EXCLUSIVE: ANNABELLE IN THE HOUSE

20 08 2012

“I am very very very serious to run for Congress. Wala na makakapigil sa akin.”
~Talent manager Annabelle Rama via Twitter

Isang gabi sa panulukan ng GMA Network Drive at Timog Avenue, Diliman, Quezon City…


Good evening po Ms Annabelle!

Hello fans.

Hindi po ako fan Ms Annabelle. Magi-interview lang po.

Anong interview? May appointment ka ba dong?

Wala po.

Walang inte-interview. Busy ako dong.

Ambush interview po ito.

Hay naku dong, huwag kang makulit. Mag-sit ka muna ng appointment.

Tatakbo raw po kayong Congresswoman sa Cebu. Sure na ba?

Dong, gusto mong hambalusin kita ng baston?!? Sabi ko hindi pwidi ang ambosh interview.

Meron po akong 2,000 pesos dito.

Huwag mo ‘kong insoltohin dong. Hindi ako mukhang pira. Gawin mong beinte mil, cash, kaliwaan.

Deal.

Remind ko lang dong, 2,000 per minute ang rate ko. Bilisan mo, may meeting pa ako kay Attorney Gozon.

Bakit n’yo naisipang tumakbo for Congress?

Alam mo dong, isang gabi, tinanong ko ang Mahal na Sto. Niño. Sabi ko, ‘Mahal na Sto. Niño, ano pa bang pwidi kong gawin sa buhay? Naghubad na ako sa pelikula, nag-asawa na ako ng supir-guwapo…” Hi Eduardo, kung nanonood ka, I love you sweetheart.

Sa blog po ito lalabas, hindi sa TV.

Wala akong pakialam dong. Basta Eduardo, I love you. Ituloy ko na ang kwento ko. So sabi ko, succissful naman ako as talent manager. Lahat ng alaga ko naipasok ko sa TV5 at GMA. Sa ABS-CBN, wala pa. Takot yata sa akin. Anyway, so sabi sa akin ng Mahal na Sto. Niño, “Bakit ‘di ka maglingkod? Pasukin mo ang pulitika.”

Sinabi ng Sto. Niño ‘yon?!? Weh?

Naku dong, huwag mong pagdudahan ang Mahal na Sto. Niño. Baka makarma ka dong.

Fine. So after kang bigyan ng advice ng Mahal na Sto. Niño, pumayag ka agad?

Hindi pa dong. Sabi ko, “Mahal na Sto. Niño, give me a sign! Please give me a sign!” Naku dong, kinabukasan dong, pagbukas ko ng TV, may Showbiz Central pa noon dong, nakita ko ang sign: ang payaaaaaat payat na ni Raymond dong. So sabi ko, “Mahal na Sto. Niño, alam kong ito ang sign. Maraming salamat po!” So heto, tatakbo na ako for Congress.

So fault pala ni Raymond?

May sinasabi ka dong?

Wala po. Sa tingin n’yo ba mananalo kayo?

Hoy dong, mahigit 300 thousand na ang followers ko sa Twitters. ‘Yong kalaban ko, walang Twitters! ‘Pag ako natalo, sure ako dong… dinaya ako! Dinaya ako!

Napakadumi po ng pulitika. Alin po ang mas madumi, pulitika o ‘yang bunganga n’yo?

Yawa! Binabastos mo ako dong. Umayos ka! Baka mag-walk out ako dong.

Ire-rephrase ko na lang ho. Napakadumi ho ng pulitika, baka ho ungkatin ang mga baho n’yo.

Wala akong ‘tinatago dong. Kahit tanungin mo pa ang Mahal na Sto. Niño, open book ang libro ng buhay ko dong.

Sabi ng mga kaaway n’yo sa showbiz, bugaw daw kayo noon.

Sino? Sinong nagsabi n’yan? ‘Yong matatandang balyenang naiinggit sa mga alahas ko? Hoy, ‘wag kayong maglinis-linisan mga bruha. Pare-pareho lang tayo! Mga ipokrito!

Pareho-parehong naging bugaw?

Ikaw ang nagsabi n’yan dong, hindi ako!

Naalala n’yo pa ba ang 1994 Manila Film Fest scam?

Gi-atay man ka oie! Kung wala kang additional 5,000 d’yan, tapusin na natin ang interview na ‘to dong!


Sorry. Sige po, focus na lang tayo sa mga bagong isyu. Ano ang stand n’yo sa RH Bill?

Alam mo dong, sabi sa akin ng Mahal na Sto. Niño, “As long as kaya mo naman, sige lang.” Isipin mo dong: kung nag-contraceptives ako dong, wala kayong Ruffa na magaling na aktris; walang Richard na napakahusay na aktor; walang sosyal at magaling na TV host na Raymond, walang guwapong Ritchie Paul, at walang Rocky.

So ano pong stand n’yo?

Tika dong, ano ba ‘yong R at H sa RH?

Next question ko po:

Pastilan!

Alam n’yo ba ang three branches of government?

Hay naku dong, inuuto mo na ako. Akala mo hindi ko alam? Siyempre, tatlo ‘yan.

Anu-ano nga po?

Mahaba na ang interview na ‘to dong. May additional 5,000 ka ba d’yan?

Ok, ibang tanong na lang po: ano pong pananaw n’yo sa same sex marriage?

Marami akong kaibigang bakla dong. ’Pag nasa showbiz ka, kahit saan ka magpunta, may makikita kang bakla. Maglakad ka sa studio, bakla. Makipag-meeting ka sa executives, bakla. Humarap ka sa presscon, bakla. Magpaganda ka sa parlor, bakla. Lahat ng lugar dong may bakla. Sa bahay lang yata wala.

Wehh?

Pisti! Ano ngang tanong mo?

Same sex marriage po.

Mahal ko ang mga bakla pero hindi na kailangan ng kasal dong. Magagalit ang Mahal na Sto. Niño.

May stand talaga sa same sex marriage ang Sto. Niño?

Leche ka dong. Kung anong isagot ko, ‘yon ang paniwalaan mo.

Ok, ok. Sakaling manalo kayo, ano ang unang ihahain n’yong bill?

Naku dong! Marami! ‘Yang si Nadia Montenegrong baboy dong ‘di pa fully-paid sa mga kinuhang furnitures.

Furniture.

‘Wag mo kong ikurek dong. Sampalin kita ng tsiki. Alam kong past tense dapat ‘yon! ‘Tsaka si Clarissa (code name muna dong, baka ma-libel ako), kumuha ‘yan ng maraming alahas sa kin last year, ‘di pa rin nakakabayad! ‘Yang dalawang ‘yan, ilang ulit ko nang pinadalhan ng bill… pero wala akong nasingil. Kaya ‘pag nasa Congress na ako, humanda kayo ‘day, uunahin kong ifile ang bills n’yo!

Kung mahahalal kayong congresswoman, tatanggap ba kayo ng pork barrel?

Dong, ibahin mo ako! Marami akong alaga sa showbiz. Lahat ng talents ko may show at kumikita. ‘Yong iba, may endorsements pa. Kumisyon ko pa lang kay Richard dong, quota na. Oo, tatanggapin ko.

Balita ko, 30 percent daw po ang commission sa showbiz. Hypothetical lang po, kung mangungumisyon kayo sa projects funded by your PDAF, magkano po ang hihingin n’yong porsiyento?

Ano ‘yong PDAF?

Priority Development Assistance Fund.

Magandang pakinggan ‘yan dong. “Priority” ‘tapos “Fund.” Nakaka-inspire maglingkod dong. Ano ngang tanong mo?

Kung sa showbiz 30 percent, magkanong kumisyon ang hihingin n’yo, IF AT ALL, sa pork barrel-funded projects?

Magkano ba ang kalakaran ngayon dong?

Wala po akong ideya.

Balikan mo ‘ko dong. Mag-research ka muna. Pero ‘wag mo munang isulat na ‘No Comment’ ako sa isyu ng BADAF.

PDAF po.

Ok, ok. Basta, ‘wag mo muna akong iquote. Baka sabihin ng mga kalaban ko, ‘di pa man ako nananalo, corrupt na agad. Ibahin nila ako dong. Siguro 35 percent, pwede na. Joke lang ‘yon dong. Mas ok kung 40 percent.

After po ng pagwawala n’yo sa lamay ni Mang Dolphy, maraming tao ang nagsabing wala kayong breeding.

Dong, tanga lang ang nagsasabi n’yan. Buhay na buhay pa ako. Heto o, humihinga ako nang maluwag! Mga bobo!

Bago ho tayo magtapos, may game ho tayo. Pinoy Henyo po ito. Huhulaan n’yo ang isang mystery word. Ready na po? Go!

Tao ba ito dong?

Opo!

Pulitiko?

Opo!

Venezuelan President Hugo Chavez?

Hindi po. Bakit n’yo kilala si Chavez?

Basta! Pero lider ba ito?

Opo!

Nicolas Sarkozy ng France!

Hindi po! Wow, kilala n’yo si Sarkozy?

Tumahimik ka na lang dong. Asian ba ito?

Opo.

Hu Jintao of China?

Hindi po. In fairness to you, pati si Hu, kilala n’yo.

Southeast Asian?

Opo!

Hay naku dong. Sure na ako! Si Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono.

Wow, impressive. Pero hindi po!

Feeling ko dong si Prime Minister Yingluck Shinawatra ng Thailand!

Ay sorry Ms Annabelle. Time’s up na po. Ang tamang sagot: Noynoy Aquino.

Bilat! Ang hirap-hirap naman n’yan dong! Next time sana madali lang!

Sige po. Last question na lang: Kung iboboto kayo sa pagka-kongresista ng mga Cebuano next year, anong problema nila?

Dong, overtime ka na. May additional 5,000 ka ba d’yan?

Maraming salamat na lang po.

Thank you rin. Follow me sa Twitter, @annabellrama.com.

May dot com talaga?

Plus P2,000!! Meron ka ba dong?

(End of Interview)
————————————————
“Meanwhile, politics is about getting a candidate in front of the public as a star, politics as rock’n’roll, politics as a movie.”
~Joe Eszterhas

Personal:
– Congratulations to the UP Fighting Maroons for their first win in UAAP Season 75.

“Dear UST, Ateneo, FEU, NU, La Salle, Adamson and UE,
Now we know the feeling. See you soon.
Ingat!
UP”

-Director Joey Reyes: The Senator and a Blogger Named Pope

-Thank you Inquirer for the quote. ‘Iskul Bukol’ in the Senate

HAVE A PEACEFUL AND SAFE WEEK!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

36 responses

20 08 2012
bartsky

Sikat na si PH. Special mention pa sa Editorial ng INQ. :)
Good Job.

20 08 2012
Sunshine Sangalang (@sunshi_fairy)

nice, heckler! quoted ka ng editorial mismo! hehehe :)

20 08 2012
Anonymous

baka malibel ka din nya sir!

20 08 2012
Theo guevarra

Very funny and witty. The thought of her running for office is funny but the though of her winning is freaking scary.

20 08 2012
pertmendoza (@my_sharptongue)

hala ka may counterpart na si Sotto … aching to hear “Bisaya’s” spits on The Lower House…

20 08 2012
steffanoperales

Bilat! haha, superior!

20 08 2012
Libertas

From the comedic and uneducated bookends of tito sotto and lito lapid in the senate, to the rogues gallery in congress.
Can it get any worse – it seems it can.
Bring on the clowns, the crazies, the rapists, ex-convicts, and has been actors/GRO’s.
You can also add richard ‘gormless’ gomez to the list, who is going to run for mayor. ” before his entry into showbusiness, he worked in mcdonalds” wikipedia – the oxford/cambridge of the philippines! It’s reprehensible, and the country will pay a high price for having such low level people in office.

20 08 2012
Anonymous

pastilan dong perteng biliba nako nimo dong, qouted ka ng editorial sa inq. ngyawa ka dong. heheh

20 08 2012
edw1986

hahaha!panalo to,nakakatawa yun mga words na ginamit kay anabelle. :D

20 08 2012
sydrified

HAHAHAHAHA!!!

LUPET!

20 08 2012
gaya

panalo! :) hahaha ang unang ififile niya sa congress, yung bills ng mga may utang sa kanya :D

On the second thought, wag naman sana tumakbo pa siya sa Congress. may gad.

20 08 2012
yellowtree

huwaaaw… good job, PH. parang narinig ko si Ma’am Annabelle while reading… magtago ka na, PH… baka kasuhan ka! hehehe… good job! galing… ikaw na!

20 08 2012
thepiaya

maraming tao ang nagsabing wala kayong breeding.

Dong, tanga lang ang nagsasabi n’yan. Buhay na buhay pa ako. Heto o, humihinga ako nang maluwag! Mga bobo!

> hahaha, muntik nang tumigil ang ‘breeding’ ko dito!

23 08 2012
Anonymous

hahahah! hard breeding talaga! this is hilarious!

21 08 2012
timow

Hi PH. Make a new article regarding the recent loss of DILG Secretary Jesse Robredo.

21 08 2012
vic s. santillana (@imdtaxman)

siguro naman may alam kang self defense pag hinabol ka ng baston he he!

21 08 2012
Libertas

Jesse robredo – a hard act to follow. One of the very few good men.
A man who earnt respect, admiration and loyalty across the board – trapos and actors/wannabee politicians/crazy woman take note.

The country has lost a good man and an exceptional role-model.
He epitomised values of honesty, decency, integrity, and a strong work ethic, – a benchmark for others to emulate.
Let’s hope his work continues as an appropriate legacy to his innovative thinking and reformist agenda, in spite of political obstacles/enemies.
A sad day for his family and the country.
Jesse robredo – R.I.P

“These are hard times we livin’ in
Churches burnin,
planes fallin from the sky,
Murder,
the good die young
The good definitely die young
This is a lil’ somethin’
To help you get through the day
If you could
It was more than a tragedy
Emotions be grabbin’ me
Plane fell from the sky
We tryin’ to figure what happened
Burnin’ churches, fearin’ God
Who can be so cruel”

“The good die young” – D12

22 08 2012
timow

Indeed written, libertas.

“Swift to its close ebbs out life’s little day;
Earth’s joys grow dim; its glories pass away;
Change and decay in all around I see;
O Thou who changest not, abide with me.”

-“Abide with Me” by Henry Francis Lyte

21 08 2012
ysobele

ayy.. dudong.. kapoy mag answer sa imong questions.. ma obvious akong tonto dong!

wag mag obvious dong… mag run pa akong senator ug president biya..

21 08 2012
johnstyx

wala ba mas bold pa na pic ni Anabel? hehehehe

24 08 2012
zam

meron….yung picture nyang nakalabas yun boobs nya nuong nagbo-bold pa siya….he he he

21 08 2012
earl1987

simply… LOL ;)

21 08 2012
Alphredite

kalokaaaa!

21 08 2012
Anonymous

Hello…you’re brilliant as ever….:))

22 08 2012
senior60

pastilan sad mister heckler, gihurot naman nimo tanan balikas wala na man ka manalin hahaha

22 08 2012
aiken

matino pala si sec robredo.. sayang, bakit parang ngayon ko lang nalaman? sana e sa kanya natin sinumbong yung mga kalokohan ng mga mayor (lalo na sa construction industry)

22 08 2012
Anonymous

haha. nakita ko si annabel sa imo article dong, hahha

23 08 2012
Libertas

Barmyrama needs to check out of twitter and check in to a psychiatric hospital.
Enough histrionics and attention seeking. Boring

23 08 2012
jofabs

PH, quoted din yung tweet mo last night sa Bandila.

Naku baka habulin ka ni bisaya ng baston pero labasan mo lang ng 20k ok na yan.

24 08 2012
Berlyn Enriquez Soberano

in fairness huh! kilala nya yung mga “mayayaman” na pulitiko ng ibang bansa…bakit kaya??? hmmmmm… ^_^
katuwa ka ‘day!

25 08 2012
hajarisms

I just read this in her voice. Good stuff as usual heckler.
Wala bang slam book entry si Anabelle Rama?

27 08 2012
Tricia

That was one great interview. Illuminating! ^^

16 11 2012
Anonymous

Two thumbs up! Galeeeeng!

16 11 2012
susil ligutan (@guavasue)

haha! i almost pee’d in my pants! :)

18 11 2012
yasmin1030

am not in my best mood today but reading this blog,so hilarious…halos mapunit bibig ko katatawa!!! Ang galing talaga ni Heckler.da best. :-)

5 12 2012
Bianx

Five thumbs up, PH. Galing mo talaga! Thanks for the laugh.

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 112,297 other followers

%d bloggers like this: