THE EPAL QUIZ

26 08 2012

“There are so many attention whores out there, prostituting for people’s acknowledgment.”
~Jason Myers, The Mission


1: Question: Bakit sila nag-‘Thank You’ kay Sec. Jesse?
A: Sayang kasi ang ex-deal sa tarp supplier; expiring na on August 31. At least nagamit.
B: Hindi rin nila alam. In fact, ‘di nila nabasa ‘yon. Ang chineck lang nila kung tama ang spelling ng kanilang mga pangalan.
C: Nagpa-Thank You lang, epal na? ‘Di ba pwedeng sad muna?


2: Question: Ano ang kuneksyon ng LPG at gas sa konsehal na nasa larawan?
A: ‘Yan din ang tanong namin.
B: Kung hindi krimen ang sumunog ng kapwa, siya ang uunahin.
C: Wala lang. Bakit? Dapat ba laging may kuneksyon? Hindi naman ah. ‘Wag nga kayong mapanghusga.


3: Titigan ang larawan. ‘Yan ang ex-boyfriend ni Aiko Melendez na boyfriend ngayon ni Ara Mina. Mayor siya ng Bulacan, Bulacan. Question: Senior citizen na ba si Patrick Meneses?
A: Sa totoo lang, secret ‘yan eh. Siya ang kauna-unahang Benjamin Button case sa Asya. He turned 78 this year. Sssh. Secret lang huh.
B: Bata pa s’ya. Mahusay lang na writer kaya siya ang naatasang mag-draft ng Senior Citizen Handbook sa buong Pilipinas.
C: I’m not sure. Pero ‘yong pose na ‘yan, parang nagsusumigaw: “Hoooooy! Gusto ko ng second term!”


4: Question: Ito ay nakunan sa Mapagkumbaba Street in Sikatuna Village, Quezon City. Ano ang ibig sabihin ng kaepalang HB sa kalye?
A: Harlene Bautista
B: Hero Bautista
C: Kung kilala mo sina Hero at Harlene, matanda ka na!


5: Question: Ano ang title ng book na ipinamamahagi ni konsehala?
A: “Candys Be Love?”
B: “Papansin 101: Paano Manalo sa Reelection Bid”
C: “Ang Gandaaa, Ang Dulaaaas, Ang Lambot… Parang Hinot-oil”


6: Question: Kung aalisin mo ang acronym na ‘TESDA’ sa slogang Sa TESDA, may choice ka, at papalitan ng ibang word o words, ano ang angkop na kapalit?
A: 2013. “Sa 2013, may choice ka!”
B: Balota. “Sa Balota, may choice ka!”
C: Relief Operations. “Sa Relief Operations, may choice ka!”


7: Question: Anong tanong ang nabuo sa iyong isipan matapos mong makita ang larawan?
A: Kung taxes namin ‘yan, bakit mukha n’yo ang nakabalandra?
B: May kumita kaya sa construction ng priority project na ‘yan?
C: Sa lalawigan ba ng Bataan, iisa ang apelyido ng mga residente?


8: Question: Kailangan ba talagang ‘yong mukha ng congressman ay nasa bag ng estudyante?!?
A: Libre ‘yan. ‘Wag nang choosy.
B: Oo naman. And take note of the word PAG ASA. In place of a hyphen, may malabong letter B. i wonder what it means. Clue naman d’yan!
C: Baka naman galing sa sariling bulsa ang ipinambili ng bag. Hayaan n’yo na. Kayo talaga, ang dumi ng isip!


9: Question: Anong kaguluhan ito?
A: Wala naman. Gusto lang i-emphasize na mayora siya.
B: Why not? That police car was acquired through the initiative of the hardworking mayor.
C: Kanya-kanyang trip ‘yan. Kung naiinggit ka, bumili ka ng sarili mong police car at palagyan mo ng iyong pangalan!


10: Question: Anong kasalanan ng mga taga-Quezon City at pinaparusahan sila ng ganito ng kanilang mga lider?
A: Parusa ba ‘yan? Excuse me, it just goes to prove na ‘It’s more fun in Kyusi!’
B: ‘Wag kang makialam kung ‘di ka taga-QC. Ibinoto ko, problema ko, sagot ko.
C: Ang cute nga eh! Parang ‘The Avengers.’ Ang hindi ko lang talaga ma-take eh ‘yong bangs ni Winnie Castelo. Sumpa ba ito?

Send your answers to your local government executives with the message: HUWAG TULARAN. DON’T BE EPAL. Good luck!

In Other News
President Aquino has chosen Maria Lourdes Sereno as the new Chief Justice of the Supreme Court. When Renato Corona heard the news, he texted a smiley to Antonio Carpio.

Reports say Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno will serve until 2030. And the Mayans were like, “Wehhh?”

RIP Neil Armstrong
Here’s a sad news: Neil Armstrong, the first man on the moon has died at the age of 82. Many people were shocked… mostly because they didn’t know he’s still alive.

Neil Armstrong, the first man to walk on the moon has died. But reports say the second moonwalker is still alive. Really?! Michael Jackson’s not dead?!? You’ve got to be kidding me.

Neil Armstrong died a day after the death of Lance Armstrong’s career.

Neil Armstrong is dead. May he rest in space.

Have a great week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

For the images used in the Epal Quiz, thank you to the following:
Noemi Lardizabal-Dado, Epal Watch, Anti-Epal Facebook Page, Support the Anti-Epal Bill FB Page, @philippinebeat @chriscrosspoint, @jimparedes, @saleemarefran, Interaksyon.Com, @kingdelresosario, Wenchie318, Showbiz Government, TaoPo.Org and Menchie Silvestre.

About these ads

Actions

Information

56 responses

26 08 2012
U8mypinkcookies

Hahaha epal nga. These politicians never change. So annoying!

26 08 2012
ニッキ

my tummy hurts from laughing so hard!!! <3 grabe yung item #10!

26 08 2012
Bituing marikit

The ultimate power is still with us,the citizenry…wag Iboto ang mga epal….wag ibenta ang iyong mga boto,gawing pamantayan si Jesse robredo!!!

26 08 2012
jphilip

WAHAHAHAHAHA! My favorite: Question No. 5. “Candys Be Love?” wahahaha

26 08 2012
Anonymous

Hahaha! Bato bato sa langit tamaan wag magalit. FTW lagi!

26 08 2012
MamaTJ

Vote out all the epals. Epal, Kapal, K*pal….it doesnt make me wonder why these rhyme…it is high time that technocrats be appointed as TESDA director general-from Liban to Syjuco to Joel, what’s-the-guy’s-familyname lahat pinopoliticize ang TESDA. The middlelevel manpower developmen sector has suffered enough!

26 08 2012
sirk

I saw one back in March na nagpataas ng BP ko. The mayor of a town in Pangasinan donated ribbons for the graduating and outstanding students, kaso, the ribbon has his face and name on it. Nung ako estudyante, dinidisplay pa namin ung mga ribbons na naaachieve namin, mapa-“most” awards plus the “honors” ribbon, pero ngayon, paano mo ididisplay yung achievement ng anak mo kung mukha naman ng pulitiko ung nandoon? Define Epal.

26 08 2012
Anonymous

Hay 2013… Bat ang tagal mong dumating… Naiinip na kami!

26 08 2012
Bituing marikit

Most posters are inane and stupid,please post some more so the people know whom not to vote.

26 08 2012
hypershem

Naks may acknowledgement para sa mga photo owners!

26 08 2012
andres nombrado

Is Winnie Castelo anak sa labas ni Neil Armstrong? kaya siya nagpasalamat?

26 08 2012
Libertas

Exploting death is sick, but clearly part of the aquino way. Let the 2013 electioneering and hypocricy begin.

22 09 2012
Elise

Di naman kasi magpepresidente yun kung d pinabayaan nang mamatay yung nanay nya, at di rin naman magpepresidente yung nanay nya kung d pinatay na lang yung tatay niya. In the light of who (or what party) benefited from these deaths, napakalinaw kung sino ang nagpakana nung moro-moro ke ninoy.

26 08 2012
Libertas

Congratumiserations.
Congratulations to Sereno who, despite failing the psychological test, has been appointed chief yes woman!
Commiserations to Binay and Hacienda Luisita farmers.

26 08 2012
olops001

Nakakatawa yung mga superheroes, hindi naman avengers yun kasi may superman and di lang isa dalawa sila. Superman Joy at Superman HB

26 08 2012
Rowena Ganipis

Hahahaha, panalo! Funny and makes a lot of sense. :)

26 08 2012
just me

why don’t you check laguna, all you will see is their “great” governor’s photo in every corner.

27 08 2012
md

agree… samahan mo pa ng music video ng asawa nyang starlet.

26 08 2012
hypershem

Heckler bakit yung iba mo quiz may answer key, eto wala?

26 08 2012
ysobele

ang lalaki nman ng mga thank you cards ni Rep. winnie Castelo hahaha ;) Ibig bang sabihin nyan twing me mamamatay me isasabit shang genyan?

27 08 2012
mba (@marielliba)

Picture number 10: Puede ba silang kasuhan ng copyright infringement ng Marvel at DC? Or puede bang excuse yung cosplayers lang silang lahat?
Which brings me to my next question–sinong superhero si Candy Medina? I’m confused. At bakit kailangan pa talagang sabihin na Working Congressman si Winnie Castelo? Does that mean yung ibang congressman, hindi working? Hmmm…..

30 08 2012
Stella (@stella_meimei)

In fairness, araw-araw akong dumadaan sa City Hall at QMC, at hindi ko nakita doon yung #10. Either that or pinahahalagahan ko talaga ang buhay ko, dahil baka lalo lang akong mabulag pag nakita ko ng personal yung mga Tarpvengers na iyan.

Either way, pinadala ko pa rin yung picture sa isang kakilala ko na may kakilala sa Marvel. Abangan!

27 08 2012
timow

Wala kong mahanap na local executives, sinagot ko na directly to the PH page:

1) B, 2) A, 3) C, 4) C, 5) B, 6) A, 7) A, 8) C, 9) C, 10) A

Lagot kayo mga epal. >:( Gusto ako pumunta ng space!

27 08 2012
Jun Halili

This is by far your best Post. Thank you, you made my day. Common decency dictates that I shouldn’t be, but I am, really amused by that one which offers condolences to the deceased (!) and in the same breath,
exclaiming, Mabuhay! It’s truly more fun in the Philippines!

27 08 2012
roskriv

dear profheckler

meron kaming ( ako at ang anak ko) nakitang mga tarp sa bandang maginhawa st, QC..meron syang litrato ng smiling face ng barangay kap ng teacher’s village, bautista ang pangalan and another smiling face…tapos nakalagay parang ganito: ” bukas-kotse, mag ingat ” . etong tarp na ito talagang panalo, pag nakunan ko ng foto, padadala ko sa iyo para maipost mo dito sa epal quiz mo :-)

27 08 2012
professionalheckler

Maraming salamat po! :) Send them in. Tag me on Twitter pls if you could. Thank you! :))

27 08 2012
senior60

yang si medina, klaro may business yan na auto lpg

27 08 2012
Libertas

The innumerable eyesores of airbrushed narcissistic politicos which litter the country give 1st world visitors the impression of a 3rd world communist country. Mmmm.
Brainwashing and name recall is all.

27 08 2012
senior60

di ba ang ganyang mga kaepalan ay pinagbawal na kaagad nang maupo si noynoy? ito talaga problema tao, tigas ulo

27 08 2012
roskriv

nga pala profheckler. meron isang public school malapit sa batasan…its on the right side of the road if you are coming from commonwealth ave and heading towards batasang pambansa entrance near DSWD….meron napakalaki shining silver na letters ( stainless steel yata yun eh) stuck on the building “winnie castelo building” …kasama ba ito sa operational definition mo ng epal? please clarify para malinaw ang parameters. :-) :-) :-)

27 08 2012
maui

hi Professional Heckler!
ang hirap pumili kung sino ang pinakaEPAL pero a lot of people should see this at sana naman ay hindi na sila iboto. Though, in my case, i’m still registered in QC and honestly, ang hirap mamili ng iboboto pag walang pagpipilian. magsesettle na nga lang sana sa lesser of a lot of evils, wala pa rin. i saw some epal pics during the floods and madami ding super epal dun. thanks

27 08 2012
Anonymous

Sadly, nakatira ako sa distrito kung saan congressman si Winnie Castelo at konsehal ang kanyang maybahay.

27 08 2012
Angry Bird (@AngryBird1905)

haha promise natawa ko sa #7..I am from Bataan pero di naman Garcia apelyido ko..actually di na ko magugulat kung papalitan nya na yun name ng province namin to Garcia e :)))))

27 08 2012
lea

hahahaha, hilarious tlga, itawa nlang kesa atakihin sa puso sa inis, wat to do yani? haist… (>_<)

at huli na tlga ako sa balita, syota ni Ara ung ex ni Aiko? parang Jomari Part 2 lang? makapag backread nga ng pinoy showbiz chismis…. puro Bollywood kasi chismis dine haist. = p

27 08 2012
Rick

Edukasyon Susi ng Kahirapan???? What do you mean???

28 08 2012
Don Pedro

#5. Edukasyon susi ng kahirapan ? Really ???

28 08 2012
Adelaide Santos (@Adelaydee)

Pampatawa ko sa umaga bago mag-work! Tama! It’s More Epal in QC!

28 08 2012
Anonymous

dati nga family picture ni rep dan fernandez ang bumubungad sa mga highway ng sta rosa…ngayon tandem sila ng fame-whore naming mayora na si arlene arcillas ang nakapaskil…buti na lang maganda silang tingnan,

sa cainta, picture ni mayor mon ilagan and wife ang mga nakadisplay …balak siguro nyang ipalit after his term…

28 08 2012
Louie

Heckler, the nerve of Castelo to block me on FB dahil nagtransform ang hitsura nya into Sec. Robredo. Tinatanong ko lang naman kung nasaan ang mahiwagang bangs. Ayaw atang nasisita ang bangs. Haha.

28 08 2012
abimopectore

PINAKA-Epal yung sa Taguig as coz at least the others that were posted here were all just tarpaulins… but in Taguig, its on a brand new suv vehicle – as if it came from own her money huh – thats really a SUPER KAPAL MUKS!!!

14 09 2012
sigfrido

kaya bago ang mga sasakyan ng taguig kasi ang mga sasakyang chana na binili ng mga tinga ay mga disposable… kapag nasira hindi na puwedeng ipagawa… o di kaya ang hirap humanap ng mga piyesa… ang mga tinga ang tunay na EPAL

28 08 2012
atto m.

Ang ibig sabihin ba ng EPAL ay ExtraPogipointsAngLahat ng gawain ng taong eto? nagtatanong lang po. Sana naman mahiya ang mga taong nasa lahat na yata ng sulok ng kanilang kinasasakupan ang mga mukha, bakit di natin idikit sa toilet bowl ang mga larawan nila where they should belong? suggestion lang po. Mahiya sana silang lahat (kung may natitira pang hiya) kay Sec. Jess Robredo ( may nagawa ng hindi ngumanganga).

28 08 2012
atto m.

i mean ngumangawa…

28 08 2012
lee1222

Anak ng epal naman ang mga to… Puwede ba natin silang ilagay lahat sa obituary page, 1 full page each, para ma-satisfy ang ka-epal-an nila. LOL

28 08 2012
aiken

kapal talaga ng mga pu.. ang mahirap nya, kung makukulong sila, pati kulungan, lalagyan din nila ng mga banner.. o kaya tatoo ng mga kakosa nila haha.. teka, dapat captain barbell si herbert..

28 08 2012
Jonathan

Comedy gold!

28 08 2012
epal-buster

actually hindi lang epal politicians sa bataan ang problema, political dynasty din..sakit sa bangs..kaya nakakawalang ganang bumoto e..

29 08 2012
Leia

#5 Candys be love, talagang edukasyon ang susi ng kahirapan?
kalurkey!

#8 May mas malaking pangalan ng pulitiko na nakapinta sa mga police cars sa caloocan.

#10 baka naman para sa children’s party ang tarp ni HB, naligaw lang sa kalye…
har har har

29 08 2012
ButterKate

Winner talaga si Winnie Castelo sa pagka-EPAL! Actually, marami sa QC ang ganyan. Kung may National Anti-Epal Commission lang ako na magvo-volunteer mag-head. I understand na gusto nila i-promote ang projects nila pero dapat out-of-pocket expense nila yan, not taxpayer-funded. Anything that’s tax-payer funded dapat standardized ang billing and credits when it comes to placement, size and materials.

30 08 2012
getmad

sabi ko nga palitan yung pix ni sec robredo ng larawan ng mga epal na pulitiko, yung may pakaway kaway, sabay babay… with this caption by the side… or below the pix…goodbye and thank you mga kababayan…di na ako tatakbo kc sawa na kayo sa kaepalanko!

30 08 2012
ria

It takes a guts to do this. u know :)) like it.

30 08 2012
Jimmy Leaño

Talaga naman grabe tong mga epals nato sobra , pues alam na natin kung sino ang hindi iboboto sa sunod…kala nila eh mauuto tayo pweh….

4 09 2012
Naga: What happens now? « Cerebral Insights

[...] The Epal Quiz (professionalheckler.wordpress.com) [...]

9 09 2012
CJ Bonito

Reblogged this on Diary of a ShuperWoman.

15 09 2012
Len-len Cruise

ay! hehehhe grabe yong no. 10 nasa circle yata yan naka lagay as far as i remember makikita mo yan if papunta ka sa visayas ave or tandang sora sakit tiyan ko sa katatawa!

15 09 2012
Len-len Cruise

i also post pics in anti- epal community i guess the one i have here taken from Bicol region i will send it to you

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,851 other followers

%d bloggers like this: