TOUGH LUCK

7 04 2011


SUMMER NA! Bakasyon na ang mga estudyante. Malapit na rin ang Holy Week. Dahil d’yan, maging ang mga bituing gumagabay sa mga pulitiko at taong-gobyerno ay nasa vacation mode na rin. Pero bago sila mag-break, narito muna ang kanilang payo at babala sa ilang personalidad sa lipunan.

President Noynoy Aquino
Birth: February 8, 1960
Sign: Aquarius

Sa pag-ibig: Huwag ituring na setback ang latest heartbreak. Sanayan lang ‘yan. May ibang babae para sa ‘yo. Ang problema nga lang: baka hindi ikaw ang lalaki para sa kanila. Bahala na.

Sa kalusugan: Ayaw ka naming takutin pero ayon sa pag-aaral, ang average smoker ay umaabot lamang sa edad na 69. Hindi pa huli ang lahat. Tigilan mo na ‘yan.

Sa trabaho: Paramdam ka pa nang konti. Lagi na lang si Binay eh.

Lucky Tip of the Day: Huwag hayaang makawala ang suwerte. Isara ang bibig kapag ‘di naman nagsasalita.

Vice President Jejomar Binay
Birth: November 11, 1942
Sign: Scorpio

Sa pamilya: So far, so good. Lahat ng sinimulan mo sa Makati City, ipinagpapatuloy ng iyong unico ijo. And when we say lahat, we mean lahat! Tuloy ang maliligayang araw.

Sa trabaho: Umanin ka! You are so enjoying this. Ikaw na ang maging bida sa balita araw-araw! Nangangamoy 2016 na!

Sen. Panfilo Lacson
Birth: June 1, 1948
Sign: Gemini

Sa kalusugan: Tataas ang blood pressure mo. Hinay-hinay lang sa pagkain ng adobo’t embotido.

Sa trabaho: Tama ang desisyon mong tanggihan ang alok ng isang giant network na mag-host ng isang cooking show. Hindi kasi ito magri-rate.

Sa pamilya: Isang teen actor ang magki-claim na ikaw ang tatay niya. Huwag maniwala sa kanya. Hindi mo siya anak. Ewan ko lang ‘yong kapatid niya.

Ombudsman Merceditas Gutierrez
Birth: Unknown
Sign: Delikado!

Sa pag-ibig: Itigil ang ilusyong crush ka pa rin ni Rudy Fariñas hanggang ngayon. Hindi bagay sa ‘yo ang mag-blush. Ang sagwa eh.

Sa trabaho: Ay, meron ba? May ginagawa ka? In fairness, hindi halata.

Sa kalusugan: Habang papalapit ang iyong impeachment trial, magkakaroon ka ng insomnia. Ganyan talaga kapag ayaw patulugin ng konsensya.

Lt. General Jacinto Ligot
Birth: Won’t tell
Sign: Won’t tell

Sa kalusugan: Kakapitan ka ng isang rare disease. Ito ang tinatawag na “Kris Aquino Syndrome.” Kapag ipinatawag ka ng Senado, lahat ng pangyayari sa buhay mo, mabaho man o mabango ay isisiwalat mo sa publiko. Panalo!

Sa trabaho: Hindi na kailangan. Sa laki ng nakamal mong salapi, mag-relax ka na lang. Kapal ng mukha lang ang kailangan.

Sa pag-ibig: Bantayan ang galaw ng iyong misis. Kilalanin ang kanyang dance instructor. Magsaliksik at alamin rin ang kahulugan ng terminong “cougar.”

Willie Revillame
Birth: January 27, 1961
Sign: Aquarius

Sa trabaho: Wala ka talagang kadala-dala. Bitbit mo pa rin sa Singko ang mga natutunan mo sa kabila. Magbago ka na!

Sa pag-ibig: Huwag nang umasa sa babaeng pinopormahan mo ngayon. Kahit langit at buwan pa ang iregalo mo d’yan, hindi ka niya magugustuhan. Manhid ka ba? Hindi ka niya type!

Manuel V. Pangilinan
PLDT Chairman

Birth: July 14, 1946
Sign: Cancer

Sa trabaho: Patuloy na mag-iingay ang ilang kongresista at kukuwestyunin ang acquisition ng PLDT Group sa Digitel/Sun Cellular. Well, dating gawi. Simulan mo na ang pagkukuwenta. Magkano ba sila?

Sa pag-ibig: Kung saan ka masaya, suportahan ta ka. Huwag intindihin ang mga tsimoso’t tsismosa. Hindi mo kasalanan kung “can afford” ka. Inggit lang sila.

Marlene Aguilar-Pollard
Birth: No records available
Sign: 1/4 Ophiucus , 3/4  Unidentifiable

Sa pagsasalita: Engaging ka. In fact, your histrionics unite people. Kapag napapanood ka nila, sama-sama at sabay-sabay silang nagmumura!

Sa pagiging ina: You’re incomparable.

Sa takbo ng pag-iisip: You’re irreparable.

AT SUMAINYO ang isa na namang edisyon ng mga hula at babala ng mga bituin. Kung nais n’yong malaman ang inyong sariling kapalaran, right click here.

German or Jewish?
The Department of Health says 90 percent of Filipino men are circumcised. The rest have partners who pretend to be happy.

Tax Evaders?
The Bureau of Internal Revenue has filed charges against Ang Galing Party-list Rep. Mikey Arroyo and wife, Angela Montenegro for their alleged failure to remit 73.85 million pesos in taxes to the government. But Mikey’s lawyer, Ruy Rondain explains the BIR should have given his client ample time to reply. After all, it’s not that easy to produce fake receipts.
————————————–
“The income tax created more criminals than any other single act of government.”
~Barry Goldwater

Photo of the Weak

Ano ang sinasabi ng babaeng nakadilaw sa larawan?
A: “Ayaaaan, ssshwak na sshwak ang bago mong pustisho! Ang saya-saya… ‘no?!”
B: “O, ‘wag kalimutan sha 2013 huh! “Arroyo sha balota… ire-elect sha Pampanga!”
C: “Hello there! You smile at me when you say hello there!”

Elsewhere
Newsbreak: It’s over for PNoy & Len

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter

Personal: Some readers have alerted me that they couldn’t post the article on Facebook and they repeatedly receive a notice that goes: “This message contains blocked content that has previously been flagged as abusive or spammy. Let us know if you think this is an error.”

Hindi ko po alam kung bakit. Pasensya na.

About these ads

Actions

Information

37 responses

7 04 2011
Anonymous

Very very funny!!!!!!!!

7 04 2011
timpaul

ehrmm…

7 04 2011
chihuahua

ph, ngayon lang ulit ako nakabisita sa website mo. you never fail to amaze me with your wit. galing mo talaga! :)

7 04 2011
rojan88

another d best post. galing mo talga idol, ikaw na, ikaw na talga. hehehe

i have a version for Merceditas:
Sa pag-ibig: Itigil ang ilusyon, wala kang panlaban kay Theresa Carlson. hehehe

Sa trabaho: magiging masipag ka ngayon…..masipag sa paghahanap ng depensa sa impeachment trial.

Sa kalusugan: makipagkita sa iyong derma, sa sobrang stress mo sa palapit na trial, dadami lalo ang iyong nunal. heheheh

http://rojan88.wordpress.com

7 04 2011
Thel from Florida

Panalo na naman, Super like ko!

7 04 2011
lg

At sino naman si Derrick Monasterio?

9 04 2011
Reply

Anak ng dating actress na si Tina Monasterio; nasa GMA sya ngayon.

7 04 2011
Pongster

Is it true about the aborted meeting between MVP and LDC somewhere in the Bicol region?

Blind item on Sino? by Arnold de Clavio and MCE.

9 04 2011
Anonymous

Sino naman si LDC?

9 04 2011
Reply

Sino si LDC?

12 04 2011
pasingit

si Leonardo DiCaprio ba yan?

7 04 2011
PrinsesaHailie

You had me laughing like crazy with the fortunes…especially Marlene’s. LOL. Thumbs up.

And yeah, golden: “The Department of Health says 90 percent of Filipino men are circumcised. The rest have partners who pretend to be happy.”

8 04 2011
paykuli

Additional caption: “Dyon’t worhi…the dentisht patterned dishh to the contour of my gumsh ‘no. You will look jushht like me”.

8 04 2011
TOUGH LUCK « The Professional Heckler | Pnoy Talks

[...] more from the original source: TOUGH LUCK « The Professional Heckler This entry was posted in Kris and tagged ang-tinatawag, aquino, hindi, kapag, kris, mabaho-man, [...]

8 04 2011
Anonymous

dapat may hula rin para sa iyo PH.sa pag-ibig dahil isa ka pa ring single hanggang ngayon makakahanap ka ng iyong partner na isang gemini na may pekeng ilong.pekeng boobs.pekeng balakang, pekeng pwet at pekeng kulay ng balat!may bonus pa yan meron din syang konting aning-aning lam mo na.dahil puro sya peke mauubos ang sweldo mo sa pag maintain ng beauty nya.dahil sa hula na ito mag dadalawang isip ka pwede ka rin sa isang aquarius o kaya libra yun nga lang may konting aning din gaya mo lol!

8 04 2011
pasingit

“Isara ang bibig kapag ‘di naman nagsasalita.”
mwahahaha!!! dami kong tawa d2!!!

8 04 2011
qwertyatty

“But Mikey’s lawyer, Ruy Rondain explains the BIR should have given his client ample time to reply. After all, it’s not that easy to produce fake receipts.”

Hahahaha! Madaya raw, sabi mismo ng mandaraya… Tsk tsk tsk…

Gimik lang daw ni PNoy yung pagsampa ng kaso sa kanya? Sus! Gimik lang din ang pagsasabing inaapi siya…

8 04 2011
anon

P-noy ‘smitten’ with singapore reporter. Nesbreak

His predictable pattern of behaviour is becoming boring, creepy and disturbing.
Desperate and Dirty old man chooses easy victims for sham relationships.

8 04 2011
Anonymous

Panalo ang horoscope readings na ito. Galing mo talaga PH!
Horoscope for OMG, Ligot and MArlene Aguilar…..super like! :-)

8 04 2011
derdo

Tried to share this post on FB. Guess what? Got this message:
“This message contains blocked content that has previously been flagged as abusive or spammy. Let us know if you think this is an error.”

Sino kaya nag pa block sa yo? Di bale, ganyan talaga pag sikat!

8 04 2011
esa

Yes, I tried to share this in my FB account too. Same message appeared.

10 04 2011
anon

i am also finding lots of censorship. something is amiss and afoot.
clever these chinese software developers.
am serious

8 04 2011
wheatcliff

Winner ang mga horoscope readings ni PH!
Super like ko yung horoscope for OMG, LIgot and MArlene Aguilar!

“Sa pag-ibig: Itigil ang ilusyong crush ka pa rin ni Rudy Fariñas hanggang ngayon. Hindi bagay sa ‘yo ang mag-blush. Ang sagwa eh.” – halos nabuga ko ang iniinom kong kapeng barako ng mabasa ko ito.

8 04 2011
Anonymous

ha ha ha an saya

8 04 2011
senior60

si obama din kasi, gusto ibigay ang kanyang payo
once noynoy ay mag decide na to quit smoking,
aanhin pa ang kanyang payo kung gusto na ni noynoy
mag quit, parang walang sense…

8 04 2011
senior60

ay naku mister heckler, yang hugis/form/korte ni noynoy
ay ganyan na ng isilang kaya mamamatay syang ganyan,
medyo naka nganga ng kaunti..

8 04 2011
senior60

nakakatakot din pag si binay ang magiging presidente,

parang it will follow na susunod si doctora hanggang

kay junjun, pattern ba…

9 04 2011
etchosera

it will follow na, susunod pa?

obey first before you follow ang drama?

Ahihihihihi!

8 04 2011
anon

wailing willie releases record with manny pacquio – ‘money,money,money’

8 04 2011
anon

P-noy smitten with trisha roque, liz uy, len lopez etc etc.
51 acting like 15 year old.

Mind you i would show tessa wong or jessica cheam – straits times – round my palace anytime.

Clearly no one in philippines will say yes to him. He can try chinese reporters when he goes there. After all he is chinese.

8 04 2011
anon

‘children,children’

Aquino and arroyo swapping insults via the press.

‘you show me yours, and i’ll show you mine’

Aquino dares arroyo to show he filed tax returns.

Wouldnt be surprised if arroyo asks aquino to show porsche registration and who really bought it.

Peas in a pod.

8 04 2011
omega

Basted nanaman? huhuhu

8 04 2011
oman

Nice!

8 04 2011
xxx

Marlene Aguilar is growing on me. Though i ABSOLUTELY DO NOT AGREE with her parenting principle, it is undeniable na isa siyang luka-lukang KARAKTER! jejeje.

8 04 2011
kalokah

oo nga, naka-block nga si mr. ph.

8 04 2011
nwebber

PH, on Binay’s horoscope, hijo is spelled with an h. As in unico hijo. Di ka naman kapampangan, di ba? Hehe. No need to approve my post :-) Enjoy your weekend!

Saludos desde España!

9 04 2011
dan

@PH,

Prof, pwede b pa-interview sau si Jason Ivler? Astig kasi. Trilled lng ako s magiging conversation ninyo.

Please?

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 107,245 other followers

%d bloggers like this: