IKAW NA NGA!

10 04 2011

“NITONG MGA NAKARAANG ARAW, marami pong tumitira sa akin lalo na sa Twitter. Nanahimik lang ako. Pero hindi ko na talaga kaya ang ginagawa nila sa akin. Sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Agot Isidro, Bianca Gonzales, K Brosas, Tuesday Vargas, Mylene Dizon, Thia Megia, Maria Aragon at ang buong Talent Center ng ABS-CBN… lahat sila nakikisawsaw po sa isyu! Bakit? Ano ba ang nagawa n’yo para sa sambayanang Pilipino? Ano ba ang naitulong n’yo sa ating mga kababayan?

Subukan n’yong lumabas sa gate at mamigay ng pera sa mahihirap, sa special children, sa matatanda, at sa mga nangangailangan! ‘Yan ang dapat n’yong gawin, hindi ‘yong tira kayo nang tira, at Twitter kayo nang Twitter, mga walang career!

Ikaw Jim Paredes, matagal mo na akong tinitira. Sa Friendster pa lang tinitira mo na ako. Get elected first as barangay captain, then let’s talk. Ikaw naman Lea Salonga, Ingles ka nang Ingles! Akala mo ba ‘di ko naiintindihan ang mga tweets mo!? Nagkakamali ka! Dalawa ang dictionary ko sa bahay! At ikaw Tuesday Vargas! Kapatid mo ‘ko, huwag mo akong tirahin. For your information, sa aking show galing ang ipinapasuweldo sa ‘yo! And you, Aiza Seguerra! Hindi ka magkakaanak, tandaan mo ‘yan! Pagdating ng panahon, mauunawaan mo ako! And finally, ikaw Maria Aragon, ‘di ba exploitation ang ginagawa sa ‘yo? Kumakanta kang kasama si Lady Gaga na nakapanty at nakabra lang! Sino ngayon ang nang-aabuso?

‘Yang DSWD at Commission on Human Rights, hinusgahan agad nila ako! Napakaraming dapat asikasuhin pero ako ang tanging nakita nila. Ikaw Secretary Soliman, maraming street children sa streets! Unahin mo sila! At ‘yang highlights mo, ‘di na uso ‘yan!

Sa Human Rights commissioner, maraming OFWs po ang nakakulong! Asikasuhin n’yo muna ang mga kababayan nating tulad ni Ronald Singson bago n’yo ‘ko tirahin!

Pinag-iinitan n’yo ba ako dahil si Vetellano Acosta ang sinuportahan ko noong eleksyon? I will stick with him dahil amusing siya!

Kayong lahat na tumira sa akin, hahanapin ko ang mga tweets n’yo! Kahit wala akong Twitter, hahanapin ko pa rin! Idi-demanda ko kayo! Humanda kayo! Idi-demanda ko kayo!

Aaminin ko, ilang advertisers na rin ang nag-pull out ng kanilang commercials. Masakit po ang ginawa nila. ‘Yang Mang Inasal na ‘yan, napakasama ng asal! Nang-iiwan sa ere. ‘Yong Procter & Gamble, sobrang personal ng sulat n’yo. Pati hair and make up ko, pinapakialaman n’yo. Wala naman akong hinangad kundi ang magpasaya ah. Hindi po ako nang-abuso o nang-molestya. Nasa edad na ‘yong mga seksing dancers! Pumayag sila! At ‘yong mahigit pitumpung namatay sa Ultra, hindi ko kasalanan ‘yon! Kasalanan ng ABS-CBN ‘yon! Gusto nila ng ratings, ayun, tumaas ang ratings ng newscast nila.

Sa ABS-CBN, alam n’yong totoo ang sinasabi ko! Hindi ako natatakot sa inyong demanda. Marami akong lalabas na witness. Kay Mr. M, Johnny Manahan, salamat sa ‘di mo pagtalikod sa akin. Lipat ka na kasi rito! Tara na!

Kay MVP, you’re the best! Maraming salamat sa iyong suporta. Akala ko noong una, iiwan mo rin ako dahil sa pressure ng Inquirer, ng mga columnists, civil society, at ng mayayamang tao sa Twitter at Facebook. Pero mali ang aking akala. Surprisingly, suportado mo pa rin ako hanggang ngayon. Apir!

Magpapahinga po muna ako sa susunod na dalawang linggo. Dadalhin ko muna ang yate ko sa Boracay. Pag-iisipan ko pa kung babalik ako sa industriyang ito.

Ipagdasal po ninyo na sana ay makabalik ako at ang ating programa dahil kung hindi… sinong mamimigay sa inyo ng pera? Sinong mamumudmod sa inyo ng papremyo? Sinong tutulong sa mahihirap? Sinong magpapasaya sa mga nalulungkot? Sinong magpapakain sa mga nagugutom? Sinong magtatanggol sa mga walang laban? Sino ang pag-asa ng sambayanan?

Ako lang.

Maraming salamat po sa inyong suporta!”


ACCORDING TO PAGASA, summer will officially start this week. No wonder, Mikey Arroyo and Willie Revillame have been feeling the heat.

Willing Willie
Willie Revillame delivered a 25-minute speech Friday night. He blasted his critics and blamed the previous network for his woes and other unfavorable developments. And President Aquino was like, “Sus! Gaya-gaya ka naman eh.”

While some of his sick and poor fanatics shed tears, Willie Revillame announced on television that he’d go on a two-week break. Rosa Rosal can’t wait to get her job back.


TV host Willie Revillame is taking a two-week break from television. TV5 can now remove the “Parental Guidance” sign on the TV screen.

Willie Revillame said if advertisers would continue to abandon his show, he’d seek the help of network president Ray Espinosa and network boss Manny V. Pangilinan, “even if we lose profit.” To which MVP said, “Bawiin mo ‘yan!”

Willie Revillame delivered a 25-minute speech last Friday evening. The opposition described the speech as lacking in substance as it failed to tackle land reform, economic goals, and foreign policy.


Embattled Ombudsmen
The good news: In the wake of complaints and criticisms hurled against him, Deputy Ombudsman Mark Jalandoni has reportedly quit his post. The bad news: He told his supporters that he’s just taking a two-week break “upang pag-isipan kung babalik pa ako sa industriyang ito.”

Two weeks ago, President Aquino fired Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III. Last week, Deputy Ombudsman Mark Jalandoni resigned. These developments have prompted Ombudsman Merceditas Gutierrez to stay saying, “The captain must not abandon a sinking ship.”

Aquino’s Lovelife
According to a Newsbreak report, President Aquino and stockbroker Len Lopez have stopped dating. Sought for comment, Kris Aquino said, “No reaction.” Palace spokespersons said, “No comment.” Shalani Soledad said, “No surprise!”


MY UNIMPEACHABLE SOURCE IN SINGAPORE has identified Sabrina Chua of Channel News Asia as the new apple of the eye of President Noynoy Aquino. Is this true Mr. President? Good luck then.


Hungry Filipinos
The latest Social Weather Stations survey showed that 51 percent of Filipinos considered themselves poor. The rest were in denial.

Modernong Talasalitaan
Makabagong kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Ang kahulugan ay maaaring madagdagan, mabawasan, o maiba depende sa mga susunod na pangyayari.

1. Political harassment: Kapag ‘di ka nakabayad ng tamang buwis sa pamahalaan
Halimbawa: “Uy Congressman! Totoo bang kinasuhan ka ng tax evasion?”
“Nooo! Hindi tax evasion ‘yon! Political harassment ‘yon!”

2. “I invoke my right against self incrimination.”
: Guilty as hell. Nagsisinungaling. Nagpapalusot.
Halimbawa: “General, ikaw ba ang last na gumamit ng CR na hindi nag-flush?” “Your honor, I would like to invoke my right against self incrimination.”

3. Reseta: Nauusong instrumento upang makontrol ang pagbebenta at pamamahagi ng kahit ano na lang. Wala lang. Trip lang.
Halimbawa: “Ale, pabili nga ng load.” “Load? Kuha ka muna ng reseta.”
—————————————
“Avoid having your ego so close to your position that when your position falls, your ego goes with it.”
~Colin Powell

You Have Spoken
Sa pagsasampa ng BIR ng kasong tax evasion sa mag-asawang Mikey at Angela Arroyo, your take:
- Dapat lang! 66.79%
– Gumaganti lang! 23.1%
– Aalamin ko muna ang detalye. 10.11%

Try sharing this on Facebook and Twitter by clicking here (if it would work): Add to FaceBookAdd to Twitter

If not, copy this URL and paste it manually on your Facebook/Twitter status.
>> Updated: http://www.professionalheckler.wordpress.com

Follow me on Twitter if you have time. Right click here.

About these ads

Actions

Information

119 responses

10 04 2011
anon

Who might have said

I love the poor. They make me rich but i wouldnt want them as my friends, live next door to them,or give them a lift in my sports car.’
Willing willie
manny pacquio
Mikey arroyo
Kris aquino
All of the above

10 04 2011
anon

nice post
and nice cartoon of willie on the beach for his 2 week holiday checking his bank statement with his yacht in the background.
his girls just out of cartoon shot.
shalani – run. will do you or your political career no good.
just like aquinos promises to you

10 04 2011
anon

new wailing willie products
aftershave – ‘ stinking rich’
condo – the money pit
record – ‘ MONEY, MONEY, MONEY’ abba
watch – ‘ time is money – mine’

10 04 2011
anon

aquino’s lovelife

len lopez – ‘ surprise to me. we were nevet dating to start with’

10 04 2011
dan

@puppy:

ikaw na nga, ikaw ngayon, ikaw pa rin… hanggang ngayon…
…ang nagka-capitalize sa kahirapan ng mga dukha para ka yumaman.

10 04 2011
anon

marie antoinette – ‘ let them eat cake’
willie r – ‘ let them eat jollibee’

10 04 2011
anon

willie willie vowed that despite his 2 week break he will continue to support the poor.
he will wave to them from 1 of his 2 lamborghinis as he speeds past and puts the air freshener on high, thanking his lucky stars that the filipino people are gullible enough to think he can sing.

10 04 2011
anon

lea salonga is going to be a member of the condom police. she may burst into your bedroom at anytime.
can’t wait

10 04 2011
etchosera

Pati pala pagbili ng load, kelangan na ng reseta!

Bwahahahahahahaha!

Wala ka talagang kakupas kupas PH!

Pwede bang pasa load mo na lang ako?

10 04 2011
wh3ng

Love reading ur blogs and tweets =)

10 04 2011
khanto

like. repost ko sa FB!! panalo talaga!

10 04 2011
oman

BEST blog in months!

10 04 2011
Jake

Sapul!! Nice work.

10 04 2011
Caloycoy

My bro askd me,”If someone not Willie did dt 2 Janjan exactly d way it is, will people still overreact?”

I just shrugged and said. “I can’t tell.”

11 04 2011
reayanez

been asking the same question here,,

11 04 2011
promdi

people are just fed-up, guys; ano? willie na naman? di na ba nadadala ‘yan? siya na naman? ano na naman ‘yan?!! remember one Filipino idiom… kapag puno na ang salop…? in his case now, hasn’t the rice bin had good enough? or is it gonna be another one of replays… on an undying series of “dumbing down” Pinoy audience, to quote artist Monique Wilson?

10 04 2011
PrinsesaHailie

Can I make a comment? Wala akong reseta, eh. :p

Siya na lang. Siya na lang talaga. Award the speech.

10 04 2011
amateur heckler

willie, pakilala mo naman ako sa kaibigan mong si ad hominem.

10 04 2011
DEL

A well funded spin by the abs cbn. They can’t win against him in court, now they got the opportunity and they grabbed it. I don’t like Willy but i hate the lopez spinners more. Pag kumampi si mvp kay willy, magsisisi ang mga lopezes. MVP is eating like a pacman now, meralco, NLEX operation and Maynilad are some of the lopez firm he bought. He’ll be eating more of their businesses. Watch out!

10 04 2011
omega

You’re right, it’s very clear that the whole thing is a spin.

11 04 2011
reayanez

I agree w/ u there..

12 04 2011
etchosera

You guys have been watching too many movies!

12 04 2011
als85

tamahhhhhhhhhhhh!!!

24 04 2011
Janjan

Nah! Lots of people don’t like abs-cbn either but still abhor Revillame’s misguided antics. You can’t give abs-cbn any credit for his latest blunder; he did it all on his own.

10 04 2011
kalokah

kahapon ko pa to inaabangan.
enjoy ur two week vacation ha?

10 04 2011
qwertyatty

– “Willie Revillame said if advertisers would continue to abandon his show, he’d seek the help of network president Ray Espinosa and network boss Manny V. Pangilinan, “even if we lose profit.” To which MVP said, “Bawiin mo ‘yan!”

Hahaha! Sila rin pala eh! Hahaha!

— “Ale, pabili nga ng load.” “Load? Kuha ka muna ng reseta.”

Bumalik kay Ale: “Ale, may generic po bang load? Para makamura daw po ako, sabi ni Doc.”

10 04 2011
givemetravelfunds

LOL. reseta sa load???!!! very, very funny.

10 04 2011
cRISBERT cUALTEROS

Ayos!

10 04 2011
Anonymous

funny! but bianca’s surname is actually spelled with both z, gonzalez it is. ;-)

10 04 2011
Maxlip

great post, ph!
Keep on heckling!

10 04 2011
Pongster

abs cbn v willie is akin to choosing between the lesser of two evils and the two alternatives are identical twin children of the devil.

11 04 2011
senior60

after all has been said and done, dito sa latest issue against
willie, kay willie ako…

uuyyy eddi, nasaan ka na, long time no read, ano masasabi mo
dito…

11 04 2011
pasingit

haaay… salamat naman po at di kayo nakisakay sa “popular sentiment” o a bandwagon ng mga self-righteous willie crucifiers and demonizers.

i actually HATED willie before this crucifixion happened.
but since i tend to pity the underdog — and loathe those who like to picture the world in black and white (like penot) — , hayan tuloy….

sasama na ako sa team mo, senyor!!

IBAGSAK ANG MGA OROCAN!!! IBAGSAK ANG MGA TUPPERWARE!!!

12 04 2011
Paul

If Willie gave money to the poor, he is better than the Cojuangcos who lived off on the poor, stole their land, massacred those who protested and claimed that they restored democracy in the country.

12 04 2011
senior60

uuyyy pareho pala tayo pasingit, ako din, gusto ko mo
side sa mga underdog…

ako naman, hindi ko naman hate si willie, hindi ko lang
siya gusto, pero sa isyung ito regarding sa bata nga, sa
kanya ako kampi…

problema natin ngayon, kahit ibagsak natin mga orocan
at tupperware parang useless din dahil mahirap silang
mabasag hehehe

12 04 2011
hikatalomato

di na po uso ang tupperware ngayon. lock & lock na.

13 04 2011
senior60

aayyy hindi ko kilala si lock & lock hikata

11 04 2011
phreddox

sasabayan kita senior60 sa iyong panawagan –

eddi wherefor art thou eddi!
aymeshooooo!

13 04 2011
senior60

naku sigurado matutuwa si eddi phreddox dahil

not one but two ang naghahanap sa kanya

15 04 2011
pasingit

but wait…. there’s more!!!!
not one, not two…. but THREE (me)!!!

call now!!!… and we’ll thrown in a fourth!

11 04 2011
senior60

noynoy and sabrina, long distance love affair?

11 04 2011
anon

ph is on the ball

long distance textmate – perfect relationship for p-noy

no money for dates
no need for intimacy
can fantasise he has girlfriend

11 04 2011
promdi

haha! perfect! fine excuse for being what he is… hindi nga halata!

12 04 2011
anon

ph – newshound and even malacanang involved!

i will release the sabrina texts courtesy of binay for worldwide domination enterprises

ph says yes. malacanang says no.
i know who i believe.

read the texts. explosive

11 04 2011
bag hag

Willie is so arrogant! Whatever happened to just saying sorry? A simple apology would’ve done it. He’s turning out to be a major turn-off.

11 04 2011
senior60

hungry filipinos….i, personally, my heart goes out to them,
dito sa bahay, hindi maiiwasan, kadalasan may matitirang
pagkain na magiging kaning baboy na lang, madalas kung
masabi na, kung may mabibigyan lang sana tayong available
na mga taong katulad ng nasa mga bangketa na nanlilimahid
sa gutom, hindi sana masayang ang tiratira natin…

13 04 2011
etchosera

mawalang galang na po Senior…. pero ano po ba ang hitsura ng nanlilimahid sa gutom?

Nanlilimahid sa dumi o sa putik, keri ko pero….. sa gutom?

Please elaborate in one word only.

14 04 2011
senior60

answer: masaya

pero seriously etchosera, nakita mo ba news sa tv na nagtatalakay
exactly tungkol sa sinabi ko about sa mga nasasayang na mga
pagkain na magiging kaning baboy na lang? imagine, ayon daw sa
mga pananaliksik, it can feed around 4 million ba yun filipinos?
imagine? sayang na sayang talaga…

11 04 2011
kim

OI GAGO TONG NAGSULAT NITO MALI MALI UNG SINASABE! MISINFORMATION YAN MAHIYA KA. WRITER KA WALA KA MAN LANG KREDIBILIDAD!.
WAG ETO ANG BASAHIN NINYO!
UNG MISMONG VIDEO AGN PANUORIN NINYO!
MALI MALI ANG SINASABE DITO!

11 04 2011
professionalheckler

i will approve this comment if only to let other readers know the mindset of some revillame supporters. btw, if you’re a first time reader here, thanks for dropping by. apparently, you do not understand the nature of this blog. palalampasin ko ang pangga-GAGO mo. ‘yong susunod, hindi na. good luck!

11 04 2011
marksphere

Mr PH, mukhang hindi kampi kay Willie ang “gagong” ito. Notice the following lines:
“WAG ETO ANG BASAHIN NINYO!
UNG MISMONG VIDEO AGN PANUORIN NINYO!”

I think a Willie supporter would not want the video played over and over again. View ko lang naman po

11 04 2011
melyss

hahahhahaa.. ang tao nga naman.. lost in transit ka, kim… wake up!!!

11 04 2011
diane

hahahaha! this really made my day!
willie did not apologize, siya kaya sau? hehe

11 04 2011
dan

@prof. PH,

…please don’t let them ruin ur blog. sanitize them.

…iyang mind-set n iyan ang mga hindi nakapag-iisip na s konting perang inililimos sa kanila ni puppy who is capitalizing on their poverty, e milyon2 naman ang balik sa bulsa ng maaskad na host na un.

11 04 2011
pasingit

@kim: halatang hindi ka regular reader ni PH.
para sa iyong kabatiran, i’ll explain it to you like you’re a 5-year-old kid:

ito ay nakakatuwang paglalatag ng mga balita o kakatwang pagtingin sa mga isyu sa ating bansa.

okey?

saka nga pala….

HUWAG KANG SISIGAAAAAAWWW!!! ok?

11 04 2011
rojan88

nagpapapansin lang yan idol, para magreply ka sa kanya. hehehe

11 04 2011
Jane

Spot on.

11 04 2011
promdi

censya na… ph, nadaan lang ‘yan habang nautusang bumiili ng suka! he he he.

12 04 2011
hikatalomato

@promdi

parang si penoy. nautusang bumili ng tampon ni kris, naging presidente na nang bumalik.

12 04 2011
Maxlip

Intindihin mo nalang yan PH. Marami yatang relatives si Carmen Pedrosa.

11 04 2011
TOMADOR

@Kim

bago ka man lang sana nag react ng ganyan…tinignan mo sanang mabuti ang intensyon ng blog na ito…parang mang asar at magpatawa

tama lang nag pull out ang advertisers sa show na yan..walang kwenta naman talaga.. pweh!

12 04 2011
senior60

pweh ka dyan hahaha hello to you…

11 04 2011
Sheila

hahahahahahahahaha.

kaya nga heckler di bah?

11 04 2011
phreddox

OHMAYBETCHABYGULAYWAW!!!

Kim ikaw ay clueless. Ang advice ko sayo – backread sa blog.

Makakatulong din itong sumusunod. Punta ka sa doctor at humingi ka ng reseta para makabili ka ng Webster’s Dictionary sa National Bookstore. Pakatapos punta ka sa S section ng libro, hanapin mo meaning of the words na “satire” at saka “spoof”. Then atras ka ng konti, punta ka na rin sa section ng H at hanapin mo yung “humor” and “heckling”. Since nandun ka rin lang malapit sa I hanapin mo rin yung meaning ng “irony”.

Ngayon malinaw na sayo na you are jumping the gun and prematurely ejaculating.

Kung kredibilidad ang hanap mo, wala sa kalingkingan ng writer dito ang kredibilidad ng iyong sinsanto.

12 04 2011
anon

kim
r u one of willie’s dancers.
if so, could you send me a photo

12 04 2011
karaangbugoy

Ako rin, bigyan mo rin ako!

12 04 2011
letter form hell

hahahaha…..nkakatawa k kim…. or should i pity u?

12 04 2011
omega

Carmen Pedrosa, kaw ba yan?

11 04 2011
kim

ABOUT SA WILLING WILLIE TINUTUKOY KO!

11 04 2011
Baidu

magbasa ka muna ng mga previous post ni ph… bago ka mag inarte jan..

11 04 2011
senior60

hahaha balak mo pang lumusot ha, ano, naka ka ba?

11 04 2011
kenshin

@kim, this is a humor blog
at nakakatawa ang comment mo! :)

11 04 2011
paykuli

pare (or mare), just drop this… baka ka mabalugbog…hehehe… hindi pa nagigising mga maton dito… bahala ka…you had been warned…. dati, look before you leap… dito kay ph, leap before you look, lalo’t ibinuka mo na bibig mo… malangaw dito… masuotan yang pagnganga mo….hindi ka pa naman nag-listerine…. dapuin yan, ikaw din……hehehe..

11 04 2011
etec boy!!!

hoy .. di ka bagay dito…. babaw ng pag iisip mo….

11 04 2011
Anonymous

di mo alam pinagsasabi mo,manahimik ka na lang…

11 04 2011
pasingit

i don’t like willie revillame one bit….
but i hate more what the hypocrites are doing to this non-issue.
eto lang po masasabi ko sa inyo…
MAGPAKATOTOO NGA KAYO!!!!
child abuse my foot!
two words for you: GOING BULILIT!!!

11 04 2011
bradfeet

agree ! they should also look into children doing adult jokes and skits..

11 04 2011
promdi

ok. try watching ‘going bulilit’ over abs-cbn sunday night… why is everybody silent for so long? o baka naman walang rating…., as in walang nanonood?!

12 04 2011
omega

Right. And as DEL said above, this is a spin job. It’s all business.

11 04 2011
fatboyrunning

Ikaw na! Ikaw na ang kasama sa idedemanda for “altering” his litany. Hehehe.

This made my day! Keep it up, Sir.

11 04 2011
binoy

previous articles described deputy ombudsman jalandoni as gutierrez’s right hand man. he is said to be the one controlling the processing of cases at the OMB – i.e., which ones continue, which ones get ‘stalled’, which ones get thrown out.
he is also the first one to jump ship…. laglagan na!!!!

11 04 2011
hikatalomato

Q: how to make a flippino zombie?

A: keep him uneducated and hungry

11 04 2011
hikatalomato

the scene between maria oragon ang lady gaga is more sickening compare to what happened to that boy in willing willie. hay, flippino nga naman, kahit na nakatira sa isang highly civilized country like canada, nag-aasal nitibo parin. and that goes to the parents of maria oragon.

encyclopedia dramatica should provide additional description to flippinos:
“there’s no such thing as child exploitation in flippino culture. actually, flippinos requires their children to work as soon as they came out from the womb.

11 04 2011
madam auring

i <3 PH

11 04 2011
nonamer

ALAM NA! Alam n’yo ba kung sino ang nasa likod ng pagpull-out ng mga ads sa Willing-Willie! Walang iba kundi ang Malacanang, particularly ang former Kapamilya broadcaster / communications secretary Ricky Carandang – whose mother, Dra. Honey Carandang is a psychologist from Miriam College! In fact, Dr. Honey Carandang is going to lead a Commission on Human Rights Meeting tomorrow about the Jan-Jan case! Imagine that- using the powers of Malakanyang for the sake of network war!

11 04 2011
phreddox

magkakambal kayo ni anon!

12 04 2011
senior60

hindi naman siguro , na si ricky ang nasasa likod ng pag
pull-out ng mga ads sa show ni willie dahil matagaltagal
na ang pag pull-out before his mother’s coming out tomorrow..

ang masasabi ko, makisawsaw si mother sa issue…

11 04 2011
migs_abc

@kim
satire blog ito at hindi entertainment blog. Ikaw ang nagmukhang gagn.

11 04 2011
Anonymous

pls don’t comment in english people..
” KIM’ WILL NOT UNDERSTAND!

12 04 2011
nong

kim.. wala ka sa hulog…iba ang level di2….matulog ka na lang b coz major major ang mga intel ng blogrs d2..go go.go..ph

12 04 2011
azeroth

natawa nmn ako. d naman ako pro willie, pero naisip ko lang may ganyan din naman sa ibang channels db? yung kagat labi ba pag sinayaw ng bata masagwa rin naman po db? pag iba gumawa nyan di naman pinapansin.

dun naman sa banat ni willie natawa ko nung binanatan nya si aiza seguerra. >:)

12 04 2011
hikatalomato

how to scare-out sponsors of exploitative tv shows

steps:
1. wear a t-shirt with a phrase “THIS PRODUCT SUPPORTS CHILD EXPLOITATION” printed in bold letters;
2. go to store where the products is being sold;
3. have yourself pictured while holding or using the product as a backdrop. don’t forget to wear your silly grin;
4. create a bogus account on facebook/failblog. or much better email the picture to competitors;
5. upload the pictures. if you don’t want to be recognized, you can always alter your face before uploading.

12 04 2011
kim

ok pasensya sa nasabi kong “GAGO”
my bad..
pero sana kung humor blog to dapat makikita to nang mabilisan agad sa site mo
para hnd mamisinterpret ang mga nagbabasa dito.
internet to…
lahat pwede makabasa
aakalain ng mga bagong nagbabasa na totoo ung nakasulat dito dahil
wala namang nakalagay na malinaw na “humor blog” ang blog mo.

12 04 2011
professionalheckler

i rest my case…

12 04 2011
Anonymous

Hahahaha

12 04 2011
rojan88

hala ang kulit pala ng bungo nitong si kim. nakalagay na nga sa title Heckler, baka di nya alam ibig sabihin nun. tsk tsk. kakatawa talga,sinisi mo pa si idol, ano gusto mo, maglagay pa sya sa heading ng “HUMOR BLOG ITO”. tsk tsk. tatawa na nga lang ako, ito naman talga intensyon ng blog na to eh, patawanin at pasayahin tayo.

12 04 2011
omega

palusot ka pa… Ba’t di ka nalang mag i am shorry, ba’t kailangan pa talagang mag explain? mali mali pa rin naman yung reasoning mo.

12 04 2011
anon

kim
by all means have your opinion but the world is not black and white. open your mind and let other colours in.
do not prejudge. listen and learn. that is one of lifes skills.
hope you keep reading and contributing and learning. that is how change takes place.

12 04 2011
autumn

all i can say is….
lol!

12 04 2011
karaangbugoy

@kim

Tingnan nyo po ang URL ng blog na ito:

http://professionalheckler.wordpress.com/

That says it all po.

13 04 2011
kim

google kasi ginamit ko. kaya hindi ko nadaanan yan

24 04 2011
Janjan

@Kim,
Professional Heckler, kim. HECKLER. Check its meaning in the dictionary.

12 04 2011
Paul

Nobody should be called “gago” no matter how lacking in intelligence or emphathy like the President of the Philippines. You can call him though by another name

15 04 2011
pasingit

I agree, idol Paul!!!
We shouldn’t call the president of the Philippines “gago”
we should call him….”gaga”!

lol

13 04 2011
pasingit

to quote etchosera:

Jaena Kuh!!!

or my version,
High na Ko!!!

13 04 2011
etchosera

Bilib ako sayo Ate Kim! Galing ng strategy mo!

Biglang sikat ka agad dito sa blog ni PH!

Claf claf claf!

12 04 2011
Romeo.

Natawa naman ako kay Kim. At talagang nangagalaiti pa sa galit. Lols.

12 04 2011
OHEMGEE!

Kim.. Kim… Kim…

Please read the title of this blog… and please read before giving out comments.

Ikaw na nga! aha ha ha! You’re so funny tlaga!

12 04 2011
DEL

yung reader mo na yun PH, di alam pinapasukan. dun pa lang sa teaser mo sa title, halatado ng humor blog to. Di kaya member to ng three headed monster sa malacanang? yung mga dada ng dada na di vineverify ang mga sinasabi? Baka si Lacierda yun, hahaha.

Sa willy issue naman, Metropacific companies are spending more than 1B on advertising. almost half of it is cornered by ABS. Pasensya na sa lopez pag nagpull-out pldt sa ABS, hahaha.

12 04 2011
Alimpuyu

Next entry: PH interviews ‘Kim’ :)

12 04 2011
checkmate

nyahaha sorry sir ph, mas natawa ako sa kulet ng mga comments ni sir/maam kim ^^

gusto ko talaga makita kung pano magtatapos ung dramang kinasangkutan ni sir willie r. nahahawa na ata ako, dami-daming issue na dapat unahin, gaya ng hacienda luisita, ung mga senate hearing na wala pang nakakasuhan, tapos pati eto parang gusto pang iakyat sa senado, parang sobra naman ata…

13 04 2011
ovalboy

okay okay…. nag sorry na si Kim… i-welcome na natin sya as new member. Mag-oath taking sya sa harap ni Senior 60. Si etchosera ang magbibigay ng introduction. Si hikatalomato ang prayer.

13 04 2011
ovalgirl

At pagkatapos si ovalboy ang mag-initiate ng hazing.

13 04 2011
senior60

uuyyyy ovalboy kumusta ka na, long time no read but now read now
hahaha saan ka ba nagpupunta at ngayon ka lang napasyal ulit, sana
for good na ha..

at good choice mo si hikata na magbigay ng prayer dahil hindi siya
catholic at ang ibang denomination mga magagaling sa mga prayer
prayer…

si etchosera, yes, bagay din sa kanya yang mga intoductionintroduction..

sa akin wrong ka, hindi ako bagay dyan, may i recommend anon or
promdi and esa, sila ang mga matitinik..

nga pala hikata, akala ko ba wala kang kahilighilig sa mga chicks
pero kakilala mo si tampon, huwag mong sabihin si mother dear mo
ang naguutos sa iyo..

13 04 2011
sydney

kuda kc ng kuda d muna nagchecheck eh, d na hismas masan k ngaun.next tym wag mag mumura agad,bad yan

13 04 2011
senior60

palusot ka talaga kim, bakit sabi mo, willing willie ang

tinutukoy mo, ano ngayon, di bugbog sarado inabot mo

13 04 2011
kim

ahh wala nga black eye e, anu ka joke?

16 04 2011
lee

welcam 2 da pold Kim…. jejeje

13 04 2011
etchosera

ip ay no, lahat naman tayo nagpapalusot pag nako-corner, di ba?

kaya……Enap! Enap! Tama na yan Senior! Wag nang dagdagan pa!

Nagsorry na si ate kim… enap na yun! Magpakabait na po tayo.

KUYUGIN SI WILLIE!
WAG TITIGILAN SI WILLIE!

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 114,040 other followers

%d bloggers like this: