DEAR CHARO

30 07 2012

MAALAALA MO KAYA
Episode No. 1048 (First Draft)
Airing Date: 11 August 2012

(Before you read the post, click video for background music.)

CHARO SANTOS:
May mga pagkakataong sinusubok tayo ng ating emosyon. Hindi natin mapigilan ang silakbo ng ating damdamin. Sa paniwalang tayo lagi ang tama, hindi natin napapansing nakakasakit na pala tayo ng ibang tao. At sa huli, ang pagpapaliwanag, ang pagtatanggol sa ating ginawa, at sa ating naging asal.

Ngayong gabi, ibabahagi namin ang kwento ni Noynoy, isang naghihimutok na lider mula sa Lungsod ng Maynila.

Ito ang istorya ng isang piging na nauwi sa harapang batikusan at ang mga sumunod na palitan ng pananaw na hindi nasaksihan ng publiko.

Bahay Pangarap, Palasyo ng Malakanyang. Gabi.
Makikitang nag-uusap sa hardin ang Pangulo at ang mga tauhan nito. Naninigarilyo ang Pangulo.

NOYNOY:
Ipinatawag ko kayong tatlo dahil may natanggap akong imbitasyon para sa 25th anniversary ng TV Patrol. Igawa n’yo nga ako ng speech.
COMM GROUP:
Anong gusto n’yong sabihin sa talumpati boss?
NOYNOY:
Bahala na kayo. Basta, gusto kong iparating sa kanila na sawang-sawa na ako sa negatibong mga balita. Sana ihighlight naman nila ang accomplishments natin.
COMM GROUP:
Eh boss, titirahin ba natin ‘yong biased na anchor nila?
NOYNOY:
Si Korina? Hindi! Wala namang sinasabi ‘yon.
COMM GROUP:
No, not Ate Koring! ‘Yong lalaki.
NOYNOY:
Si Ted?
COMM GROUP:
Pangisi-ngisi lang naman sa banter nila si Ted eh. Si Kabayan boss!
NOYNOY:
Ah, ang dating bise-presidente na wala nang nakitang maganda sa ating mga ginawa. Go!
COMM GROUP:
Isasama ba namin ang isyu kay Delfin Lee at sa Pag-IBIG scam para wala nang kawala.
NOYNOY:
Huwaaaag! Eh kung balikan tayo? “Bakit ‘di n’yo pa nahuhuli?” Patay tayo d’yan.
COMM GROUP:
Areglado boss!

DEAR CHARO,
Matagal ko nang ipinamu-monitor ang TV Patrol sa aking Communications Group. Gabi-gabi ay naka-record ang bawat edisyon ng palabas. Dito ko napansin ang walang basehan at may kinikilingang mga hirit ni Noli De Castro. Noong Biyernes sa anibersaryo ng programa, nagkaroon ako ng pagkakataon upang ilabas ang aking nararamdaman.

NOYNOY (TV Patrol 25th Anniversary Speech):
“Napapaisip nga po ako: ‘yong nagkumento nito, anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inireklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero masakit nga ho, may gana pang hiritan ng nagpamana?

Sana po, sa tuwing sasabihin nating ‘Magandang gabi, bayan,’ ay totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi ng bayan.”


Matapos ang aking talumpati Charo, kinamayan ako ng big bosses ng network. At bago ako tuluyang umuwi ay nagpa-picture pa ang mga bisitang naroon kabilang na ang mga past and present journalists ng ABS-CBN. Lahat ay nakangiti.

Ngunit paggising ko kinabukasan (mga alas-nuwebe y medya na yata ‘yon. Hindi ko na nga naabutan ang opening ng London Olympics eh. Sobrang aga kasi, bwisit!), sunud-sunod na text messages at tawag ang aking natanggap. May ilan palang Kapamilya at ex-Kapamilya ang tila na-offend sa aking prangka, totoo, at may basehang talumpati.

Hindi pa man pala ako nakakaalis sa okasyon, nagwala na sa Twitter ang anak ni Kabayan na si Kat De Castro. Nauunawaan ko ang kanyang damdamin bilang anak ngunit unawain din sana niya ang kirot na dulot ng mga batikos ng kanyang tatay. Maging fair sana siya.

@KatDeCastro
Fair saan? Sorry rin ha. But to HIT my Dad when he arrived halfway sa speech? Ungentleman lang talaga.

Maging ang John Regala- slash John Lloyd Cruz- slash Raymond Gutierrez-lookalike ng ABS-CBN News and Current Affairs na si Jeff Canoy ay nagpasaring pa.

@jeffcanoy:
There are only 153 presidents in the world. Last night, one of them annoyed the hell out of me. Guess who.

Charo, hindi ba dapat ay suportahan na lang ako ni Jeff dahil kapwa kami Atenista? Dahil sa katapusan ng UAAP 75 season, pareho naman kami ng isisigaw ‘di ba? Drive for Five! One Big Fight! Hindi ko rin matatanggap ang sumunod niyang paliwanag matapos na may mag-react sa una niyang patutsada.

@jeffcanoy:
Hey guys, I’m talking about Venezuelan President Hugo Chavez. #wait #what #labo

Labo? Anong malabo do’n, Charo? Bolahin n’yang presidente n’yang panot! Isa pa ‘yang si Chiara Zambrano. Cute pa naman siya. (O, baka bigyang-kulay na naman ninyo huh! I’m done with lady journalists!)

@chiarazambrano:
At dahil sa nangyari kagabi, may extrang galit akong babaunin mamaya sa Ateneo-LaSalle game. Humanda kayo.

Charo, lagi naman akong handa ah. Kaya nga may Project Noah. Pero bakit naman ganoon? Hindi ba nauunawaan ng mga batang ito na kung ‘di dahil sa aking ina ay hindi maibabalik sa pamilya Lopez ang ABS-CBN? Nasaan ang pagtanaw ng utang na loob? Maging sa radyo ay tinitira ako! ‘Yang Dennis Datu na ‘yan na may anggulong Steve Dailisan, nagparinig pa sa akin kinabukasan.

@dennis_datu:
May pinatay dito sa QC ng riding in tandem, alam ko magagalit na naman si Pnoy dahil bad news ito pero kailangan ibalita eh.pasensya na po!

Masakit Charo. Lalo pa’t sama-sama kaming lumaban nina Ka Geny Lopez noong Martial Law. Kung noong Biyernes ay napuruhan si Kabayan, he had it coming. Siya lang ba ang may karapatang magbato ng kritisismo?

@lyndajumilla:
It’s not the criticism, it’s the lack of manners

Charo, sabihan mo naman ‘yang si Lynda! Araw-araw na lang may pitik sa Twitter eh. Hindi kesyo recipient siya ng prestigious Marshall McLuhan fellowship for 2012 ay uurungan ko na siya.

@lyndajumilla:
Ay, pati sa twitter may “pala.” Taga-palakpak sa ‘di kagandahang asal. Weh

‘Weh mo ang mukha mo Lynda. Charo, presidente ako eh. I deserve respect! Ang masakit pa, maging ang dati n’yong mga empleyado, nakikisakay sa isyu.

@GilbertCRemulla:
Tinitira pa niya si Noli De Castro. Not sure if he should stoop down to that level.

Hindi ba nasabihan ang Gilbert Remulla na ‘yan na kaalyado na ng kanyang Nacionalista Party ang Partido Liberal? Baka pagsisihan n’ya ang mga batikos niya sa akin.

@TeddyLocsin:
Noli de Castro had nothing to do with the old administration, Okay you guys in the Palace, you hit the wrong guy.

Charo, ikaw na ang magsabi. Wrong guy ba si Noli? Anim na taon siyang nanahimik. May ginawa ba siya laban sa maanomalyang deal na NBN-ZTE, sa Hello Garci, sa agriculture fund scam, sa PCSO scam, sa Wowowee scam? Wala. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit abut-abot ang pangungutya sa aking naging talumpati. Mabuti pa si Ryan Chua, malawak ang pag-iisip kahit maliit ang mga mata.

@ryan_chua:
Umaapaw ang mga gustong sabihin, pero di bale na lang. ‘Ika nga ni @MangPandoy, “journalistic restraint”

“It’s more fun in the Philippines.” ‘Yan ang ipinangangalandakan natin. Pero Charo, anong fun meron sa pagbabandera ng balita tungkol sa patayan, sa nakawan, sa holdapan, sa oil price hike, sa power rate hike, o sa usad-pagong na traffic sa Edsa? Wala. Kaya please lang Charo, panahon na upang baguhin ang nilalaman ng inyong mga balita. Hindi bukas, hindi sa makalawa. Now na!

Gumagalang (ng lagay na ‘yon),
Noynoy

P.S.
Manonood ako mamaya ng TV Patrol. Alam mo na.

Kung nais mong matanto
buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
ang doo’y nakatago.

NOYNOY: (TV Patrol 25th Anniversary Speech)
“Ako po’y pagpasensyahan ninyo kung masyadong prangka nagsalita ngayong gabi. Maganda na ho siguro ‘yung totoo ang sabihin para magkaunawaan tayo nang maliwanag. Muli po, binabati ko ang TV Patrol sa inyong ika-25 kaarawan.”

‘Di ka kaya magbago
sa iyong pagmamahal
Tunay kaya giliw ko
hanggang sa libingan?

CHARO:
Legitimate concern, wrong venue. ‘Yan ang tila consensus sa isyu ng talumpati ni Noynoy sa anibersaryo ng TV Patrol na naging paksa ng kanyang liham.

Nais ko lang ibahagi ang sinulat ng journalist na si Ellen Tordesillas, “Reporters do not classify news as ‘good’ or ‘bad.’ Their responsibility is to make sure that their reports are accurate.”

Gayunman, kikilos ang network upang siyasatin ang reklamo ng Presidente kay Kabayan.

Sa mga Kapamilya at ex-Kapamilyang naglabas ng saloobin sa Twitter, bahagi ‘yon ng kalayaan nilang makapagpahayag.

Kay Noynoy, huwag mo sanang iequate ang batikos sa kawalan ng utang na loob. Ang ABS-CBN ay habambuhay na magsisilbing simbolo ng legacy ni Tita Cory – ang democracy. Hinding-hindi kami makakalimot. Lalo na sa panahon ng kampanya.

Hangad namin na kahit papa’no ay naibsan ang hinanakit at tampong iyong nararamdaman.

Ako po si Charo Santos, maraming salamat Kapamilya, at magandang gabi sa inyong lahat.

.
.
.
MICROPHONE
.
.
.

Announcement: Ang nagwagi sa ating Guess the Episode Title contest ay si: Abigail Carandang Lacierda ng No. 1000 JP Laurel Street, San Miguel, Manila. You won a pair of tickets to ASAP plus a dinner date with Daniel Padilla or any Star Magic talent of your choice. Congratulations!
——————————
“Nothing travels faster than light, with the possible exception of bad news, which follows its own rules.”
~Douglas Adams

HEARD ABOUT what happened at the TV Patrol Anniversary party last Friday where President Aquino was the guest speaker? No? I’m sorry, I’m not going to share it with you. It’s bad news.

Stay safe everyone!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Note: Tweets used here are REAL. Hindi gawa-gawa lamang.]

About these ads

Actions

Information

60 responses

30 07 2012
sadakups

Our president is just like a kid, and a bully kid at that. You don’t go to somebody’s party and ruin it. Just because you’re president? That’s BS. There’s no excuse for bad behavior. Even if you’re the president.

Now I want to see GMA or TV5 invite this guy to their own events and see if this kid does another round of tantrums about the media not delivering news about his propaganda of “good governance”.

1 08 2012
Anonymous

hello, have you watched the video of the speech and naintindihan mo ba talaga kung ano’ng puno’t dulo? Bad behaviour ka diyan. Anong BS? You know what’s upsetting with most of you guys? This : you rant and rant to your heart’s content. Naiintindihan mo ba ang ethics ng journalism and ‘done in bad taste na comment’? Am sick and tired of people saying things na wala lang… basta makapag-comment lang. Ikaw na!

1 08 2012
Libertas

I agree. Ethics are important, so
– no product endorsements by politicians
– no conflict of interest by tv presenters – sanchez, kris aquino,
– publish ownership of rappler – why do they refuse!!!!
– Code of conduct for cabinet secretaries since they clearly exhibit a lack of personal values
– P- noy to stop refusing to go to the independent journalist forum/conferences, especially if he is so keen to open a debate!
-p-noy simply does some work and keeps his campaign promises
-and not feeding confidential info/misinformation to friendly press or unethical bloggers.
Tricky calamitydang and his gang are starting to show signs of desperation.
Now binay is the target – surprise,surprise. Expect more unethical behaviour from malacanang.

1 08 2012
Bituing marikit

I so wholeheartedly agree!

2 08 2012
senior60

seriously, ano meaning BS?

30 07 2012
Libertas

Love it – PH for comms sec.

Thin end of the wedge.
Next – no satirical blogs.

P-noy would make Goebbles proud.

30 07 2012
Libertas

“The word ‘good’ has many meanings. For example, if a man were to shoot his grandmother at a range of five hundred yards, I should call him a good shot, but not necessarily a good man.” – G.K Chesterton

Some good news!!
‘Arms manufacturers report surge in demand ahead of 2013 elections’ businessworld. – 2013 elections will be a bloodbath!

‘All PNP to be given fireams through new 1.3 billion purchasing contract’ – manila will soon be a war zone!

Arms dealer, and part-time usec, puno’s sticky little hands are all over this!

Signs of progress & prosperity, or more akin to a looming dictatorship where comment and debate are condemned, and the thought police rule.

30 07 2012
Libertas

Tweetpsych – profiling of an individual through their twitter account.(genuine and sign of the times)
P-noy classification could be
– away with the fairies
– delusions of grandeur
– is this assad’s account
– single, and likely to stay that way

30 07 2012
Azion

That was epic, PH! LMAO!

30 07 2012
Joey in Dubai

Noli de Castro and ABS-CBN had it coming. Itanong nyo pa ke ma’am Maria Ressa!

30 07 2012
Audrey Deguilmo Martinez

sinira niya ang party ng tv patrol!

30 07 2012
KMA

Pwede si Gerald Anderson ang kadate? Charot!

30 07 2012
lyn

If you want to promote our country to tourists do like Arirang TV & radio does..

30 07 2012
Gelo

why i’m not surprised with pnoy :D

31 07 2012
jeproks2002

ABS-CBN people cry foul. They claim Pnoy is onion skinned to criticism. Aren’t they being onion skinned too? Kung pwede kang mambato huwag kang umiyak kung ikaw ang binabato. Whether what the president did at that event is right or wrong much has been said. Kung para sa mga taga abs cbn mali ang ginawa ni Pnoy, sagutin niyo naman kung tama ba ang ginagawa ni Kabayan.

25 12 2012
cha

@jeproks2002 – right! korek ka dyan

31 07 2012
Anonymous

He will always blame the past administration for his shortcomings in his present administration. that will always be his stand until his term ends..

31 07 2012
Angelo (@_angeloalexis)

ayan na po.. pati laman ng balita gusto controlin…

31 07 2012
Anonymous

if the media can dish out criticism, they should be able to take it >> http://opinion.inquirer.net/33703/p-noys-kabayan-problem-and-ours-too

1 08 2012
Elena Pan

Eh the article you quoted came from a noytard broadsheet eh….

1 08 2012
eddibumangon

if Pnoy can dish out criticism, he should be able to take it…sino siya para magdikta kung ano ang good or bad news? gusto niya bang laman ng balita ay yung pagka playboy niya RAW na wala namang GF?

31 07 2012
Libertas

“I keep telling myself to calm down, to take
less of an interest in things and not to get so
excited, but I still care a lot about liberty,
freedom of speech and expression, and
fairness in journalism”.
Kate Adie

“Censorship reflects society’s lack of
confidence in itself. It is a hallmark of an
authoritarian regime”. ~Potter Stewart

“I am thankful for all the complaining I
hear about our government because it
means we have freedom of speech”.
~Nancie J. Carmody

“A free press can be good or bad, but, most
certainly, without freedom a press will
never be anything but bad” ~Albert Camus

“If you don’t have complete freedom of the press,
then all these little fellows who are weaseling
around and doing their monkey business generally never get caught. Corrupt politicians and authoritarian regimes always try to control the press” ~Harold R.
Medina

“The test of democracy is freedom of
criticism”. ~David Ben-Gurion

“Give me the liberty to know, to utter,
and to argue freely according to
conscience, above all liberties.”
John milton – 1644

31 07 2012
aiken

haayy si pnoy, sa sobrang conscious sa image, lalo nasisira.. yan ang hirap sa binata, panay papogi

31 07 2012
julie

though the timing is not right…may tama naman si p-noy sa ibang mga sinabi niya…

31 07 2012
clarissadelossantos

tama si pnoy ano ba ang nagawa ni noli noong vice president siya everytime na magbabalita talaga siya tungkol kay pnoy lagi siyang may sarcastic words respect him if you want to be respected

1 08 2012
aiken

senador din si noynoy that time. mas matagal pa sya na dapat may ginagawa kaysa kay noli. pero wala din, papogi lang.. siguro hindi mo napansin kasi wala nga ginagawa

31 07 2012
Anonymous

abegail carandang lacierda! galing mo PH! haha

31 07 2012
rick0421 (@rick221)

Noynoy served as congressman from 1998-2007 and senator from 2007-2010. What did he do as well?

1 08 2012
Gelo

now we’re talking :D

31 07 2012
JR

Ang saya-saya!
I had a really good laugh, thank you!
The few times I heard Kabayan on his commentaries on an early radio show, I really was pissed. Sobrang babaw na nga ng analogy nya, sobrang negative pa!!! The nerve! It would have been okey if he is consistent. During his term, I didn’t hear him cry foul to GMAs shenanigans!!! He should just read the news, nothing more!!!

29 10 2012
cha

bullseye!

31 07 2012
Anonymous

WAG KASI PURO BATIKOS KUNG SIYA MISMO AY WALANG NAGAWA.

1 08 2012
Anonymous

To be brutally frank about it, tell me kung saan ang proper venue? Ipatawag sa Malacanang si Noli? Come on, alam natin anong magiging press release ni Noli nyan: intimidation. O kaya gawin isang one one one conversation? Siyempre, may tendency i-twist ang bawat salita paglabas ulit niyan sa press. So saan nga ang proper venue?Ang problema kasi sa karamihan, kung makareklamo para namang hindi nagtatrabaho presidente natin. Hindi niyo ba naisip na nasa bottom of the pit ang ekonomiya ng Pinas when he took over? For crying out loud, he’s not perfect. Madami din akong maipipintas sa kanya kung tutuusin but you see, let’s give this government a credit at least for doing a job na bagamat sa pamantayan nating mga pintasero’t pintasera, mga mahirap i-please na pinoy, eh he’s a lot better as compared to the previous administration.

Kung napanuod ninyo yung buong video ng speech niya, at ninamnam niyo talaga, masasabi niyo na nagSAsabi lang naman siya ng tutuo and that is the best venue. Bato-bato sa langit ang tamaan, aba, eh magtrabaho ng maayos at di puro reklamo!

KUDOS to Pnoy for taking the cudgels for those of us who’s had enough of this negativity na hindi lang naman sa media eh. This is a wake up call for all of us. Done in bad taste pa kayo diyan. Sa ugaling pilipino na negatibo, dapat diyan head on. Harapan na kung harapan. Walang pakiyeme.

Sabihin ng iba, abnoy, kulang sa utak, walang finesse, isip bata… o sige na, kayo na ang maging presidente.Kayo na ang magaling. Be at the forefront and work your a__s off para you would how it is to work hard. At least, di sya kurakot. At ako, sa mga nakararaming tax payers na nakaiintindi sa sitwasyon, I know na this time, napapunta sa maayos ang buwis ko.

1 08 2012
professionalheckler

THANKS FOR THE COMMENT.

You said:
“I know na this time, napapunta sa maayos ang buwis ko.”

Hello, pork barrel. BIGGER pork barrel under this administration for the crocodiles in Congress.

‘Yon lang.

1 08 2012
Anonymous

I’ve ranted so much about that panahon pa ni Ramos. Napunta pako sa streets for that. May nabago ba? Siyempre wala. I agree na palaki nga ng palaki eh. Pero naman… Hindi naman rocket science yan ang explanation kung bakit di mawawala ang pork barrel. Yaman din lang comparison ang napag-uusapan, are we worst today compared to the last 9 yrs with that lilliputian president? Marami parin akong complaints, issues sa kasalukuyang administration but you see, marunong din dapat tayo i-appreciate ang mga positive results na nagagawa. Sino pa ba naman gagawa nyan eh di tayo ding mga pilipino? Unless, gusto magpalit ng nationality ang mga sobrang righteous dyan.

9 08 2012
8snadyauiz

No one is innocent, there are only different degrees of responsibility.

-the girl who played with fire

29 10 2012
cha

thanks for the rejoiner too PH. yun nga lang, expected. have we heard of any positive from you?
if this was Marcos era, i dare you say just one word…

1 08 2012
aiken

yeah right.. buwis mo napunta sa conditional cash transfer.. sa mga demolition na di kayang tapusin.. sa mga papogi ng mmda – no smoking, no littering, no jaywalking, motorcycle lane, nightduty, no wangwang, bus lane – ningas kugon naman.. sa madaming speech.. sa maintenance ng website, facebook, twitter.. andun pa din kalokohan sa mga govt offices.. check mo customs, ltfrb, building officials (magpatayo ka building nang malaman mo).. bakit kelangan palitan ang license ng LTO?.. kayang kaya ka lokohin ng presidente mo

1 08 2012
aiken

sorry for the rant… di pwede sa akin ang at least.. i pay my taxes, i follow the rules, i get up everyday.. i think the president can be blamed fully or partially for every bad news

1 08 2012
aiken

naalala ko pa yang K-12.. asar si armin.. pinilit kahit di na explain.. dapat may investigation dito bec a lot of schools still does not have the curriculum to implement this

1 08 2012
Anonymous

“napupunta sa maayos ang buwis ko” – wow! saan? sa tuwid na daan? sa kalsadang ginagawa tuwing tag-ulan?

1 08 2012
jphilipg

Hahahaha! I’m still not happy with where my taxes are going to.

1 08 2012
Gelo

problema satin, we always compare. let alone, use other’s faults para matakpan din ang mga kakulangan natin. I believe may laman nman tlaga sinabi nya, ung way ng delivery at kung saan nya ginawa, mali. What could have he done instead? he could have wrote a letter sa management ng abscbn para iwarn si noli. Now that’s professionalism. Kung presidente ka, you should know how to stoop to your level. And hell, HP is right about our taxes, HELLO PORK BARREL :) just my two cents :)

2 08 2012
senior60

ang napakalaking question mark pa ay , are the president’s men as honest starting from his vice down the line..

1 08 2012
senior60

as simple as, magbalita naman kayo ng positive things,

yan ang message ni noynoy

1 08 2012
lovephobia

Exactly! Some people are just exaggerating na kesho dapat good news na lang ang ibalita at wala ng bad news. duh

1 08 2012
eddibumangon

senyor,

hindi pa ba sapat ang obvious bias ng abs cbn pabor sa kanya?

5 08 2012
senior60

uuyyy eddi, nandyan ka pala, kay noli lang sya may sama ng loob kasi, feeling siguro ni noynoy mas may impact ang sasabihin ni noli dahil si noli yan di ba

15 08 2012
Anonymous

tama! ilang years pa alng nananilbihan ang presidente natin. haler. DO you think lahat ng issues kaya nyang solusyunan? ang babaw talga ng mga tao. walang good na president lagi. icompare nyo na alng kasi yung economy natin from previous administration. ano iniexpect nyo, yaman na agad ang pilipinas. Ang Singapore nga ilang years na rehabilitate ng prime minister nila ang country nila apra maging okay sila. ang bobo talga nating mga pinoy. puro satsat.naku mga nega! ang alam alng mag comment ng masama. jusko naman.

1 08 2012
tin2ecc

Hecklerrrrrrrrrrrrrrrrrrr hahaha winner ka!

1 08 2012
masmasuertekeabigail

grabeng dami at haba ng tawa ko, pangaward ang kuente ng lelong noy, sinu kaya gaganap na noy? kailangan laging nkanganga rin:-D 2 words,, spoiled brat!

3 08 2012
Gigi

Wala naman talagang nagawa si Noli de Castro as VP. That’s what is galling about his criticisms. Until now, he has not spoken about what he knows about the GMA admin. And with Globe Asiatique, either he is very incompetent or malinis siyang magtrabaho!

5 08 2012
runaway

honestly nakakapagod na yang patusada ng patusada ni Pnoy sa previous administration. 3 years na. Move on! Look forward instead of looking behind. Alam na naman ng lahat ng tao na corrupt ang government ni GMA. Turo siya ng turo eh wala namang nangyayari. Kasuhan si Noli dun sa kasalanan niya. Ung mga pwede niyang aksyonan hindi naman niya inaa-aksyonan.

Hello sa mga cabinet members mong sila mismong super palapak. Kaya hindi nagtatagal ang relasyon eh bitter masyado.

Ampalaya!

6 08 2012
itsmemidori

I don’t understand why PNoy acts like an immature kid, ALL THE TIME!. He’s the President, for Pete’s sake, he should act like one!

24 08 2012
Berlyn Enriquez Soberano

ano kayang comment ni Kris sa issue na to?

29 10 2012
jake scoundrel

kabayan was right nung sabihin nya na tignan na PNOY yung NAIA 1,may masamang balita ba run? tignan nyo naman,no.1 worst airport ang NAIA 1 good news ba yun? hirap kasi sa mga noytards naniniwala sa mas noytard…

2 12 2012
Anonymous

hayyy…..tingnan muna ang sariling gawa bago pulaan ang kapwa….Isa lang ang Presidente milyon milyon pumipintas….kawawa naman ang mga susunod pa…mabuti at masamang gawa isa na lng ngaun para sa inyo.

5 12 2012
david

Hey guys, don’t you think it’s annoying that whatever good deeds that you do, still some people choose to look the other way. Put yourself in Pnoy’s shoes, where all your intentions is geared to make the country clean of corruption and surge forward towards progress, and yet no one is listening or taking notice, kung ikaw siya di mo kaya ika frustrate yun? No wonder hirap umasenso tayong Pilipino because we are not team players, lahat nagmamagaling, hanggang salita lang naman. Shame on you guys, nagdunong dunongan kayo. Wala na ba kayong ma-contribute sa bansa natin kundi puro pamimintas?

13 12 2012
Keira

I agree with you. I say we should just be thankful that the country is taking a step forward in terms of development kung ikukumpara mo naman dun sa previous administration.Tama si David na imbes na suportahan natin itong current government (kasi my God, kung di mga Pilipino, sino pa susuporta?) tayo pa mismo ang nagddown dito. Pano pa tayo aahon nyan? Yes, its good to voice out criticisms. I mean, kailangan naman talaga yun para malaman natin kung ano ang ginagawang mali at maitama, pero aba, mali naman ata na puro kritisimo lang ang sasabihin mo! Learn to appreciate naman yun efforts and changes na nagawa nya. I think yan lang din naman yung gusto nyang iparating dun sa sinabi nya sa speech. I admit hindi pa naman ganun ka-impressive ang mga achievements nya pero atleast he’s starting the change for the better. Paunti unti, he is slowly changing yung corrupt image ng mga tao regarding the government. Yung sa akin lang naman, di mo naman agad agad masusulusyonan ang mga problema overnight eh. He is making an effort as the current president and for me, that in itself is a miracle and a relief na kung titingnan mo ang history natin ng gobyerno dito sa Pilipinas.

18 01 2013
brenttzu

late reader ako, but this post is EPIC! hahahah

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113,848 other followers

%d bloggers like this: