EXCLUSIVE! INTERVIEW WITH THE DEVIL

1 05 2012


“HOMOSEXUALITY is not a sin but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth.”
~ Beauty queen/actress Miriam Quiambao

In the interest of fairness, I promised my Twitter followers I would try to get the side of the devil. Fortunately, the devil granted us an exclusive interview. But it had to be a quick one since his schedule was full: meeting with Joseph Kony at 1pm, dinner with oil companies at 8, and flight to North Korea at 11. Enjoy!

Heckler: Kumusta ka na?
Devil: Heto, masama pa rin. Ikaw?
Heckler: I’m good, I’m fine.
Devil: Kawawa ka naman. Anyway, nagmamadali ako. Limit your questions to six.

Heckler: Balita ko, nakita ka raw sa mall recently. Malamig do’n ah. Level up ka na?
Devil: Tanga! Sa labas lang ako. Sinamahan ko ‘yong riding-in-tandem robbers sa Robinsons Galleria. Lookout ako do’n. ‘Kita mo naman, dahil sa akin, successful ang operasyon.

Heckler: Oo nga pala, nalimutan ko. Puwede ka nga palang magbago ng anyo.
Devil: Exactly! One day, congressman ako, the other day, Customs clerk o kaya fixer sa LTO. Depende sa mood eh. Kapag online ako sa Twitter, minsan Annabelle Rama ang peg ko. O kaya sa text, Cristine Reyes naman. Kailangang papalit-palit para ‘di tayo mabisto.

Heckler: Speaking of congressman, kumusta naman ang dalawang kapulungan ng Kongreso namin?
Devil: Aba, mahusay! Consistent pa rin ang pagiging ganid. Alam mo naman ang mga hayup na ‘yan, kapag nakahawak na ng PDAF, kumisyon agad ang nasa isip. Although aaminin ko, may mangilan-ngilan din namang ‘di namamansin sa akin but give me time. Maku-convert ko rin ang mga ipokritong ‘yan!

Heckler: Hindi ka ba napa-frustrate sa “daang matuwid” campaign ni Pangulong Aquino? He’s been persistent with his anti-corrupton policy since he assumed office.
Devil: Oh please. That crusade is overrated. Marami sa mga katulong ko sa pagsasabog ng kasamaan sa nakaraang administrasyon, kaalyado na rin ng kanyang pamahalaan ngayon. They’re making it easy for me. Of course, meron pa ring ilan na kumukontra sa mga kagustuhan ko. Pero hintayin mo lang, gumagawa na ako ng paraan upang makuha ang kanilang loyalty. I’ve been in politics for like forever. Alam ko na ang hilatsa ng bituka ng mga ‘yan.


Heckler: Sabi ng PNP, bumaba ng 16 percent ang antas ng kriminalidad sa unang quarter ng taon. Hindi ka ba naiinsulto?
Devil: Mwah-ha-ha-ha! Very funny! Sixteen percent????!!! Pathetic. That only means na waging-wagi pa rin ako at 84 percent! Ang lakas naman ng loob nilang magmalaki. Mga ulol!

Heckler: Bakit, ano bang achievements mo lately?
Devil: Come on. I’m winning! Baka maubos ang oras natin kapag inisa-isa ko ang aking tagumpay. Sa Customs pa lang, panalo na eh. Blackout sa Mindanao; bullying sa Panatag Shoal; incomplete/dishonest SALN; higher HIV cases; oil price hike; hiwalayang Chiz Escudero at Christine Flores, Joel T. Reyes, Ruben Ecleo, Jovito Palparan, Ramona (Revilla) Bautista, Rhian Ramos, Kim Jong-un at Metta World Peace. Sa’n ka pa!?

Heckler: Oo nga noh! But wait! You lost Manny Pacquiao!
Devil: Mwah-ha-ha-ha! Tang-*** n’ya! Ang sarap-sarap ng buhay na inoffer ko sa kanya, tapos tinalikuran n’ya? Syet ang bobo! Babae, alak, sugal, salapi… name it, he enjoyed it. Pathetic. Mas pinili pa niya ang peace of mind, forgiveness, at salvation. Whateverrrr!

Heckler: You sound bitter.
Devil: Isa ka pang bobo! Kaya nga demonyo ako eh. Lahat ng kanegahan, taglay ko. Moron!

Heckler: What do you think of Vice President Binay?
Devil: May potential siya. ‘Sabagay, he’s been a protégé since his Makati City days. Medyo tahimik nga lang ang mokong ngayon. Wala akong nababalitaan sa kanya eh. Pathetic! And that kinda disappoints me. Let’s see. Matagal pa naman ang 2016. Abangan na lang natin.

Heckler: Pansin ko lang, favorite word mo ‘yong pathetic.
Devil: Pansin ko lang, humahaba na ‘yong interview.

Heckler: Joke lang. Siguro naman nabasa mo ang tweet ni Miriam Quiambao. Isasalin ko sa Filipino: Ang kabaklaan ay hindi kasalanan. Ito ay kasinungalingan mula sa demonyo. Ano ang masasabi mo?
Devil: Big words. Big, brave words. But I’m not surprised. After all, she’s a product of the The Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines. Punyeta, ang haba. UST na nga lang. Anyway, i categorically deny the allegation. Kapag straight, gawa ng Diyos n’yo; ‘tapos kapag bakla, gawa ko?! Umayos ka ngang babae ka! Gusto mo bang pitikin ko ulit ang high heels mo para madapa ka ulit sa stage? On the brighter darker side, tama lang pala ang ginagawa mo. Your tweets promote hatred and foment war – just some of the things that I love.

Heckler: Katulad sa mga nakaraang interview ko, meron akong tinatawag na Rapid Round. Magbabanggit ako ng mga pangalan, at sabihin mo kung ano ang unang pumasok sa utak mo. Game?
Devil: Shoot!

Heckler: Kris Aquino.
Devil: I miss her. Masyado na siyang lumalayo. Hate it.

Heckler: Petron, Shell, Chevron
Devil: They have yet to fail me. Personal faves. Bravo!

Heckler: SM Baguio.
Devil: Duh. May nag-rally lang, huminto na sa pagputol ng puno? Upsetting!

Heckler: Chris Tiu
Devil: Hmpf! Ang linis-linis! Pathetic!

Heckler: Chief Justice Renato Corona
Devil: I’m starting to like him. Lalo na kapag nakikipagsagutan siya sa mga taga-Malacañang, ang saya!

Heckler: Cong. Niel “Junjun” Tupas Jr.
Devil: Mas close ako kay Niel Tupas Sr. pero Junjun and I are getting there.

Heckler: Sharon Cuneta
Devil: Mwa-ha-ha Ayoko! Baka sumagot.

Heckler: Sen. Juan Ponce-Enrile
Devil: I’m a fan. Mwa-ha-ha-ha

Heckler: Annabelle Rama
Devil: ‘Yong tipong gagamitin niya sa tweets at interviews ang pangalan ng Sto. Niño sabay mura sa kaaway. Tang-*n*, ang cool! Idol!

Heckler: Manila Arbishop Luis Antonio Tagle
Devil: Pakialam ko!

Heckler: Gloria Arroyo
Devil: Just hang in there. Ginusto natin pareho ‘to. Walang sisihan.

Heckler: President Aquino
Devil: I’m not really into him pero may mga pagkakataong naa-appreciate ko ang attitude niya. Gustung-gusto ko kapag pikon na pikon siya ‘tapos nagpapatutsada sa kaaway. Syet! Mukha siyang grade schooler na inagawan ng sharpener at eraser. Loooove it.

Heckler: Last: Professional Heckler
Devil: Ayoko nga! Eh kung iedit mo?
Heckler: Blog ko ‘to, anong pakialam mo?
Devil: Pathetic!
——————————–
“We are each our own devil, and we make this world our hell.”
― Oscar Wilde

Stay healthy, be productive and enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

46 responses

1 05 2012
Ems Reyes

ay, ba’t walang reaksyon si Taning kay Madam Miriam? lol haha

2 05 2012
senior60

kasi hindi naitanong ni mister heckler hehe

1 05 2012
Mikololo

Devil = Wyngard Tracy (SLN)? Sorry, can’t help it, “pathetic” nang “pathetic” eh.

1 05 2012
piya

lol, ang saya ang galing walang kupas ka ph..curious lang, may edgar allan poe tendency ka ba? hehe… sobrang galing..,parang .. follower mo na siguro si mega no? ang galeng!

2 05 2012
etchosera

umayos ka, ha? Ano ba talaga…. galing o galeng?

7 05 2012
piya

tamang gamit po ng galeng, pag pantatlong beses na nagamit sa isang pangungusap ,dapat e, na para may lambing…piyawikipedia…#lulusot

1 05 2012
KarlaMinette

Oh my God! Tawang tawa ako dito sa post mo nato. Walang katulad! I must say that your blog posts are more fun than your tweets.

2 05 2012
senior60

muna, speak for yourself oscar wilde, huwag mong idamay lahat

2 05 2012
senior60

dito sa amin, hindi na ako nakakita ng fixer sa LTO yehey

3 05 2012
Lola Nila

bka nasa heaven ka na manong senior60? kurot mo nga sarili mo. :)/

4 05 2012
senior60

seriously nila, noong mga nakaraang taon except this

march 2012 lang, tuwing ako’y nagpupunta sa LTO, hindi

ako makapasok kaagad sa gate pa lang dahil sa naglipanang

fixers na sasalubong but not anymore, smooth sailing na,

pero ewan ko rin pala ha, baka ang araw at oras ay factors din..

4 05 2012
onat725

saan ba ang lto nyo senior at dyan na ako magpaparehistro.

5 05 2012
senior60

at any cost onat? i mean, gagastos ka pa sa pamasahe,

pagkatapos, titira ka pa sa pension house dahil siempre

ang sticker mo ay makukuha the next day…

2 05 2012
Ella Wagemakers

Aliw! Hangga’t sa pinakasulok ng Netherlands, tawa pa rin ako ng tawa! Gets na gets! Salamuch!

2 05 2012
Dennis Del Villar

this is great…hehehe

2 05 2012
rax

Ikaw Na! Even the devil granted you an exclusive interview…. LMAO, hehehehe

2 05 2012
Anonymous

Soo funny! The best ka talaga heckler!

2 05 2012
libertas

“A politician is the devil’s quilted anvil; He
fashions all sins on him, and the blows are
never heard.”
John Webster

Faustian politics results in self-serving alliances and unholy pacts of which even the devil would be proud

2 05 2012
Anonymous

you hit it at the center…. bulls eye….galeeng…galeeng….di nakakaboring….

2 05 2012
rojan88

ang kulit ng picture sa taas hahahaha. galing mo talaga pati devil nainterview ikaw na hahaha

8 05 2012
etchosera

Koya, may nawawala atang link?

Gustong gusto ko pa naman ngayong mag-click.

8 05 2012
rojan88

hahaha. nahiya na ko eh. sabi mo kasi lagi ako nagbebenta hehehe.

9 05 2012
senior60

oo nga rojan, huwag mong kalimutan dahil binibisita ka rin namin kapag may mahabahabang oras pa

9 05 2012
rojan88

hehe thanks po senior60 :-) sige next time :-)

13 05 2012
etchosera

Wag na kasing nahihiya…. dati mo na namang ginagawa yun, di ba? Keri na!

2 05 2012
ProvokedThoughts

eh yong sobra ko lang naenjoy yong conversation with the devil…somehow..true!!!

3 05 2012
Lola Nila

don’t worry, soon you will have all the chances to interview him… :D

3 05 2012
Rene

waaah!! takot si taning ke Mega.. hahaha!! baka daw sumagot!

3 05 2012
Barok

been a while since my last visit but you never fail to amuse…good job sir!

3 05 2012
hikatalomato

bwahahaha. syet! ngayon lang ako natawa ulit.

4 05 2012
senior60

uuyyy hikata, matakot ka dito sa sinabi ni libertas, na ayon daw

kay robert frost ” if we couldn’t laugh we will all go insane “

8 05 2012
etchosera

Naku Senior! Paanu pa ba mabubuang ang dati nang buang na katulad ko?

9 05 2012
senior60

etchos papaano ba mabubuang ang laging nakatawa katulad mo

3 05 2012
theprettymonster

I love the Anabelle Rama part LOL much :D

8 05 2012
Anabil

talaga ‘Day? Salamat!
Ponta ka sa ofis ko, bigyan kita ng bag…. yung binele ni Ropa sa Taylan.

3 05 2012
J.

Panalo ‘ung rapid round. =))

3 05 2012
jhen

pang-ekek lang. UST is the Royal, Pontifical, Catholic and most importantly —- Smoke-free University of the Philippines.

3 05 2012
jasper

i wish annabelle rama would channel her develish energy more productively by taking on floyd mayweather in a tweeter war.

8 05 2012
Anabil

Gusto ko yan Dong! Bobogbogen ko yan … bogbog sarado si Meeweder sa aken Dong…. segorado yan!

4 05 2012
danielle

magaling na sana kaso bat kailangan niyang gamitin ang photo ni Ruben Ecleo….

4 05 2012
mike ariel

pathetic.haha.:P

7 05 2012
Anonymous

pathetic ka nga. baka you mean arthur defensor, instead of Tupas.

15 05 2012
The Web Wanderer (@dwebwanderer)

bwhahahahha! dami kong tawa! hahahahah! =))

30 07 2013
THE POPE, GAYS, AND PORK BARREL | The Professional Heckler

[…] Francis was quoted to have said, “Who am I to judge a gay person?” Did you hear that Miriam […]

11 02 2014
THE DEVIL RETURNS | The Professional Heckler

[…] 2012, we had a series of exclusive interviews with the […]

21 02 2014
pilosopongkomikado

Evil talaga ang mga sagot ni Devil! As expected! ((:

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101,561 other followers

%d bloggers like this: