingco Cayanan

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

30 responses

19 09 2012
Malu

Hahaha, break it down, thumbs up Professional Heckler. Take care :)

19 09 2012
ck

Mayor RJ Echiverri? Assuming ba? E barangay captain pa lang siya ngayon. Paano na kung naging mayor na talaga siya?

19 09 2012
Carl

but mind you, biazon was there, EPALling with joev villanueva, risa hontiveros, and other dilaw zombies when they visited flood-stricken residents in the metro. Yellows distributed noodles with a yellow ribbon. Anong pael ng customs comm sa lakad ng pangulo sakay ng 6×6 truck????

20 09 2012
Timow

1. B.
2. B.
3. C.
4. A.
5. C.
6. A.
7. A or B
8. B.
9. C.
10. C.

* * * * * * * * * *
A former rebel senator fighting a dirty ol– *censors for the sake of dignity*, everything goes awkward sa Senado over the disputed territory. Plus, may sideline. Sinong kakampi mo: si Trillanes or si Senate President Enrile?

22 09 2012
senior60

depende timow, kailangan muna natin malaman kung ano ba ang napag-usapan ni trillanes at ng mga chinese

20 09 2012
Libertas

Handbags at 20 paces in the senate as serial plotter trades slanderous insults and state secrets with serial traitor.
Not sure which was which but both ended up losing dignity & credibility, and the chinese ended up laughing.

20 09 2012
professor moriarty

astig ng fliptop ni enrile at trillanes. hahaha.

20 09 2012
Yam Manuel

Haha “Bobo ka kasi, binenta mo ang bansa!”

20 09 2012
Prettyme

Naloka ko sa medal!!! kung ako estudyante mas gigustuhin ko pa yata tansan kesa sa Epal Medal ni Mayor Leyble. At yung wala sa Las Pinas ng mga Bernabe nakikipacompete yata sa Great Wall of China sa laki para kita sa outer space.

20 09 2012
Epal

ORLANDO, Florida – Itinuturing ngayon na superhero ng kaniyang mga kapitbahay ang 66-anyos na lolo sa Orlando, Florida makaraang hindi nag-alinlangang makipagbuno sa buwaya para maligtas ang kaniyang alagang aso.
Ayon kay Steve Gustafson, retiradong corporate lawyer, nag-iikot umano siya sa likod bahay nila habang ang kaniyang siyam na taong gulang na West Highland terrier na si Bounce ay naglalaro malapit sa lawa.
Narinig umano niyang kumahol ang aso at nakita na lang na akmal na ng pitong talampakang buwaya ang kaniyang best friend.
Alam daw niya na mamamatay ang aso kaya sinunggaban ang buwaya.
“I just knew that my best friend was going to be dead,” ani Gustafson.
“And I took off.” “For whatever reason,I don’t know, I just yelled, ‘you’re not going to get her!’ and just leaped on the gator…just like you do some silly belly flop in a pool,” kuwento pa ni Gustafson.
“The only difference was I landed on top of a gator.”
Pero tinangka umanong sakmaling ng buwaya ang matanda kaya napakawalan nito ang aso.
Kapwa nagtamo ng minor injuries sina Gustafson at ang kaniyang aso.
“It’s like being in a really bad car accident and walking away from it,” dagdag pa ng matanda.
“If I hesitated I would have lost my best friend.”
Ang mga kapitbahay ni Gustafson ay binigyan ito ng kapa ng isang superhero at alligator belt buckle.
Pero inihayag ni Florida Fish and Wildlife Conservation Commission official Patrick Delaney na hindi dapat tularan ang ginawa ni Gustafson. Walang connect d2 hehe dapat d2 sya nakatira sa pinas @least my hero tayo “DAMI KC BUWAYA D2!!”

20 09 2012
Libertas

the only truth in philippine politics is that nobody tells the truth, so much so that it becomes a confusing saga of further misinformation as people try to unravel who, what, where, when, up to the point that is is all forgotten/overtaken by the next drama and everyone moves on none the wiser.
lie detector tests for politicians

22 09 2012
senior60

just an innocent question libertas, are our politicians here any different from your politicians back home?

24 09 2012
Libertas

@senior60
Politicians generally the same the world over – the differences are the checks and balances, the media as watchdog, and the consequences if caught.
Its a question of degree. Here the financial rewards are too great and the culture too accepting/forgiving so it is far more prevalent. Same in India.

20 09 2012
lino burce

Break it down, I mean, the Epals.

20 09 2012
Alvinism Bufi Bristol

Epal talaga, asan na ang anti epal bill!!!!!!!!!!!!

20 09 2012
rojan88

ang kulit ng fliptop battle. hahahaha.

21 09 2012
Mel

…LOVE THE #2 EPAL QUIZ! hahahaha…

21 09 2012
jasper

I think we should change the name of epal to kupal. Since lagi naman nilang dinidikit yung pangalan nila sa mga “proyektong” na-iisip nila.

Mga pulitiko…diba nga, kaya kayo tumakbo dyan para pagsilbihan kami at ang bayan, tapus ngaun isasampal nyo sa mga mukha namin yang mga TRABAJO NYO NAMAN TALAGA! Tsaka tigilan nyo na nga yang mala-band-aid solution nyong project. Bakit? Nakakain naba ngaun yang mga waiting shed nyo? Nasasa-ing naba yang mga basketball court nyo? Nababawasan ba ang krimen kaka bigay nyo ng kung anu anong kuyagot? Tumbukin sana ng mga Proyekto nyo ang mga pangangailangan namin – pagkain, edukasyon, pang kalusugan, seguridad at higit sa lahat TRABAHO! Kakupalan nyo!

21 09 2012
Kath

Dear Biazon,

Eh deserve nyo naman ang pamumuna sa pagiging Epal nyo at mga katulad nyong trapo. Don’t worry, meron namang mga nakatoka para ma highlight ang magagandang gawain. In this case nga lang ng anti-Epal, tutal active na active kayo at malapit na ang eleksyon, double the effort din kami para isampal sa pagmumukha nyo na hindi kami natutuwa sa mga basurang ikinakalat nyo sa aming lipunan.

Anti-Epal – Kath :P

22 09 2012
senior60

re: in other news

wala naman talagang corrupt gov’t. employees kung walang magpapa
corrupt

23 09 2012
elmo

di nyo lang kasi makuha, arguing, battling, fighting in the media limelight is a form of “KA-EPALAN”! abah, kapakanan kuno ng bansa ang pinaglalaban mo… nasa HEADLINE ka pa! ayos!

23 09 2012
@oehreyes

Sana you posted my Mitos Magsaysay submitted photo. :P

25 09 2012
dolagarcia

Reblogged this on Dola The Explorer and commented:
Another great post :)

25 09 2012
Anonymous

Damay nyo naman ang Pasig City at Province of Rizal….Namumukadkad ang E for Eusebios….at Y…for Ynares…..sementot bakal ang gawa ng mga yan….boooyah!

28 09 2012
professionalheckler

next sila and makati, cebu too. :)

29 09 2012
dianne

hi! nakita niyo na ba ang nuknukan sa kaepalan na bubong ng ynares center? kita from outer space!
http://tinyurl.com/8f97emq

29 09 2012
Anonymous

very well elaborated! super liked it! :)

3 10 2012
Amando Clemente

Here’s my share in your anti-epal quiz series. hope you’ll like it. more power. keep it up and i’m enjoying it.

6 10 2012
Percy

Sa No. ! => hindi alam kung sino sa dalawa ang tatay kay nilagy ang mga larawan. Nanay lang kasi ang makpagpatunay!

6 10 2012
Percy

#2 => nangako na hindi na siya maging honor student o kaya sinabi sa magulang magibang lungsod sila para manatiling honor student.
#3 => kasi hindi matandaan at ma-spell ng mga residente ang pangalan ni mayor.
#4 => hindi kasi mailagay ni mayor ang sinabi ng taumbayan; “BUWISIT NABAYARAN PA KASI ANG BUWIS”
# 5 => “TWO HUNDRED PESOS ONLY para sa health at coupon pa” dahil NAUBOS ang PERA sa “STEAK” sa US.
#6 => Para matakpan yung mga MURA kay “Kapre” na sinulat ng taumbayan!
#7 => Hindi relief goods yan! Mga baho nila yan na sinelyuhan sa lata at sachet para hindi maamoy.”Can of worms” ika nga!
#8 => tignan sa #3 at isama pa ang anak ni mayor.
#9 => “Ting-ina, Iboboto Pa Rin Ako ng Namatay!”
#10 => Boses ng babaeng ito: “Dating Maralita, Abangan sa Konggreso at YAYAMAN!”

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,404 other followers

%d bloggers like this: