HE BANGS (NAMAN!)

3 09 2012

QUEZON CITY Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo has been at the receiving end of criticism for the countless billboards and tarpaulins in Quezon City bearing his portrait and name.

To be fair, he is not the first one and is not the only elected official stuck in this habit of self-promotion – using government funds.

But this ka-epalan has to stop.

We wanted to do an interview with Mr Anti-Planking Bill but we learned that the solon was too busy in his district. Fortunately, we were able to chat with his bangs. Yes, the infamous fringe. Here is the transcript of that odd but otherwise revealing conversation.


Good morning Mr Bangs! Kumusta na po kayo?

Okay naman. Heto, kaka-rebond lang.

Wow. Asensado.

Naman! Ako na. Ako na ang maging bangs ng kinatawan ng 2nd District ng Quezon City.

Konting background info lang Mr. Bangs. Ilang taon ka na ba?

Halos ka-edad ko si Sir Winnie. Pero recently lang ako napag-usapan dahil nga sa kabi-kabilang tarps at billboards ng amo ko.

Enjoy ka naman?

Naman! Sino bang ‘di matutuwa kapag tinitingala ng maraming tao? Sino bang ‘di mai-excite kapag pinagmamasdan ng mga botante. At sinong ‘di magiging proud kapag nasa ‘yo ang atensyon ng mga constituents? Am I enjoying this? Naman!

‘Yon ba talaga ang expression n’yo? “Naman?!”

Naman! Pati ba naman ‘yon napansin mo pa?

Naman! Anyway, punta na tayo sa mga nagbabagang isyung kinasasangkutan ng amo mo. Handa ka na ba?

Naman!

Ok. Unang isyu: binabatikos si Congressman Winnie dahil sa “Thank You” tarp for the late DILG Sec. Jesse Robredo. Bakit raw kailangang naka-imprenta pa ang pangalan nila ng kanyang asawang si Councilor Precious Hipolito. Close ba si Congressman kay Sec. Jesse?


Naman! For your information, miyembro rin ng Liberal Party si Boss Winnie. May karapatan siyang makidalamhati. Kung ayaw n’yong maniwala, heto ang pruweba, right click here then open!

Wow, ikaw lang ang bangs na alam ang right click!

Naman!

Kaya lang, hindi naman ‘yong pakikidalamhati ang binabatikos eh kundi ‘yong malaking pangalan ng mag-asawa sa tarpaulin.

Sige, pangalan mo na lang daw ang ilagay. Tutal, inggitero ka eh. Sa 40th day ng kamatayan ni Secretary Robredo, igagawa ka namin ng tarp: “Miss You Sec Jesse – Lovelots, Professional Heckler,” matigil ka na lang. Masyado kang maraming reklamo eh.

‘To naman! Nililinaw lang naman eh. Masyado kang pikon.

Naman!

Curious lang kami. Between your bossing Winnie Castelo and Mayor Herbert Bautista, sino ang mas maraming nakabanderang mukha sa QC?

Grabe ka naman! Para mo namang ‘tinanong kung sinong may mas mahabang buhok: si Ms Abi Valte o si President Noynoy. Siyempre si HB. Matindi ‘yon. Hindi lang naka-display ang mukha. Sementado pa ang initials! Humihinga pa… may lapida na! Sa gate, sa kalye, sa pader, sa truck, sa t-shirt, sa puno, pati yata sa kuyukot niya naka-tattoo!

OA ka. Pati ba naman kuyukot?

Naman! Kapag mag-isa nga kami ni Boss Winnie sa kuwarto, tinatanong ko siya eh: “Kung wala na po ba si Mayor Herbert sa pwesto, siya ang gagastos sa pagtatanggal ng mga naka-sementong initials niya sa buong siyudad?”

O, anong sagot ni Congressman Winnie?

Sabi lang niya: “‘Ta#g-in@, nababaliw na yata ako. Bakit parang nagsasalita ang aking bangs?”

Ha ha! Sumagot ka ulit?

Hindi na. Na-weirduhan din ako sa kanya eh! Nagsasalita siyang mag-isa.

Ang kulit n’yong mag-amo! Maiba ako, pinsan pala ng boss mong si Winnie Castelo si Sen. Tito Castelo Sotto?

Hindi plagiarist ang amo ko!!!

‘Tinatanong ko lang kung magpinsan sila. Bakit defensive ka?

Eh kasi kilala na kita! Tiyak na do’n papunta ang tanong mo. Inunahan lang kita. Hindi plagiarist si Bossing Winnie.

Sige na nga. Pero totoo bang gustong i-criminalize ni Congressman ang plagiarism?

Saan naman nanggaling ang isyung ‘yan?

Sa website niya. And let me quote his press release dated February 23, 2011: “Plagiarists are like pirates in the intellectual seas that they too must be arrested, jailed, and made to answer for the crimes they commit.” Anong masasabi mo?

Ahm, pwedeng pakiulit? Choppy ka eh. Choppy.

Ah, ganun? Pwes, choppyhin mo ang mukha mo.

Tanga! May mukha ba ang bangs?

Whatever! Bago ko malimutan, alam naman ng lahat na ang boss mo ang proponent ng Anti-Planking Bill. Siya rin ang naghain ng bill na naglalayong maglaan ng 14 inches na space sa bawat pasahero ng jeep ang mga operators. At si Castelo rin ang nagpanukalang gawing non-working holiday ang Chinese New Year. Sino ang mas astig ang bills: siya o si Senator Lapid?

To be fair sa kanilang dalawa, they think out of the upside down box. Kaya laging unique at pang-masa ang kanilang bills. So I think pareho lang.

UP graduate nga ba si Congressman Castelo?

Naman! Bakit?

Hindi halata.

Are we done here?

Wow, nag-i-Ingles ang bangs?

Naman!

Last na lang. Paki-explain ang mga sumusunod na larawan. First photo: Bakit po in red font ang W at C sa Watch Community?


Ah, wala ‘yon. Favorite color kasi ni Congressman Castelo ang red. Nagkataon lang na initials din niya ang W at C. Pero sa maniwala ka’t sa hindi, coincidence lang ‘yon. Masyado n’yo namang binibigyan ng kulay ang kaliit-liitang bagay.

Moving on… heto naman po ang Computer School on Wheels. Tanong: Computer school ba talaga ‘yan o common poster area ng Comelec?


Again, nanghuhusga kayo ng kapwa. Tumutulong na nga ang amo ko, kinukuwestyon n’yo pa. Next!

Last photo: Titigan n’yo po ang larawan ng amo mo habang nagsasalita. Then, titigan ang mga nakasabit na larawan sa likuran. Kumpletuhin ang kasabihang ito: “The family that prays together…”


Sus, sisiw! “The family that prays together… rules together.”

Wow, ang husay! UP!

Naman!

O, bibigyan kita ng pagkakataong magbigay ng mensahe sa mga kritiko ng iyong amo. Ano ang gusto mong sabihin sa kanila?

Ako na! Ako na ang nag-iisang bangs na magbibigay ng message. Ano ‘to, talk show?

Naman!

Sige na nga. Si Congressman Winnie na yata ang kauna-unahang kongresistang biktima ng cyberbullying. Sa mga ayaw huminto sa panlalait sa tarpaulin at billboards ng amo ko, ito ang tandaan n’yo: Walang krimen ng self-promotion sa Pilipinas! Bakit naman siya papaapekto sa mga kritiko? Kritiko lang kayo! ’Pag kinuha na kayo ni Lord, mananagot kayo doon, hindi rito.”

Teka, familiar ‘yang mga linyang ‘yan ah. Hoooooooy, kay Tito Sotto ‘yan!

Walang krimen ng plagiarism sa Pilipinas!

Ay, oo nga pala. Ang galing mo talaga.

Naman!
————————–
“We think we are being interesting to others when we are being interesting to ourselves.”
~ Jack Gardner, Words Are Not Things

Quotes of the Week
“Hindi ho ba kaya, noong wala pang DILG secretary ay maraming mga maiitim at maliliit na mga maligno ang siya pong naka-ano dyan, umaabang-abang para makuha po ang pwestong yan.”
~ Broadcaster Korina Sanchez (dzMM)

“Aminado naman po kami na maliit at maitim ang daddy ko pero hindi naman po ata tama na tawagin ni Korina na maligno s’ya.”
~Nancy Binay, daughter of VP Binay via a tweet to @HecklerForever

I am on Twitter: @HecklerForever.

THANK YOU:
Epal Watch and @wenchie318 for the photos used here.

About these ads

Actions

Information

24 responses

3 09 2012
olops001

Na-weirduhan din ako sa kanya eh! Nagsasalita siyang mag-isa.- lakas ng tawa ko dito!

3 09 2012
mishka

ang gwapo kasi ni Mar Roxas kaya nasabi ni Korina yun. (weeeehk! weeeehk! *sumusuka)

4 09 2012
checkmate

nyahaha kulet ng bangs, sana pumayag mismo si “Winnie Castelo” na magpainterview, saka pati na rin si korina saka si mar, tutal maaga sila mangampanya ng asawa nya sa rated k eh naging tuta rin naman ni arroyo si mr. palengke/padyak ^_^

di ko sure kung ako lang ang nanghihinayang sa mga airtime ni korina na trying hard ikampanya yung mister nya, pero sige lang, pagkatapos ng election, ang pag-iinitan naman nya mga “cyber-bullies”

naalala ko lang, pagkatapos mahatulan ni corona, ano na ang balita sa hacienda luisita? tuloy pa ba? makakaya kaya ni cj sereno na kalabanin yung nag-appoint sa kanya?

parang napalitan lang ata ah, ang pinagkaibahan lang, yung dati talamak, yung ngayon ipokrito -_-

4 09 2012
abimopectore

Is he straight?!
He just looks so gay most esp w/ that girly bangs.

4 09 2012
Libertas

The pot calls the kettle black, – brown, and evil.
The kettle shouts racism, and botox.

As she edges closer to a Childless Old Woman (COW) korina sanchez shows why you should never marry for
‘Political convenience, and sexual abstinence’

And de lima shows why you should not have an affair with your employee/driver
‘Sexual convenience, but political inconvenience’
happy birthday from JBC.

4 09 2012
Greg Alva

Kakaaliw! The best ka talaga The Professional Heckler! Idol!

4 09 2012
justcallmemaybe...

Quotes of the Week
“Hindi ho ba kaya, noong wala pang DILG secretary ay maraming mga maiitim at maliliit na mga maligno ang siya pong naka-ano dyan, umaabang-abang para makuha po ang pwestong yan.”
~ Broadcaster Korina Sanchez (dzMM)

“Aminado naman po kami na maliit at maitim ang daddy ko pero hindi naman po ata tama na tawagin ni Korina na maligno s’ya.”
~Nancy Binay, daughter of VP Binay via a tweet to @HecklerForever

– – – – – – – –
Wow! iba na talaga pag mataas na ang lipad…she’s really soaring high now… buti nalang I don’t vote… ay este I can’t vote pala… for 2016 elections…

4 09 2012
senior60

naku mister heckler hinayaan mo si bangs na tawagin kang inggitero at tanga, ginunting mo sana kaagad ng hindi na makaulit sa pambabastos

4 09 2012
Angry Bird (@AngryBird1905)

kala ko babae si Winnie Castelo???!!!! amft

4 09 2012
senior60

iyang 14 inches na space sa bawat pasahero ” ay kulang na kulang, anyway, dito sa amin and i think as anywhere else, ang jeep for example na may sitting capacity na 8 sa isang side, kailangan 8 or more but not less than ang sakay on rush hours kaya ang mangyayari 1/2 of your butt na lang ang naka touch sa upuan at wala ng choice ang mga passengers or else…

4 09 2012
Anonymous

Sa puso tayo ng tao maglagay ng tarpulin di ito nasisira di nalilimutan. Ang tarpulin di naisasaing di nakakain.

Danilo David

Sunderland,UK

4 09 2012
Bituing marikit

Shameless representative of qc district 2…

4 09 2012
Bituing marikit

Balik tayo sa fiefdom o. Cacique system, Bawat pamilya ng politico may kaharian,slowly we are morphing into a system that is a far cry from democracy.we can only pray for our country.

4 09 2012
Anonymous

WC in Europe is toilet — tamang tama ang initials ng kabahuan nila!

5 09 2012
Libertas 2.0

When Cong. Winnie Castelo is no longer on this planet, many will just plank over his grave.

* * * * * * * * * *

Korina still doesn’t accept Binay indirectly? *rolls eyes* Hello, earth to Korina, dalawang taon na ang pamumuno niya at ayaw mo pa rin tanggapin? Parang sinabi ng “Meet the Robinsons”: Keep moving forward! Move on, ika nga!

“Around here, however, we don’t look backwards for very long. We keep moving forward, opening up new doors and doing new things, because we’re curious…and curiosity keeps leading us down new paths.” –Walt Disney

5 09 2012
Genkuro

In fairness…. Napahalakhak ako sa Quotes of the Weak… Maraming Salamat Professional Heckler! Shared ko to sa Pesmuk.

6 09 2012
Lalaine M. Manahan (@lengpot)

lalaki pala si winnie castelo? akala ko talaga tomboy sya. pramis. haha.

6 09 2012
lowela

hahaha… ladyboy!

6 09 2012
getmad

di kaya pinahiram ni mikay sa “princess and i” ang bangs nya kay winnie castelo? sino sa kan ila ang orig at tunay?

6 09 2012
Anonymous

hibang si he bangs

6 09 2012
Ignacio

nakakaaliw ang interview na ito. in fairness, pinapaunlad ni WC ang tarpaulin printing business. siya siguro ang biggest and most regular customer ng mga tarpaulin printers. pakitanong kay bangs kung sino ang nagbabayad ng mga ito. salamat.

6 09 2012
Jimmy Leaño

Mr PH talaga namang super galing mo at wala akong tigil sa katatawa hahahah! Buti na lang andyan ka at punong puno ang saya sa buhay maski maraming kaepalan at kaeklayan ng mga politico natin haay !!!!!!

8 09 2012
pasingit

nothing against lesbians but…
winnie castelo sure looks like one!
p.s. how old is that “bangs” pic?
been seeing it for the longest time.
wala na ba siyang ibang pic?

9 09 2012
deuts

“Miss You Sec Jesse – Lovelots, Professional Heckler,”

Gusto ko yan! Aabangan namni yan! Hahahahaha

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 112,293 other followers

%d bloggers like this: