PINOY FIREWORKS

30 12 2011


NARITO ANG LISTAHAN ng mga paputok na ‘in’ ngayon sa Pilipinas. Babala: Iwasan ang ilegal. Peligro ang dala ng mga ‘yan sa buhay.

Binay Firecracker: Ang pinaka-popular na paputok sa bansa ngayon. Hindi masyadong malakas at maingay pero kapag pumutok, maraming maliliit na tao ang nakaka-appreciate.

Noynoy Firecracker: Ang pangalawang pinaka-popular na paputok sa Pilipinas. Sa unang tingin ay harmless, pero mag-ingat ka. Sumasabog ‘yan nang harap-harapan; walang pinipiling lugar, kahit kaharap ka pa.

Noynoy Firecracker 1: Precursor ng Noynoy Firecracker. Mahigit limang dekada na; medyo hirap nang pumutok.

Erap Firecracker: Lumang uri ng paputok ngunit superpopular pa rin lalo na sa mga mahihirap. Nawala na sa market pero paminsan-minsan ay bumabalik. Huwag titikman. Masyadong bitter ang paputok na ito.

Gloria Firecracker: Ang pinakamaliit na paputok. Normally, sumasabog ito sa lupa pero may mga pagkakataong nagtatangka itong lumipad. Bantayan kung ayaw mong makawala.

Corona Firecracker: Sa unang sindi ay tahimik lamang pero habang tumatagal, lumalabas ang tunay na bagsik. Kahit mag-effort ka pang ito ay ihagis, hindi siya masyadong lalayo. Nand’yan lang siya.

De Lima Firecracker: Isa sa pinakamatinding paputok. Nakikipagsabayan sa mas malalaking firecracker. Mas bongga ang putok niya kapag maraming taong nanonood.

Pacquiao Firecracker: Kapag ‘di ka nag-ingat, siguradong “you’ll go the world and multiply… your fingers.”

Lacierda Firecracker: Napakaingay na firecracker. Kahit sino pinuputukan.

Lacson Firecracker: Kapag sinindihan mo ito, lilipad papalayo. ‘Wag mag-alala, babalik din ‘yan after one year.

Judge Jesus Mupas Firecracker: Ang pinakamabilis pumutok sa lahat ng uri ng firecracker. Bago ka makapagtakip ng tainga, nakaputok na.

Mar Roxas Firecracker: Kung sisindihan mo kasabay ng ibang uri ng paputok, mauuna siyang sumabog. Pero habang papalapit ang 12 midnight, nauubos ang kanyang lakas. Tatalunin siya ng ibang firecracker.

Manny V. Pangilinan Firecracker: Ang pinakamahal na paputok. Paborito ng mga basketbolista at iba pang atleta. May pagka-misteryoso ang putok nito pero deadma na. Ang mahalaga, nagdudulot siya ng saya.

Kris Aquino Firecracker: Isa sa pinakamaingay na paputok. Pero kahit gaano pa kaingay o kairitable ang tunog niya, hindi ka magsasawang panoorin; masyado kasing makulay.

Shalani Firecracker: Ang kabaligtaran ng Kris Aquino Firecracker. Pumutok na pala, hindi mo man lang namalayan.

Christopher Lao Firecracker: Pumuputok na walang warning. Hindi ka man lang sinabihan.

Palparan Firecracker: Ang kinatatakutang paputok ng mga Komunista. Marami nang namatay na maka-Kaliwa matapos masabugan ng firecracker na ito. Unfortunately, naubos na ang suplay. Hirap nang mahanap sa bilihan.

Jinkee Pacquiao Firecracker: Pagkasindi mo rito, titigan mo siyang mabuti. Mapapa-wow ka sa pagbabagong magaganap habang nagliliyab.

Ramon Revilla Sr. Firecracker: Kung paramihan din lang ng putok, walang tatalo sa kanya.

Midas Marquez Firecracker: Katamtaman lang ang lakas ng putok niya pero may ‘gulat factor’ kaya mapapatili ka.

Topacio Firecracker: Hugis itlog. Funny ang putok niya. Sa halip na masindak, matutuwa ka pa. Pero minsan, nakakainis na rin.

Velarde Firecracker: Siksik, liglig at umaapaw ang putok nito.

Tulfo Firecracker: Sa sobrang lakas ng putok, mapapamura ka!

Annabelle Rama Firecracker: Walang pagod sa kakaputok. Sa ayaw at sa gusto mo, puputok siya kung trip niya.

John Lloyd & Shaina Firecracker: Kapag natilamsikan ka ng pulbura, kakapit sa iyo ito. Worse, posibleng lumubog ang ilang fragments sa balat mo. Mahihirapan kang bunutin. Ipa-doktor mo na.

Ramona Bautista Firecracker: Hindi mo pa man nasisindihan, lumilipad na. ‘Wag ka nang umasang makikita pa.

Azkals Firecracker: Cute ang sound. Favorite ng mga kabataan. Pero hindi gano’n kalakas ang putok. Malayo pa ang lalakbayin bago mapantayan ang lakas ng ibang firecracker.

Zubiri Firecracker: Sa kalagitnaan ng pagputok, biglang hihinto. Wala lang. Ayaw na niya. Bakit ba? Walang pakialaman. Napahiya na eh.

Piolo Firecracker: Kung babae ka, hindi mo siya mararamdaman. Pilitin mo man itong painitin o paapuyin, mabibigo ka. Hindi siya puputok. Try mo na lang pasindihan sa kapatid mong lalaki. Baka sakaling gumana.

Elena Bautista-Horn Firecracker: Wala talagang ganitong firecracker. Kathang-isip lamang ito. Gawa-gawa lamang.
——————————————————–
“Every year we see needless and preventable injuries from fireworks.”
~Jonathan Jackson

Happy New Year everyone!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

25 responses

30 12 2011
libertas

“It’s a cracker”
Catchphrase of
Frank carson – comedian

Ending the year on a high note.

Happy new year

30 12 2011
Dwight D.

Hilarious!

30 12 2011
libertas

Ligot firecracker – it bursts into tears

P-noy firecracker – it bursts into song

PH firecracker – it bursts into laughter

31 12 2011
libertas

Kris firework – it bursts into self promotion

Illegal firework – it bursts in your hand – avoid

30 12 2011
Anonymous

ay naku, loi pogi. funny ka talaga!

30 12 2011
myfickle

ay funy ka talaga!

30 12 2011
PINOY FIREWORKS « The Professional Heckler | Pnoy Talks

[...] Follow this link: PINOY FIREWORKS « The Professional Heckler [...]

30 12 2011
Akoni

haha gusto ko yung shalani firecracker….di mo alam pumutok na pala, parang walang silbi pero dangerous..LOL

31 12 2011
cea

nice!! laughtrip :)

31 12 2011
Wilma Santos

DJ MO FIRECRACKER: Pay pumutok ito may Rhian, ay Rhyme pala! Ngunit magbibigay muna ng apology bago makasakit. Ang gandang i-video, for posterity (months later).

31 12 2011
Lola Nila

saan na ang mislang firecracker? pangit ba ito kaya wlang supply sa market?

in fairness ha may gwapo pala sa vietnam dhil yung mga rep nila sa mr. international at mr. manhunt int’l ay puro runner-up….anong say mo miss mislang?

31 12 2011
Vickie

hahaha…..san ba nabibili yang mga firecrackers na yan?? gusto ko yung PH firecracker…..masaya…..pag sinindihan, burst of laughter ang maririnig mo, hehehe…..Happy New Year, PH….

31 12 2011
ellentordesillasEllen

Enjoy talaga. Happy New Year!

31 12 2011
hikatalomato

libertas firecracker – di na kelangang sindihan. banggitin lang ang pangalang pnoy, kris or pakyaw at kusa etong sasabog
senior60 firecracker – gustong pumutok pero di na kaya
etchosera firecracker – kelangang dutdutin muna bago pumutok

the only people who get lucky during the holidays are the chinese. the rest of us are still in deep shit.

2 01 2012
senior60

pa copy hikata ha

hikata firecracker- di na kelangang sindihan, banggitin lang ang
pari at kusa etong sasabog

etchosera firecracker- hindi na kelangang dutdutin, kusa itong
puputok

senior60 firecracker- no comment hahaha

hindi lang naman ang pagiging mapera ang batayan ng pagka
lucky hikata, katulad mo na lagi na lang may bitbit na mug of beer,
in deep shit ka pa ba sa lagay na ‘yan

3 01 2012
eddibumangon

no comment means admission? hahaha

4 01 2012
senior60

hindi rin eddi, baka kasi sabihin mayabang ako kung

kinuntra ko si hikata hehe

5 01 2012
onat725

senior60 firecracker- luma pero pumuputok pa rin. hehehe peace senior kahit senior ka na kasi pumuputok pa rin ang comment mo dito. tanungin natin si libertas…

31 12 2011
rojan88

hahaha the best ka talga idol, lakas ng putok nitong post mo. parang fireworks sa fyrolympics. hehehe. looking forward for more hilarious and funny post this 2012 :-)

happy new year idol :)

——————————————————————————————

http://rojan88.wordpress.com

1 01 2012
kenyo

ikaw na hehehe d best ka… ikaw heckler anu nmang paputok ikaw???

2 01 2012
senior60

kris aquino firecracker- kalaunan, nakakasawa na rin

2 01 2012
EdWeird

Pinoy Heckler Firecracker: So funny you wouldn’t realize na pumutok ka na pala!!!

3 01 2012
assilem

one of my worst day..
(nmatay zhi tsu namin)
thanks for the firecrackers..
funny!

3 01 2012
fruitfairy47

Just started reading your blog last week. Naeexcite ako basahin pa yung entries mo for the past years (andami nun, yay!). Very clever and super funny! Mukha na nga ako sira dito sa office, tumatawa mag-isa pag nababasa ko blog mo :)) Nakakatanggal ng stress hehe! Keep it up PH! Happy new year :)

9 01 2012
noel b

ok … To!

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 109,139 other followers

%d bloggers like this: