NAGPAPATROL, 24 ORAS

5 06 2011

SA UNANG PAGKAKATAON sa kasaysayan ng telebisyon, sumasainyo ang programang hatid ng pinagsanib na puwersa ng ABS-CBN News and Current Affairs at GMA News and Public Affairs.

Live mula sa panulukan ng dalawang kalsadang hindi namin puwedeng pangalanan, “Nagpapatrol… 24 Oras!”


Kabayan: Magandang gabi bayan!
Mike: Ekskyus me pow Kabayan! Parang ako yata ang dapat mag-introw ng show na itow!
Korina: No Mike, mas nauuna talaga kaming pumasok. Sa sobrang haba ng OBB n’yo, nasa first item na kami, headlines pa lang kayo.
Mel Tiangco: Nakow huh! Aba’y nakatutok pala talaga kayo sa programa namin ‘noh? Pati haba ng opening namin alam na alam mo! Pambihira!
Ted: Ehem. Humahaba na po ang diskusyon. We are on live TV. Simulan na natin. Ako si Ted Failon… ngayon!

Kabayan: Sa detalye ng mga nagbabagang balita! Tinanggihan ni dating senador Mar Roxas ang alok ni Pangulong Aquino na maging kalihim ng Department of Transportation and Communications kapalit ng nagbitiw na si Secretary Jose ‘Ping’ De Jesus. Nagpapatrol… si alVEEEN Elchico!
Alvin: Kabayan, nag-anunsyo na naman ng piso kada-litrong pagtataas sa presyo ng gasolina ang tatlong higanteng kompanya ng…

[Nawala sa screen si Alvin, nag-black ang screen then umapir ang logo ng "Nagpapatrol... 24Oras"]

Kabayan: A-che-che! Nagkamali ako ng tinawag na reporter. Pasensya na alVEEEn! Mabuti pa, kausapin na lang natin nang live si dating senador Mar Roxas. Magandang gabi Senator!

MarRoxas: Magandang gabi naman sa ‘yo Kabayan at sa mga tagapanood n’yo. At higit sa lahat, good evening sa misis kong nariyan sa studio. Kung ‘di dahil sa kanya, hindi ako makukumbinsing magpa-interview ngayon. Alam mo na!

Kabayan: Totoo bang tinanggihan mo ang alok ng Pangulo na maging DoTC secretary?
MarRoxas: Alam mo kabayan, kahit kailan naman, hindi ako nagsalita tungkol sa kahit anong offers o non-offer. Basta ako, I will serve for the pleasure of the president. Basta’t ikakaligaya niya, pagseserbisyuhan ko siya.

Kabayan: Sabi ni Secretary Ochoa, patuloy na dini-define ang iyong functions as presidential chief of staff…
MarRoxas: ‘Yon nga ang ‘di ko maintindihan Kabayan. Isang buwan nang dini-define ni Ochoa ‘yan pero Hunyo na, wala pa ring linaw. Kung gugustuhin niyang matapos ang pag-define, maraming paraan. Pero kung ayaw, talagang matatagalan. Inip na nga ako eh.

Kabayan: Anong reaksyon mo sa pahayag ni Sen. Chiz Escudero na mas makakabuting sa DoTC ka?
MarRoxas: Mas makakabuting manahimik siya! Hindi ko kailangan ang advice n’ya.
Kabayan: Kasi raw, according to Chiz, kapag nasa palasyo ka at kasama ni Ochoa, baka magkagulo pa…
MarRoxas: Ayusin n’ya muna ang gulo sa buhay n’ya!
Kabayan: Huling tanong na lang senador… wala pa ba kayong balak magkaroon ng baby ni Ate Koring?
MarRoxas: Saka na ‘yan Kabayan kapag defined na ang functions ko bilang asawa niya.
Kabayan: Maraming salamat dating senador Mar Roxas. Korina…

[Title Card: Marcos Burial]

Korina: Sa ibang balita… full military honors para sa libing ng pinatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos! Ito ang naging rekomendasyon kay Pangulong Aquino ni Vice President Je… achooo! Pasensya na po, sinisipon ako. Ito ang naging rekomendasyon kay Pangulong Aquino period! Ayon sa nabuong report ni Vice Presid… achooo! Grabe na talaga ang sipon ko. Sorry. Ayon sa nabuong report, bibigyan ng full military honors ang dating pangulo ngunit ang interment service ay isasagawa hindi sa Libingan ng mga Bayani kundi sa Ilocos Norte. Kaugnay ng balitang ‘yan, makakausap natin si Vice Presi… achooooooooooooo! May makakausap po tayo, period. Nasa linya na raw yata siya. I’m not sure. Hi!
Vice President Binay: Magandang gabi Korina. Salamat sa pagkakataong makapagpaliwanag.
Korina: Ahm, parang may technical problems po tayo. Wala akong marinig.
Vice President Binay: Kung hindi mo marinig, ipapaliwanag ko na lang sa mga nanonood. Alam n’yo mga kababayan…
Korina: Ipagpaumanhin po ninyo pero napakasama talaga ng signal natin. Susubukan po naming maibalik…
Vice President Binay: Hindi ako nawala. Narito ako Korina.
Korina: Basta, we’ll try to call again. Narito muna si Mike…

[Title Card: Ronda Alerto Patrol 24!]

Mike: Huling-huwli ang SUV ng aktowr na si Richard Gutierrez na nag-ow-owverspeed sa kahabaan ng Cowmmonwealth Avenyow na kilala rin sa tawag na killer highway sa Quezown City. May live na owlat mula sa tanggapn ng MMDA si Michael Fajatin. Michael?
Michael: Mike, pasado alas-otso nang umaga nang hulihin ng MMDA ang driver ng sasakyan ni Richard Gutierrez. Ngunit… ahm, matapos ang ilang negosasyon, ito’y matapos na, tinicketan siya, tinicketan siya Mike, pagkatapos nito, hindi na sila nag-away, nag-away sila sa simula, pagkatapos nito’y nagkaroon sila ng ahhh, pag-aaway sa simula.
Mike: Klarowng-klarow ang repowrt mo Michael. Pero anow ‘towng nabalitaan naming sumugod daw diyan ang ina ni Richard. Bakit?
(Commotion)
Annabelle: Akin na ‘yang mikrupunu mu dung! At ‘yung kamiraman dung. Tutuk mu sa akin ang kamira dung! Hillu! Hillu! Si Mike Inrikiz ba ‘tu?
Mike: Mga Kapusow, live pow mula sa MMDA, si Ms Annabelle Rama!
Annabelle: Hay naku dung! Walang alam si Rechard! Inusinti ang anak ku dung! Natotolog siya sa kutsi nang paliparen ng driver niya dung!

Mike: Teka lang, nasaan ba si Richard? Bakit kayo ang nagpapaliwanag?
Annabelle: May teyping ng Captin Barbill ang anak ku! ‘Di puwiding abalahin! Basta! ‘Yung driver niya ang bubu dung! Idadamay pa niya ang anak ku! Nag-highblood tuloy ang dugo ko dung.
Mike: May mensahe ka ba sa MMDA enfowrcer na humuli sa driver ng anak mow?
Annabelle: Basta ang anak ku, walang kasalanan! He was the victims here! Wala akong message sa MMDA dung! Piro may minsahi lang ako dun sa maliit na batang si Xyriel Manabat dung! Huuuuuy! Hende ka pa man sekat day! Sinwirti ka lang sa 100 Gays to Hivin day! Piro, mas sekat pa rin ang anak kung si Rechard day! ‘Yun lang dung! Ibalek ku na dong ang mikrupunu at kamira kay Michael Pahada.
Michael: Fajatin po Tita.
Annabelle: Huwag mu kung tawaging Tita dung! Hindi kita pamangkin!
Mike: Maraming salamat Michael Fajatin… live mula sa MMDA sa Lungsod ng Makati.

[Title Card: Suma-Survey!]

Ted: Bago ko ibigay ang Suma-Survey question ngayong gabi, ‘wag kalimutan ang tampok sa aking programang “Failon: Now Na!” – ang inirereklamong mga fish cages diyan sa Talisay, Batangas. Akalain n’yo yun! Hindi pala mga Pinoy ang owner ng daan-daang illegal fish cages diyan sa Taal Lake kundi mga Chinese nationals! Plano nga raw ng mga residente ng Talisay na mag-file ng diplomatic protest sa China na inaakusahan nila ng territorial incursion. Pangamba ng mga residente, baka bukas o makalawa ay angkinin na rin ng mga Intsik ang lawa!


May exclusive interview din tayo sa isang bangus na himalang nakaligtas sa fish kill. Talaga naman pong makapanindig-balahibo ang kaniyang mga rebelasyon. Sa maniwala kayo’t sa hindi, ibinunyag ng nakaligtas na bangus na nagsasalita raw hindi ng Tagalog, kundi Mandarin ang isang grupo ng fingerlings sa pinanggalingan niyang fish cage! Malaking isyu ito kapag nagkataon! Kaya’t huwag na huwag n’yong palalampasin bukas nang hapon ang “Failon: Now Na!”

Buweno, narito na ang survey question natin ngayong gabi! Sa inyong palagay, magkakaasawa kaya ang pangulo bago matapos ang kanyang termino?
A. Wish Ko Lang!
B. Depende sa gusto ni Kris.
C. Thank you for that wonderful question Sir. Good evening ladies and gentlemen. Good evening Las Vegas!
D. ‘Yong malaswaaa! Ang gusto kong pakialaman n’yo ‘yong malaswaaa!

To vote, type: Matanda (space) Binata (space) Your Answer (space) Address (space) Signature, and send to 23666 for all networks. Kapag walang signature, hindi bibilangin ang boto. Samantala, narito naman si Tita Mel…

[Title Card: Sagip Kapusong Totoo]

Mel Tiangco: Thank you Ted. Gumuguwapo ka yata ‘no huh? Kahapon ay dumulog sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation ang isang beinte anyos na babaeng itatago na lamang natin sa pangalang Rosario. Medyo kakaiba ang problema ng Kapuso nating ito ano po. At upang higit nating maunawaan ang kanyang pinagdadaanan, minabuti nating kausapin nang live ngayong gabi si Rosario. Paalala lamang sa mga viewers, medyo maselan po ang isyung ating tatalakayin kaya’t ipinapayo namin sa mga magulang na gabayan ang inyong mga anak sa panonood. Magandang gabi Rosario…

Rosario: Good evening naman po Tita Mel.
Mel: Ikaw na ang magkwento iha. Ano ba ang problema mo at paano ka namin matutulungan?
Rosario: Kapapanganak ko lang po last March Tita Mel. Two months old po ‘yong baby ko last May 30. Gusto po ng ama ng baby ko na sundan kaagad ito.
Mel: Pambihira naman pala ‘no! Matanong ko lang, nasaan ba ang ama ng baby mo?
Rosario: Busy po eh. May misa.
Mel: Ano?
Rosario: Pari po ang ama ng baby ko.
Mel: Por diyos por santo! Pari ang ama ng baby mo?!? Pambihira ‘no?
Rosario: Bakit po? Anong nakakagulat do’n Tita Mel? Matagal nang uso ‘yon. Heller!
Mel: ‘Tapos gusto na namang masundan??? Pambihira!
Rosario: ‘Yon po ang problema ko Tita. Anti-RH bill po siya. Tuwing magtatalik kami, ayaw n’yang gumamit ng condom. Wala daw po sa Bible ‘yon!
Mel: Pambihira ‘no?! Mahirap nga ‘yang pinasok mo iha. Masyadong personal ang iyong problema! Anong tulong ang kailangan mo sa aming istasyon?
Rosario: Blackmail po.
Mel: Blackmail? Pambihira! Anong blackmail?
Rosario: Ganito po ‘yon Tita Mel. (To camera) Babe! Ayaw kong gawin ‘to… dahil, in fairness, mahal naman kita! Pero mapilit ka eh. Kapag ‘di ka pa nag-condom mamayang gabi, mapipilitan akong ibunyag ang pangalan mo at ang parokyang pinaglilingkuran mo! ‘Yon lang!
Mel: Aba’y maganda nga ‘yang naisip mo iha! Pambihira ‘no?
Rosario: Salamat po sa tulong Tita Mel.

[Title Card: Star Chika Minute Patrol]


GretchenF: Magandang gabi mga Kapamilya, narito na ang ating balitang showbiz…
Pia G: Chikaaaaa Minute! Mga Kapuso, tutukan n’yo ang mainit na panayam ni Nelson Canlas kay…
GretchenF: Teka lang! Nauna akong pumasok dito ah!
Pia G: Paanong ‘di ka mauuna eh binalya mo ako papasok sa studio. Balyenang flirt!
GretchenF: Excuuuuuse me! Hindi ako balyena! ‘Tsaka mas sikat ang aming mga artista!
Pia G: Excuse me too! Walaaaaaa kaming artista at all! ‘Di n’yo kaya ‘yon! May showbiz segment kami pero wala kaming artista! Fine! Mauna ka na!

GretchenF: Mga Kapamilya… kapapasok pa lang ng balitang ito: Piolo Pascual at KC Concepcion… break na raw?
Pia G: Hahhahah! Pinaglololoko n’yo ang mga viewers n’yo!
GretchenF: Tumahimik ka d’yan kung ayaw mong paglapitin ko ang mga mata mo!
Pia G: Whatever!
GretchenF: As I was saying mga Kapamilya, malakas ang bulung-bulungan na hiwalay na nga raw sina KC at Papa Piolo. Nagpapatrol… Mario Dumaual.

Mario: Apat na buwan matapos umaming “sila na,” kumalat kanina ang tsismis na break na raw sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Magugunitang naging kontrobersyal ang ginawang pag-amin ng dalawa noong Enero sa “The Buzz.” Sa katunayan, sa isinagawang joint survey ng SWS at Pulse Asia from March 5 to 10, lumabas na 99.95 percent ng mga Pilipino ang nagsabing “Etchos lang” ang relasyon ng dalawa samantalang .05 percent naman ang sumagot na, “Waley!” Ang natitirang .01 percent ay nagsabing, “Wehhh?” Tumanggi munang magbigay ng pahayag sina KC at Piolo hangga’t hindi natatapos ang kanilang kontrata sa isang brand ng canned tuna at isang brand ng berdeng tsaa. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino!

[Last Segment: Free For All Chikahan]

Kabayan: Uy, balita ko babalik na sa puwesto si Virginia Torres ng LTO. Ang lakas niya pala talaga sa pangulo. Dalawang buwang suspendido pero and’yan pa rin sa puwesto.
Mike: Alam mow Kabayan, ibinalita namin sa 24Oras last week, nakakagamowt daw ng cancer ang mga tuko!
Korina: Ibig n’yo bang sabihin, cancer-free ang mga tao sa LTO kasi may tuko do’n?
Ted: Ikaw ang nagsabi niyan! Pero ayon nga sa tweet ni Kumareng Lynda Jumilla, the Balay and Samar blocs are passé. Ang namamayagpag daw ngayon: ang paksyong SB: Shooting Buddies!
Mel: Oo nga ‘no?! Pambihirahh!

[Extro]

Ted: At ‘yan po ang mga balitang aming nakalap sa mas malawak na pagpapatrol!
Mel: Mga balitang aming tinutukan sa nakalipas na 24 Oras. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala!
Korina: Kami ang mga Patrol ng Pilipino… hanggang bukas!
Mike: Ito po ang GMA walang kinikilingan, walang pinuprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lang. At dahil hindi natutulog ang mga balita, nakatut…
Noli: Tama naaaaa! Ang haba-haba ng extro n’yo! OT na tayo! Magandang gabi bayan!

[Closing Credits]

-The End-
———————————————————————
“Evening news is where they begin with ‘Good evening’ and then proceed to tell you why it isn’t.”
~Anonymous

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

About these ads

Actions

Information

60 responses

5 06 2011
ling

More Pia G. vs. Gretchen F., please?!?!?!?!?!?!

5 06 2011
Joey in Dbuai

Bwaaahhhaaaaa! Habey na habey! Galeng!

5 06 2011
danny

…pwede nman plng mag-co-exist ang mga kapamilya at kapuso e.

…tigilan na ang mga surveys na iyan pra wala nang napipilitang magsinungaling at wala nang naloloko.

5 06 2011
D.A.

Ang adik lang ni Korina, bitter kay Binay. Hahaha!

5 06 2011
hansie

Ang kulit mo PH.
Hehehe.

5 06 2011
yeonci

Magswap na lang kaya sila ng frequency channel, no?

5 06 2011
Lynda Jumilla

panalo! ikaw lang, heckler, ang pwedeng gumawa nito!

5 06 2011
Pongster

paano naman ang kapatid network? baka magalit si MVP.

6 06 2011
professionalheckler

may problema ang TV ko. dunno why ang labo ng TV5. huwaaaa!

6 06 2011
etchosera

Bwahahahahaha!

Palusot ang PH! Ayaw mo lang talaga!

6 06 2011
senior60

conspicuously absent, in alphabetical order ha,

sina anon at paul, hmmm sabay nag hibernate?

nagkataon lang? teka muna, something fishy here

6 06 2011
anon

glad you missed me – abroad for weekend – but not with paul!

am now busy complaining about the sh&t hole they call clark airport and their exhorbitant fees which clearly dont go into repairs or refurbishment but someones pocket. personal gripe over. lim should spend less time on ridiculous logos and clean up his act, or better still get fired. visit malaysia and you see how airports should be organised and run.

normal service will be resumed.

7 06 2011
senior60

yes, i do miss friends and enemies alike hahaha

and what does lim got to do with airports

why stop operation while abroad, internet connection
is everywhere

7 06 2011
anon

@senior60
alberto lim, tourism, airports, image.

sailing and scuba diving so no underwater connection – and didnt want any bad news to affect my good mood.

7 06 2011
etchosera - nagtatanong lang po

si koya Eddi, di mo nami-miss?

8 06 2011
Anonymous

ahhh the good life

well i know lim is the tourism secretary but is he also
responsible of the airports? i mean, its renovations,
improvements?

8 06 2011
senior60

ahhh the good life

8 06 2011
senior60

matagal na akong nanawagan kay eddi, but no reply, however,
however talaga, the other day ba yun, nag comment sya once,
hindi na lang ako nag reply at baka nagmamadali yun, baka busy
sa pahuhukay ng yaman…

6 06 2011
senior60

pambihira ka naman mister heckler, ni hindi mo man lang pinatapos

ng kanyang extro si mike, halimbawa si lynda jumilla, alam kaya nya

ang tatapusin na sana ni mike na “nakatut…”

6 06 2011
senior60

whatever mister heckler, kahit kinaawaawa mo sina mike,

mel at pia, na understandable dahil kapamilya ka, pero inuna

mo naman kanilang pictures, malaking bagay na din yun

7 06 2011
etchosera

anetch anetch na naman itong imong ginahambal, Senior?

parang wan my nose wan na naman, dibala?

Jaena Kuh!

8 06 2011
hikatalomato

amo guid! pamatyag ko, gaulianon na si senior. hahaha

8 06 2011
senior60

pambihira, hindi mo naintindihan? ikaw pa? na hindi lang
magaling sa etchosan kundi pati na rin sa comprehension?
read again please so that you will see the beauty of it hehe

8 06 2011
etchosera

Naku Senior, pati pala si Hikata eh nakakahalata na?

Gaulianon ka na raw? Tinuod man?

9 06 2011
senior60

ay naku hikata, pati pala ikaw hindi nakaintindi sa post ko,

you know people, am disappointed with you two, baka gusto

ninyo englisen ko pa hehe joke ang hirap kaya…

ang malinaw, hindi pa ako ulyanin, kayo ang hindi naka-intindi

6 06 2011
Ginalyn Mendoza

pinasaya mo ang malungkot kong mga araw dito sa Saudi, PH. salamat ng marami :)

6 06 2011
professionalheckler

shukran! :-)

6 06 2011
William

hahaha this is cool :)

6 06 2011
flor cano

so far my favorite! two thumbs up!

6 06 2011
als85

yes daug ang Heat!!!!!!!!!

6 06 2011
kizzo

PLZZZ! Piolo & KC is just another Carmina Villaroel & Rustum Padilla REDUX!!!

6 06 2011
anon

p.s.
glad to see ph as hardworking and as funny haha as ever
and p-noy as lazy and funny peculiar as ever.
some things dont change, and no decisions get taken.
a dose of civilisation and culture has mellowed me, for today.

7 06 2011
senior60

you’ve certainly mellowed this past few weeks and now

you’re laughing, great

6 06 2011
Sheenah Tan

Hahaha! Bitter talaga si Koring kay Binay! Panalo talaga yung fishkill. Pwedeka nang magsulat ng script para sa mga ‘to!

6 06 2011
professionalheckler

i am still trying to persuade the BANGUS survivor to grant me an exclusive interview. kaya lang, masyadong malaki ang hinihinging TF. :-)

7 06 2011
danny

…patulan muna Prof. PH. habang may natitira pa sa mga lahi nila bk tommorrow might be too late. pra nman malaman ng buong sambayanan kung ano b tlga ang nangyari.

…request ko lng pakisabi na humingi kamo sila ng tip sa mga baga ni Pnoy next time pra maging resilient din sila.

6 06 2011
azeroth

ala talagang kwenta si pinoy. yang si assec torres ay walang silbing under secretary, bakit? sinisira nya ang relasyon ng gobyerno at private sectors. isa syang oportunista at mahina ang utak nya sa pamamalakad. wala yang magagwa, bakit? yung fixers nga sa gate ng lto di nya maalis ano pa kaya nyang gawin?

6 06 2011
Eneoeemei

Hahaha!!!! Sana nga magkatotoo! Wishful thinking! More of GF vs PG pls! Gracias!

6 06 2011
big george

is that really you Ms. Jumilla? Pls greet me sa SRO… :-)

6 06 2011
professionalheckler

siya ‘yan! :-)

6 06 2011
Maxlip

Nice Post, PH! Funny as always.

6 06 2011
Pongster

gretchen fullido, the brooklyn decker of the philippines?

7 06 2011
etchosera

Stop stop me huh?

Place lung!

7 06 2011
D

ang saya!salamat ulit PH!

7 06 2011
jinky

funny!

7 06 2011
Zalds

Panalo Prof. Heckler! ang galing mo as always.. ;)

7 06 2011
Centrino

Single pa ba si Gretchen Fullido?

8 06 2011
hikatalomato

she is already engaged to my left hand

7 06 2011
Rommel Cortez

It is disappointing to see on location newscasters, reading from their cellphones during news delivery. I am a subscriber to GMA Pinoy TV here in Dubai and everytime I see newscasters doing it (on 24 Oras), I cannot avoid thinking how some newscasters have very poor memorization capabilities? Haven’t any of the top level officials of this multi-awarded (locally & internationally) news network taken notice of this? Is this also being done in ABS-CBN? You might be wondering why I am writing this to you, I know you will find a more articulate and a very amusing way to bring this to the attention of the concerned and I hope that they will heed.

Thanks for the perpetual amusement. Keep it up.

8 06 2011
etchosera avoids TFC and GMA Pinoy TV

just avoid thinking about it na lang Koya…

eh kung diyaryo kaya mismo ang binabasa nila during news delivery, will you also avoid thinking again?

9 06 2011
senior60

my say, maybe it all depends upon the situation, i mean, if the
news is just short they will memorize it but not with the long ones…

even in tv programs, anything that the hosts say are all from the
idiot boards..

and i’m sure this is true with the other channels also..

7 06 2011
elleica

galing ever! kuhang kuha ang mga accents ng bawat isa sa newscaster.. At dapat mawala na ang surveys..dapat gaya nlng sa gma na pulso ng bayan.. :)

8 06 2011
Anonymous

You call that news?!..it is PURE GARBAGE!!!

8 06 2011
professionalheckler

Thank you for reading “pure garbage!” :-)

8 06 2011
etchosera

Aylaykette! Wetogu PH!

11 06 2011
the piaya

lol! pure garbage gid ya? galing ng accents, kuhang kuha!

10 06 2011
Momel

Wahaha, ang galing!

29 06 2011
Anonymous

wahahaha

17 05 2012
superangge

Winner ang bangus na himalang nakaligtas sa fish kill :)

12 12 2013
Coach Dee

Hindi ko nabasa yung

“PINAKA-THE BEST”, “PINAKA-HIGHEST” AT “MAS BETTER” lines ng ABS-CBN news anchors.

PH, gawan mo naman ng story to, PINAKA-THE BEST ka naman e. hihi

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,041 other followers

%d bloggers like this: