AYON SA MGA BITUIN III

13 03 2010

“Ano ang nasa dako pa roon
Bunga ng malikot na pag-iisip
Likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan
‘Di kayang ipaliwanag ngunit alam mong magaganap.”

Kung pamilyar ka sa mga linyang ito, isa lang ang ibig sabihin n’yan. Repent! Repent! Wala nang makapipigil pa sa iyong patuloy na pagtanda!

Ngunit sa ‘yo na kabilang sa Twitter, YouTube, Facebook, at Taylor Swift generation na hindi maka-relate sa mga linyang iyong binasa, makinig ka! Iyan ang OBB o Opening Billboard ng “Pinoy Thriller,” isang local horror series na ipinalabas noong Dekada Otsenta sa IBC 13. Mapapalad ang mga Pinoy na naabutan ang ganoong uri ng panoorin sa telebisyon: kakila-kilabot, kahindik-hindik, kapani-paniwala. Ngayon… wala na ang mga ganyang klaseng palabas. Kaya magpasalamat tayo kay Kris Aquino for at least trying to keep the genre alive!

So ano nga ba ang nasa dako pa roon para sa mahigit animnapung kandidato sa pagka-senador? Sino ang nagkukunwaring lingkod-bayan? Sino ang dapat nating pagtiwalaan? At sino ang tumatakbo para kumita lamang? Narito ang ilang prediksyon, puna, paalala, pulso, at pakiramdam ng mga bituin.

Paunawa: Sa sobrang init ng panahon, hindi gaanong nakalabas ang mga bituin upang basahin ang kapalaran ng lahat ng senatorial candidates. Kung ikaw ay isa sa mga kandidato at wala ang pangalan mo rito… naku! Be afraid. Be very afraid. Nararamdaman ng mga bituing malaki ang tsansang matalo ka sa darating na eleksyon.

Ngunit kung kasama naman ang iyong pangalan sa listahan ng mga hinulaan, well…
Be more afraid, ulol! Akala mo ligtas ka na sa pagkatalo? Hindeee! ‘Kapal ng mukha mo!

So narito na ang kapalaran ng mga kandidato sa pagka-senador ngayong 2010… AYON SA MGA BITUIN.

Juan Ponce Enrile
Puwersa ng Masang Pilipino
Birth: February 14, 1924
Sign: Aquarius
Noong huling eleksyon, nangako kang pabababain mo ang singil sa kuryente. Pa-Epi-Epira chienes ka pa noon! [Kung hindi mo alam ang chienes, itanong mo kay Ka Ernie Maceda). Pero ngayon, laman na naman ng mga balita ang nakaambang power rate hike. Hindi nakakalimot ang mga bituin sa mga pangako. Ang tanda-tanda mo na, sinungaling ka pa! Peke na nga ang ambush mo noong 1972, peke pa rin ang campaign promises mo! Magsisi ka na habang may panahon pa! Baka nakakalimutan mo… otsenta’y sais ka na. Ikaw rin, sige ka…

Satur Ocampo
Bayan Muna Party List Group
Guest Candidate: Nacionalista Party
Birth: April 7, 1939
Sign: Aries
Tatanggap ka ng napakalaking campaign contribution mula sa isang organisasyong mataas ang paghanga sa ‘yo. Tatanggi kang pangalanan ang naturang grupo subalit mabubunyag naman sa media ang negosyo ng mga taong kasapi nito. Involved sila sa multimillion peso-venture na kung tawagin ay “permit to campaign.”

Gwen Pimentel
Nacionalista Party
Birth: March 28, 1961
Sign: Aries
Perfect ang timing ng iyong pagtakbo sa Senado… dahil walang kandidatong Zubiri ang apelyido. Iwasang mag-diet at panatilihing maumbok ang pisngi. Otherwise, mapapagkamalan kang si Dolly Anne Carvajal. Careful.

Jose “Joey” De Venecia III
Puwersa ng Masang Pilipino
Birth: January 1, 1964
Sign: Capricorn
Dedikasyon. Delicadeza. De Venecia. ‘Yan ang ipinapangalandakan ng iyong political ad. Nang marinig ito ng mga bituin, sila’y nahilo, sunud-sunod na nahulog mula sa kalangitan at sabay-sabay na nagsuka. Dahil d’yan, wala kang horoscope! Delicadeza mo’ng mukha mo!

Liza Maza
Gabriela Party List Group
Guest Candidate: Nacionalista Party
Birth: Sep 8, 1957
Sign: Virgo
Hindi mo na kailangan ang gabay ng mga bituin dahil masuwerte kang nilalang. Napasakamay ng mga bituin ang kopya ng iyong Statement of Assets & Liabilities and Net Worth at sila ay nabigla sa kanilang nabasa. Bakit ‘ka mo? Dahil sa lahat ng “masa,” ikaw lang ang milyonarya!

Alex Tinsay
Bangon Pilipinas
Birth: September 17, 1958
Sign: Virgo
Nagtataka ang mga bituin kung bakit hindi umangat-angat ang iyong career sa GMA7 sa kabila ng ilang dekada ng tapat, walang kinikilingan, at walang pinu-protektahang paglilingkod. Tama ang ginawa mong pagbibitiw bilang reporter ngunit mali ang desisyon mong pasukin ang pulitika. Matatalo ka. Bago pa man ito mangyari, ihanda na ang iyong Curriculum Vitaé at maglakip ng apat na 1×1 ID pictures (whole body). Maraming opening sa TV5.


Brig. Gen. Danilo Lim: Liberal Party/ Birth: June 2, 1955/ Sign: Gemini
Ret. Major Gen. Jovito Palparan Jr.: Independent/Birth: Sept. 11, 1950/Sign: Virgo
Col. Ariel Querubin: Nacionalista Party/Birth: March 28, 1956/Sign: Aries
Malabo ang nakikita ng mga bituin sa kandidatura n’yong tatlo ngayong Mayo. May dalawang heneral na sa Senado, sina Biazon at Lacson; may koronel, si Gringo, at may tenyente na rin dito, si Trillanes. Hindi pa handa ang publiko sa pagkakaroon ng ASP – ang Armed Senate of the Philippines.

Pahabol na tanong kay Col. Querubin (titigan ang larawan): Gusto mo bang gumawa ng batas o maglaba?

Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nacionalista Party
Birth: September 13, 1957
Sign: Virgo
Dahil sa pag-uumpugan ng dalawang magkaaway na planeta sa ilalim ng signos na Virgo, dalawang magkasalungat na pangyayari sa iyong buhay ang nakikita ng mga bituin: Kapag nanalo si Manuel Villar, papayag siyang ipadala ang bangkay ng iyong ama sa isang lugar kasama ang magigiting nating mga bayani. Ngunit kung si Noynoy Aquino naman ang mananalo, ipapadala niya ang bangkay ng iyong ama sa isang lugar kasama ang mga iniidolong Hollywood celebrities – ang Madame Tussauds.

Imelda Papin
Kilusang Bagong Lipunan
Birth: January 26, 1956
Sign: Aquarius
“Well, well, well (sabi nga ni Melanie Marquez) Look do we have here!” For the nth time, nararamdaman ng mga bituin ang pagkamatay ng iyong political career. Utang na loob, huwag mo na itong buhayin. Panahon na upang magbabang-luksa at magmove-on.

Adel Tamano
Nacionalista Party
Birth: October 2, 1970
Sign: Libra
Hindi makakatulong sa iyong kampanya ang endorsement ni Vicki Belo at ng klinika nito. Hindi bilib ang publiko sa endorser na “kaplastikan” ang negosyo. Malaki ang posibilidad na matalo ka sa eleksyon. Huwag mawalan ng pag-asa. Tatanghalin naman bilang “Breakthrough Performance by a Politician” ang iyong acting sa Outlast Battery commercial. Dapat… start agad!

Francisco “Kit” Tatad
GAFD/Gabaybayan
Birth: October 4, 1939
Sign: Libra
Basahin ang hula kay Imelda Papin. Hindi kayo nagkakalayo ng kapalaran.

Jinggoy Estrada
Puwersa ng Masang Pilipino
Birth: January 23, 1963
Sign: Aquarius
Kalimutan ang ilusyong magiging “presidential son” kang muli. Magkakaroon lamang ‘yan ng katuparan kung mangyayari ang alinman sa sumusunod: Una, magpapaampon ka legally either kay Noynoy o kay Villar. [Pumili ka na lang ng mas katanggap-tanggap na pangalan: Jinggoy Aquino o Jinggoy Villar; pero malamang na mas piliin mo ang Aquino dahil hindi mo “feel” ang initials na JV.] At pangalawa, kung ‘yung mahigit sampung milyong tanga noong 1998 ay tanga pa rin makalipas ang 12 years.

Teofisto “TG” Guingona III
Liberal Party
Birth: April 19, 1959
Sign: Aries
May good news at bad news ang mga bituin sa ‘yo. Ang bad news: Ha-huntingin ka ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA (pronounced as pee-ta; hindi Peta at lalong hindi Fita!] dahil sa kalupitan mo sa hayup. Hindi nila nagustuhan ang pambubugbog mo sa tatlong buwaya sa iyong political ad. Ipinapayo ng mga bituin na gumamit ka na lang ng totoong buwaya sa iyong patalastas: mahigit 200 ang iyong pagpipilian… wala pa d’yan ang party list reps. At ang good news: Patuloy na tataas ang iyong ratings sa survey. Sa wakas, unti-unti na ring nagbubunga ang iyong pagiging balimbing.

Gilbert Remulla
Nacionalista Party
Birth: September 5, 1970
Sign: Virgo
Noon: May Chiz Escudero si Joseph Estrada.
Ngayon: Si Manny Villar, may Gilbert Remulla.
Ikaw ‘yon, kid!
May banggaang magaganap sa pagitan ng iyong planeta at ng planeta ng isang pulitikong itatago na lang natin sa pangalang Jambz. Dahil dito, lalala ang inyong away ngayong 2010. Mapipikon siya kapag sinigawan mo siya ng, “Akala mo walang nakakaalam ng tunay mong katauhan? Akala mo lang wala! Pero meron! meron!” Ngunit gaganti siya. Kukuryentehin ka niya. Quits lang.

Ramon “Bong” Revilla Jr.
Lakas-Kampi-CMD
Guest Candidate: PMP, NP
Birth: September 25, 1966
Sign: Libra
Bata ka pa lang ay kakaiba ka nang mag-isip. Nakipag-away ka sa isa mong guro dahil ipinagpilitan mong ang “Libra” ay “feminine form” ng “libro.” Huwag ituloy ang planong pagsasampa ng kaso sa mga taong nagpost at nagrepost ng “Bong Revilla Audio Scandal” sa Internet. Panindigan mo na lang ang mga sinabi mo. Tanga ka kasi. Next time na magbibitiw ka ng ganung klaseng pananalita, make sure na may ganito ka munang warning sa iyong mga supporters, “Put@ng-i#a n’yo, off the record to huh!”

Vicente “Tito” Sotto III
Nationalist People’s Coalition
Birth: August 24, 1948
Sign: Virgo
Masaya ang mga bituin sa mabilis na pag-angat ng iyong ranking sa mga surveys. Naguguluhan lang sila kapag nag-iikot ka sa mga lalawigan upang mangampanya. Ano ba talagang partido ang sa iyo’y sumusuporta? NPC o Eat Bulaga? May ibabahagi nga palang trivia tungkol sa ‘yo ang mga bituin. Noong 1992 ay nanguna ka sa senatorial race. Ngunit sa lalawigan ng Batanes ay wala ka man lamang sa Top 24. Ang ibinigay na dahilan ng mga political analysts? Mahina ang TV reception ng “Eat Bulaga” sa naturang lalawigan. Now you know.

Rey Langit
Lakas-Kampi-CMD
Birth: September 20, 1948
Sign: Virgo
Kung malalim mag-isip ang bigatin mong mga kalaban, hindi ka dapat mainggit. Malalim naman ang iyong boses, Pareng Rey! Ngunit nababahala ang mga bituin sa mga balitang sangkot ka raw sa smuggling, Pareng Rey. Dahil diyan, matatalo ka sa halalan Pareng Rey. Babalik ka sa telebisyon at ilulunsad ang isang programang lalo pang magpapayaman sa ‘yo. Ang titulo nito: “Kasangga Mo ang Customs!”

Sergio Osmeña III
PMP/Liberal Party
Birth: December 13, 1943
Sign: Sagittarius
Windang na windang ang mga bituin sa mga pinaggagagawa mo lately. Sumapi ka sa Liberal Party nang mamatay si Cory Aquino. Nag-alsa balutan ka naman nang lumipat doon si Recto. Makaraan ang ilang buwan, bumalik ka uli sa partido at nabigyan pa ng puwesto. Magpalit ka na lang kaya ng apelyido? How about… Trapo? Sergio Trapo.

Ralph Recto
Liberal Party
Birth: January 11, 1964
Sign: Capricorn
Kung hindi dahil sa isang “package deal,” wala ka sa Partido Liberal! Ipakita ang pasasalamat sa iyong misis. For a change, huwag magtungo sa Pegasus this weekend.

Miriam Defensor-Santiago
People’s Reform Party
Guest Candidate: PMP, NP, Lakas-Kampi-CMD
Birth: June 15, 1945
Sign: Gemini
Isa kang illegal logger sa ‘yong past life kaya’t ganun na lang katindi ang galit mo sa mga “puno.” May kaguluhan ang mga planetang gumagabay sa ‘mga tulad mong Gemini ngayong taong 2010. Kambal-kambal na gusot at away ang iyong kakasangkutan. Hindi mo kakayanin ang mga pagsubok. Ikakaloka mo ito!

Franklin Drilon
Liberal Party
Birth: November 28, 1945
Sign: Sagittarius
Positibo ang nararamdamang vibes ng mga bituin sa iyong re-election bid. Kasinlaki ng tiyan mo ang tsansa mong magwagi. Kapag nangangampanya, mahalagang kontrolin ang iyong emosyon upang hindi mapaaway. Huwag patulan ang mga tambay na lalapit sa ‘yo at sasabihan kang: “Kumusta ka na Juana Change?”

Rissa Hontiveros
Liberal Party
Birth: February 24, 1966
Sign: Pisces
Isa kang mahusay na talk show host. Palaging pinapanood ng mga bituin ang programa mong “Strictly Politics” sa ANC. Dahil sa iyong weekly television exposure, malaki ang tsansa mong makapasok sa Magic 12. Curious nga lang ang mga bituin: bakit “Pia” ang gamit mong pangalan sa show at hindi “Rissa? At bakit ka pinapayagan ng Comelec na mag-programa gayong campaign period na? Again, nagtatanong lang ang mga bituin.

Pia Cayetano
Nacionalista Party
Birth: March 22, 1966
Sign: Aries
Iwasan ang isang kapwa senador na lagi kang tinitira in public. Ang totoo niyan, gusto ka niyang tirahin in private. Clue: Babae siya.

Erratum: Sa sobrang pagod ng mga bituin matapos hulaan ang mahigit dalawampung senatorial candidates, napagkamalan nilang IISA sina Pia at Rissa Hontiveros. The two ladies are, in fact, sisters. On behalf of the stars and the planets, our sincerest apologies.

AND FINALLY…

Manuel “Lito” Lapid
Lakas-Kampi-CMD
Birth: October 25, 1955
Sign: Scorpio
Some people drank from the fountain of knowledge. You just gargled. ‘Sensya na. Sobrang tired na talaga ang mga bituin. Sa susunod na eleksyon ka na lang nila huhulaan. Promise.

————-
“A national political campaign is better than the best circus ever heard of, with a mass baptism and a couple of hangings thrown in.”
~H. L. Mencken

Survey Says
On Ruffa’s “The Buzz” walk out and Kris Aquino. Your take:
Kasalanan ni Kris! 22%
OA si Ruffa! 25%
Isang malaking ka-cheapan! Tigilan! 52%

We have a new survey. Please vote now.

Enjoy your weekend!

Photos were taken from the candidates’ Facebook accounts.

About these ads

Actions

Information

97 responses

13 03 2010
rian

nice one heckler. :) i-tackle mo ba ang party list? wahahahaha! joke lang, suicide yun.

13 03 2010
eufems

Sabagay. Eto palang 20 something out of 50 or 60 yun pa kayang 180?

Tirahin mo na lang ang 1-AABA, 1-AA, 1-AAA, at AAAAAAAAAAAAAA!!!!

13 03 2010
jay pe

:)

13 03 2010
marshee

waaaaahahaha!! grabe ang dami kong nasagap na chismis dito ah!!

nakakaloka yung sa tatlong sundalo: Armed Senate of the Philippines -> PANALO!

PH napaghahalataan ata ang bet nating mga senador ah heehee :)

“Kung malalim mag-isip ang bigatin mong mga kalaban, hindi ka dapat mainggit. Malalim naman ang iyong boses, Pareng Rey!” –> haha oo nga naman!

*ang gwapo padin talaga nito ni bongbong marcos noh. LOL. :p

and of course!! ang pinakahihintay ng lahat! si lito lapid! si lito lapid na iminumog lang ang fountain of knowledge! hahaha.

AND may i just say, nakakatawa yung survey, halos lahat ang prediction ay KO si manny pacquiao this sunday. hindi ko alam kung talaga bang prediction ng tao yan o kumbaga e “for a change” naman kase palaging panalo. haha :P

13 03 2010
jaype

i’ve chosen pcaquiao via ko thinking that the question is who’s going to win.

13 03 2010
Pepi

Rizza Hontiveros and Pia Hontiveros are 2 different people. They are sisters though. That’s the reason why Pia still has her show airing since she is not running for any public office.

13 03 2010
professionalheckler

hahaha! i knew it. may mabibiktima ang hulang ‘yon. apparently, hindi mo nabasa nang maayos ang buong post. re-read it.

13 03 2010
topdog

hahaha, disguise lang… super super, bow na bow na ako !

13 03 2010
FreeSince09

MABUHAY SI LIZA MAZA AT SATUR OCAMPO (Shameless plug parang kay K)

KABATAAN SA PL !!!!

13 03 2010
nor

1st

13 03 2010
senior60

hahahaha wala lang, inunahan ko lang si topdog,
hello to you…

ang katotohanan nyan, gusto ko lang sabihin na,
ang galing, wala kang kasinggaling mister heckler
sa panghuhula/pangookray, hats off to you….

13 03 2010
jharfe

funny but with a LOT of sense! I’ll surely have a nice weekend.

keep it up!

13 03 2010
ovalboy

PH, kung pagsasamasamahin ang mga boboto kay Villar, Estrada, at Gibo Teodoro lalabas na dumami pa ang mga ubod ng tanga sa Pilipinas !!!
We deserve the country we are in. It will take another 100 years bago matupad ang pangarap ni Rizal.

13 03 2010
eufems

CHIZ FOR senate PRESIDENT!!!

Mahirap na, baka magka-failure of elections

13 03 2010
Belisema

mas lalong maraming tanga kong mananalo ang Pambansang Baby Sitter ng Pinas na si Noynoy!!! :D

13 03 2010
paul

Ah yun si Noynoy, kitang kita sa school record at accomplishment nya na mahina talaga ang utak

13 03 2010
chiwee

hahaha. really? tanga na pala ako kung ganoon because Noynoy is my bet, come 2010?

makes me wonder, ba’t ikaw na hindi tanga, hindi ka presidentiable?

sige nga, baka mey website ka dyan to convince me, my nieces, my peers, as well as my construction men whom i can influence whom to vote for, na ikaw pala ang mas karadapat dapat na botohin ko, walang pera pera involved?

14 03 2010
pritongbulad

top 10 yan sa Ateneo high sch…kya hindi nman ganun ka poor ang record nya…

14 03 2010
checkmate

uhm excuse po mr chiwee, kung may time po kayo baka po pwedeng basahin nyo po itong article ng gmanews ng bukas ang isipan sa katotohanan, tapos po panoorin nyo ung commercial nya nung laban ni pacquiao, eto po link :http://www.gmanews.tv/story/183662
salamat po :)
masyado palang konti ang nalalaman ko, i never thought…

17 03 2010
achan

bakit ikaw? matalino ka ba? paki post naman record mo please…. ty

13 03 2010
DEL

Mas lalo namang maraming tanga pag mas maraming bomoto kay noynoy, hahaha.

PH, puede rin mga party list na lagi sa kalsada pagtawanan natin. mas malaki pa ang mga pangalan sa plakard nila kesa dun sa sinasabi nila kung nagrarally sila sa kalsada, haha.

14 03 2010
Belisema

CHIWEE:

ikaw na ang may sabi na tanga ka dhil ibobot mo si Noynoy. problema mo na iyan!! :D :D at least kung si Noynoy ang mananalo..malaki ang malakanyang palance para gawin playground ng mga anak ni Kris na aalagaan ni Pambansang Baby Sitter :D.

tapos, maka-tipid pa ang goberno natin dhil siya mismo ang 1st lady at head ng beautification projects!!

14 03 2010
pritongbulad

i will vote for him bcoz i dnt want villar to win!

14 03 2010
eufems

Ang pagtawanan niyo yung mga ‘astig’ na babae at balut vendor na anak ng presidente. Yun ang partylist!

17 03 2010
chiwee

@ BELISIMA.

Funny ka ha. Uumpi-umpisa ka blanket generalization na “tanga” lang ang boboto key Noynoy, tapos, popomyang pomyang ka sa mismong sinabi mo dahil ibinabalik mo.

Clottey.

Funny politics. I don’t understand why people can get so personal they have to resort to attacking those who are not in line with their bets. :-)

Ang sa akin lang, kung talagang walang kwenta ang napili kong kandidato, sige nga, kumbinsihin nyo ako na mas magaling ang sa inyo, dahil hindi naman sa pagmamayabang, mey clout akong konti to convince a lot of people whom to vote for, walang pera pera involved.

15 03 2010
kwag

“If you vote based on surveys then you are nothing but part of a herd of sheep who goes wherever the rest go — even to the slaughterhouse.”

17 03 2010
Juanito Dakila

Ang hirap naman sa mga maka-Noynoy, kala mo sila lang ang righteous at matalino. Kung di ka nila kaisa, ang konklusyon nila masama ka. Sino ba ang tanga at hinde nag-iisip? Utak na ang gamitin nyo ngayon, hinde emosyon…

Sa anghang ng dila mo, malamang isa ka sa mga taong nagkukuta sa isang building sa Pasong Tamo Extn sa Makati na siya umanong factory ng kasinungalinan, panlilinlang at paninira sa pamamagitan ng text at internet, ganun din sa print media. Handang handa na talaga ang Text Brigade at Facebook ‘friends at fans’ nina Noynoy at Mar. Sige, galingan nyo pa sa pagkokondisyon ng utak ng mga tao.

FYI, guys. Andun daw kasi sa Place na yun ang MARuming, este, MARaming Bayani Foundation ni Mar samantalang ang Place din daw na yun ay pag-aari ng mga kamag-anak ni Noynoy kaya swak na swak ang lugar.

13 03 2010
Lori

“Kamusta ka na JUANA CHANGE?”

Haha galing! Come to think of it, hawig nga sila!
That’s a pretty good, nice one Heckler!

13 03 2010
Thel

Ang galing mo talaga PH! Bless your heart always!!!!!!

13 03 2010
Cris

You are so wicked!

Lito Lapid, nagmumog lang sa fountain of knowledge!!!!

13 03 2010
eufems

Bagay maging mag-asawa si Sergio Trapo at Loren Legarda :))

13 03 2010
jaype

re: survey, is it who’s gonna win or lose?

13 03 2010
OscarDelaHopia

I’m glad I visited your blog again!!
This post made my day!!… Thanks for this post… at least may mga tips na on who to vote this coming election :)

13 03 2010
jashe

so true yong kay Enrile

13 03 2010
mbw

hahahahahaha! andaming gems of wit dito, PH!!! para kang shakespeare of Pinoy political humor…talaga bang iisa kang nagsusulat nito?—meant it as a compliment, idol!

13 03 2010
Jay

Never ending lol. At least nagbigay ka ng hints kung sino ibubuto ko

13 03 2010
john stanley

riot talaga ito! you’re the best, heckler.

katulad ng mga bituin, napagod na din akong basahin ang horoscope ni lito lapid, hahaha!

13 03 2010
Belisema

Laging panalo ang post mo! Kakaloka daw sabi ni Miriam Santiago :D

13 03 2010
derdo

Wow, your post made me realize wala akong gusto kahit 1 sa kanila. won’t vote na lang siguro.

13 03 2010
Arrah Feeney

You deserve a merit. In England, a knighthood.

13 03 2010
professionalheckler

now that’s too much. a bacon mushroom melt from wendy’s will be awesome though. :)

13 03 2010
chiwee

how can i send them to you, dear Mr. PH? you deserve more than a years’ supply from me for always making my day, kidding aside.
:-)

13 03 2010
Arrah Feeney

Grabe ka, GENIUS

13 03 2010
darkcheron

Hay Luv it!!!

Wala na lang ako iboboto sa mge senatoriables dahil ayoko mag-sisi. Pag nanalo ang mga binoto nyo tapos naging basura e sa sinabi na na basura naman talaga bago pa nanalo, e wag na kayo lalabas sa kalye at mag demand na bumaba sa pwesto dahil kasalanan nyo yan eh! Ba’t nyo sya binoto in the first place!

13 03 2010
checkmate

lol kulet ng ariel poster ^^ nung napanood ko ung ad ni de venecia parang pumangit na ung kahulugan ng salitang delikadesa, kasi naman sa lahat ng pwedeng gumamit nun si de venecia pa

undecided pa rin ako sa presidential, pag si noynoy, magiging stagnant na naman pilipinas ng 6 yrs, pag si villar, parang si first gentleman as president ang labas, pag si gibo, ano ba nagawa ni gibo na may kahulugan? any suggestions guys?

13 03 2010
Mrivera

Professor Hitler, just heard this bas news:

Masamang balita!

http://www.abante.com.ph/issue/mar1310/luzon04.htm

But in my take, mas akma ang ganireng balita:

Mga BUWAYA’t SAWA, LINTA at BUWITRE, HUNYANGO’t MANDURUGAS, naglalabasan na naman dahil malapit na ang eleksiyon.

What do you think, Doktor?

13 03 2010
Mrivera

“….. this bas news:”

bad news dapat ‘yun.

Pasensiya na po. Dahil po sa bilis ng pagkaka-type ko niyan ay natikitan ako ng highway patrol. Ang kaso? Overspeeding the limit of 60wpd.

14 03 2010
ovalboy

Kaya professor hitler ang na type mo??? LOL ka din ha!!!
I am sure PR man ka ng isa sa mga biktima ni PH. Ha Ha.

13 03 2010
danton remoto

wala na akong masabi. am sure naloka ang mga kandidato sa circus, este sa senado. ang mga anak ng dating pulitiko. ang mga politikong classmate pa ni rizal. at ang mga kamag-anak ng dati nang mga pulitiko. sabi nga sa thailand, same-same.

o party list na? 1 utak? 1-abaaa? 1 na lang? Ang dami dyan tuta ng malacanang. enjoy your weekend.

13 03 2010
jongskie721

hahaha :D you did a great job here.. pwede mo nang palitan yung manghuhula sa UKG :D LOLZ with matching remember kaibigan and mga bituin ay nagsisilbing gabay lamang ang kapalaran ay nakasalalay pa rin sa iyong mga kamay. lolz

13 03 2010
jongskie721

kaya lang wala yung isang senator na iboboto ko :( lolz

13 03 2010
senior60

mas lalong mga tanga ang boboto kay noynoy, even the so-called educated, alam
ninyong hindi qualified si noynoy and yet dahil lang sa mga magulang, ipapanalo ninyo…

si kris nagpaplano na kung papaano nya
patatakbuhin ang malacanan, just the other
week, sabi nya maninirahan daw sya sa ibang bansa pag nanalo si noynoy but have a change of heart, sayang nga naman…

hahaha ang sayasaya ng mga aquinos, ginagawa na ninyo silang mga saviour of our
country, parang sila na lang ang sons of God

well well well hindi bale sana kung qualified, ang problema hindi ..

by the way, sabi ni winnie monsod, independent minded daw si noynoy ano????
mabuti at hindi tinamaan ng kidlat si winnie ng sinabi nya ito…

14 03 2010
pritongbulad

that’s a lie!

15 03 2010
kwag

who is noynoy if he’s not the son of cory and ninoy? a brother of kris? — a nuisance candidate… he can’t be congressman and senator without those names attached to him, top 6 biggest spender in senate tapos wala man lang nagawa, naku, God save the Philippines from that guy

13 03 2010
xin

as usual mr. heckler..this one’s a gem.. share lo lang link sa facebook….

13 03 2010
Broking

Hi PH,

Sa PAUNAWA mo pa lanang tawang tawa na ako! Yun namang take mo kay Satur Ocampo kahindikhindik! Mga walang kaluluwa silang lahat! Yun namang kina Joey de V at Jinggoy, talagang ubod nang tanga ang boboto sa mga ito. Buti na lang for the first time di ako makakaboto. Stressful kung sakali.
Btw…. Galing mo talaga PH!

13 03 2010
jhona

i once read, progress always involves risks; you can’t steal second base and

keep your foot on first. wag mawalan ng pag-asa sa pagboto, sayang naman

yung ipinila natin sa comelec niyan. let’s just try and try until we find the

right people. besides, kung lolokohin nila tayo, sila naman ang magkakasala.

so basically, we got nothing to lose (i mean, figuratively ha. :) ) take a risk.

but a good, reasonable one. :)

*totoo kayang si recto ang may-ari ng pegasus?? tindi ah.

13 03 2010
mae23md

i was laughing out loud and i nearly had an asthmatic attack!
natawa ako dun sa “chienes”
delicadeza, devenecia. the nerve!
that’s a great post.

libre kita ng bacon mushroom melt.pati na rin ice tea at chocolate frosty

13 03 2010
anghang21

gwen pimentel = dolly ann carvajal
frank drilon = juana change
grabe, ang galing mo! eksakto!
(hindi ba kamukha ni pia cayetano si karylle dun sa photo nya?)

13 03 2010
professionalheckler

i thought of that karylle thing. but dun lang sa photo na yun eh. sa iba, hindi. :)

13 03 2010
chumliit

panalong post ulet.. :-)

gumugulong n2man ako sa kakatawa..mas reasonable na pampalipas oras talaga ang blog na ito kaysa gumastos sa 3D movie..haha

14 03 2010
charleslemark

PH, I was waiting for this one, since Bituin II.. Thanks for the hula..

14 03 2010
melo

As always, you’re the best PH….nawindang talaga ako ke Gilbert Remulla (tsismis lang daw yun) at na-quote mo pa ang “darling of the press” forever na si Tita Melanie hahaha…now I know..kakain ako ng maraming maraming bacon mushroom melt para maging witty rin ako…God bless!!!

14 03 2010
senior60

checkmate, may i suggest, let us go for gilbert…

but muna, siguro ang gusto mong nangyari para may nagawang
makahulugan/makabuluhan si gilbert ay naging hands-on sya sa
pagsagip sa mga nasalanta noong kasagsagan ng bagyong ondoy,
lumangoy din sana, hindi naman tama yun…

pero ha dahil sya ay matalino at wala naman tayong narinig na
naging corrupt sya as defense secretary, kaya, siya na nga, as simple
as that….

14 03 2010
Lawrence_Patola

Eh yung isyu noong binibiling dalawang night capable attack helicopters, aka dragonflies? Hindi ba corruption yun? Buti na lang pinaputok ni Jess Paredes sa media, kung hindi…yari na naman ang Filipino taxpayers at pasasa na naman ang mga generals at DND high officials.

Isa lang ang requirement ko sa iboboto kong presidente: hindi nagnakaw o inaasahang hindi magnanakaw. Kung sino man ang boboto sa kilalang magnanakaw, yun ang tanga!

15 03 2010
kwag

ayoko rin sa presidenteng top 6 biggest spender sa senado tapos walang nagawa, tatamad tamad, di pwede yan!

17 03 2010
BAROK

Walang nang pag asa si Gibo…dumikit kasi kay Gloria kaya minalas. Sinumpa na ng ninong talunan pa, pero sa isang bagay lang sya wagi – kay Niki.

14 03 2010
ntgerald

Ang kapal ng mukha ng lolong senador. Grabe. I once went to Sohoton Caves National Park and the rangers there told us it was his logging firm that tried to log the forests of the park. Also, it was his firm that was responsible for logging the forests in the Sierra Madres, that led to the flash flood that devastated Real town in Quezon. I wonder if these are true.
Bakit kaya meron pang naniniwala sa kanya?

14 03 2010
paul

Totoo yan. He has been into logging since the Martial Law began. Logging permit is always part of the concession he gets for any administration in exchange for his political support. Any old-timer sa DENR Forest Office can tell you the story.

14 03 2010
anonymous

lahat ng tumatakbo sa eleksyon na to wala akong tiwala. tingin ko sa kanila power hungry, may ulterior motives, selfish, lying sons and daughetrs of Bit****. from the so called pa masa na satur at lisa all the way kena nonoy at villar, lahat bulok! how the hell did lisa masa get to even 1M pesos? ano ba ginawa niya? di ba all throughout her life ngo at etong racket sa party list lang ginawa niya. kung malinis siya dapat di ganyan SLA niya. isa lang ibig sabihin nun pinagkakitaan niya pwesto niya, just like the rest of the impaktos in office. isa pa yun party list na yan sobrang redundant. pampabigat lang sa national budget. kung tutuusin mga lobbyist groups lang naman sila, why the hell are they allowed to be part of congress? yun mga congressman they are already supposed to represent each and every person in their constituency.

14 03 2010
ranjit

My gulay PH! wala nang mapipili sa senatorial race! wala na akong iboboto nito! hehehe

14 03 2010
mavakes

PH, alam ko okray lang yung sa TV signal sa Batanes ha. But fyi, Batanes was a “channel 7 country” around that year (that’s as far as I know kasi taga dun ako) . Talaga lang di namin feel si Tito Sotto.

Super natawa ako sa – Pahabol na tanong kay Col. Querubin (titigan ang larawan): Gusto mo bang gumawa ng batas o maglaba? hhahahahahaha AT syempre kay LL.

Chienes talaga tong mga pulitikong itech.

14 03 2010
professionalheckler

that batanes thing? no, i read it from an elections-related website 8 years ago. that’s a fact daw. nasa abs-cbn pa yata ang eat bulaga that time

15 03 2010
mavakes

I see … but I believe that Eat Bulaga was already in Channel 7 then.

Thing is, marami pa kasing wise voters sa Batanes; so it’s not really a question of good or bad “eat bulaga signal” then – it’s really the qualifications of the man in question. Yun na!

17 03 2010
pongster

Kaya natalo sa batanes si Tito Sen, dahil yung kanta ng Eat Bulaga: “Mula Aparri hanggang Jolo”.

Naitsa-puwera ang Batanes. Hehe.

14 03 2010
Mrivera

Professor Hitman,

Bata pa ako ay nasa GMA7 na ‘yang Eat Baluga. Baka naman ang sinasabi mong programa ay ‘yung MTB ni Edudu Mansanitas kung saan tinigbak si Willie Revillarme dahil ipinakita ‘yung bumubukol na naninigas ng kanyang alagang panabong.

Ano ka ba talaga, Kuyang?

Kapamilya o Kanguso?

Wari ko’y galit ang mga taga Batanes sa mga ASOng sumapi sa Itim Unity ni Reyna Nunalisa. Sina Angara, Sotto at Oreta.

14 03 2010
professionalheckler

nahhhhh. before transferring to ABS-CBN, EAT BULAGA aired on RPN 9. from 9 naging 2, from 2 naging 7

15 03 2010
jaype

and maybe from gma7 to tv5

15 03 2010
mavakes

Di naman siguro lahat ng taga Batanes galit sa kanila. Basta ako personally sukang suka ako ke Dancing Queen Oreta. Si Sotto dapat maghost na lang sya. Naalala ko dati meron isang nagcomment dito years ago ng something to this effect “we Filipinos did a good job putting Tito Sotto where he belongs – Eat Bulaga!”

15 03 2010
aserobolero

bakit nung pinost ko sa facebook ko muka ni pimintel lumabas… nagmuka tuloy horror

15 03 2010
senior60

lawrence_patola, ayoko maging tanga kaya please paki
update kung ano bang nangyari sa case dahil hindi ko
ito alam, napatunayan ba na nagnakaw si gilbert at kung
yes, ay naku, sayang ang one vote ko para sa kanya…

pero ang one vote ko ay hindi ko rin ibigay kay noynoy
dahil lang sa qualification na hindi nagnakaw at hindi
inaasahang magnanakaw dahil feeling ko mas lalo akong
tanga in this situation, remember na we are voting for a
president of the republic of the philippines pagkatapos
ganyan lang qualification?

sabi pa ni winnie monsod, something like, kung pagka
eloquent speaker among other criteria lang daw, naming
of course gilbert, marami daw dyan, kaya she will go for
an honest one and nothing else matter (magkapareha kayo
lawrence ), di hamak na mas lalo na ito…

ano kaya mangyari kapag si noynoy ang presidente, pagkatapos
surrounded by many many many advisers na mas may mga
utak, hindi kaya siya ang magiging tuta?

nagkaproblema tuloy ako, ano kaya gagawin ko sa aking one
very important vote kung totoo sinabi mo lawrence, sayang…

16 03 2010
ovalboy

Huwag kang mag-alala senior60, matatalo si Noy. Magsasanib pwersa ang kampo ni Gibo at Villar. Group hug din si Erap sa kanila. So, panalo na kayo. Si Villar nga lang ang eepal bilang presidente. Panalo na ang mga boboto kay Villar, Erap at Gibo. Isang grupo yan.
Mabuhay ang Pilipinas!!!
Proof??? Inspite of Gibos low ratings eh di pa rin umaarangkada ang kanyang kampanya. Kung seryoso sya at kung ilalabas ng malakanyang ang ipinangakong pera eh dapat bugbog sarado na tayo sa TV ads nya.
Nadenggoy ka Senior60… nadenggoy ka !

15 03 2010
ling

last but never the least…LITO LAPID!

15 03 2010
grownupdengue

sobra akong naloka sa hula mo kay PIA este RISSA pala. harhar, natawa at naloka talaga ako dun. sabi ko sa sarili ko, i got you PH, sa wakas, nahanapan kita ng butas, maliit lang naman. no offense ha, natawa lang talaga ako.

labyu pareng loi (pogi)!

15 03 2010
Dr. Effal

Hahahhaha Im a fan na ng PH since last year and inaabangan ko talaga mga postings. Hahahaha natatawa ako kay Bong Revilla. nagpa-change name pa para bandang unahan ang name nya.. he changed his name to “BONG REVILLA, Ramon Jr.” And the scandal was for the last local election when Strike Revilla run for Mayor, syempre instead na sa munisipyo ang canvassing, balwarte nila ginanap. Sa “WALK-IN TRADE CENTER” na nasa harapan ng SM Bacoor. And ngayon Lani is running for congress hahahha next na daw si Jolo bwahahahhaha lahat ata gusto patakbuhin REVILLAMPATUAN???

16 03 2010
siyetehan

paborito ko ang hula kay Alex Tinsay. Walang palabok, as in: MATATALO KA!

16 03 2010
qwerty

Lito Lapid –Some people drank from the fountain of knowledge. You just gargled.
BWA HA HA HA di naman Prof….. nag sip naman sya ng kaunti (as in tiny sip) :-()

17 03 2010
Jove Francisco

sorry late. busy kaya ngayon ko lang ito nabasa. PANALO!
(mabait si alex tinsay, so sana nga magtrabaho din siya sa TV5 =) )

17 03 2010
professionalheckler

so i heard. sabi ni monchette (laraño) mabait nga raw. kunin n’yo na. :)

17 03 2010
geostat12

astig! hahaha… natawa talaga ako

17 03 2010
concon

nice!ang gling ng gmawa n2..actually wla akong alam n tsismis s mga politiko…thanks..think twice!!

17 03 2010
nobody

professionalheckler,
parang may mali sa information na nasagap tungkol kay rissa hontiveros,
ung host ng strictly politics is pia hontiveros kapatid nya si rissa hontiveros,
magkaibang tao sila..

17 03 2010
professionalheckler

THAT was part of the joke. did you read the whole post? figure it out, then come back. you’re the 2nd victim. hehe :)

17 03 2010
mommy

Nice article Ph!
Natawa ako at may Pegasus pa.
Nagulat sa Milyonaryang Masa.
Nakita ko once ang nationalistic Rissa H nanag-grocery sa Rustans kasama ang mga Ingliserang mga anak. Pero sa telebisyon ay ang ating wikang pambansa ang kanyang tanging gamit na wika.
JPE- dahil walang magawa sa pagtaas ng kuryente, ang telecom firms naman ang tinitira. Ang laki ng poster niya sa NLEX
Sa dami ng nasa listahan, parang walang mapili ni isa.

17 03 2010
achan

sa lahat na kumu-question sa katalinuhan ni Noynoy: Please lang paki post dito ang mga TOR nyo at accomplishment nyo… Dami nang matalinong namumuno sa ating bansa, pero WHERE ARE WE NOW? Wala sa pagiging topnotcher ang kaunlaran ng ating bayan kundi sa pagtutulungan at pag titiwala natin na tayo ay uunlad… mas mabuti mahina ang utak kc may nagagawa namang mabuti kaysa sobrang talino na kayang paikutin ang mga tao…

22 03 2010
kalê

hahaha! ibang level ka talaga mr. ph, panalo!
keep on coming :)

16 04 2010
tin

hahaha funny talaga mga post ni heckler.

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 116,928 other followers

%d bloggers like this: